Share

Chapter 3

Kinabukasan, nasa mga kamay na ni Cianne ang katibayan na kasal na nga sila ng apo ni Don Felipe. Hindi n’ya alam kung ano’ng ginawa ni Matt, ngunit mukhang marami ito’ng koneksyon upang maiparehistro nang ganoon kabilis ang marriage certificate at maiatras ang petsa nito sa dalawang taon.

“Kasal na tayo! Este kami ni Matt, na nagpapanggap na ikaw.” Hindi niya alam kung ngingiti ba siya habang ikinukwento kay Shaun ang mga nangyari kahit isang araw pa lang sila sa Pilipinas.

Sa pag-aari ni Shaun na two-storey residential house sa isang kilalang subdivision nila napagpasyahan ni Matt na manirahan. May kalayuan iyon sa mansyon, kaya kahit papaano ay makakapagpahinga sila sa pagpapanggap.

Ilang segundo din na hindi nagsalita si Shaun. Kumaway pa si Cianne sa screen ng cellphone upang masiguro na hindi humina ang signal nito.

“Is that okay with you?” Nahimigan n’ya ang pag-aalala sa boses nito.

Sandali siyang natahimik. Sa tuwing makukuha niya ang gusto ay sumasaya s’ya. Gusto n’ya si Matt, at nakuha niya ang gusto. “Masaya ako, kaya sa tingin ko ayos lang ito sa akin.”

Nang mga sumunod na araw ay nagsimula nang pumasok sa trabaho si Matt. Naiwan siya sa bahay dahil ayaw naman nitong isama s’ya. Tama na daw na alam Don Felipe na mag-asawa na sila upang hindi na maisipan pa’ng ipakasal ito sa iba.

Hindi naman siya naboboryo sa bahay-bahayan nila ni Matt. Naiinis lang siya dahil ‘ni hindi man lang sila magkasabay sa agahan o hapunan, o kahit magkwentuhan man lang.

Hanggang sa isang araw ay inimbitahan siya ni Don Felipe sa opisina nito.

Pagpasok n’ya pa lang sa limang palapag na gusali, bumungad na sa kan’ya ang nagagandahan at eleganteng mga furnitures. Hindi na iyon kataka-taka dahil furniture company iyon.

Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang opisina ni Don Felipe dahil sa information desk pa lang sa unang palapag ay mayroon nang sumama sa kan’ya paakyat.

Malalim siyang huminga at nagpaskil ng ngiti bago sumunod sa sekretaryang sumama sa kan’ya patungo sa opisina ng presidente ng Dream Design.

“Magandang Umaga po,” masigla niyang pagbati kahit tumatambol ang kaba sa kan’yang dibdib.

“Mina told me na kasal ka na sa apo ko,” bungad nito sa kan’ya.

Hindi man lang s’ya pinaupo kaya nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.

“Opo.” Itinaas n’ya pa ang kamay upang ipakita ang singsing dito.

“Umuwi kayo ng Pilipinas two years ago para magpakasal without my knowledge.” Hindi na kataka-taka na alam iyon ng matanda. Alam ni Matt na mag-iimbestiga ito sa legalidad ng kanilang pagpapakasal kaya pinaghandaan nila ito nang mabuti.

“Kasi po -” Magpapaliwanag pa sana s’ya kaya lang ay pinigilan s’ya ni Don Felipe.

“I don’t need any explanation. Ang kailangan ko sa’yo ay hiwalayan mo ang apo ko. Nakatakda na s’yang ikasal sa anak ni Congressman Bentiz,” maotoridad nitong sabi.

Tumayo nang tuwid si Cianne at sinalubong ang tingin ng matanda. “Hind ko po iyan gagawin. Mahal ko po si Shaun. Nagmamahalan po kami.”

Lumipas ang ilang buwan, ipinagpasalamat niyang hindi na siya muling kinausap pa ni Don Felipe tungkol sa bagay na iyon o baka dahil umiiwas na siyang makasalamuha ito. Gayunpaman, ipinagpasalamat n’yang hindi iyon naging hadlang sa pagpapanggap ni Matt bilang Shaun.

Magaling humawak ng kompanya si Matt, iyon nga lang ay mas napadalas na hindi ito pumapasok o umuuwi sa kanilang tirahan. Kung umuwi man ay gabi na at may kasamang babae.

“Sino s’ya?” Nangangalaiti n’yang tanong matapos ihatid ni Matt ang babae sa labas.

“Nadia, my girlfriend,” walang kaemo-emosyon nitong sagot.

Nahigit ang kan’yang hiningan nang marinig iyon. Hindi n’ya alam na mayroong nobya ang lalaki.

“Pero mag-asawa tayo,” mahina n’yang saad. Alam n’yang wala ito’ng espesyal na pagtingin sa kan’ya. Baliw s’ya para isipin na magkakagusto ito sa kan’ya. ‘Ni wala nga’ng nagbago sa pakikitungo nito sa kan’ya sa loob ng ilang buwan.

Pagak na tumawa si Matt. “Cianne, si Shaun ang asawa mo, hindi ako. Besides, these are all lies. May buhay ako sa labas nito. Sana ikaw din.”

Tinalikuran na siya nito at dumiretso sa kwarto.

Hindi namalayan ni Cianne ang pagtulo ng luha sa kan’yang mata. Ang alam niya’y hinahangaan n’ya lang si Matt pero bakit nasasaktan s’ya?

Sa kabila nang sakit na nadama, ipinagpatuloy n’ya ang pagpapanggap. Hindi niya ikinakaila na umaasa siyang kahit papaano ay darating din ang araw na magkakamabutihan sila.

“Matt?” Nakakailang katok na siya sa pintuan ng kwarto nito subalit walang nagbubukas.

Idinikit n’ya ang tainga sa pintuan upang pakinggan kung may tao ba sa loob. Nang walang marinig na ingay ay dahan-dahan n’yang pinihit ang seradura at pinapasok ang sarili. Bitbit niya ang mga tinuping damit ng lalaki. Pagsisilbihan n’ya na lang ito kagaya nang ginagawa ng tunay na mag-asawa.

Narinig n’ya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Pasado alas-otso na ngunit naghahanda pa lang ito sa pagpasok sa trabaho. Makailang ulit niya na ito’ng pinagsabihan at isinumbong na din kay Shaun ngunit walang nagbago.

Binuksan n’ya ang cabinet upang ilagay ang mga bagong tuping damit ngunit magulo ang loob nito. Napailing na lang siya at hindi maiwasan na ikompara ang lalaki sa kakambal nito. Si Shaun ay organisadong tao.

Kinuha n’ya ang ilang damit na basta na lamang inilagay sa cabinet. Inilagay n’ya iyon sa kama upang tupiin, ngunit hindi sinasadyang mahila niya ang strap ng itim na bag. Nahulog iyon sa sahig.

Hindi siya nagulat sa tunog ng pagbagsak nito, ngunit ang ikinabigla n’ya ay ang maraming bugkos ng isang libong pera na nasa bag at ang ilan ay nagkalat na sa sahig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status