Kinagabihan, sinadya ni Nahara na abangan si Rain sa salas para kausapin. Napatingin siya sa hawak niyang sobre. Iyon ang perang ibinigay ng Lolo ni Rain sa kanya para paalisin siya. Dahil maraming nangyari noong nakaraan, idagdag pang naging abala siya sa pag-aalaga kay Rain, nakalimutan niyang isauli ang perang iyon.Sinilip niyang muli ang laman ng sobra. Sobrang kapal niyon at kulay blue green pa. Ganito ba talaga ang mga taong sobrang yaman? Kung makapagtapon ng pera parang barya lang sa kanila?Maya maya pa'y nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan. Agad siyang tumayo at hinintay na pumasok si Rain. Hindi naman siya nabigo dahil ilang sandali pa, lumitaw na sa kanyang harapan ang lalaking hinihintay niya.Hinagod niya ng tingin si Rain. Nakapangracing pa ito ng suot sa pang-ibaba na pinaresan nito ng itim na t-shirt. Hindi niya maiwasang macurious. Nais niya sana itong tanungin kung nagraracing din ba ito pero baka masabihan siya nitong tsismosa at wala siyang karapatang magtanon
"Mister Calder pwede po bang magtanong?" Maya- maya pa'y baling niya sa katabi.Nilingon naman siya nito at napailing. "You can ask questions but please remove the Mister. It's uncomfortable.""Sorry," nakangiwi niyang ani. "Pero balik sa itatanong ko, bakit wala kayong katulong na babae. Napapansin ko kasi puro lalaki ang nakikita ko," curious niyang tanong.Nakapamulsang nagpakawala ng isang buntong hininga si Calder bago muling itinuon ang mga mata sa mga guards. "Because Sire doesn't want any woman to live in his house."Bahagya naman siyang nagulat sa narinig. "Talaga? Pero bakit pinatira niya ako dito?" Nagtataka niyang tanong.Calder looked at her again. "The same question I had in my mind too. Why are you still here when my boss doesn't like women, especially strangers."Kagat labi siyang napatingin sa kawalan. "Hindi ko rin alam ang sagot."Narinig niya ang mahinang tawa ng katabi. "That's a pain in the head to think of but anyway, it's good to see women in the house once in
Napako siya sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig sa lalaking kilala man niya ang mukha pero hindi ang katauhan nito. Malalaking hakbang ang ginawa nito palapit sa kinaroroonan nila saka marahas siyang hinablot palayo sa bodyguard na tumangay sa kanya. Akmang babarilin nito ang lalaki kaya't mabilis niyang hinarang ang kanyang sarili dito."T—teka! Sa—sandali!"Natigil ito sa akmang pagkalabit ng baril at nginisihan siya. "Wow. Such a stupid heroic act," sarkastikong ani ni Rain."Sasama ako sayo, wag mo lang siyang babarilin," nilingon niya ang lalaki sa kanyang likuran bago muling tiningnan si Rain. "And why would you negotiate with me? Who do you think you are? Huh?," mapang-uyam nitong wika saka hinigpitan ang pagkakasakal sa kanyang braso na hawak nito.Napalunok siya. Mukhang mahirap pakiusapan ang lalaking ito. Masyadong mapanganib ang dating gaya noong una silang magkita. "A—alam kong wala akong karapatan pero… pero tauhan mo parin siya tsaka ako ang may gustong umalis—""
Hawk pushed the woman away and stood up upon seeing Nahara lose consciousness. Tangìna! This woman really has no fun. Nagsisimula pa nga lang siya, agad na itong nahimatay. Masyadong mahina para sa mga tipo niya. She can't be a good partner in bed. He's sure she's lousy as fùck!Kunot noo niyang nilapitan ang nakayukyok na babae at iniangat ang mukha nito. Her face was full of sweat and tears. Naiiling niyang binitawan ang mukha ng babae. Agad namang lumingkis sa kanyang likuran ang dalawang babae na kasalo niya sana sa kama."Shall we continue, Sire?" The woman with blonde hair asked him seductively while touching him sensually."The night is still long, Sire… We will make sure to make you happy and satisfied tonight," segunda naman ng isa.Walang gana niyang tinanggal ang kamay ng dalawa na nakapulupot sa kanyang katawan at hinablot ang kanyang roba saka iyon isinuot. "Leave. I'm not in the mood to play with the two of you anymore," he said in a cold manner.Mabilis namang kumalas a
Hindi na siya nakapagreklamo pa nang dalhin siya ng lalaki papasok sa salon. Agad na sumalubong sa kanila ang isang maganda at seksing babae na may magiliw na ngiti sa labi lalong-lalo na sa kasama niya. Napatingin siya kay Hawk na may malagkit ding titig sa babae."Long time no see Mr.Velasquez. Is there anything I can do for you?" Tanong ng babae sa malamyos na boses.Swabeng ngumiti si Hawk sa babaeng kaharap nila. "Yes, of course you do," sagot nito bago siya hinila at iniharap sa babae. "Make her pretty, Lisa," dagdag pa nito.Agad namang tumango-tango ang babae at mataman siyang pinagmasdan. "Okay sure. No problem, Mr.Velasquez," nakangiti nitong tugon.Marahan siyang hinila ng babae papunta sa isang silid. Nagmistula naman siyang robot na sumunod dito habang hindi pa lubos na naaabsorb ang mga pangyayari. Dinala siya ng babae sa isang bathtub kung saan may laman na iyong tubig at may mga bulaklak pang lumilitaw. Nanunot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng bulaklak."Remove
Matapos na sabihin ni Hawk ang mga katagang iyon, hinapit nito ang kanyang bewang at idinikit sa sarili nitong katawan dahilan para mapasinghap siya. Sobrang nakakailang sa pakiramdam kapag ganito kalapit ang katawan nila. "A—anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan niyang tanong.Humarap sa kanya ang lalaki at iniangat ang kanyang mukha saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "Naalala mo ba ang lalaking gustong bumili sayo sa auction?"Marahan siyang tumango habang hindi nilulubayan ng tingin ang binata.Patuloy parin si Hawk sa marahang paghaplos sa kanyang pisngi. Balak niya sanang subukang umiwas subalit natatakot naman siya na baka magalit ito at kung ano pa ang gawin lalo't nasa labas pa naman sila."Alam mo bang gusto ka parin niyang kunin mula sa sakin. That guy must've liked you so much, huh? But one thing that pissed me off is that he hid so well this days that's why I can't catch him immediately. Tutulungan mo naman ako, diba? You see, I noticed you cared for Rain's people
"But making the woman your bait isn't a good thing. You will put her in danger. You have to save her, Hawk," kontra nito sa kanya.Nayayamot siyang napatingin sa salamin ng kotse na nasa harapan niya. If somebody sees him talking alone, they will definitely think he's crazy. "Listen Gabriel, I am not here for a fùcking humanity. I don't care if that woman dies in Mattias hands. The important thing is I could kill him tonight.""No, don't do it tonight, Hawk. Let Rain deal everything—""Oh to hell with that stupid weakling host. I don't care what his plans are. I'm going to do my own plan and not you or even him can stop me!" May diin niyang bigkas.He immediately shut Gabriel off so he wouldn't interfere with his plans and so were the other alters inside. Napangisi na lang siya. The perks of being a strong alter is he can do everything he wants as Rain will be put off asleep together with his fears. Ilang saglit pa, sumakay na siya sa nakahandang sasakyan na nasa parking lot at sinund
Rain arrived near the building where Nahara was brought. Kung hindi pa siya nakipagbasagan ng bungo kay Hawk, hindi pa nito sasabihin kung ano ang naging plano nito. He frustratedly combed his hair. Fighting with his alters is much more difficult than fighting opponents physically.Wearing his safe gears together with his guns and knives, bumaba na siya ng van kasama ang mga tauhan niya. Never in his life did he imagine he'd be doing a rescue operation for a mere woman. Lihim siyang napailing.'This isn't about Nahara. Gagawin niya ang bagay na ito dahil kailangang mapasakamay niya si Mattias. He needs to get a hold of everyone who is connected to Equilibrium.' Kumbinsi niya sa kanyang sarili.They climbed through tall gates. Pagdating palang nila sa loob, agad ng nagkapalitan ng putok ang mga tauhan niya at tauhan ni Mattias. His men threw a series of smoke grenades to cover their existence and took advantage of the situation."The entrance is five meters east and two meters forward,
Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang
Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa
Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat
Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para
Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b
"Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a