Alpha bilang pinakamataas, Beta bilang normal, at Omega naman bilang pinakamababa. Nang nadiskubre ng mga tao ang ikalawang sekswalidad (secondary sexuality), ito na ang naging basehan nila ng estado sa buhay. Nang matuklasan ni Nikko na isang siyang omega, pinakamababang secondary sexuality, nawalan na siya ng tiwala sa ibang tao. Alam niya ang trato ng mga tao sa mga kauri niya kaya naman pakiramdam niya ay lahat ng mga tao ay pinagbabalakan siya ng masama. Ang tanging tao na pinagkakatiwalaan lamang niya ay ang matalik na kaibigan niyang si Pier - isang alpha. Bilang isang alpha at omega, manatili pa rin kaya ang pagkakaibigan nila sa oras na magsimula na ang problema nila tungkol sa ikalawang sekswalidad nila? O may mas malalim pa na koneksyon na mabubuo sa pagitan nilang dalawa?
view moreIt’s been 2 months simula nang ipakilala ni Pier si Minchy sa akin.Okay naman kami ni Minchy...Pero sa harap lang ni Pier. Kapag magkakasama kaming tatlo at umaalis saglit si Pier, nararamdaman ko na ayaw akong kasama ni Minchy. Sa tuwing magkakasalubong kami sa daan at magtatama ang mga mata namin, binabalewala niya lamang ako na para bang hindi kami magkakilala. Pero kapag magkakasama kaming tatlo nina Pier, napakabait at friendly niya makipag-usap sa akin.Maaari ay naiinis siya na palagi akong nakabuntot sa kanila ni Pier sa lahat ng oras. Kahit naman siguro ako maiinis kapag di ko masolo ang taong gusto ko.“Oh, look! Minchy’ calling!” Malaking ngiti na sabi ni Pier at mabilis na sinagot ang tawag.Nginitian ko lamang siya.Nagpatuloy kami sa pag-akyat papunta sa classroom namin sa unang subject habang kinakausap ni Pier si Minchy sa kanyang cellphone.Di siya hinatid ni Pier sa classroom niya ngayon dahil absent daw ang dalaga kaya naman sabay kami ni Pier papasok ngayon. Nito
“Nikko!!!”Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Pier na tila nag-aalala. Akala ko ba sa gate niya ko hihintayin? Bakit nandito siya?“Akala ko ba hihintayin mo ko sa gate?” nagtatakang tanong ko. Iyon naman kasi talaga usapan namin. Nang makalapit agad niya akong sinuri na para ba na may mali sa akin.Don’t tell me alam niya na muntik nang may mangyari sa akin? Tinawagan ba siya ni Raul? Parang ang bilis naman.“Are you okay? Something happened, right?” Hingal pa na tanong niya.Saglit ko muna siyang tinignan sa mukha. Nababakas ang labis na pagod at pag-aalala. Mukhang nagmadali talaga siya para pumunta dito.Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Of course, okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?” Sabi ko pa.Kinurot niya ako sa pisngi. “Don’t lie to me, Nik. Something happened.”“How did you know, then?” Mabilis na tanong ko pabalik.He just stared at me. Para bang nahihirapan siya masagot ang tanong ko. “I-I don’t know.” Sagot niya “It’s like I felt your fear.
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko dahil sa takot.Ano'ng gagawin nila sa akin?Bubugbugin ba nila ako?O baka naman---Pinikit ko ng mariin ako mata ko at umiling."Bakit ka ba kasi biglang tumakbo? Wala ka namang atraso sa amin." Natatawang sabi 'nung may takip sa bibig ko. Medyo hinihingal sila dahil sa paghabol sa akin."Eh, may kasabihan pa naman na pagtumakbo, habulin." Sabi pa 'nung isa.Tanga ba siya o ano? Wala namang ganun na kasabihan, eh.Nagtawanan silang tatlo."O baka naman nagpapapansin ka talaga sa'min." sabi ng lalaking kaharap ko at inayos ang pagkakatakip sa bibig ko. "Why? Are you in heat? Are you looking for a partner? If you're okay with us, we don't mind playing with you since you're not that bad." Sabi niya at hinaplos pa ang dibdib ko.Umiling ako. Umiling ako ng marahas.Hindi ako nakakaranas ng heat. Never ko pa na naranasan iyon. Sana naman pag nalaman nila ito pakawalan na nila ako."I see." Sabi nung lalaki at binitawan na ang bibig ko.Mabilis ko naman
Dalawang taon na ang nakalipas simula ng malaman ko na isa akong omega. 4th year high school at graduating ako 'nung magsagawa ng testing sa school namin. Sadyang bago tumapak ng college ang mga estudyante isinasagawa ang testing for secondary sexuality dahil madalas sa edad na 18 unang nararanasan ng mga alpha ang kanilang rut at heat naman para sa mga omega. Ginagawa ito upang malaman kung sinong estudyante ang dapat i-monitor if ever na may makaranas ng penomena. Hindi naman kami mahirap bantayan dahil 3 alpha at 2 omega lang ang meron dito sa school namin. Pero sa totoo lang, sa lahat-lahat ng school dito sa lugar namin, dito sa university namin nagkaroon ng ganoong karaming bilang ng alpha at omega. Sobrang liit lang kasi ng populasyon ng mga kagaya namin - hindi katulad ng mga beta. 3rd year college na ako ngayon. Tulad ng inaasahan nag-iba ang trato sa akin ng mga tao pero palaging nandiyan si Pier upang ipagtanggol ako. Sa paanong paraan? Pier is from a family of alphas.
'Alpha, Beta and Omega.' Ang mga ito ang tawag sa ikalawang sekswalidad ng tao - ('babae' at 'lalaki' ang itinuturing na ikauna) Alpha. Ito ang maituturing pinakamataas na uri ng ikalawang sekswalidad. Lahat ng mga taong alpha ay siguradong na ang pagiging matagumpay sa buhay. Likas na matatalino, makikisig at mas angat ang abilidad kung ikukumpara sa ibang ikalawang sekswalidad. Ngunit napakaliit lamang ng bilang ng mga alpha sa mundong ito. Halos 10% lamang sa buong mundo ang bilang nila kaya bihira ka lamang makakakita at kilala ng mga ito. Beta. Ito ang itinuturing na normal sa lahat ng ikalawang sekswalidad. Hindi likas ang pagiging matalino. Nakadepende pa rin sa tao - ganun na rin ang itsura at abilidad nila. (Ngunit di mas aangat sa mga alpha) Sila ang umookupa ng 87% na populasyon sa mundo. Omega.Ito ang itinuturing na pinakamababang uri ng ikalawang sekswalidad dito sa mundo. Likas sa kanila na magkaroon ng kaaya-ayang itsura at dahil ito sa kakayahan ng katawan nila.
'Alpha, Beta and Omega.' Ang mga ito ang tawag sa ikalawang sekswalidad ng tao - ('babae' at 'lalaki' ang itinuturing na ikauna) Alpha. Ito ang maituturing pinakamataas na uri ng ikalawang sekswalidad. Lahat ng mga taong alpha ay siguradong na ang pagiging matagumpay sa buhay. Likas na matatalino, makikisig at mas angat ang abilidad kung ikukumpara sa ibang ikalawang sekswalidad. Ngunit napakaliit lamang ng bilang ng mga alpha sa mundong ito. Halos 10% lamang sa buong mundo ang bilang nila kaya bihira ka lamang makakakita at kilala ng mga ito. Beta. Ito ang itinuturing na normal sa lahat ng ikalawang sekswalidad. Hindi likas ang pagiging matalino. Nakadepende pa rin sa tao - ganun na rin ang itsura at abilidad nila. (Ngunit di mas aangat sa mga alpha) Sila ang umookupa ng 87% na populasyon sa mundo. Omega.Ito ang itinuturing na pinakamababang uri ng ikalawang sekswalidad dito sa mundo. Likas sa kanila na magkaroon ng kaaya-ayang itsura at dahil ito sa kakayahan ng katawan nila....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments