Matinding kaba ang naramdaman ni Cianne nang sa muli ay sapilitan s’yang kunin ni Shaun. Subalit higit na takot ang kan’yang naramdaman para sa dalawang anak.Ang takot na iyon ay unti-unting naglaho nang imbes na ikulong sila ng lalaki sa isang madilim na kwarto, kagaya nang kan’yang iniisip, ay hindi nito ginawa. Sa halip ay sa mas malaking kwarto sila pinatuloy at hindi pa nito kinandado. May kinuha din ito’ng dalawang katulong na s’yang mag-aalaga daw sa dalawang bata.Nalilito na tuloy siya kung kidnapping pa ba ang ginagawa nito o pagkupkop na sa kanila kahit may sarili naman silang bahay.Alam niya naman na kaya ganoon ang trato sa kan’ya nito dahil sa kambal. Kahit hindi ito magtanong ay halata naman na Gonzalvo ang mga bata. Kaya hindi na rin siya nagtataka na ganoon ang trato sa dalawa dahil mga anak ito ni Matt.Hindi niya tuloy alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat na kasama niyang na-kidnap ang mga anak dahil maayos ang trato sa kan’ya ni Shaun, o dapat siyang mangamba
Tila bahay-bahayan na nga ang nangyari sa pangki-kidnap ni Shaun sa kanila.Hindi namalayan ni Cianne ang mabilis na paglipas ng apat na araw. Paano ba naman kasi ay hindi s’ya gaanong nakakaramdam ng pangungulila dahil kasama niya ang mga batang nagbibigay ng lakas sa kan’ya.Isa pa’y labis-labis ang binibigay na espesyal na pangangalaga ni Shaun sa kambal. Naroong pinaayos nito ang kwarto, kung saan s’ya unang tumakas noon, para gawing kwarto ng kambal. May mga laruan pa itong binili kaya nalilibang ang mga bata. Nang isang araw lang din ay may mga dala ito’ng bagong damit ng dalawa. Mga totoong pagkain na din ang pinakain nito sa kan’ya dahil mayroon ng taga-luto sa ngalan ni Manang Alice.Sa kabila nang maayos na pagtrato sa kanila, nais niya pa din na maging malaya. Kahit sino siguro ay hindi gugustuhin ang buhay na nakabilanggo.“Why does Pinocchio’s nose became long?” tanong niya sa kambal matapos basahin ang story book na pinabili ni Shaun.Nasa gitna s’ya ng dalawa habang nak
Sa ilang araw na pananatili niya sa mansyon ni Shaun ay tila nasasanay na ang kan’yang katawan. Kung noong una ay hindi n’ya magawang matulog dahil sa takot at pangamba, ngayon naman ay tila bumawi ang katawan n’ya. Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya.Kinapa n’ya ang mga bata sa kan’yang tabi. Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong siya na lamang ang nasa kama at wala ang mga ito sa kabuuan ng kwarto. Kakaibang kaba ang dumaloy sa kan’yang buong katawan.Wala pa’ng hilamos o suklay man lang na lumabas siya ng kwarto.“Sean! Kean!” pagtawag n’ya sa mga ito.Sa katabing kwarto na pinagawa ni Shaun bilang kwarto ng dalawa ay narinig n’ya ang maliit na mga hagikhik. Hindi na s’ya nag-abala pa’ng kumatok at dire-diretsong binuksan ang pintuan.Naroon ang kambal na masayang naglalaro. Si Sean ay nakakalong kay Shaun, na tanging bantay ng dalawa, habang nilalaro ang laruang helicopter samantalang si Kean naman ay iniwan kaagad ang laruang robot at lumapit sa kan’ya.Kinarga n’
Umagang-umaga ay uminit kaagad ang kan’yang ulo nang maabutan sa sala ang kambal na binibigyan ng tig-isang maliit na chocolate bar ni Shaun.“Hep! What’s that?” Tumaas ang parehong kilay niya at nakapameywang na tinanong ang dalawang bata.Imbes na sumagot ay nagsumiksik ang dalawa sa tabi ni Shaun.“I’m giving them chocolates,” sagot ng lalaki kahit malinaw naman sa kan’yang paningin na ganoon nga ang ginagawa nito.Matalim na titig ang ipinukol niya dito, na kagaya ng kambal ay nakatingala din na nakatitig sa kan’ya. Kung hindi lamang magkamukha ito at si Matt ay iisipin ng mga tao na mag-aama ang tatlo.“At this early morning? Bawal sila kumain ng sweets nang ganito kaaga.”Akala pa naman niya ay makakaligtas na siya sa pang-spoil ng mga kapatid sa kan’yang kambal, ngunit tila mas malala pa si Shaun.“Bakit may tamang oras ba sa pagkain ng matamis?”Gusto n’ya na itong sapakin dahil sa pagkokontra nito sa pagdidisiplina n’ya, ngunit nagtitimpi siya dahil nasa tabi nito ang mga bat
Hindi niya malaman kung malakas lang ba ang kan’yang loob o masyado niya lang minamaliit ang kakayahan ni Shaun na kontrolin ang buhay n’ya.Sa ikalawang pagkakataon ay hindi nanaman siya nagtagumpay sa pagtakas.Wala s’yang ideya na sa ganoong oras pala ay gising na ang binata at nag-ja-jogging sa labas.Mataas na ang sikat ng araw ngunit nasa kwarto pa din siya at nag-aabang sa pagbukas ng pintuan.Nang mahuli sila ni Shaun kaninang madaling araw ay dinala nito ang mga bata sa kwarto nito habang siya naman ay ikinulong sa kan’yang kwarto. Hindi siya nag-abala pa’ng mag-eskandalo dahil ayaw niyang matakot ang dalawang bata.Idinikit niya ang tainga sa pinto nang walang marinig ay sumilip siya sa bintana. Wala rin tao sa labas. Dumako ang kan’yang tingin sa emergency window. Nakabukas iyon kaya may kung ano’ng nag-engganyo sa kan’ya para dumaan muli doon kagaya nang kan’yang ginawa sa unang pagtakas.Nilapitan n’ya iyon ngunit mabilis siyang napalingon nang bumukas ang pinto.Niluwa n
Hindi sanay si Cianne na manakit ng pisikal ngunit pagdating sa mga anak ay handa siyang manakit at masaktan.Namula ang pisngi ni Shaun sa lakas ng kan’yang pagsampal. Ibinigay niya sa sampal na iyon ang takot na naramdaman niya sa buong magdamag, gayunpaman ay hindi natinag ang lalaki sa kinatatayuan. Kaya nang lumingon ito pabalik sa kan’ya ay halos isang pulgada na lang ang lapit ng kanilang mga mukha. Siya tuloy ang napaatras.“Saan mo ba dinala ang mga anak ko?”Subalit hindi sapat ang sampal na iyon upang mawala nang tuluyan ang galit n’ya.Mula sa paghaplos ng pisnging sinampal niya ay binalik ni Shaun ang kamay sa bulsa.“I have them checked by the pediatrician. The results were normal. Magaling ka mag-alaga. Pinasyal ko din sila at pinamili ng mga gusto,” kwento nito na tila ba hindi man lang naisip ang matindi n’yang pag-aalala.“Pero sana ipinagpaalam mo sa akin. I am the mother. Lahat ng gagawin mo para sa mga anak ko, kahit pa makakabuti ‘yan, dapat hinihingi mo muna ang
Dalawang linggo na silang nasa poder ni Shaun. Hindi niya alam kung dapat ba’ng tawagin na pagbihag iyon dahil mas mukha pa’ng bahay-bahayan ang kanilang ginagawa.Matiyaga niyang sinusubuan ng pagkain si Sean habang si Shaun naman ang kay Kean. Madalas niyang hayaan ang dalawa na kumain nang mag-isa ngunit kapag naglalambing ito na magpasubo ng pagkain ay hindi niya matanggihan.“Isa na lang na subo ito,” napatingin s’ya sa lalaki nang magsalita ito.Nakita niyang umiiling si Kean, tila ayaw nang ubusin ang natitirang isang kutsarang itlog at patatas. Napailing na lang s’ya dahil ganoon talaga ang ugali ng isang anak kapag nagpapasubo. Palagi ito’ng may tira at kahit anong pagpupumilit n’ya ay hindi nito iyon inuubos, kaya alam n’yang ganoon din ang mangyayari.“Here comes the plane.” Gumawa pa ng tunog eroplano si Shaun habang nilalapit ang kutsara kay Kean mula itaas patungo sa bibig nito.Bahagyang tumaas ang pareho n’yang kilay nang walang pagmamaktol iyong kinain ng anak.Hindi
Nang ipanganak n’ya ang kambal, sinabi na sa kan’ya ng yumaong ina na unti-untiin n’ya na ang pagsabi dito na ang daddy ng mga ito ay nasa langit na. Subalit, hindi naituro ng ina kung paano iyon sasabihin sa dalawang walang muwang na bata. Kaya hanggang ngayon, wala pa din alam ang dalawa, gayunpaman ay ‘ni minsan hindi ito naghanap o nagbigkas man lang ng salitang ‘daddy’.Alam niyang darating ang panahon na malulungkot ang dalawa kung walang tatawagin at kakagisnan na ama. Kaya sa kahit anong paraan ay sinusubukan n’yang punan ang pagiging ama dito.Mabilis n’yang tinahak ang salas. Naabutan n’ya ang tatlong lalaki na parehong nagniningning ang mga mata.“Daddy!” sigaw ni Sean na tila tuwang-tuwa sa pagbigkas ng salitang hindi niya maalalang itinuro dito.“Ikaw daddy namin,” malambing na sabi ni Kean na itinaas ang mga kamay para magpakarga kay Shaun.Simula nang ipanganak niya ang dalawa ay hindi niya pa nasilayan ang kakaibang saya sa mga mukha nito. Hindi niya akalain na kakaiba