Present TimeApat na taon ang nagdaan ngunit ang sakit ay hindi nabawasan.“Tulong! Tulungan n’yo ako!”Inisang lagok ni Shaun ang natitirang alak sa kopita nang marinig ang sigaw mula sa bakanteng bodega ng mansyon.Dalawang palapag ang mansyon na sinikap niyang ipatayo bilang pangako sa ina at kakambal nang nabubuhay pa ang mga ito. Ang mansyon na sana’y pupunuin nila ng magandang alaala, ngayo’y magiging lungga na nang babaeng kinamumuhian n’ya.Binuksan n’ya ang pintuan ng bodega na kagaya sa buong mansyon ay walang gaanong laman.Sumalubong sa kan’ya ang naniningkit na mata ng babae na tila nasilaw sa liwanag mula sa bukas na pintuan. Sinadya n’yang huwag buksan ang ilaw sa bodegang iyon upang ipadama dito ang impyernong kakaharapin nito.“Shaun?”Ano ba’ng nagbago sa istura n’ya upang magdalawang isip pa ito? Bukod sa paglaki ng kan’yang katawan ay tanging pagtingin n’ya lamang para dito ang nagbago. Kung dati’y tuwa ang nadarama niya sa tuwing nakikita at nakakasama ito, ngayon
Hindi ang panahon ang nagpapabago sa tao, bagkus ay ang sakit na dinanas ng puso nito.Sa kabila ng halo-halong emosyon na nararamdaman ni Cianne, mas nanaig pa din sa kan’ya ang awa para kay Shaun.Alam n’yang nagtatampo ito sa biglaan niyang pagkawala, at hindi man lang pakikiramay dito nang mawala si Matt. Subalit hindi niya inaasahan ang mabigat na akusasyon na ipinaparatang nito sa kan’ya.“Pinapili ako ng lolo mo. Lalayuan ko si Matt na nagpapanggap na ikaw o sampong milyon. Alam mo’ng matindi ang pangangailangan ko noon sa pera. I was so pressured to save our business. Sa isip ko, wala naman pag-asa na magustuhan din ako ni Matt pabalik, kaya mas mabuti pa na lumayo na lang ako. Ika nga nila, hitting two birds with one stone. Tinanggap ko ang alok ni Don Felipe, dahil mas matimbang sa akin ang kagustuhan na maiahon ang negosyong pinakaiingatan ni Dad. Pagkatapos ko’ng makuha ang pera, sobrang bigat ng loob ko Shaun, I felt like I am betraying you, pero wala ako’ng magawa dahil
Kung natutupad lang ang bawat kahilingan ay hihilingin ni Cianne na panaginip lang ang nangyayari sa kan’ya ngayon.Hindi niya alam kung ilang oras na simula nang iwanan siya ni Shaun sa madilim na apat na sulok ng kwarto. Pagod at pagkalam ng sikmura ang kan’yang nararamdaman kaya kahit nanghihina na ay sinubukan n’yang tumayo. Subalit dahil nakatali ang mga kamay sa likod at paa ay hirap siyang kumuha ng balanse. Hanggang sa naisipan n’yang isandal ang likod sa pader at tagumpay na nakatayo.Tumalon-talon siya upang makaalis sa posisyon. Hindi niya maaninag kung saan ang pintuan kaya idinikit niya ang dalawang nakataling kamay sa pader para magsilbing gabay.Huminto siya sa upang huminga nang malalim pagkatapos ng ilang talon, at nagpatuloy muli ngunit natalisod siya at buong katawan ang bumagsak sa sahig.Lumikha iyon ng ingay dahil sa lakas ng pagbagsak. Mabuti na lamang ay naiangat niya ang ulo kaya hindi tumama sa sahig pero napuruhan naman ang kan’yang tuhod at dibdib na s’yang
Pinagmasdan ni Cianne ang namumulang palapulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kan’ya. Masuyo niya iyong hinaplos, na tila ba mabilis nitong mapapagaling ang hapding nadarama. Gayunpaman, wala pa din hihigit sa sakit na nadarama niya sa kan’yang puso. Hindi niya akalain na ang matalik na kaibigan ang magbibigay sa kan’ya ng latay sa kamay.Hindi mo talaga masasabing kilala mo na ang isang tao, kung hindi mo pa nakikita ang demon side nito.Tumingin siya sa nakabukas na pintuan. Matapos siyang kalasan ay naglakad na si Shaun palabas.Sa lahat ng kidnapper, ito na yata ang may tiwala sa taong kinidnap nito. Iwanan ba naman s’yang hindi nakatali ang mga kamay.Ipinagpatuloy niya ang masuyong pagmamasahe sa inalisan ng tali. Hindi niya mapigilan isipin ang mga kamay na nagmamasahe sa kan’ya tuwing uuwi siya ng bahay. Sa magdamag niyang pagkawala, siguradong hinahanap na siya ng mga ito.Tinanaw n’ya ang labas ng pinto. Limitado lamang ang kan’yang nakikita ngunit bukod sa kanila ni S
Mahirap kontrolin ang galit. Iyon ang naramdaman ni Shaun sa mga lalaking kumitil sa buhay ng kan’yang kakambal. Kaya nang mahuli n’ya ang mga ito ay wala s’yang naramdaman ‘ni katiting na awa at sa halip ay walang habas ito’ng pinahirapan hanggang sa mawalan ng hininga.Subalit, pagdating kay Cianne ay nahihirapan s’yang panatilihin ang matinding galit dito. Hindi ganoon ang inaasahan n’ya. Akala niya ay hindi siya mahihirapan dito, ngunit kahit wala ito’ng ginagawa ay tila unti-unti nitong napapahupa ang galit sa puso n’ya.Masama pa din naman ang kan’yang loob at kailanman ay hindi na iyon mawawala ngunit hindi iyon sapat para isagawa n’ya ang planong pagpapahirap dito.Pinatay niya ang shower at nakatapis na lumabas ng banyo. Sa unang palapag s’ya gumamit ng banyo upang mas mabantayan ang babae kaya dinig na dinig n’ya ang pagkalampag nito ng pinto.Tamad siyang naglakad patungo doon at binuksan.Tumambad sa kan’ya si Cianne na magkahawak pa ang dalawang kamay sa harapan, animo’y
Komportableng buhay ang kinalakihan ni Cianne. ‘Ni minsan ay hindi n’ya naranasan ang hirap dahil lahat ng pangangailangan at luho ay walang pag-aalangan na binigay ng kan’yang magulang. Kaya nang mabalitaan n’ya ang pagbagsak ng negosyo ng kanilang pamilya ay sinikap n’yang gumawa ng paraan para lang hindi sila makaranas ng hirap.Subalit, hindi niya inaasahan na kahit anong yaman n’ya ay makakaranas pa din s’ya ng pasakit sa buhay.Mabigat na ang kan’yang mga mata at sumasakit na din ang kan’yang ulo, pero hindi niya magawang matulog. Bukod sa hindi s’ya kampante sa lugar ay hindi rin komportableng humiga sa malamig na sahig. Wala man lang kasing ibinigay na kumot o unan si Shaun.Sumandal s’ya sa pader at pumikit. Maya pa’y unti-unti niya nang nararamdaman ang pagdausdos ng likod. Napaayos siya ng upo kahit nilalamon na ng antok ang kan’yang sistema. Sa huli ay hinayaan n’ya na lamang ang katawan na mahiga sa malamig na sahig. Niyakap n’ya ang tuhod para kahit papaano’y maibsan ang
Masama man hilingin ngunit minsan ay ninais niyang magkaroon ng amnesia, iyong tipong makakalimutan niya ang pagkakamaling nagawa sa nakaraan, para may balido s’yang sagot sa tanong kung bakit bigla s’yang naglaho.Umawang ang labi ni Cianne nang mapanood ng buo ang cctv footage.“Now tell me na walang basehan ang paratang ko sa’yo. It was not a baseless accusation, Cianne. This is the truth. You’re the reason why Matt suffered and got killed.” Nangangalit ang mukha nito, subalit hindi s’ya nagpatinag.“Hindi ko alam na pera iyon ni Matt. Wala ako’ng ideya na sa kan’ya iyon. Sinunod ko lang ang sinabi ni Don Felipe na kunin ang itim na bag sa lumang gusali na ‘yan bilang kapalit ng paglayo ko.”Sa katunayan ay nabigla s’yang makita na si Matt ang naglagay ng duffle bag sa lugar na iyon.Nagkaroon ng kalinawan sa isip n’ya kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kan’ya ni Matt. Kung bakit iniisip nitong s’ya ang puno’t dulo ng pagkamatay ng kakambal. Gayunpaman, hindi niya alam. Inosen
Pareho man ang pisikal na anyo ni Matt at Shaun, ay magkaibang-magkaiba naman ang kanilang ugali. Siya ang tinuturing na mabait samantalang si Matt naman ang pasaway. Gayunpaman, pareho silang naging mabuting anak sa ina.Alam ni Shaun ang laki ng pinagbago n’ya. Wala na ang mga araw na susunod siya sa kung ano ang nararapat at tama. Nang mawala ang natitirang kasangga niya sa buhay na si Matt, natututo s’yang labagin ang batas para makamit ang tunay na hustisya. Mali ito kung batas ng tao ang susundin, pero higit na mali ang sinapit ng kan’yang kakambal. Higit na mali kung wala s’yang gagawin.Subalit, sa kabila nang pagnanais na pagbayarin ang babaeng sanhi ng pagkamatay ng kan’yang kapatid, mas namumutawi ang pagkaawa n’ya dito.Matapos niyang ikulong sa bodega si Cianne ay umalis siya at nagmaneho kung saan-saan. Gusto niyang magpalipas ng galit, kahit pa ang dapat ay kinukuha niya ang pagkakataon upang hindi makadama ng konsyensya habang pinapahirapan ito.Sumagi sa kan’yang isip
Hindi umimik si Cianne at sa halip ay tahasan na binawi kay Shaun ang annulment papers.Kitang-kita niya ang nagdaang sakit sa mga mata nito, at ang mahigpit na kapit nito sa manibela, ngunit pinili niyang huwag magsalita. Kung tutuusin ay tamang oras na iyon para humingi ng pirma nito, subalit hindi niya magawa.Alam niya kung ano ang pumipigil sa kan’ya, pero nauunahan siya ng takot na aminin iyon.Naging tahimik ang byahe nila hanggang sa pag-uwi.Umingay lamang nang makarating sila sa kwarto ng kambal na kahit gabi na ay hindi pa rin paawat sa paglalaro.“Ipapahatid na lang kita sa driver,” sabi niya kay Shaun matapos nilang mapatulog ang kambal.Magkasunod silang lumabas ng kwarto ng mga bata. Naramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila dahil tahimik lamang ito habang nasa likod niya.Maya pa’y bago pa man sila makababa ng hagdan ay hinawakan nito ang kan’yang siko, dahilan upang mapalingon siya.“Can we talk?” Inaasahan niya nang kakausapin siya nito. Gusto niyang tumanggi dahil
“Kailangan mo ba ulit ng kopya ng annulment papers?” pambungad na tanong kay Cianne ni Attorney Arim.Nagtungo siya sa kompanya ng kan’yang mga kapatid nang makasalubong niya ang abogado. Nagkamot-batok siya. Alam niya ang tinutukoy nito. Higit isang linggo na din na nasa kan’ya ang annulment papers, ngunit ‘ni mabanggit kay Shaun ay ‘di n’ya magawa.“Sandali lang naman attorney. Ayoko naman kasi na dagdagan pa ang isipin ni Shaun. Baka pagkatapos ng kaso ng daddy niya ay mapoproseso na namin ‘to.”Ngumiti ito, hindi niya lang mawari kung naniniwala o nang-aasar iyon.“Ikaw lang ang kilala ko’ng makikipaghiwalay na concern pa din sa hihiwalayan. Basta sa’kin lang, ayoko maging instrumento ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan pa.”Alangan siyang ngumiti at piniling huwag na lang umimik, dahil kung siya ang tatanungin, nagdadalawang-isip na siyang pumirma sa annulment.Hapon na nang makarating siya sa restaurant. Sa bungad pa lang ay may ilang customer na siyang nakitang nakatayo
Maagang nagsara ng restaurant si Cianne upang malayang makapaglaro ang dalawang bata doon. Hinayaan niyang si Shaun ang magbantay sa mga ito habang sinisiguro niyang maayos na ang lahat sa loob matapos umuwi lahat ng empleyado.“Closed na po kami sir,” paumanhin niya sa may edad ng lalaking pumasok.Imbes na lumabas ay nagpatuloy pa din ang lalaki sa dahan-dahan na paglalakad papasok.Nakatutok ang mata nito kay Shaun, habang siya naman ay abalang kilalanin ang pamilyar na mukha. Dumaan pa ang ilang sandali nang mapagtanto niyang si Julian Gonzalvo iyon.“Dad,” pagtawag ni Shaun na mabilis na nilapitan ang ama habang nakasunod ang dalawang paslit.“I’m sorry, nagpunta ako dito. I just wanted to check on you, son,” anito ngunit ang mga mata ay nasa batang nakahawak sa laylayan ng damit ni Shaun.Nakatitig din ang mga ito sa ama ni Shaun.Kinakabahan na lumapit siya sa mga ito.“Tito.” Alangan siyang bumeso na agad naman nito’ng tinanggap.“It’s been a while, Cianne. How are you?” Kumpa
Laman ng balita kinabukasan ang pagiging sangkot ni Don Felipe at Romina sa korapsyon na unang binibintang sa ama ni Shaun. Kahit saan ay usap-usapan iyon. Maging hanggang sa restaurant ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Cianne ang tungkol dito. Hindi niya alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat iyon dahil tila nasapawan nito ang lantarang paghayag ni Shaun sa ugnayan nila bilang mag-asawa sa harap ng kan’yang mga staff nang nakaraan o dapat niyang ikabahala. Lalo pa’t kahit itakwil man ni Shaun ang pamilyang pinanggalingan ay hindi pa din maitatanggi na nananalaytay sa kan’ya ang dugong Gonzalvo.Tahimik ang binata sa buong byahe hanggang pagdating nila sa restaurant. Ngumingiti naman ito sa tuwing magtatanong siya ng kaswal na bagay, ngunit halatang-halata sa mata nito ang lungkot. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa estado ng pagiging mag-asawa nila, na binabalak n’ya nang putulin, o dahil sa sitwasyon ng pamilya nito. Kung pareho man, hindi niya nagugustuhan na tila may pakia
Pasara na ang restaurant nang dumating si Cianne mula sa pagsundo sa mga bata sa eskwela. Tumigil siya sa pintuan upang ilagay ang close sign. Matapos iyon ay pumasok na siya sa loob. Dalawang lamesa na lang ang may nakaupong customer. Ang isa ay grupo ng magkakaibigan na patapos nang kumain, habang sa kabilang mesa naman ay isang babae lang, na mukhang mayroon pa’ng nais idagdag sa order nito dahil tinawag ang waiter.Nilapag niya ang bag sa may counter. Naroon ang kan’yang manager na tinutulungan na ang kahera sa pag-i-inventory.“Can I talk to your chef?”Napatingin siya sa babaeng customer nang marinig ang demanding nitong tono.Nakatalikod ito sa kan’ya, kaya bahagya siyang naglakad palapit. Nais niyang matanaw kung may problema ba sa pagkain nito kaya gusto nitong makausap si Shaun, na kan’yang head chef.“Bakit po ma’am?” tanong ng staff.“The food is good. I want to compliment him personally. Can I do that?”Pamilyar ang boses nito, ngunit hindi niya maalala kung sino. Hindi n
“Balita ko kinuha mo’ng head chef ang lalaki na ‘yan?” tanong ni Cindy kay Cianne.Umagang-umaga ay nakataas na kaagad ang kilay ng kan’yang ate Cindy. Alam n’yang dahil iyon sa presensya ni Shaun sa pamamahay nila. Paano’y ginagawa na lang tulugan ng lalaki ang sariling bahay at buong araw nang nasa restaurant at nasa bahay nila. Hindi niya naman magawang itaboy ito dahil sa mga bata. Halos sabay na din kasi ang oras nila na nilalaan sa mga anak.“I have no choice ate. Besides, he’s the best chef I know, regardless of our personal issues.”Umirap si Cindy sa sagot n’ya. Tila ba nagdududa sa sagot niya, na para ba’ng may iba pa s’yang dahilan.Bitbit ang kape ay umupo na ito sa hapag para sa agahan. Sumunod na din s’ya dito.“Shaun, sumabay ka na.” Napahinto siya sa paghigop ng kape nang marinig ang pag-aaya nito kay Shaun na akma na sanang babalik sa kwarto ng mga bata matapos pakainin ang mga ito.Walang pagdadalawang-isip na umupo ang lalaki sa kan’yang tabi.Tila hindi niya magawa
Hello guys! Sadly, on leave na ang mga editors for Chinese New Year. Feb 6 pa ang balik nila, which means pending din ang review and approval ng chapter na naulit, so hindi ko pa ma-upload ang ibang chapters. I promise to upload more chapters (baka hanggang ending na) haha Stay tune! mwa 😘
This note is as of Jan. 26, 2025.Hi!I'll upload Chapter 15 tomorrow. Na-doble ko kasi ang upload ng chapter 113 due to internet connection issue. In-edit ko ang isang Chapter 113 to Chapter 114, pero currently under review, kaya baka malito kayo na nag-unlock kayo ng same chapter. Maybe bukas ay okay na, so refresh n'yo na lang :) Salamat sa pag-unawaThank you na din sa suporta n'yo sa novel na ito. Na-i-inspire ako to write more.
Sa mga sumunod na araw, hinayaan na lang ni Cianne na si Shaun ang maghatid at sundo sa kan’ya sa restaurant. Maasahan n’ya din naman ito sa tuwing nangangailangan ng tulong doon. Minsan naman ay sinasamahan nito ang mga bata na mas lalo n’yang ikinakatuwa. Totoo nga’ng bumabawi ito sa kambal. Kagaya ngayong araw, na pinasyal nito ang dalawa.“Bakit naman biglaan, chef?” halos manlumo siya sa resignation letter na inabot ng kan’yang head chef. Epektibo na iyon kaagad sa susunod na araw.“Nagkasakit po kasi ang nanay ko na nasa Canada. Walang iba’ng p’wedeng mag-alaga sa kan’ya kun’di ako. Pasensya na po ma’am.”Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang biglaang pag-alis nito. May mga assistant chef pa naman s’ya ngunit hindi pa ito kasing-galing. Kaya kailangan niyang makahanap kaagad bago ito umalis.Hinilot n’ya ang sintido habang naglalakad-lakad sa labas ng restaurant at malalim na nag-iisip. Kung tutuusin ay mula naman sa kan’ya ang mga resipe. Maaaring siya na lang muna ang magin