Home / Romance / DARKER SHADES OF RAIN / Chapter 13: Stranded

Share

Chapter 13: Stranded

last update Huling Na-update: 2024-01-02 16:50:30

Halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya nang magkasama silang bumulusok pababa sa talon. Hindi siya sigurado kung mabubuhay pa ba siya sa pagkakataong iyon. Hindi siya marunong lumangoy kaya malamang malulunod siya. Pero paano na si Rain? Ano ang mangyayari sa lalaki ngayong tumalon sila sa napakataas na talon?

Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nilamon ng tubig. Sobrang lamig. Pagkasayad ng kanyang balat sa tubig ay animo inilunod siya sa isang baldeng yelo dahil sa lamig. Siguro dahil sa nakapalibot na malalaking puno kaya't sobrang lamig ng temperatura.

Sinubukan niyang kumampay pataas subalit hinila siya ni Rain pailalim. Nais man niyang magpumiglas, sinunod niya ang lalaki para hindi na ito maperwisyo sa kanya. Mahigpit ang kapit ni Rain sa kanya habang may itinatali ito sa kanyang bewang. At dahil masyadong madilim ang ilalim ng tubig, hindi niya alam kung ano ang bagay na iyon, basta naramdaman na lang niya ang pagdiin ng matipuno nitong katawan sa kanya hanggan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 14: Rescued

    Agad na nilapitan ni Nahara si Rain. Saka lang niya napagtantong pawis na pawis ang noo nito at inaapoy pa ng lagnat ang lalaki. Pinunasan niya ang noo nito gamit ang kanyang kamay bago luminga sa paligid subalit halos wala na siyang makita dahil sa sobrang dilim. Tanging ang liwanag na nagmumula sa apoy na lang ang makikita sa buong gubat.Napatingin siya kay Rain na may mga katagang ibinubulong subalit hindi naman niya maintindihan kung ano. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kahit sa sitwasyon nila ngayon, hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kagwapuhan. Partida, ang dungis na nilang dalawa. Siya siguro mukhang aswang na pero ito, animo mukhang artista parin.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Sana lang makalabas na tayo dito ng ligtas… O kahit ikaw na lang. May buhay kang maiiwan kapag hindi ka nakauwi…hindi gaya ko na wala namang babalikan pa sa syudad," malungkot niyang usal.Muli itong umungol at nangunot pa ang noo. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan

    Huling Na-update : 2024-01-02
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 15: Paid

    Nasa ospital na ng magising si Nahara. Inilibot niya ang tingin sa buong silid at namataan ang lalaki na kumarga sa kanya sa gubat na mukhang siyang nagbabantay sa kanya. Sinubukan niyang gumalaw subalit agad din siyang napangiwi nang maramdaman ang labis na pananakit ng buo niyang katawan."T—tubig…" Namamaos niyang bigkas.Mabilis namang tumayo si Isaac at agad siyang nilapitan na may dalang isang basong tubig na may straw. Marahan siya nitong tinulungang makabangon."How do you feel?" Maya maya'y tanong nito.Tipid siyang ngumiti sa lalaki. "M—medyo ayos na po," mahina niyang tugon bago muling sinuyod ng tingin ang paligid. "Si Sir Rain po?"Huminga ng malalim ang lalaking kaharap niya bago sumandal sa upuan nito. "He's luckily fine now after his surgery."Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Naalala niyang nawalan na talaga ito ng malay habang lulan sila ng helicopter kanina. Siguro dahil sa dami ng dugong nawala dito kaya tuluyan itong nanghina. "P—pwede ko ba siyang makita?" A

    Huling Na-update : 2024-01-02
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 16: Search

    Rain woke up and was greeted by an all white ceiling. He blinked a couple of times para sanayin ang kanyang mga mata sa liwanag. Fúck! He's so fúcking sure that he's in the hospital alive dahil sigurado naman siyang hindi siya tatanggapin sa langit. Tangína! Papatayin niya talaga si Mattias kapag nahuli niya ito! He tried to move his body but a hand forbade him to do so."Stop moving Rain. Baka bumuka ang tahi ng mga sugat mo," Ani ng isang pamilyar na boses.Nang lumingon siya sa kanyang gilid, he saw Julie with a teary eyed reaction. Tinanguan niya ito at muling ibinaling ang tingin sa kisame. He was so damn frustrated upon realizing he got five gunshot wounds and he's going to rest for a while. Fúck! So fúcking damn annoying situation!"I'm gonna call Raven to check on you, okay? Just wait for me here…" paalam ng babae.Narinig niya ang pagsara ng pinto at maya maya lang ay muli na itong pumasok kasama si Raven at ilan pang nurses."Hey bud! Glad you're finally awake!" Masaya niton

    Huling Na-update : 2024-01-02
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 17: Payment

    Hindi nakagalaw ang tatlong lalaking nakapaligid sa kanya habang ang estranghero ay naglalakad palapit sa kinaroroonan nila. The guy had a bluish gray eyes. Napakurap kurap siya. Parang lagi na lang yata siyang nakakita ng banyaga simula ng mapalapit siya kay Rain."Diba sinabi ko na sa inyo na magbagong buhay na kayo?" Anito pagkarating sa harapan niya.Napalingon siya sa tatlo at nakitang ilang beses na napalunok ang mga ito at halata ang takot sa mga mata. Mas lalo tuloy siyang nacurious kung sino ang lalaking bagong dating."B—boss… P—pasensya na po—""Hmm…" The man cut them of at sinabayan pa ng ilang beses na pag-iling. "Maling tao yang pinagpaplanuhan ninyong galawin," kaswal nitong sambit bago dumako ang tingin sa likuran nila.Sinundan niya ng kanyang mga mata ang tinitingnan nito at bahagya pa siyang napasinghap nang mamataan ang pamilyar na mukha ng bodyguard ni Rain—si Calder. At hindi ito nag-iisa."Privet, Mr.Romanov…" bati ni Calder dito na tinanguan naman ng lalaki. (P

    Huling Na-update : 2024-01-08
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 18: Secrets

    "Nauuhaw ako."Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at mabilis na kinuha ang baso na may lamang tubig sa mesa na nasa tabi ni Rain at iniabot iyon sa lalaki."Straw…"Inilinga niya ang tingin sa paligid para hanapin ang straw. Mabuti na lang at agad niya iyong nakita sa tabi lang din ng baso. Mataman niyang tiningnan si Rain na uminom ng tubig subalit maya-maya lang ay napangiwi ito at napailing."Gusto ko ng malamig," masungit nitong sambit at padaskol na inabot sa kanya ang baso."S—sorry po," aniya bago nagpunta sa dispenser para kumuha ng malamig na tubig.Mabilis siyang naglakad pabalik sa kinahihigaan ni Rain kahit na paika-ika siya dahil sa sugat niya sa paa. Tinanggap nitong muli ang baso at sumipsip doon pero hindi rin nagtagal ay nakasimangot nitong ibinalik ang baso sa kanya."This is too cold…"Napakamot siya ng noo bago tinanggap ang baso at bumalik sa dispenser. Sinigurado niyang tama lang ang temperatura ng tubig bago bumalik sa kama ni Rain. Hindi nakaligtas s

    Huling Na-update : 2024-01-08
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 19: Dangerous

    "May hindi ka ba sinasabi sakin?" Natigil si Nahara sa pag-aayos ng kumot ni Rain at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Matamang nakatitig sa kanya ang lalaki na may bahid ng pagdududa sa mga mata nito habang parang pinag-aaralan ang mga kilos niya. Tipid siyang ngumiti bago umiling. Nangako siya kay Damian na hindi siya magsasalita kaya tutuparin niya iyon kahit na parte lamang ito ng katauhan ni Rain."Wala po Sir. M—may problema po ba?" Kinakabahan niyang tanong.Ilang segundong nanatiling nakatitig sa kanya si Rain bago umiling. "Nothing, I just felt like I did something or something happened without me knowing," tila naguguluhan nitong ani. "I felt like you're lying to me.""Baka nananaginip po kayo, Sir. Nakatulog pa kayo kanina, diba?"Rain stared at her again bago tumingin sa kawalan. Lihim siyang napakagat labi habang nakamasid sa reaksyon nito. Matapos nitong makatulog kanina, bumalik na ang lalaki sa dati nang magising ito. Mukhang si Rain nga ang totoo sa kanilang lahat."

    Huling Na-update : 2024-01-08
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 20: Crazy

    Bumuka ang kanyang bibig para magsalita subalit nabitin siya sa ere nang biglang lumitaw si Calder sa dining room."Sorry for the interruption, Sire but Miss Julie Casimero is here and she's looking for you," anunsyo ng lalaki.Muli niyang ibinalik ang tingin kay Rain na nakatitig pa rin pala sa kanya. Umangat ang sulok ng labi nito na ikinaasiwa niya. "Saved by the bell," mapaglaro nitong sambit bago ibinaling ang atensyon kay Calder. "Bring her here."Tumango si Calder at lumabas na ng dining area. Naiwan naman silang dalawa ni Rain sa mesa habang nasa kanya parin ang mga mata nito. Nakakailang ang titig nitong parang tumatagos sa kaluluwa niya."We'll talk again nextime Nahara. And give me an interesting answer to entertain me…" Nakangiti nitong ani.Marahan siyang tumango bilang tugon. Ilang segundo lang ang lumipas, nakarinig na siya ng tunog ng takong ng sapatos at hindi nagtagal, lumitaw na sa harapan nila ang isang pamilyar at magandang babae—si Julie. Hindi nakaligtas sa pani

    Huling Na-update : 2024-01-08
  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 21: About Her

    Julie stood up when Rain didn't answer her. She throw him one last look bago niya dinampot ang kanyang bag at lumabas ng dining room. She stops and turns her back. Rain stayed on his seat without moving. Maybe he's reminiscing about his past with that fool Eris. Napailing siya at nagtuloy na sa labas.She roamed her eyes around Rain's mansion. Aside from the guards around, she saw a familiar woman staring at her direction from up above. Humigpit ang kapit niya sa kanyang key fob na dala. Inirapan niya ito bago nagtuloy sa loob ng kanyang sasakyan.Hinugot niya ang kanyang cellphone at idinial ang numero ng taong alam niyang makakatulong sa kanya para paalisin si Nahara sa buhay ni Rain. Seconds later, the other line answered. "Give me all the information you can dig up about Nahara Ramirez. I want everything, even the tiniest thing, do you understand?" Maawtoridad niyang wika."Yes, Ma'am."Nakangiti niyang ibinaba ang kanyang cellphone at nagpakawala ng hangin. One of these days, sh

    Huling Na-update : 2024-01-08

Pinakabagong kabanata

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 62: Cutting Down

    Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 61: Steer Clear

    Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 60: Weakness

    Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 59: Avira

    Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 58: Relationship

    "Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 57: Stolen Kiss

    Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 56: Inlove

    Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 55: Retribution

    Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 54: Emotional Torture

    "Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a

DMCA.com Protection Status