Share

Chapter 31

Nang ipanganak n’ya ang kambal, sinabi na sa kan’ya ng yumaong ina na unti-untiin n’ya na ang pagsabi dito na ang daddy ng mga ito ay nasa langit na. Subalit, hindi naituro ng ina kung paano iyon sasabihin sa dalawang walang muwang na bata. Kaya hanggang ngayon, wala pa din alam ang dalawa, gayunpaman ay ‘ni minsan hindi ito naghanap o nagbigkas man lang ng salitang ‘daddy’.

Alam niyang darating ang panahon na malulungkot ang dalawa kung walang tatawagin at kakagisnan na ama. Kaya sa kahit anong paraan ay sinusubukan n’yang punan ang pagiging ama dito.

Mabilis n’yang tinahak ang salas. Naabutan n’ya ang tatlong lalaki na parehong nagniningning ang mga mata.

“Daddy!” sigaw ni Sean na tila tuwang-tuwa sa pagbigkas ng salitang hindi niya maalalang itinuro dito.

“Ikaw daddy namin,” malambing na sabi ni Kean na itinaas ang mga kamay para magpakarga kay Shaun.

Simula nang ipanganak niya ang dalawa ay hindi niya pa nasilayan ang kakaibang saya sa mga mukha nito. Hindi niya akalain na kakaiba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status