Nang madiskbure ni Shaun na mayroong kinalaman ang matalik na kaibigan na si Cianne sa pagkamatay ng kan’yang kakambal na si Matt ay kinidnap niya ito upang parusahan. Nakatakas si Cianne ngunit mabilis niya itong nahanap, ngunit ikinagulat niya nang madiskubreng mayroon itong kambal na anak. Nagbunga pala ang gabing pinagsaluhan nila, na inakala nito’ng siya ay si Matt na matagal na nitong hinahangaan. Binahay niya ang mag-iina, kahit pa taliwas iyon sa kagustuhan ni Cianne. Unti-unti ay nahulog ang loob niya para sa babae. Handa niya ba’ng panindigan ang tibok ng puso kahit pa ito ang rason nang malagim na sinapit ng kan’yang kakambal?
View MoreMatapos makapag-empake para sa maagang byahe pauwi kinabukasan ay bumaba si Cianne sa reception area upang ayusin na ang mga babayaran sa ilang araw na pag-stay sa hotel.“Bayad na po ma’am,” anunsyo ng receptionist na kinakunot ng kan’yang noo.Inulit niya pa ang pagsabi ng room number, at pinakita pa sa kan’ya ang record nito na nagsasabing wala na s’yang kailangan bayaran pa.Hindi niya maalala na may inutusan siyang magbayad doon, hanggang sa lumitaw sa kan’yang harapan si Shaun.Binuksan niya ang wallet at kumuha ng pera doon na katumbas ng bill niya sa hotel.Tumaas ang parehong kilay ni Shaun nang iabot niya ang pera.“I can pay for our hotel bill.”Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa pagkatapos ay tinanggihan ang bayad niya.“I’ll just ask my staff to transfer the payment to your account.”“You don’t have to. It’s my responsibility as your husband to provide for you needs and wants,” sagot nito na kinaawang ng bibig n’ya.Husband? Napangisi siya sa sinabi nito, pagkatapos ay u
Nang masigurong tulog na ang dalawang bata sa family room ng hotel na kinuha ni Cianne ay lumabas siya ng terasa. Malamig ang samyo ng hangin na sumalubong sa kan’ya, kaya mas binalot niya pa ang sarili ng roba. Lumapit siya sa railings at sinimsim ang alak sa kopitang kan’yang hawak.Tinanaw niya ang liwanag ng bawat tahanan sa bulubunduking parte ng lugar. Magandang tanawin iyon sa gabi. Nang magsawa ay binaba niya naman ang tingin sa infinity pool sa ibaba. Nasa isang resort sila sa Baguio. Mula sa Romblon ay doon sila dumiretso kasama ang mga anak. Hindi na muna siya sumama sa mga kapatid pauwi dahil kailangan niya pa ng kaunting panahon para sa sarili.Inaasahan niya nang babalik si Shaun dahil sa mga bata. Hindi niya nga lang akalain na makikita pa ito ng kambal na may kasamang ibang babae. Maging siya ay ganoon din. Ano pa nga bang aasahan niya, na siya pa din ang mahal nito? Mas pinili nga nitong magtiis sa piling ni Heria kaysa tumakas kasama siya.“Psst.”Ang kan’yang tahimi
Sa sinapit ng ama ni Shaun, nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya gustong maging kagaya ng kinahinatnan ng pagmamahalan ng kan’yang mga magulang ang sa kanilang dalawa ni Cianne. Ayaw niyang maulit ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang loob niya na magpatuloy sa paghahanap sa kan’yang mag-iina, kahit hanggang sa pagputi man ng buhok niya.“Sir, good news. Nakakuha na ako ng record sa airport. Hindi lumabas ng bansa si Cianne. Nasa Baguio sila ng mga bata.”Agad niyang kinancel ang flight patungo sa ibang bansa nang marinig ang magandang balita mula sa private investigator.Nagpatulong siya sa kaibigan na si Josh upang magpahatid sa Baguio gamit ang private plane nito. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon.Pagdating doon ay tinungo niya ang hotel na tinuluyan ng kan’yang mag-iina ayon na din sa impormasyon na binigay sa kan’ya.“I’m sorry sir, but we can’t disclose any information to you,” ani babaeng receptionist.Malungkot siyang napangiti.Tinitigan niya ang babae na animo’y ilang
Nilaan ni Shaun ang natitira sa buong araw sa puntod ng kan’yang kakambal at ina. Kwenento niya lahat ng nangyari, at kahit papaano ay gumaan ang kan’yang pakiramdam.Kinabukasan, bitbit ang pulonpon ng rosas, ay nagtungo siya sa bahay ng pamilya ni Cianne. Hindi na siya nag-abala pa’ng tumawag o magpadala man lang ng mensahe dahil natatakot syang baka hindi rin nito sagutin.Nakakailang door bell na siya at busina ngunit walang nagbubukas ng gate. Nakakapanibago iyon dahil nasanay siya na isang pagkatok lang sa gate ay may nagbubukas na.Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa restaurant ng babae. Sa labas pa lang ay sinipat niya na ang mga kotseng nakaparada ngunit wala doon ang sasakyan na pagmamay-ari ni Cianne, gayunpaman ay pumasok pa din siya.Abala ang mga staff sa pag-asikaso ng mga customer kung kaya nahirapan siyang maghanap ng tyempo upang magtanong sa mga ito. Hanggang sa lumabas ang manager mula sa kitchen at walang pag-aalinlangan siyang
Nagbigay ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ni Don Felipe si Shaun bago pinapasok ang sarili. Pormal siyang magpapaalam na hindi na sya magtatrabaho sa kompanya at puputulin na ang kan’yang ugnayan dito.Sigurado siyang may ideya na ito sa pagpunta niya dahil kalat na sa medya ang pagtanggal sa kan’yang ama bilang myembro ng political party na suportado ng pamilya ni Heria. Maging ang shares nito sa kompanya ay binawi na. Alam niyang ibubunton sa kan’ya ni Don Felipe ang sisi.Sinalubong siya nito nang matalim na tingin at nagdidilim na ekspresyon. Wala siyang naramdaman na takot o kahit kaunting pangamba.Nilapag niya sa lamesa nito ang sobre na naglalaman ng kan’yang resignation letter.“Anong ginawa mo?” mapanganib nito’ng tanong.“I’m cutting ties with you.” Wala siyang balak na magpasindak pa dito.Marahas nito’ng pinalo ang lamesa dahilan upang mahulog sa sahig ang babasaging baso na naglalaman ng alak, na siyang iniinom nito umagang-umaga.“You’re a Gonzalvo! You can’t cut
“Sir, baka po sumakit na ang ngipin n’yo.” Halos maubos na ni Shaun ang cookies nang hatiran siya ng tubig ni Manang Alice sa kwarto.Lumalalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Makailang-ulit niya na yatang binabasa ang marriage contract nila ni Cianne, na mas lalong nagdadagdag ng mga bagong katanungan sa isip niya.Paano siya naikasal kay Heria gayong kasal na siya kay Cianne?Masaya siya sa nadiskubre, hindi niya iyon ikakaila. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung tunay ba ang marriage certificate na hawak niya.Tinawagan niya na kanina ang private investigator upang alamin kung lehitimo pa ang papeles. Panalangin niyang totoo ito.Gayunpaman, totoo man o hindi, alam niyang ang kan’yang kakambal na si Matt ang gumawa ng paraan upang makita nita ang papel na iyon. Sigurado siyang sinasabi nito’ng huwag niyang sukuan ang pagmamahal para kay Cianne.Kailangan niyang maging handa pagkatapos ay pangako niyang ipaglalaban na ang pagmamahalan nila.Kinabukasan din, isang magandang
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano
“Patawarin mo ako.”Humihikbing ipinatong ni Cianne ang bulaklak na Chrysanthemum sa ibabaw ng lapida at nanginginig na sinindihan ang kandila. Mula sa pagluhod ay umupo siya at hinaplos ang pangalan na nakaukit doon.Higit apat na taon na ang nakaraan, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang puntod. ‘Ni hindi niya nagawang pumunta sa libing upang kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang mukha nito. Gayunpaman, malinaw pa din sa isipan niya ang itsura nito.Inalis niya ang ilang tuyong dahon na kumalat sa ibabaw ng lapida. Sa kabila nito, ang puntod pa din na iyon ang pinakamalinis, halatang tila madalas na mayroong dumadalaw. Dahil sa isiping iyon ay tumayo na siya kahit hindi pa umiinit ang damong inuupuan n’ya. Pinagpagan n’ya ang suot na jeans at inayos ang balabal na tumatakip sa kan’yang ulo. Nagkubli sa likod ng itim n’yang salamin ang namamagang mga mata, na ang luha ay hinayaan n’yang matuyo ng hangin.Sumakay siya sa kotse at dali-daling...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments