AYEISHA'S POV…
HINDI MAALIS ANG tingin ko sa wedding invitation card na nasa mesa ng Daddy ko sa library. Gusto ko lang naman kunin ang librong hinihiram ko kay Mommy, tapos 'yon ang naabutan ko?
Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ni Daddy. Ilang araw ko ng nililibang ang sarili ko dito sa bahay namin pero heto, pinapamukha na naman sa akin ng tadhana na wala na kaming pag-asa ni King. Sa susunod na araw na ang kasal, at gaganapin iyon sa tahanan nila Jena. Ang sakit-sakit sa dibdib. Kahit anong pilit ko sa sariling libangin, lagi ko lang siyang naalala. Sa puso ko, tutol ako sa kasalang iyon.
Dapat mangibang bansa ako pero hindi ako pinayagan nila Daddy. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako ng ganoon katagal. Wala kasi akong balak na dumalo sa kasal. Kahit anong pilit pa nila Daddy, ay buo na ang pasya ko, hindi ako dadalo sa kasalang iyon. Baka mamaya, sumigaw pa ako ng itigil ang kasal. Oh, God! Alam kong kaya kong gawin, pero alam kong masasaktan ang magulang ko, ayoko ring mapahiya sila.
Ilang buntonghininga pa ang pinakawalan ko bago ako tumayo at tinungo ang bookshelves kung saan naroon ang hinihiram kong libro. Pagkakuha niyon ay lumabas na ako.
Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang boses ng Mommy ko. Masaya na naman siya.
Lumapit ako sa nakaawang nilang pinto at sumilip.
"What do you think, Thart? Maganda ba?"
"Lovely, sweetheart, as always," nakangiting puri ng Daddy ko matapos niyang sipatin ang suot na dress ni Mommy. Gagamitin niya iyon sa makalawa sa kasal ng anak-anakan nila.
Napakagat ako ng labi.
Dapat mas maganda pa diyan ang suot niya kapag ako ang ikasal kay King, pero hindi na mangyayari iyon dahil sa iba ikakasal si King. Mukhang hindi ko na makikita ang aking ina na magsuot ng magandang damit para sa aking kasal.
Sinabi ko kasi sa sarili kong hindi ako magpapakasal kapag hindi si King ang lalaking maghihintay sa akin sa may altar. Para kasing hindi ko na kayang magmahal pa ng iba.
Muli kong tiningnan ang aking ina na masaya. As if naman, anak niya ang ikakasal, dinaig pa yata niya si Tita Laura.
Napangiti ako ng mapakla kapagkuwan. Sana nga ako na lang ang pakasalan ni King, ano?
Marahas akong napabuntonghininga sa isiping iyon. Hindi na kailanman mangyayari, hindi niya ako mahal. At kung meron man siyang pagtingin, kapatid lang iyon. Hanggang doon lang, kaya nga sobrang sakit.
Imbes na magbasa ng librong hawak ko, nilibang ko na lang ang sarili ko manood ng mga palabas. Wala akong ginawa nang gabing iyon kung hindi ang manood ng mga movie na nakakaiyak, gusto niyang damayan ang mga iiyak sa palabas. Kaya naman para akong tangang ngawa nang ngawa sa aking silid. Natulog nga ako na hilam ang luha, at unti-unti ng nanlalagkit sa aking pisngi.
NAPATINGIN ako sa salamin kinabukasan. Magang-magang ang aking mga mata kakaiyak ng mga pinanood ko. Idagdag mo pa ang ilang oras ko lang na tulog.
"Anong nangyari sa mata mo, love?" Hindi ko namalayan ang pagpasok ng aking ama sa silid ko.
Akmang itatago ko nang hilahin niya ang aking kamay.
"Don't tell me, dahil kay Kuya King mo ito, anak?"
"Nanood ako ng movie, Dad," ani ko.
Tinitigan niya ako.
"Sure?" Parang hindi siya makapaniwala sa akin.
"Yes, Dad."
"Naka-move on ka na sa kan'ya, love?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya.
Naupo ako sa kama ko at tumingin sa Daddy ko.
"Honestly, hindi pa, Dad." Yumuko ako at nilaru-laro ko ang aking daliri. "Kahit anong gawin ko, ayaw talaga niyang mawala sa puso ko,"
"Oh, love," aniyang lumapit pa sa akin para yakapin ako.
Napahahulhol ako bigla nang maramdaman ang yakap ng Daddy ko. Alam niya ang nararamdaman ko para kay Kuya King pero hindi niya kayang manipulahin ang binata para gustuhin ako. Kaya tumigil na siya sa pagiging cupid namin ni Kuya King, matagal na, simula nang ipakilala ni Kuya si Jena.
"Kaya ba hindi ka man lang lumalabas nitong nagdaan?" tanong nito sa seryosong himig.
Marahan akong tumango.
Natuklasan ko kasing minadali ang kasal, ayon kay Bembem. Pagkatapos ng party niya, pumutok na raw ang balitang iyon pero ayaw ipasabi sa akin na ikinainis ko rin. Ang pagkakaalam ko kasi matagal pa silang ikakasal dahil sa hindi pa nga handa si Jena. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, may panahon pa ako para baguhin ang desisyon ng Kuya King ko, hindi ko alam na mapapabilis pala.
Hindi kaya dahil sa akin kaya minadali ang kasal? Ayaw nga nilang ipaalam sa akin, e. Sobra pala ang pagkadisgusto ni King sa akin, kung gano'n.
"I'm sorry, love, wala akong magagawa para sa 'yo. Hindi natin mapilit ang Kuya King mo na gustuhin ka. I did my best, pero wala rin, alam mo 'yan. Nakakakonsensyang paghiwalayin sila, mahal na mahal nila ang isa't isa, anak. Mahal kita pero mali kung mamanipulahin ko ang Kuya King mo. Saksi ako sa pagmamahalan nila, kaya alam kong wala kang laban kay Jena. Patawad, anak…"
Napapikit ako dahil sa mga sinabi ng ama ko. Masakit na katotohanan na naman galing sa aking ama ang sumampal sa akin.
"It's okay, Dad. Ginawa ko rin ang makakaya ko para mahalin niya ako, pero bigo ako." Bumitaw ako kay Daddy. Napatitig ako kay Daddy nang maalala si Tita Laura. "G-ganito din po ba ang pakiramdam niyo noon kay Tita Laura?"
Ngumiti siya sa akin, hinaplos din niya ang pisngi ko.
"Sa totoo lang, anak, hindi ko naman mahal talaga ang Tita Laura mo. Mukha kasi ng dati kong asawa ang gamit niya, pero hindi ibig sabihin, mahal ko siya. Ang Mommy mo talaga ang mahal ko. Naging bulag lang ako nang mga sandaling iyon dahil lagi kong nakikita si Tita Laura mo na gamit ang mukha ng ex-wife ko. Sa Mommy mo lang ako nabaliw. Kaya magkaiba tayo, anak ng naramdaman." Tiningnan niya ako mata sa mata. "Malay mo, gano'n ka rin, anak. Makikilala mo rin ang lalaking para sa 'yo. At kapag nahanap mo na, makakalimutan mo rin na minahal mo ang Kuya King mo. Tingnan mo kami ng Mommy mo, masaya na, kasi natagpuan na namin ang isa't-isa."
"Sana nga, Dad. Nahihirapan na rin kasi ako sa kalagayan ko. Pero, 'di ba, matagal na kayong magkakilala ni Mommy?" ani ko nang maalala iyon.
"Yeah, she's my secretary before, kaibigan din pala. Matagal ko na siyang kilala, pero bilang babaeng mamahalin, hindi pa. Buti na lang, namulat ang mga mata ko, na siya pala ang gusto ko, ang pinapangarap ko na mapangasawa at makasama ko habang buhay." Tinuro niya ang puso ko kapagkuwan. "Kaya sa tingin ko, hindi pa dumadating ang lalaking para sa 'yo. Bata ka pa, anak, para sumuko. 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Hintayin mo lang, okay?"
Ngumiti ako sa kan'ya at tumango.
"Maiintindihan ko kung hindi ka sasama sa araw ng kasal. Ako na ang bahalang mag-explain sa kanila kung bakit." Pinisil niya ang aking kamay kapagkuwan.
"Thank you, Dad."
Umalis si Daddy na nakangiti. Pinakita ko lang sa kan'ya na okay na ako. Pero ang totoo, nahihirapan akong tanggapin ang kapalaran ko. Oo, bata pa ako, pero ganito ang pakiramdam ko. Ang hirap lokohin ang sariling may mahahanap pa akong ibang lalaki. Pero kung meron, sana bilisan niya ang pagdating. Sana ngayon na para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
ARAW NG KASAL ni King at Jena nang mga sandaling iyon.
Napatingin si Thunder sa asawa matapos marinig ang vow na binitawan ng anak-anakang si King para kay Jena. Gano'n din kasi ang mga sinabi niya para sa asawa noon. Kaya nakikinita na niyang magiging maganda ang pagsasama ng dalawa. Pero nalungkot siya nang maalala ang anak na si Ayeisha. Sana matagpuan na niya ang lalaking para sa kan'ya.
"Bagay talaga sila, Thart," nakangiting sabi ni Grazie, ang magandang misis niya.
"Sinabi mo pa, sweetheart. Gusto ko ring masaksihang ikasal si Ayeisha," aniyang bahagyang malungkot.
"Ikaw kasi, pinagbabawalan mo na makihalubilo sa iba,"
"Gusto ko naman, sweetheart. Kaso, nakakatakot sa panahon ngayon."
"Nag-iingat naman siya, a."
"Yeah." Si King lang kasi ang naasahan niya sa pagbabantay kay Ayeisha. Kung kasama nito ang Kuya King nito, okay lang. Hindi rin niya kasi maasahan si Benrick dahil napakaabala, abala sa babae at sa opisina. Ang hirap pa utusan.
Napapalakpak din siya nang marinig ang palakpakan mula sa mga bisita. Patapos na pala ang seremonya. Sinelyuhan ng anak-anakan ang vow ng halik. Hindi talagang maikakailang masaya si King sa kasalang iyon. Halata sa mga mukha at kilos niya, gayon din si Jena.
Kasalukuyan silang kumakain noon, kasama ang dalawang kamabal nilang bunso nang may tumawag kay Grazie. Kaagad itong lumayo para sagutin. Maingay kasi ang paligid, may maikling programa rin kasi ng mga sandaling iyon.
Hinatid niya ng tanaw ang asawa kapagkuwan. Kausap na nito ang tumawag na nakatalikod.
Napasinghap siya nang biglang mawalan ng balanse ang asawa. Buti na lang napahawak ito sa pader na naroon. Gusto niya sanang puntahan para alamin ang nangyari. Maayos naman kasicang tayo nito, pero bakit biglang nawalan ito ng balanse?
Matagal ang asawa sa ganoong posisyon, at nang lumingon ito sa kan'ya, hilam na ang luha. Parang dinudurog ang puso niya nang tingna siya nito. Parang may nangyari.
Napatayo siya at lakad-takbong tinungo ang kinaroroonan nito.
"Sweetheart?" aniya.
"S-si A-Ayeisha, Thunder… May nangyari kay Ayeisha…"
Kinabahan siya sa paraan ng pananalita ng asawa.
"What happened, sweetheart?" Hawak niya sa magkabilaang braso noon ang asawa habang hindi inaalis ang tingin dito.
Napapikit ang asawa sabay pakita sa kan'ya ng picture mula kay Benrick.
"Oh, God…" tanging sambit niya nang makita ang nangyari sa anak na si Ayeisha.
3RD POV NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala. Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. Napapikit siya nang maalala ang nangyari. Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente. At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sug
-AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa
“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama
-KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La
-AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag
-AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala
AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi
AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth