Masama man hilingin ngunit minsan ay ninais niyang magkaroon ng amnesia, iyong tipong makakalimutan niya ang pagkakamaling nagawa sa nakaraan, para may balido s’yang sagot sa tanong kung bakit bigla s’yang naglaho.Umawang ang labi ni Cianne nang mapanood ng buo ang cctv footage.“Now tell me na walang basehan ang paratang ko sa’yo. It was not a baseless accusation, Cianne. This is the truth. You’re the reason why Matt suffered and got killed.” Nangangalit ang mukha nito, subalit hindi s’ya nagpatinag.“Hindi ko alam na pera iyon ni Matt. Wala ako’ng ideya na sa kan’ya iyon. Sinunod ko lang ang sinabi ni Don Felipe na kunin ang itim na bag sa lumang gusali na ‘yan bilang kapalit ng paglayo ko.”Sa katunayan ay nabigla s’yang makita na si Matt ang naglagay ng duffle bag sa lugar na iyon.Nagkaroon ng kalinawan sa isip n’ya kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kan’ya ni Matt. Kung bakit iniisip nitong s’ya ang puno’t dulo ng pagkamatay ng kakambal. Gayunpaman, hindi niya alam. Inosen
Pareho man ang pisikal na anyo ni Matt at Shaun, ay magkaibang-magkaiba naman ang kanilang ugali. Siya ang tinuturing na mabait samantalang si Matt naman ang pasaway. Gayunpaman, pareho silang naging mabuting anak sa ina.Alam ni Shaun ang laki ng pinagbago n’ya. Wala na ang mga araw na susunod siya sa kung ano ang nararapat at tama. Nang mawala ang natitirang kasangga niya sa buhay na si Matt, natututo s’yang labagin ang batas para makamit ang tunay na hustisya. Mali ito kung batas ng tao ang susundin, pero higit na mali ang sinapit ng kan’yang kakambal. Higit na mali kung wala s’yang gagawin.Subalit, sa kabila nang pagnanais na pagbayarin ang babaeng sanhi ng pagkamatay ng kan’yang kapatid, mas namumutawi ang pagkaawa n’ya dito.Matapos niyang ikulong sa bodega si Cianne ay umalis siya at nagmaneho kung saan-saan. Gusto niyang magpalipas ng galit, kahit pa ang dapat ay kinukuha niya ang pagkakataon upang hindi makadama ng konsyensya habang pinapahirapan ito.Sumagi sa kan’yang isip
Panaginip ba? Tanong ni Cianne sa isipan nang maramdaman ang komportableng hinihigaan. Nang imulat n’ya ang mga mata ay napagtanto n’yang reyalidad iyon. Gayunpaman, nais niyang bumalik sa panaginip nang makitang nasa parehong lugar pa din s’ya.Bumangon s’ya at nilibot ang paningin. Madilim na sa labas, kung gayon ay napasarap ang kan’yang pagtulog. Akalain mo ‘yon nagawa n’ya pa’ng makatulog sa delikado n’yang sitwasyon.Hinanap ng kan’yang mga mata si Shaun subalit wala ito sa paligid. Ang huli niyang naaalala ay nang pakainin at painumin s’ya nito ng gamot, na siyang nagpagaan ng bigat ng kan’yang pakiramdam. Sinong baliw na kidnapper ang gagawin pa iyon sa bihag n’ya?Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. May nasisilip siyang kakarampot na kabutihan sa puso ng binata, ngunit kailangan n’ya pa din na mas maging maingat.Maingat siyang naglakad sa unang palapag ng bahay patungo sa main door. Dahan-dahan niya iyong pinihit, natatakot na lumikha ng ingay gayong hindi niya sigurado k
Dapat n’ya ba’ng ikatuwa iyon o ikabahala?Malalim na hininga ang binuga ni Cianne habang nakaupo sa kama at nakatanaw sa bintana.Iniisip niya kung anong klaseng pag-aalila ba ang gagawin ni Shaun sa kan’ya. Iyong tipong kailangan n’ya ba’ng pagsilbihan ito? Dahil kung oo, ay hindi n’ya pagbubutihan para mapilitan ito’ng pakawalan na s’ya.Sinabi pa nito’ng habang-buhay, ibig sabihin ba ay wala nang tyansa na bumalik pa ang mabuting puso nito?Tumayo s’ya at napagpasyahan na magpalit na lamang ng damit. May ilang damit siyang nakita sa cabinet na ang sabi ni Shaun ay maaari n’yang gamitin. Mas mabuti pa ang sitwasyon n’ya ngayon na tila may VIP treatment sa kulungan, kaysa naman sa pagtitiis n’ya kahapon sa madilim na apat na sulok ng bodega sa ibaba.Ang tanging kalaban n’ya na lang ngayon ay kalungkutan at ang pagkatakot na maaaring matagalan o baka hindi n’ya na masilayan pa ang pamilya.Pinahid niya ang luhang umalpas sa kan’yang mga mata. Paano ba s’ya makakatakas sa sitwasyong
Isang maling desisyon lang ay babalik si Cianne kay Shaun at hindi niya alam kung ano’ng klaseng parusa ang ibibigay nito sa kan’ya ‘pag nagkataon dahil sa tangka n’yang pagtakas.Umisang hakbang s’ya paatras habang hindi inaalis ang tingin sa maamong mukha ni Nadia.“Hindi na. Mauna ka na.”Nagsimula na s’yang maglakad palayo nang maramdaman n’ya ang pagtunog ng makina ng sasakyan nito. Akala n’ya ay susunod ito sa kan’yang sinabi ngunit huminto ito sa kan’yang tabi. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang dahan-dahan naman ang pagmamaneho nito upang masabayan s’ya.“Come’on Cianne. Napakalayo pa ng lalakarin mo,” panghihikayat nito sa kan’ya na hindi n’ya man lang inabalang lingunin.“Wala ako’ng gagawin na masama sa’yo,” sigaw nito, na nagpagal ng kan’yang paglalakad.Malalim s’yang bumuntong hininga at tinitigan ang babae.“I know that Shaun kidnapped you. Huwag ka mag-alala hindi ako kagaya n’ya. I maybe mad at you pero hindi ko kayang manakit ng tao para lang makaganti.”Hindi niya
Kung mayroon man s’yang tinatago iyon ay ang pagkakaroon ng kambal na anak na bunga ng isang gabing pagsasalo nila ni Matt.Tinadtad niya ng halik ang dalawang bata na tuwang-tuwa na makita ang ina.“Baho,” saad ng isa sa kambal na si Kean na nagpatawa kay Cianne habang umiiyak. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama na nakita at nakapiling n’yang muli ang kambal.“Bad.” Itinaas pa ni Sean ang hintuturo bilang pagsaway sa sinabi ni Kean.Napatawa tuloy nang malutong si Cianne pati na din ang dalawang katulong na nag-aalaga dito.Pinahid n’ya ang luha at pinaulanan muli ng halik ang dalawa. Maya pa’y tumayo na siya para maligo dahil hindi na maipinta ang mukha ni Kean sa amoy n’ya. Bago pumasok sa banyo ay inutusan n’ya ang dalawang katulong na mag-empake ng ilang damit ng kambal pati na din ang sa kan’ya.Nang matapos maligo ay nagsimula na siyang tanungin ni Christine at nang umuwing kapatid na si Cindy patungkol sa biglaan n’yang pagkawala.Sa una’y hindi niya alam kung sasabih
Isang pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ni Shaun nang makita ang dalawang paslit na kasama ni Cianne sa airport. Huli niyang naramdam ang pamilyar na pakiramdam higit isang dekada na ang nakaraan, nang una n’yang masilayan ang tunay na ama.Mula sa inuupuang single sofa ay pinagmasdan niya ang dalawang magkamukhang bata na nakayakap kay Cianne. Ang isa ay masamang tingin ang ipinupukol sa kan’ya habang ang isa naman ay tila naninimbang pa kung masama o mabait ba s’ya.Wala sa sariling napangiti s’ya. Para s’yang nananalamin. Sa mata pa lang ng dalawa ay Gonzalvo na.Tama, lukso nga ng dugo ang kan’yang nararamdaman.Hindi kagaya nila ni Matt na magkamukhang-magkamukha, ang kambal sa kan’yang harapan ay magkapareho lamang sa tangos ng ilong at mata, ngunit kung titigan ay hindi ito magkamukha.“Mommy, gutom,” maya pa’y pagbasag sa katahimikan ng isa sa kambal, na nakanguso pang hinahaplos ang sariling tiyan.Pinagmasdan n’yang haplusin ni Cianne ang maliit na mukha nito. “Sige po k
Matinding kaba ang naramdaman ni Cianne nang sa muli ay sapilitan s’yang kunin ni Shaun. Subalit higit na takot ang kan’yang naramdaman para sa dalawang anak.Ang takot na iyon ay unti-unting naglaho nang imbes na ikulong sila ng lalaki sa isang madilim na kwarto, kagaya nang kan’yang iniisip, ay hindi nito ginawa. Sa halip ay sa mas malaking kwarto sila pinatuloy at hindi pa nito kinandado. May kinuha din ito’ng dalawang katulong na s’yang mag-aalaga daw sa dalawang bata.Nalilito na tuloy siya kung kidnapping pa ba ang ginagawa nito o pagkupkop na sa kanila kahit may sarili naman silang bahay.Alam niya naman na kaya ganoon ang trato sa kan’ya nito dahil sa kambal. Kahit hindi ito magtanong ay halata naman na Gonzalvo ang mga bata. Kaya hindi na rin siya nagtataka na ganoon ang trato sa dalawa dahil mga anak ito ni Matt.Hindi niya tuloy alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat na kasama niyang na-kidnap ang mga anak dahil maayos ang trato sa kan’ya ni Shaun, o dapat siyang mangamba