Home / Romance / Ayeisha : Her Broken Piece / Chapter 4: She's in Coma

Share

Chapter 4: She's in Coma

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2022-12-01 14:53:40

3RD POV

NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala.

Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. 

Napapikit siya nang maalala ang nangyari.

Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente.

At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sugat sa mukha, at napag-alaman nilang dahil iyon sa asido. Mukhang binuhusan nito ang sarili bago umalis ng bahay nila. Kaya naman sobrang sakit para sa kanila na magulang nito. Isinawalang bahala nila ang anak na nalulungkot na pala nang mga panahong iyon. Dapat hindi nila iniwan ang anak baka sakaling napigilan pa nila ang nais nitong gawin.

Kaya nga wala silang ginawa kung hindi ang bantayan ito, lalo na ng asawa niya.

“Kailan kaya siya magigising, Thart?” ani ni Grazie sa asawa nang lumingon ito kay Thunder.

Hilam na naman ang luha ni Grazie nang mga oras na iyon. Araw-araw na lang ganito ito sa tuwing papasok sa silid ni Ayeisha.

“May awa ang Diyos, sweetheart. Magigising din siya. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor niya kahapon, ano mang oras ay magigising siya.”

“Sana nga, Thunder. Gusto kong bumawi sa kan’ya. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya. Wala akong kwentang ina kung gano’n. Wala ka rin naman kasing sinasabi sa akin. Alam mo namang abala ako sa mga bunso natin nang mga panahong ‘yon.”

“I’m sorry. Ayaw lang niyang mag-worry ka sa kan’ya, kaya sa akin siya naglalabas ng sama ng loob.”

“Hindi ba siya nagtatanong kung bakit hindi pa nakakabalik ang anak natin hanggang ngayon?”

Umiling ang asawa nito. 

“Hindi pa. Masyadong abala sa anak niya kaya hindi pa bumibisita sa bahay.”

“Mabuti. Ayoko na ring magkita silang muli oras na magising ang anak natin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita siya. Hindi ko pa siya kayang harapin muli. Wala siyang kasalanan pero siya ang naging dahilan. Kaya tama lang na hindi natin pinaalam sa kanila. Saka na siguro. Hindi ko na hahayaang masaktan ulit si Ayeisha. Baka hindi na niya makaya ang sunod kapag naulit,” ani ni Grazie sabay singhot.

“Ang tanong, tama ba ang ginawa natin?” ani ni Thunder sa asawa sa seryosong himig.

Saglit na natigilan si Grazie. “Naging fair tayo, Thunder, kahit na masakit. Ayoko nang pag-usapan ‘yan dito sa harap ni Ayeisha. Please lang.”

Tumango si Thunder sa asawa. Nagpaalam din  muna ito sa kan’ya na may kukunin lang sa malaking bahay.

Akmang tatayo si Grazie nang may humawak sa kamay nito. Dahan-dahang sinundan nito ng tingin ang kamay na humawak sa kan’ya.

“A-anak.” anitong hindi makapaniwala sa nakita. 

Gising na ito at nakangiti sa kan’ya pero biglang nagbago ang nakarehistro sa mukha nito.

AYEISHA’S POV

“A-ang s-sakit, M-Mom,” ani ko sa dahan-dahang himig sabay turo ko sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking sarili bakit gano’n ang nararamdaman ko. 

Kita ko ang pagpikit ni Mommy nang mga mata matapos na marinig niya ang sinabi ko. Parang nahihirapan din ito.

Nang imulat ko ang aking mata kanina, 'yon agad ang naramdaman ko, maliban sa pisngi ko na parang ang kapal dahil parang may nakadikit.

Napahawak ako sa lalamunan ko nang nahirapan akong lumunok. 

"I want water, Mom," ani ko.

"S-sandali, anak," ani ni Mommy na biglang nataranta. 

Lumapit ang ina sa kahon na naroon. Kumuha siya ng isang bote ng minerall water at bumalik sa tabi ko. Inalalayan niya akong maupo.

"Baka bawal sa 'yo ang malamig, anak, kaya ito muna ang inumin mo." Tumango ako at ibinuka ko ang aking bibig nang ilapit niya ang bunganga ng bote na may lamang tubig.

Tumingin ako kay Mommy pagkatapos kong uminom.

"A-ano po bang nangyari? B-bakit ako narito?" ani ko.

Inilinga ko rin ang aking paningin. Pamilyar ako sa silid na ito. Kinapa ko rin ang pisngi ko mayamaya. "B-bakit po sobrang bigat nang dibdib ko? At bakit po ang gaspang din ng aking pisngi, Mommy?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.

Imbes na sagutin ako ni Mommy, humagulhol lang siya sa aking harapan sabay usal ng 'I'm Sorry. 

"Ano po ba kasing nangyari?"

"H-hindi ko alam kung paano sasabihin anak." Nagbaba ng tingin si Mommy sa kamay niya at tumayo din kalaunan.

Napakunot ako ng noo nang lumapit siya sa drawer at at may kinuha doon. Inabot niya sa akin ang isang sulat– sulat ko pala. Nakita ko kasi ang pangalan ko sa harapan kasi. Galing iyon sa akin at para pala sa magulang iyon.

Dahan-dahan kong binuklat ang sulat na iyon.

"B-bago ka maaksidente, anak, iniwan mo 'yan sa amin," ani ni Mommy na hirap ang kalooban. 

Nag-angat ako ng tingin kay Mommy dahil humikbi na siya.

"I'm sorry, anak. Wala ako sa tabi mo nang mga oras na 'yon… Patawad, anak."

Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ako naglayas, pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mommy. Masakit at mabigat din kasi nararamdaman ko ngayon, at hindi ko pa rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Malapit ko ng isipin na may sakit ako sa puso.

Nagbaba ako ng tingin sa sulat na hawak ko para basahin iyon.

Hindi ko maiwasang mapatampal sa dibdib habang binabasa ang sulat ko na iniwan ko kila Mommy bago ako maaksidente. Nasa kalahatian pa lang ako, pero ramdam ko na ang pighati na nararamdaman ko noon habang sinusulat iyon. 

Hanggang sa matapos ay kapa ko ang aking dibdib dahil sa kirot at sakit.

Ang hindi ko maintindihan, bakit wala akong mabasa na pangalan na naging dahilan kung bakit ako umalis sa amin. 

Napahawak ako sa sintido ko nang pilit kong alalahanin pero sumakit lang ang aking ulo na ikinataranta na naman ni Mommy.

"S-sino ba ang tinutukoy ko dito sa sulat, Mom?" ani ko na ikinakunot niya ng noo.

"W-wala kang maalala, anak?"

Umiling ako. "H-hindi ko po maalala." 

Tinuto ni Mommy ang sarili. "Pero ako, ang Daddy, at mga kapatid mo, naaalala mo?" ani ni Mommy.

Tumango ako sa kan’ya.

"Oh, God!" bulalas ng ina ko. "Thunder!" biglang sigaw ni Mommy sabay labas ng silid na kinaroroonan ko. 

Doon lang ako nakatingin ng matagal. Pilit ko pa ring inaalala ang nawawalang alaala ko pero gano’n pa rin, sumakit lang ang ulo ko.

Kung labis akong nasaktan noon, parang tama lang na hindi ko siya maalala. Pero nandito pa rin ang kirot sa dibdib ko kaya napapikit ako.

Ilang sandali lang ay bumalik si Mommy kasama ang Daddy ko na sobrang saya ang nakarehistro sa mukha niya. Marahil dahil sa paggising ko.

Wala ang doktor ko na tumitingin sa akin kaya video call lang ang ginawa namin. Mamayang gabi pa raw ako mapupuntahan ayon sa kan'ya. Naikunsulta na rin ang aking nararamdaman maging ang pagkawala ng ilang alaala ko. At base sa aking mga sinabi sa doktor, selective amnesia ang nangyari sa akin. Ang tanging bagay na nagdulot sa akin ng masakit ang nakalimutan ko kasama ng taong iyon.

Maghapon akong nagpahinga sa silid na iyon bago pumayag ang doktor na ilipat ako.

"Sigurado ka bang 'wag na naming sabihin sa 'yo kung sino siya, anak?"  ani ni Daddy nang sumapit ang hapunan. 

Dinala na nila ako sa malaking bahay namin para doon na magpagaling. Minsan kasi may bisita sila Mommy kaya sa maliit na bahay nila ako pina-stay ng isang taon.

Inilihim pala ng magulang ko ang nangyari sa akin dahil na rin sa naiwan kong negosyo. Baka biglang mawala ang mga investor ko ayon kila Daddy. Buti na lang may mga disenyo akong naiwan sa aking draft at iyon ang paisa-isang ni-launch nila Daddy kasama ni Mommy.

Balik tayo sa sinabi ko kanina, isang taon pala akong  nakahiga sa silid na iyon. May mga medical tools na raw kasi, kaya doon na nila ako inilagay. Hindi naman daw ako iniwan ni Mommy habang nakaratay maging ni Daddy. Lagi ring bumibisita ang mga kapatid ko kapag walang pasok sa opisina at sa eskwelahan.

Binitawan ko ang kutsara ko at tumingin kay Daddy. Tanging soup lang ang nasa harapan ko nang mga sandaling iyon. Mahirap na raw baka mabigla ang aking sarili pagdating sa pagkain. Bukas pa raw pala makakabalik ang doktor ko. 

"Thart, nag-usap na tayo tungkol dito." Pabagsak na inilapag ni Mommy ang kutsara sa pinggan niya.

"Mom, Dad. Sigurado po ako. At nakapagdesisyon na rin po ako na muling magpakalayo."

"Ayeisha!" 

Magkasabay pa na sambit ng aking magulang.

Marahil hindi nila akalaing maiisip ko pa ang bagay na iyon. Sa totoo lang, maghapon ko siyang pinag-isipan. At ‘yon talaga ang sinasabi ng aking isipan, alam kong gano’n rin ang aking puso.

"Hindi ako makakapayag, anak. Sabi ko , ‘di ba, babawi ako sa 'yo. At hindi na ako aalis sa tabi mo."

Hinawakan ko ang kamay ni Mommy.

"Salamat, Mom. Pero ilang beses kong binasa ang sulat ko, at ito talaga ang nais ko, ang magpakalayo. Hanggang ngayon, ramdam ko ang sakit. Pakiramdam ko, pinipiga ang puso ko. Ang sakit-sakit po," ani ko habang humihikbi. "Please, payagan niyo po ako. Pangako, magiging safe ako this time." Kinapa ko pa ang pisngi kong may peklat na mula sa asidong binuhos ko pala noon.

Napahawak ang Daddy ko sa sintido niya. "Paano ang mukha mo? Paano natin mapapaayos 'yan kung aalis ka na naman?"

Ngumiti ako kay Daddy. "Gagamitin ko ito sa panibagong buhay ko, Dad. Bagong mukha at bagong katauhan."

"Paano kung i-bully ka ng mga tao dahil sa nangyari sa 'yo? Masakit 'yon, anak sa parte namin."

Umiling ako sa kan'ya. "Hindi naman lahat ng tao mapanghusga, Dad. Sa tingin ko naman, hindi gano'n kalupit ang mundo para sa mga kagaya ko. 'Wag po kayong mag-alala, kapag nakalimutan ko na ang sakit, ako mismo ang lalapit sa doktor para ipaayos ito. Sa ngayon, gagamitin ko ito sa panibagong buhay."

Nagpakawala nang marahas na buntong hininga ang aking ama bago tumayo. Sinundan siya ng aking ina. Alam kong hindi siya sa sang-ayon dahil nag-iisang babae lang ako na anak nila, tapos mawawala pa sa piling nila.

Ilang sandali pa ay narinig ko na silang nag-uusap. At pilit na pinapaliwanag ni Mommy, na makakabuti nga raw sa akin ang magpakalayo. Babalik din naman ako, kapag handa na akong harapin ang lahat– kahit ang lalaking kinalimutan ko.

Hindi ko kilala ang lalaking naging dahilan ng aking kabiguan, pero ramdam kong malapit lang siya sa amin, kaya gano'n na lang ang kagustuhan kong magpakalayo-layo.

AVA NAH

Daily update na po ito simula ngayon. Salamat po sa mga matiyagang nag-abang. Ava Nah / Boszbroken

| 5
Mga Comments (46)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
sna lng makalimutan mo na c king sa Buhay mo ayiesha...deserve mo mas higit sa knya,makokonsensya din yan pag nlman nya Ang nangyari sau at sisisihin nya Sarili nya,hayaan mo na sya tutal ayaw nya sau
goodnovel comment avatar
TONJOL. xpat
painful story. I can feel her pain. Thanks author talagang hinanap ko e2ng story na e2 pgkatapos ko basahin yung story ng parents nya cla Thunder at grazie
goodnovel comment avatar
rezaliza areja
nasaktan ako sa story na ito......simula pa lang haist
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 5: It hurts

    -AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa

    Huling Na-update : 2022-12-02
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 6: New Environment

    “HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 7: Aling Precing

    -KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La

    Huling Na-update : 2022-12-04
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 8: Resemblance?

    -AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag

    Huling Na-update : 2022-12-05
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 9: Shocked

    -AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala

    Huling Na-update : 2022-12-06
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 10: Worried

    AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi

    Huling Na-update : 2022-12-08
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 11: Kiss me back

    AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy

    Huling Na-update : 2022-12-10
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 12: Where is She?

    AYEISHA - KASALUKUYAN AKONG NAGHUHUGAS noon nang may humawak sa beywang ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa init ng kamay niya. “K-King,” ani ko nang malingunan siya. “Yeah, it’s me. May iba pa ba?” Sabagay, uwian na ng dalawang kasamahan ko pa. Tapos nagpapahinga na ang driver namin. Hinugasan ko lang ang ginamit ni Halina at Kalei na naiwan sa silid ng huli. “Saka tulog na ang mga bata,” dugtong niya. “M-may kailangan po ba kayo?” ani ko imbes na magkomento sa sasabihin niya. “Po na naman?” “I’m sorry. Hindi ko lang maiwasang sabihin, nasanay kasi ako dahil sa trabaho ko noon.” “Okay.” “May kailangan ka ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. “Hindi ako makatulog, e.” Bumaling ako sa kan’ya. Nakasandal na siya sa lababo. “Ipagtimpla kita ng gatas, gusto mo?” alok ko. “Sige. Pakidala na lang sa kwarto.” Sabay talikod niya. Hindi ko maiwasang magsalubong ng kilay. Nandito na, e ipapaakyat pa? Napailing tuloy ako. Binilisan ko ang paghugas at nagtimpla ng gata

    Huling Na-update : 2022-12-11

Pinakabagong kabanata

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow- Special Chapter & Teaser

    BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow: Wakas

    RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 51

    RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 50

    RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 49

    RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 48

    RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 47

    NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 46

    RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 45

    RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth

DMCA.com Protection Status