Bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya at muling pumasok ang lalaking kakalabas lang bitbit ang isang tray ng sa tingin niya ay pagkain. Nakasimangot nitong inilapag sa kanyang harapan ang food tray na naglalaman ng porridge at tubig. "Eat so you can regain your strength. You want to stay here, right?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap bago wala sa sariling tumango. "P—pumapayag na po kayong dito ako titira?" Tila hindi makapaniwala niyang tanong. "Yes but only for the meantime, Nahara," malamig nitong sagot. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama at nakaharap sa kanya. Hindi niya maintindihan ang pananayo ng kanyang balahibo. He mentioned her name with coldness yet it feels so good to hear in her ears. It's like she was a human and not someone to molest. Marahil ay nasanay lang siyang si Fabian lang ang bumibigkas ng pangalan niya at sa nakakadiring paraan pa. "S-salamat po..." Maluha luha niy
WARNING!!! VIOLENCE AND SEXÚAL CONTENTS AHEAD!!! SKIP IF YOU ARE NOT COMFORTABLE.Ayaw man niyang ihakbang ang kanyang mga paa, wala na siyang nagawa pa at sinunod ang utos ni Rain. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang putahe ng gulay sa mesa. Dyos Ko! Ano na naman kaya ang lasa ng mga iyon. Sana naman ay hindi kasing sama nung lugaw kanina.Itinulak nito palapit sa kanya ang mga gulay. May nakita siyang ginisang broccoli at sinabawang cauliflower. May mga carrots din na hindi na naslice subalit mukhang ginawang adobo. Mabuti na lang nga at binalatan iyon dahil kung hindi, magmumukha na iyong pagkain ng baboy. Kung hindi pa lang nito mamasamain, magtatanong talaga siya kung sino ang nagturo sa lalaki ng mga putaheng iyon. Sana lang ay nasa tamang pag-iisip ang nagbigay dito ng ideya."Kumain ka na. My men already taste the food at sabi nila sobrang sarap daw kaya gusto ko ring marinig ang review mo," sabi pa nito.Kumurap-kurap siya. Kung ganun naman pala, siguro ay nag
Medyo maagang nagising si Nahara kinabukasan. Dahil wala naman siyang damit na pamalit, nilabhan muna niya ang t-shirt na ipinahiram ni Rain sa kanya pagkatapos niyang maligo at ang itim na roba ang kanyang sinuot palabas ng silid.Kagaya noong nakaraan, tahimik ang buong paligid ng bahay. Napalingon siya sa silid ni Rain. Gising na kaya ito? Nais man niyang silipin ay pinigilan niya ang kanyang sarili at dumiresto na sa kusina. Naghanap siya ng pwedeng lulutuin subalit tanging dalawang itlog lang ang naroon at isang balot ng cream bread.Naisipan na lang niyang gawing sunny side up ang dalawang itlog at i-toasted bread ang tinapay. Nagtimpla na nadin siya ng kape. Hindi niya maiwasang mapangiti. Sobrang tagal na niyang pinangarap na maranasan ang ganitong bagay. Yung malaya siyang nakakagalaw. Hindi siya makapaniwalang magagawa pa niya ito.Inayos niya ang mesa para sa kanyang bagong amo para kapag bumaba ito ay ready na ang pagkain. Pagpihit niya paharap ay siya namang pagpasok ni R
Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng mga pinamili sa chiller habang si Rain naman ay nakaupo sa silya at matamang nakamasid sa kanyang bawat galaw. Malamig man ang tingin nito, hindi naman itinatago ng lalaki ang kaunting amusement sa magaganda nitong mga mata na hindi niya alam kung bakit."Why are you still wearing a robe, Nahara?" Maya maya pa'y tanong nito.Napakamot siya ng ulo at alanganing lumingon sa lalaki. "W—wala po kasi akong maisusuot na kahit ano, Sir."Wala kang maisusuot… so you mean you also don't have underwear beneath that robe?" Kunot noo nitong tanong at dumako ang mga mata sa gitnang bahagi ng kanyang katawan.Mabilis siyang umayos ng tayo at napalunok. "W—wala po," nakangiwi niyang sagot."Really?" Bahagya pa itong napailing at kagat labing napatayo."Finish whatever you're doing immediately. Lalabas tayo ngayon," anito bago siya iniwan sa kusina.Nagpakawala siya ng buntong hininga bago bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi nagtagal ay natapos din siya sa pag-aayos
Mabilis na humarang sa gawi nila ang kanyang kotse kaya naman agad siyang pumasok sa loob habang hila-hila si Nahara na parang hindi pa napoproseso ang utak sa nangyari. Humarurot ang sasakyan palayo sa kinauupuan nila kanina. He held Nahara to face him."Are you alright? Hindi ka ba natamaan?" Tanong niya habang sinisipat ng tingin ang babae. Nais na lang niyang matawa sa kanyang sarili. Why does he care if she gets shot or not?"H-hindi naman..." Mahina at nanginginig nitong sagot.He heaved a deep sigh before shaking his head. He was about to lean on his seat nang bigla na lang silang pinaulanan ng bala. Nahara screamed in fear. Itinulak niya ang babae padapa sa flooring ng kotse bago hinugot ang kanyang baril at inayos ang kanyang earpiece."Where are you Calder?" Tanong niya sa kanyang bodyguard."We are trying to chase the cars behind you, Sire. I'm sorry for the late response. I am wounded," tugon nito.Muli siyang napabuntong hininga at bahagyang dumausdos sa kanyang upuan. Ma
Napatitig si Nahara sa likuran ni Rain. Hindi niya maiwasang mapaiyak. This is the first time that someone wanted to save her life. All throughout her existence, she only feel nothing but a worthless piece of shít. Iyon ang nakatatak sa kanyang utak sa loob ng maraming taon."What are you still staring at? Magpapakamatay ka ba talaga?" Narinig niyang angil ni Rain.Napapitlag siya at ilang beses na kumurap-kurap. Sinalubong siya ng nayayamot at naiinip nitong expression. Sa nanginginig niyang katawan, mahigpit siyang humawak sa balikat ng lalaki bago sumampa sa likuran nito. Mabilis namang tumayo si Rain at patakbong sumuong sa mas madilim pang bahagi ng gubat habang pasan siya sa likuran nito."Tangina! Patay na si Baldo! Sundan niyo yung mga yapak nila sa pagitan ng mga damo!" Sigaw ng isang tinig sa kanilang likuran.Mariin siyang napapikit at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi sila maabutan ng mga ito. Alam niyang pagod na si Rain, halos habol na rin nito ang sariling hininga
Halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya nang magkasama silang bumulusok pababa sa talon. Hindi siya sigurado kung mabubuhay pa ba siya sa pagkakataong iyon. Hindi siya marunong lumangoy kaya malamang malulunod siya. Pero paano na si Rain? Ano ang mangyayari sa lalaki ngayong tumalon sila sa napakataas na talon?Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nilamon ng tubig. Sobrang lamig. Pagkasayad ng kanyang balat sa tubig ay animo inilunod siya sa isang baldeng yelo dahil sa lamig. Siguro dahil sa nakapalibot na malalaking puno kaya't sobrang lamig ng temperatura.Sinubukan niyang kumampay pataas subalit hinila siya ni Rain pailalim. Nais man niyang magpumiglas, sinunod niya ang lalaki para hindi na ito maperwisyo sa kanya. Mahigpit ang kapit ni Rain sa kanya habang may itinatali ito sa kanyang bewang. At dahil masyadong madilim ang ilalim ng tubig, hindi niya alam kung ano ang bagay na iyon, basta naramdaman na lang niya ang pagdiin ng matipuno nitong katawan sa kanya hanggan
Agad na nilapitan ni Nahara si Rain. Saka lang niya napagtantong pawis na pawis ang noo nito at inaapoy pa ng lagnat ang lalaki. Pinunasan niya ang noo nito gamit ang kanyang kamay bago luminga sa paligid subalit halos wala na siyang makita dahil sa sobrang dilim. Tanging ang liwanag na nagmumula sa apoy na lang ang makikita sa buong gubat.Napatingin siya kay Rain na may mga katagang ibinubulong subalit hindi naman niya maintindihan kung ano. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kahit sa sitwasyon nila ngayon, hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kagwapuhan. Partida, ang dungis na nilang dalawa. Siya siguro mukhang aswang na pero ito, animo mukhang artista parin.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Sana lang makalabas na tayo dito ng ligtas… O kahit ikaw na lang. May buhay kang maiiwan kapag hindi ka nakauwi…hindi gaya ko na wala namang babalikan pa sa syudad," malungkot niyang usal.Muli itong umungol at nangunot pa ang noo. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan
Napakurap-kurap siya kasabay ng pagtulo ng ilang masaganang butil ng luha mula sa kanyang mga mata habang patuloy din sa pag-ulan ng nyebe sa buong paligid nila. Punong-puno ng samut-saring emosyon ang puso niya ng mga oras na iyon pero higit na nangingibabaw ang kasiyahan."Hey... Stop crying. I'm proposing a marriage to make both of us happy but you're tearing so much instead," nakangusong ani Rain.Mahina siyang natawa habang umiiyak. Sa ilang buwan nilang pagsasama, minsan narin niyang naisip kung aayain ba siya ni Rain na magpakasal. Lihim nga siyang nainggit sa mga kapatid niya na pinakasalan na ng mga asawa nito pero nanatili siyang tahimik at iwinaksi ang bagay na iyon sa isipan niya.Sapat narin naman sa kanya ang kaisipan na mahal na mahal siya ni Rain. Katunayan ay handa nitong ibuwis ang sariling buhay para sa kanya. Doon palang panalo na siya eh. Hindi niya inaasahan na darating pala sila sa pagkakataong ito na makikita niyang nakaluhod ang lalaking una at huli niyang mam
"How was your therapy?" Tanong ni Malia habang nag-uusap sila through laptop.Kasalukuyan siyang nasa America habang ang kapatid niya ay naiwan sa Pilipinas. Hindi rin naman siya nito pwedeng dalawin dahil pinagbawalan ito ng doktor na bumiyahe ng malayo. Ang Ate Phoebe naman niya at madalas na bumibisita sa kanya pero hindi na niya ito hinayaan na siyang personal na mag-alaga sa kanya.May sarili din itong buhay at pamilya na kailangang asikasuhin lalo na't kakaayos palang nila ng asawa nito ilang buwan na ang nakalipas. Ayaw niyang makulong ito sa obligasyon ng pag-aalaga sa kanya. Hindi na nga kinakaya ng konsensya niya ang perwisyo niya kay Rain. Ayaw niyang madagdagan pa.Yun nga lang ay halos ito ang nag-aalaga kay Hurri kasama si Manang Petra. Pero sa kabilang banda ay mainam narin iyon lalo pa't alam niya kung gaano kasabik sa anak ang Ate Phoebe niya. Dasal niya na sana ay mabiyayaan narin ito ng supling para mas lalo itong sumaya."Ayos naman Ate. Kahapon nakadalawang hakban
Rain stared at the two figures not far away from him. Natatamaan ang dalawa ng mabining sikat ng araw sa umaga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Isa ang mga ito sa araw na nakaramdam siya ng kapayapaan. Ganito pala ang pakiramdam kapag gumigising ka ng walang inaalala kung may susugod na sayong kalaban. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang naglalakad palapit sa kanyang mag-ina. It's been a week since he was released from the hospital and all throughout those times, laging nasa tabi niya si Nahara at hindi siya iniwan."Hey..." Pukaw niya sa atensyon nito.Dahan-dahan ding nag-angat ng tingin ang babae mula sa pagkakatitig sa anak nila. His heart was full of warm emotion. Halos lumubo ang puso niya sa tuwa habang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya habang kalong nito ang kanilang anak. This is a fairytale. Never in his life he did imagine he would witness a scenery like this.Ngumiti si Nahara sa kanya. Napagtanto niyang unti-unti ng nagkaroon ng laman ang pisngi nito
Pakiramdam niya bumagal ang pag-inog ng mundo habang papalapit ng papalapit si Manang Petra sa gawi niya. Titig na titig siya sa batang karga nito habang hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya sa pagpatak. Tila nalulunod siya sa labis na kasiyahang nararamdaman niya."He's your son, Nahara. Your Hurricane," madamdamin na sambit ng Ate Phoebe niya.Dahan-dahang inabot ni Manang Petra si Hurricane sa kanya. Tinanggap naman niya ang bata sa nanginginig niyang mga kamay. Maingat na maingat siya na para bang parang babasaging kristal ang anak niya. Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit."Anak ko… Ang gwapo ng anak ko," Mahina niyang sambit.Hindi siya lubos makapaniwala na nahawakan na niya ang anak niyang matagal ng nawalay sa kanya. Akala niya ay hindi na darating ang araw na ito. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero narito na ito sa harapan niya ngayo
"Kumain ka ng marami. Kailangan mong magkalaman," ani Malia at tinambakan ng maraming gulay at kanin ang kanyang pinggan.Mabilis naman itong pinigilan ng Ate Phoebe niya. "Stop that, Ate. Baka mabigla ang sikmura at maimpatso ang kapatid natin," nag-aalala nitong turan at inilipat ang ibang gulay sa pinggan ng Ate Malia niya."Bakit sakin mo nilagay. Nagdidiet ako—""Ba't ka naman magdidiet eh hindi ka na naman nagmomodel pa. Sakto lang naman yang katawan mo," nakangusong sambit ni Phoebe."Hey, I still need to maintain my figure para kung may panibagong Avery na darating ay may panlaban ako."Agad naman itong iningusan ni Phoebe. "As if naman papatol ang asawa mo sa iba. Kung di lang nagka-amnesia yun, malamang sa malamang, di yun papatol kay Avery.""Kahit na," pairap na tugon ni Malia.Tahimik naman siyang kumakain habang nakikinig sa dalawa. Sobrang ganda na ni Malia pero may mga kaisipan parin itong ganun, paano nalang kaya siya?"After nating kumain, kailangan mong malinisan Na
"S—son?" Pag-uulit niya kasabay ng pamalisbis masagana niyang mga luha.Buhay ang anak niya! At tinupad ni Xavier ang kahilingan niya na Hurricane ang ipangalan sa anak niya—anak nilang dalawa ni Rain! Walang pasidhan ng tuwa sa puso niya sa nalaman niya ngayon. Akala niya ay puro unos nalang ang mangyayari sa kanya. Hindi pala. May ginhawa din pala.Masuyo namang ngumiti si Raven sa kanya. "Yes. Maraming naghihintay sayo Nahara at maraming tao ang gusto na gumaling ka so don't lose hope and stop thinking about death. Don't make the people who's here for you shed tears dahil hindi ka masaya na nakabalik ka na. Don't think you're a burden. You are loved Nahara," seryoso nitong wika na mas lalo lang na nagpaiyak sa kanya.Hindi niya aakalain na marami palang naghihintay sa kanya. Napadako ang kanyang tingin sa dalawang babae na nasa sulok ng silid. Ngayon ay nakaramdam siya ng hiya sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba bigla niyang naisip ang bagay na iyon?"I'm sorry," mahina niyang samb
He stared at Marcello's lifeless body before shifting his eyes towards his heart that was on his palm. Ang tagal niyang pinangarap na mangyari ang bagay na ito and now it's finally over. He ended Marcello's life. He won in the end. Hindi na siya magdudusa pa sa mga laro nito at mas lalong hindi na magdudusa pa ang babaeng mahal niya dahil sa kagagawan ng sarili nitong ama.He drop Marcello's heart on the floor before standing up. Kahit na nahihirapan na siyang maglakad dahil sa marami ng dugo ang nawala sa kanya, he still managed to reach the door before the ceiling of the underground where Marcello was lying finally collapsed.Sinubukan niyang buksan ang pinto pero nakasara na ito. Napatingin siya sa hawak niyang baril. The alarm system was already ringing. Napatingin siya sa dingding, two minute left before the whole room will explode.Ikinasa niya ang kanyang baril at pinatamaan ng maraming beses ang lock ng pinto. Luckily it wasn't bulletproof kaya't nagawa niyang makalabas sa und
Agad siyang bumaba ng hagdanan at sinundan ang pintuan na pinasukan ni Marcello. Nang sinubukan niyang itulak ang pintuan ay napagtanto niyang sarado iyon. Itinutok niya sa doorknob ang kanyang baril at walang pag-aalinlangan iyong binaril. He immediately opened the door and went to the last shelf from the right. He moved the two thick black books as the shelf opened his way to the underground.Ah, Marcello didn't really changed everything and this is his advantage. Maingat siyang bumaba ng hagdanan hanggang sa makarating siya sa isang napakalawak na silid. Akmang lalabas na siya nang bigla nalang siyang barilin ng kung sino mula sa loob. Mabuti nalang at agad siyang nakapagtago sa isa sa mga pillars ng underground.Pinakinggan niyang maigi ang hakbang ng bumaril sa kanya. Nang marinig niyang papalapit na ito ay agad siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan. Dahil nagulat ito sa kanyang ginawa ay mabilis niyang nabawi ang hawak nitong armas at agad itong binaril sa noo. Isang malakas
Sarkastikong natawa si Pierre. "And what made you think that I will help you with that? I don't want to work with you, Velasquez, so get lost..."Tamad siyang napalingon kay Pierre bago nagsalita. "I will be using it for Marcello. Did you forget? Xavier died by his hands. Hahayaan mo nalang ba siyang makawala pagkatapos niyang patayin ang kasama mo? Create a clone for me and I will kill him for you."Sandali itong natigilan pero maya-maya lang ay muli itong tumawa bago siya binitawan. Naglakad si Pierre palapit sa maliit na pigura sa harapan nila at marahan iyong hinaplos. "You've been searching for him all your life. Nagtagumpay ka ba? Paano ka nakakasigurong mapapatay mo siya ngayon? Kung kaya mo ay dapat noon pa, Velasquez but you always fail. Ni hindi mo nga mahagilap kahit na anino niya," tila nakakaloko nitong ani.Mariin siyang napapikit. Kung wala palang siyang kailangan sa lalaking 'to ay matagal na niya itong binaril. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Nakakairita! "