Home / Romance / Ayeisha : Her Broken Piece / Chapter 6: New Environment

Share

Chapter 6: New Environment

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2022-12-03 21:07:11

“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.

Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”

“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.

“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”

“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”

“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. 

“O sige, ingat na lang.” 

Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.

Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdaman ang pag-vibrate niyon. Kinapa ko sa loob ng bag pagkuwa’y tiningnan kung sino ang nag-text. Napangiti ako nang makita ang text ni Mommy.

Gabi-gabi naman niya ako kinukumusta. Alam niya kasi ang oras ng uwi ko kaya mga gano’ng oras siya nagpapadala ng mensahe. Saglit na kinausap ko siya at kinumusta pati na rin si Daddy.

“Nandito na po ako!” ani ko nang makapasok sa bakuran namin.

Maagang umuwi si Aling Precing kaya alam kong may tao na sa bahay. 

“Halina! Nandito na si Ate! May pasalubong ako para sa ‘yo.” May dala akong cotton candy. May nadaanan kasi ako kaya napabili ako. Alam kong matutuwa siya.

Kaagad na nagmano ako sa matanda nang makitang siyang nakaupo sa sofa at tahimik. 

“Kaawaan ka ng Diyos, anak,” aniya.

“Si Halina po?”

“Hindi ko kasi siya kayang kargahin kaya pinaiwan na lang muna ni sir.”

Napakunot ako ng noo nang mapansing may benda ang paa niya.

“A-ano pong nangyari diyan?” ani ko at nginuso ang paa niya. 

Binaba ko ang bag at cotton candy bago lumuhod sa harapan niya.

“Naku. Nadulas lang.”

“‘Yan na nga ba sinasabi ko, e.” Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya. “‘Wag ka na lang po kaya pumasok? Ako na muna ang bahala sa gastusin dito.” Kaya ko naman silang buhayin. May pera pa naman akong naipon. Maliban pa iyon sa perang nasa bangko.

“Kaya mo ba? Dalawa na kaming papakainin mo,” aniya sa malungkot na himig. 

Sa totoo lang, ilang buwan nang walang balita si Aling Precing sa anak nito, sa ina ni Halina. Kaya nga nagpursige siyang makapasok sa malaking bahay. Gano’n din ako. Hindi ko hinahayaang mawalan ng trabaho kahit papaano. May pagkukunan naman ako kung tutuusin pero ayaw ko lang mag-isip siya sa akin.

“May ipon pa naman po ako sa ilang taon ko sa pagtatrabaho. Kaya kaya naman po.”

“Ang kaso, inaalala ko si sir. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan, kung hindi ako lang. May kontrata pa akong pinirmahan sa kan’ya.”

“Ho? May kontrata po?”

“Oo. Isang taon kasi silang mamalagi dito. ‘Di ba, nasabi ko na ang pinapagawa nilang mall sa bayan? Walang ibang mag-aasikaso kung hindi siya. At ako naman sa anak niya, maliban sa pagkain nila. Hindi niya kasi maasahan ang ibang kasamahan ko kasi mga bata pa nga.”

“Gano’n ba. Ba’t ‘di na lang po siya mag-hire ng bago?”

“Nasabi ko nga sa kan’ya. Aba’y ako naman ang pinapahanap, ‘yong mapagkakatiwalaan daw sa loob ng bahay.” 

“Mahirap nga po ‘yan,” ani ko at naupo sa upuan. 

Napatitig sa akin si Aling Precing kaya napaangat ako ng kilay.

“Kanina ko pa iniisip, ikaw na lang kaya pumalit sa akin? Malaki naman magpasahod si Sir. Gusto mo ba?”

“H-ho?”

“Sige na, anak. Mabait naman si Sir. Mahahatid sundo mo pa rin naman si Halina. Tapos maraming oras ka na pahinga kapag tapos na ang pagluluto. Kapag nagpapahinga si senyorito Kalei, makakapagpahinga ka rin.”

“P-pag-iisipan ko po.” 

“Salamat, anak.”

 Sabay pa kaming nagkatinginan nang marinig ang paghinto ng sasakyan sa labas. Kaagad na sumilip ako. 

“Anak, puntahan mo nga sa labas. Baka si sir ‘yan.”

“Ay, oo nga pala, si Halina!”

Lakad-takbo ang ginawa ko palabas ng bahay. Pero natigilan ako nang makitang pababa ang boss ni Aling Precing. Muli na namang kumirot ang dibdib ko. 

Sa ilang araw ko ng pagsundo kay Halina sa malaking bahay nila, laging ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.

“Ate!”

Saglit na pinakalma ko ang sarili ko. Inayos ko ang scarf ko. Sinadya kong ilabas ang may peklat kong mukha at itinago ang makinis na kabilang pisngi ko. Ganito ang ginagawa ko kapag may bago sa amin. Ayoko na kasi ng maraming tanong kung ano ang tinatago ko sa scarf ko.

Hindi pa man ako nakakalingon nang yumakap na sa hita ko si Halina.

“Ate, kasama ko si Kalei. Si Ate Asha ko, o” Tinuro ako ni Halina kay Kalei kaya kumaway ako. Pero tumitig na naman siya sa mukha ko kaya mabilis na nag-iba ako ng tingin.

“Si Manang Precing?” 

Nagbaba ako ng tingin nang lumapit sa akin ang boss ni Aling Precing.

“N-nasa loob po. Pasok ho kayo,” ani ko sa masuyong tinig.

“Thank you,” anito sabay hakbang papasok sa pintuan.

Nakapasok na siya pero doon pa rin ang tingin ko. Saka ko lang napansin na sumunod na pala ang dalawang bata.

Mabilis na tumakbo papasok nang may narinig na iyakan. Si Kalei pala ang umiyak. Pinapatahan na ito ng ama nito.

“B-bakit, Halina?” Sa kanila agad ang atensyon ko pero ibinaling ko din kay Halina mayamaya.

“Ayaw niya po ako bigyan ng candy,” sagot ni Kalei na humihikbi na. 

Saka ko lang naalala ang binili kong cotton candy. Hawak na pala iyon ni Halina.

“Halina, ‘di ba, bawal maging madamot? Paano kung si Kalei lang din ang ang may pagkain at wala ka? Huh? Kaya bigyan mo si Kalei. Okay?”

Napaingos si Halina na binigay sa akin ang cotton candy na nakabalot pa.

Tumingin ako sa ama ni Kalei na titig na titig pala sa akin.

“O-okay lang po ba kumain nito ang anak niyo, sir?”

Umawang lang ang labi niya kaya inulit ko.

“Okay lang po–”

“Y-yes, okay lang. Paborito niya rin ‘yan.”

Tumango ako at binuksan ang plastic saka hinati ang laman niyon. May stick naman kaya parehas na may hawakan naman.

Pinagpantay ko ang aking sarili sa dalawa.

“Uminom ng tubig pagkatapos, huh?” ani ko.

“Opo,” magkasabay na sabi ng dalawa.

Ngumiti ako habang pinagmasdan ang dalawang nagngingitian na.

“Thank you.” Napatingin ako sa ama ni Kalei at bahagyang ngumiti. 

“Sa silid po muna ako,” ani ko.

Binitbit ko na ang bag ko at pumasok sa loob ng silid ko. Nagbihis na rin ako kapagkuwan.

Shorts at t-shirts lang ang suot nang lumabas ako. Nawala sa sarili kong may bisita pala si Aling Precing kaya mabilis ang mga hakbang ko papasok ng kusina. Sa iksi ba naman ng shorts ko, hindi ka mahihiya? Buti kung maganda ‘yong nagsusuot!

Iniinit ko ang tirang niluto ko kaninang umaga nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Buti na lang naisukbit ko ang scarf kaya mabilis na nilagay ko sa mukha. 

“Hi.” 

Napatakip ako sa kabilang side ng hita ko nang mapansing napatingin doon ang amo ni Aling Precing. Kita ko pa ang paglunok niya kaya napilitan akong magsalita na lang.

“M-may kailangan po kayo, sir?” nauutal kong tanong.

“Ahm, nabanggit na raw kasi sa ‘yo ni Manang na kung p’wedeng ikaw na lang muna ang pumalit sa kan’ya. Nakapagdesisyon ka na ba? Talagang kailangan ko kasi ng makakasama sa bahay na kagaya ni Manang. Sa ilang buwan kong kasama siya, nagustuhan ko ang pamamalakad niya sa bahay, maging ang pagbabantay sa anak ko kapag nasa bayan ako. At sa tingin ko naman magkakasundo kayo ng anak ko kaya hindi ka mahihirapan sa kan’ya. Kaya sana tanggapin mo ang trabaho. Please?”

Bahagyang umawang ang labi ko kaya inulit pa niya ang salitang ‘please’.

“Ah–eh, h-hindi pa po, e. Saka may trabaho din po ako sa bayan. Hindi–”

“Dadagdagan ko ang sweldo kung kinakailangan. Asha, right?”

Tumango ako. “P-pero–”

“No buts, please. Hihintayin kita bukas.” Bigla na siyang tumalikod kaya napalabi ako.  Paladsesisyon pala siya.

“S-sige po, payag ako!” Habol ko sa kan’ya na ikinatigil niya sa paghakbang. “Pero magpapaalam po ako bukas sa pinapasukan ko.”

“Great. Kahit afternoon hihintayin kita. Alas tres pa naman ang meeting ko sa mga tauhan ko bukas.”

Napatango ako. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

Pero kahit gano’n ay ang bigat pa rin ng dibdib ko. Nawala lang iyon nang umalis na ang mag-ama sa bahay ni Aling Precing.

Hindi ako nakatulog ng maayos nang gabing iyon kakaisip sa magiging boss ko, kaya hindi ko na nagawang mag-jogging kinabukasan. Late na ako nagising. Pinaliguan ko pa si Halina at pinakain bago hinatid sa eskwelahan.

Pabalik na ako ng bahay nang may humintong sasakyan sa akin. Natigilan ako nang makilala ang sakay niyon.

“Diyan ko rin kasi inenroll ang anak ko.” Tinuro niya ang eskwelahan nila Halina. “Isasabay ko na si Halina sa pag-uwi ni Kalei. Mukhang hindi ka pa yata nakapagpaalam, e.”

“H-ho? Hindi pa nga po.”

“Kaya ako na nga ang magsundo mamaya para makabalik ka kaagad dito. Maaga kasi ang alis ka mamaya, e, mga after lunch.”

“G-gano’n po ba. S-sige po. Maraming salamat po.” Hindi na siya sumagot sa akin, pinaandar na niya ang sasakyan pabalik ng bahay niya.

Binilisan ko ang lakad ko pauwi at nagpaalam kay Aling Precing. Sinabi ko na rin na isasabay na raw ng magiging boss ko ang apo niya. 

Napatigil ako sa pagbihis nang maalalang hindi ko pa nga alam ang pangalan ng magiging amo ko.

“Ano nga po ulit ang pangalan ng boss mo po?” magalang na tanong ko kay Aling Precing nang matapos akong magbihis.

Sa harap na niya ako nag-zipper ng pantalon. Naglilinis naman siya ng monggo. Tinatanggal niya ang mga maiitim na at balat. Mukhang monggo ang uulamin namin bukas.

“King. King Hernandez. Kaygandang pangalan, ano?”

Hindi ko maiwasang matigilan na naman nang marinig ang buong pangalan ng magiging boss ko. Kasabay niyon ang biglang pagpatak ng luha sa aking mata. Ang aking dibdib naman ay nagsimulang manikip na naman.

Napatampal ako sa dibdib ko kapagkuwan. Mukhang kailangan ko ng magpa-check up. Iba na yata itong nararamdaman ko.

Hindi na mawala-wala sa isipan ko ang pangalang King hanggang sa pag–alis ko papuntang bayan. Nagpaalam nga ako sa may-ari ng restaurant na medyo lutang. Panay po pa ako na parang bungol habang kausap ang may-ari. Nauutal pa ako habang sinasabi ang rason. Kasalanan iyon ng pangalan ng amo ko.

Nasa labas na ako ng kainan at tapos nang magpaalam sa may-ari pero parang wala pa rin ako sa sarili. Kahit no’ng tumawid ako ay wala rin sa sarili, buti na lang nakapagpreno pa ang trickle na dumadaan.

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na pinakalma ang sarili nang makarating sa terminal ng jeep. Saglit lang naman ang biyahe kaya naupo muna ako sa gilid para magpakalma ng aking sarili. 

Namalayan ko na namang kausap ang aking ina. Pinayuhan niya rin akong magpa-check up. Hindi ako nakasagot sa kan’ya nang tanungin niya ako kung bakit na naman bumabalik ang gano’ng pakiramdam. Hindi ko rin alam, e. Na-curious din ako sa totoo lang. Gusto kong alamin din kaya hindi ko muna talaga sinabi kay Mommy.

Tatayo na sana ako nang may tumawag sa akin. Pamilyar ang boses kaya hinanap ko. Napangiti ako nang makitang si Owen pala. Kumaway siya kaya gano’n din ako.

Kaagad na lumapit ako. Ang alam ko, hindi siya pumasok ngayon, dinig ko lang sa kasamahan namin kanina. 

Saglit pa kaming nagkwentuhan. Nabnggit ko sa kan’ya na huling araw ko na kahapon at nagpaalam na ako. Babalikan ko na lang ang huling suweldo ko sa Sabado.

Muling gumaan ang pakiramdam ko matapos ng pag-uusap namin ni Owen. Puro tawanan na kasi nang mga sumunod na sandali. Nawala na bigla ang iniinda kong mabigat sa dibdib.

Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko nang maalalang kailangan ko nga palang makabalik agad

“Hindi ka pa ba uuwi? Ngayon kasi ang simula ko doon sa malaking bahay.”

“Sabay na tayo, Asha. Pauwi na rin ako.”

Magkasabay na nga kami ni Owen sumakay ng jeep maging sa paglalakad papasok ng barangay namin. Sinabayan niya rin ako hanggang doon kaya hindi ko ramdam ang pagod sa paglalakad. Tirik na tirik pa naman ang araw.

Saktong pagdating ko sa malaking bahay ay siya ring labas ng magarang sasakyan ng magiging boss ko. Saglit na huminto siya nang makita ako. Sinuyod niya rin nang tingin si Owen bago ako.

“I’m glad nakabalik ka na. Kailangan na ako sa site, ikaw na muna ang bahala sa anak ko, Asha. Okay?”

“Sige po, sir.” 

As usual, hindi na naman siya tumugon. Basta na lang niya sinara ang bintana ng sasakyan niya at pinaharurot. 

Gano’n nga talaga siguro kapag boss. Dati, hindi ko alam ang bagay na ‘yan pero nang mamasukan ako dito, ang dami kong natutunan. Pero sabagay, hindi naman ako harsh o bastos sa mga tauhan ko ayon sa Mommy ko.

Napatango ako kay Owen nang magpaalam na siya sa akin. Ako naman, pumasok na at hinanap ang mga bata. Mabuti na lang at may kalaro na si Halina, hindi na siya nalulungkot. Hindi na rin siya nagtatanong sa akin kung bakit wala siyang kalaro. Paano, halos matatanda sa kan’ya ang mga anak ng kapitbahay namin.

“Hi, kids!” bati ko sa dalawa nang makita sila sa theater room ng bahay na iyon. Doon ko kasi narinig ang matitinis nilang boses na tumatawa. Nanonood pala kasi sila ng nakakatawang palabas.

Comments (53)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
naawa nman ako Kay ayiesha ,s abodang babae,at na bwiset ako Kay king sobra...
goodnovel comment avatar
garcia Louise Princess
c ayeisha parang ung tatay din niya na si thunder,nagpapanggap din ng mahirap sa ngalan ng pag ibig............
goodnovel comment avatar
Areezah Habiba Casan Mangondato
kaya lang may anak na si king ahaist tps my asawa pa complicataed storya na ito,naawa aq sa bida.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 7: Aling Precing

    -KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La

    Last Updated : 2022-12-04
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 8: Resemblance?

    -AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag

    Last Updated : 2022-12-05
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 9: Shocked

    -AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala

    Last Updated : 2022-12-06
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 10: Worried

    AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi

    Last Updated : 2022-12-08
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 11: Kiss me back

    AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy

    Last Updated : 2022-12-10
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 12: Where is She?

    AYEISHA - KASALUKUYAN AKONG NAGHUHUGAS noon nang may humawak sa beywang ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa init ng kamay niya. “K-King,” ani ko nang malingunan siya. “Yeah, it’s me. May iba pa ba?” Sabagay, uwian na ng dalawang kasamahan ko pa. Tapos nagpapahinga na ang driver namin. Hinugasan ko lang ang ginamit ni Halina at Kalei na naiwan sa silid ng huli. “Saka tulog na ang mga bata,” dugtong niya. “M-may kailangan po ba kayo?” ani ko imbes na magkomento sa sasabihin niya. “Po na naman?” “I’m sorry. Hindi ko lang maiwasang sabihin, nasanay kasi ako dahil sa trabaho ko noon.” “Okay.” “May kailangan ka ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. “Hindi ako makatulog, e.” Bumaling ako sa kan’ya. Nakasandal na siya sa lababo. “Ipagtimpla kita ng gatas, gusto mo?” alok ko. “Sige. Pakidala na lang sa kwarto.” Sabay talikod niya. Hindi ko maiwasang magsalubong ng kilay. Nandito na, e ipapaakyat pa? Napailing tuloy ako. Binilisan ko ang paghugas at nagtimpla ng gata

    Last Updated : 2022-12-11
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 13: Confession

    AYEISHA - “GOOD EVENING PO,” bati ko kay King nang bumaba siya sa sasakyan. Alas diyes na ng gabi nang mga sandaling iyon. Sabi niya, pipilitin niyang maaga umuwi kaya ‘yon din ang sinabi ko kay Kalei. Nakatulugan na nga niya ang paghihintay sa ama niya. “Si Kalei?” “Nakatulog kakahintay sa ‘yo.” “Gano’n ba.” Tumalikod na siya sa akin at pumasok na sa loob. Seryoso siya at namumula ang mukha. Parang nakainom yata siya ngayon. Buti na lang safe siyang nakauwi. Pero bakit kaya siya uminom? Dahil sa problema nito sa kompanya? ‘Yon lang ang natatandaan ko sa sinabi niya kanina. Nakakapagtaka din, parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Baka pagod lang siya. Naabutan ko si King na papasok sa silid ni Kalei kaya napangiti ako. Mahal na mahal niya talaga ang anak niya. Buti naman, kasi kailangan siya ng bata. Na-open niya sa akin ang tungkol sa ina niya. Bihira lang pala makita ni Kalei ang ina dahil nagtatrabaho nga sa ibang bansa. Ramdam ko na nangungulila siya dito. Naatim

    Last Updated : 2022-12-12
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 14: Alone

    AYEISHA-“BITAWAN MO NGA ako, King! Baka may makakita sa atin dito.”“Ayoko,” giit niya sabay dikit lalo ng katawan niya sa akin.“K-King,” ani ko at iniwas ang mukha ko sa kan’ya. “M-Mali ito, okay? May asawa’t anak ka na, kaya maling-mali.”“Kailan naging mali ang magkagusto sa ‘yo, Asha? Kakaiba ka, okay?” “Kakaiba dahil sa pagmumukha ko, gano’n ba ‘yon?”“No,” mabilis na sagot niya. “Na sa ‘yo ang hinahanap ko, Asha, napakaresponsable pagdating sa pamilya. At nakita ko iyon, kaya paano ko mapipigilan ang aking sarili na hindi ka gustuhin? Ramdam ko rin na may pagtingin ka sa akin, hindi ako manhid.”“P-pero may asawa ka nga. Kasal ka.”Napabuntonghininga siya. “M-matagal na kaming walang komunikasyon, Asha. Matagal nang wala. Okay?”“Paano kung bumalik siya, King? Paano ako kung sakali? Ayoko magdesisyon nang padalos-dalos. Sa totoo lang, hindi ako p’wedeng ma-inlove kahit kanino sa estado ko ngayon.” Ayoko, ‘yon lang. Dahil napakahina ko pagdating dito. Tingnan mo ang nagyari

    Last Updated : 2022-12-13

Latest chapter

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow- Special Chapter & Teaser

    BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow: Wakas

    RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 51

    RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 50

    RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 49

    RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 48

    RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 47

    NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 46

    RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 45

    RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth

DMCA.com Protection Status