(First Generation Series 2)Rain Azrael Velasquezđ¸Nahara Olivia Ramirez Nahara Olivia Ramirez is a step daughter of a casino gambler Fabian Ramirez. After he lost a huge amount of money, he listed Nahara into an underground business that auctions women to blackguards in the society. She was sold to a cold and mysterious billionaireâRain Azrael Velasquez. Nahara prepared herself for another nightmare with a stranger but ended up finding love and salvation in his arms. When fate played its part, secrets were unfolding. The one they considered their safe haven would also be their greatest hell.
view moreNapasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."Nânandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang
Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa
Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat
Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fĂşcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fĂşcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."ShĂt!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para
Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b
"Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a
WARNING: The following story has mature contents, sexual abuse, violence etc. that are not suitable for young and sensitive readers. Please be guided and read at your own risk.Year 2003âDahan dahang naglakad paakyat ng hagdanan ang pitong taong gulang na si Rain. He was playing with his toy cars in the hall when he heard a commotion upstairs. Silang dalawa lang ng kanyang mommy ang naiwan sa mansion kasama ang ilang bodyguards.His dad was on a business trip while his twelve years old sister, Rianna was in her school. Tumayo siya sa tapat ng pintuan ng kanyang mga magulang kung saan nagmumula ang kakaibang tunog. Gamit ang kanyang maliliit na palad, itinulak niya ang nakaawang na pinto.Bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha. It was his mother Rachel and she was on top of Marcelloâtheir trusted bodyguard. Nagtatakang nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito. Tumigil na rin ang kakaibang tunog na narinig niya."Are you playing...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaďźnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments