Halos hindi niya maihakbang ang mga paa papasok sa kwarto nang makita ang nakakaawang kalagayan ng anak. Si Shaun ang kumuha sa bata at nagbigay ng unang lunas dito.“Joey, pakihanda ang kotse!” sigaw nito sa driver na umakyat na din sa ikalawang palapag dahil sa sigaw ni Tere.Malalaking hakbang ang ginawa ni Shaun palabas ng kwarto karga si Kean. Patakbo siyang sumunod dito hanggang sa makarating sila sa labas.“Tere, ihanda mo ang mga gamit ng bata. Babalikan ka dito ni Joey mamaya,” nagmamadaling utos ni Shaun sa katulong na karga ang pumapalahaw sa iyak na si Sean. Siguro’y natakot ito sa nasaksihan na kalagayan ng kakambal.Kinuha niya ang bata at mabilis na sumakay ng kotse. Nasa unahan siya kalong-kalong si Sean habang si Shaun naman sa likod yakap-yakap si Kean.Mabilis ang pagmamaneho ng driver, ngunit hindi niya iyon alintana dahil ang kan’yang atensyon ay nasa likod. Kagaya niya ay bakas din sa mukha ni Shaun ang pag-aalala.“F*ck! Kakasuhan ko ‘yang mga driver na ‘yan!” s
Nakalabas na sila ng ospital kinabukasan. Maayos na ang lagay ni Kean. Pati si Sean ay pinatingnan na din nila sa doktor upang makasiguro.“Sasama ka pa ba sa amin pauwi?” tanong niya kay Shaun habang nasa elevator sila pababa sa basement parking ng ospital. Karga nito si Kean habang hawak niya naman ang kamay ni Sean na mas piniling maglakad. Kasama nila si Tere at ang driver na si Joey na siyang may bitbit ng mga gamit.Tumaas ang parehong kilay nito sa kan’yang tanong. Nataranta siya at naisip na baka natunugan nito na mayroon siyang pinaplano.“I mean, pangalawang araw na ngayon na hindi ka pumasok sa trabaho. Hindi ba magtataka o magagalit ang lolo mo?” maingat niyang tanong dito.“I’ll be back at work, after ko kayong ihatid.”Bumukas na ang elevator at nauna ito’ng maglakad. Nagtungo ito sa kan’yang kotse katabi ng sasakyan na minamaneho ni Joey, na iniiwan nito sa mansyon para mayroong service sa tuwing may kailangan bilhin.“Jake, daanan mo sa terminal si Manang Alice tapos d
Halos ayaw niya nang lumabas sa kwarto ng mga bata kahit pa naroon na si Tere upang magbantay. Ang sabi ni Shaun ay kailangan nilang mag-usap sa ibaba.Kung maldita lang siya ay pinagalitan niya na ang inosenteng katulong. Dahil sa kadaldalan nito ay mabubuko pa ang ginawa niyang nag-iisang paraan para makatakas sa poder ng lalaki.Napataas ang balikat niya nang dalawang katok ang marinig sa pinto. Bumukas iyon ngunit wala siyang naramdaman na pumasok.“Ma’am, tawag po kayo ni sir,” ani Tere.Nakatalikod siya sa pintuan kaya hindi niya ito makita.Malalim siyang huminga. Malakas naman ang kan’yang loob. Ano ba’ng kinakatakot niya?Tumayo na siya at hinalikan muna sa noo ang dalawang bata bago lumakad patungo sa nakabukas na pinto.Nakabalik na sa baba ang lalaki nang lumabas siya. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan. Pilit siyang nag-iisip ng dahilan upang makalusot dito. Hindi maaaring tuluyang mabuko ang plano nilang magkapatid.Naabutan niya itong nagluluto ng gulay
Nang makasama ni Shaun ang mga bata ay muling nanumbalik ang saya sa kan’yang puso kaya nang madiskubre niyang tinawagan ni Cianne ang nakakatanda nitong kapatid ay unti-unting bumalik ang galit niya para dito.Hindi niya gusto ang pinaplano nitong pag-alis sa poder niya kasama ang mga anak. Mahal niya na ang kambal at hindi siya papayag na ilayo ito sa kan’ya.Galit ang emosyon na nangingibabaw sa kan’yang damdamin kaya nang daluhan niya ang mga kumakatok na pulis at sinabing ang babae ang pakay ay hindi na s’ya nagdalawang isip na papasukin ito.Narinig niya ang pagsabi ng Miranda Rights ng mga pulis habang hinawakan ang babae sa pulso. May kung ano sa kan’ya na nais pigilan ang nakikita ngunit ayaw niyang kumilos.“Shaun ano’ng ibig sabihin nito?”Bakas niya ang takot sa boses ng babae. Animo’y naguguluhan ito sa nangyayari.Hindi niya sinalubong ang maluha-luha nitong mga tingin, dahil baka mawala sa isipan niya ang dapat gawin. Iyon ay ang mawalan dito ng pakialam.“Mauna na kami
Nasa loob na siya ng police mobile ngunit panay pa din ang paglingon niya sa likod. Kahit pa tila wala’ng pakialam si Shaun sa kan’ya nang hulihin s’ya ng mga pulis ay umaasa pa din s’yang susunod ito at papakiusapan si Don Felipe na iatras na ang kaso.“Naisahan ka yata ng mga Gonzalvo, miss,” mapang-asar na saad ng isa sa mga pulis na kasama n’ya.Wala s’yang ideya kung nagsumbong ba si Shaun at alam nito ang ginawa ni Don Felipe, gayunpaman ay malinaw lang na hindi na s’ya dapat umasa pa’ng bubuti ang puso nito.Nang makarating sa estasyon ng pulis ay agad siyang nakiusap kung maaari ba s’yang makitawag. Bumangon ang pag-asa sa kan’yang puso nang binigay nito ang telepono sa kan’ya. Tinipa niya ang numero ng kapatid at matapos lamang ang dalawang ring ay sumagot ito kaagad.“Ate si Cianne ito. Nasa presinto ako. Puntahan mo ako.” Binigay niya ang address dito.Pinasok na siya sa kulungan. Sa likod ng mga rehas ay kakaibang takot ang kan’yang naramdaman, lalo pa nang mapanghusgang t
Habang patungo sa presinto ay tinawagan ni Shaun ang abogado ng kan’yang lolo upang kumpirmahin kung ito nga ang nagsampa ng kaso laban kay Cianne, ngunit si Don Felipe ang sumagot.“Are you going to ask about Cianne’s case? Itatanong ko din sana sa’yo kung bakit kasama mo s’ya.”Nahimigan niya ang galit na tono sa pananalita ng kan’yang lolo.“Alam ko po’ng alam n’yo kung paano ko nilagay sa aking mga kamay ang pagkamit ng hustiya para kay Matt. Malaki po ang kasalanan sa akin ni Cianne. Hayaan n’yo po’ng ako na ang magparusa sa kan’ya.”Ipinagtataka niya ang pangingialam ni Don Felipe sa kan’ya ngayong ang babae na ang nais niyang paghigantihan, gayong noon ay tila wala naman itong pakialam sa ginagawa niya para mabigyan ng hustisya ang kakambal.“Ako ang kakastigo sa kan’ya. Hayaan mo siyang mabulok sa kulungan. Iyon ang utos ko!” maotoridad na saad ng lolo niya bago nito ibaba ang tawag.Alam niyang wala nang sinuman ang dapat lumabag kapag ganoon na ang tono ng pananalita ni Don F
Napilitan na umalis si Cianne sa bahay ni Shaun nang hindi kasama ang mga anak. Galit na galit ang kan’yang mga kapatid sa lalaki, samantalang siya ay nahahaluan ng awa ang pakiramdam.Sa mga nagdaang araw, kitang-kita niya ang pagbabago ni Shaun dahil sa mga bata. Tila ba unti-unti ay bumabalik ang dati nitong pagkatao. Hindi niya maiwasan isipin ang maaaring mangyari dito kung matagumpay niyang mabawi ang mga anak.Gayunpaman, hindi niya maaaring isaalang-alang ang kinabuksan ng mga bata.Dalawang bagay lang. Kakalabanin niya si Don Felipe o magpapakalayo-layo sila. Mas pinipili niya ang panghuli dahil hindi na lang ito tungkol sa kan’ya, kasama na ang mga bata sa kahit anong desisyon na mapagpapasyahan niya.“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Christine nang makita siyang bihis na bihis kahit pa hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya. ‘Ni hindi niya pa nga napupuntahan ang ama sa kwarto ay aalis na naman siya.“Kailangan ko’ng bumalik sa bahay ni Shaun baka pumunta
Nasa korte na sila ni Attorney Arim ngunit lumilipad pa din ang isipan niya sa rebelasyon ni Shaun.Kung imbento lang ang kwento nito, paano ito naging tugma sa nangyari nang gabing iyon?Isa pa’y naalala niya kung paano noon itinanggi ni Matt na mayroong nangyari sa kanila, lalo pa’t naroon ang nobya nitong si Nadia na sinabing kasama nito buong magdamag.Hinilot niya ang sintido. Ayaw niya pa din maniwala.“Bukas din ay magsisimula na ang pagdinig sa korte. Sigurado ako na papabor iyon sa atin dahil kapatid lang naman si Shaun ng ama ng mga bata, kaya wala s’yang laban. Makakasama mo nang muli ang kambal bukas.”Pilit na ngiti ang binigay niya nang mapakinggan ang sinabi ni Attorney Arim. Sana’y magdilang anghel ito.Halos kalahating araw din ang ginugol nila sa korte bago siya nagtungo sa kompanya ng kanilang pamilya na pinamamahalaan ng kapatid niyang si Cindy.Hiniram niya ang cellphone nito dahil nakarehistro na doon ang numero ni Tere. Kailangan niyang makausap ang mga anak. Si
Matapos makapag-empake para sa maagang byahe pauwi kinabukasan ay bumaba si Cianne sa reception area upang ayusin na ang mga babayaran sa ilang araw na pag-stay sa hotel.“Bayad na po ma’am,” anunsyo ng receptionist na kinakunot ng kan’yang noo.Inulit niya pa ang pagsabi ng room number, at pinakita pa sa kan’ya ang record nito na nagsasabing wala na s’yang kailangan bayaran pa.Hindi niya maalala na may inutusan siyang magbayad doon, hanggang sa lumitaw sa kan’yang harapan si Shaun.Binuksan niya ang wallet at kumuha ng pera doon na katumbas ng bill niya sa hotel.Tumaas ang parehong kilay ni Shaun nang iabot niya ang pera.“I can pay for our hotel bill.”Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa pagkatapos ay tinanggihan ang bayad niya.“I’ll just ask my staff to transfer the payment to your account.”“You don’t have to. It’s my responsibility as your husband to provide for you needs and wants,” sagot nito na kinaawang ng bibig n’ya.Husband? Napangisi siya sa sinabi nito, pagkatapos ay u
Nang masigurong tulog na ang dalawang bata sa family room ng hotel na kinuha ni Cianne ay lumabas siya ng terasa. Malamig ang samyo ng hangin na sumalubong sa kan’ya, kaya mas binalot niya pa ang sarili ng roba. Lumapit siya sa railings at sinimsim ang alak sa kopitang kan’yang hawak.Tinanaw niya ang liwanag ng bawat tahanan sa bulubunduking parte ng lugar. Magandang tanawin iyon sa gabi. Nang magsawa ay binaba niya naman ang tingin sa infinity pool sa ibaba. Nasa isang resort sila sa Baguio. Mula sa Romblon ay doon sila dumiretso kasama ang mga anak. Hindi na muna siya sumama sa mga kapatid pauwi dahil kailangan niya pa ng kaunting panahon para sa sarili.Inaasahan niya nang babalik si Shaun dahil sa mga bata. Hindi niya nga lang akalain na makikita pa ito ng kambal na may kasamang ibang babae. Maging siya ay ganoon din. Ano pa nga bang aasahan niya, na siya pa din ang mahal nito? Mas pinili nga nitong magtiis sa piling ni Heria kaysa tumakas kasama siya.“Psst.”Ang kan’yang tahimi
Sa sinapit ng ama ni Shaun, nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya gustong maging kagaya ng kinahinatnan ng pagmamahalan ng kan’yang mga magulang ang sa kanilang dalawa ni Cianne. Ayaw niyang maulit ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang loob niya na magpatuloy sa paghahanap sa kan’yang mag-iina, kahit hanggang sa pagputi man ng buhok niya.“Sir, good news. Nakakuha na ako ng record sa airport. Hindi lumabas ng bansa si Cianne. Nasa Baguio sila ng mga bata.”Agad niyang kinancel ang flight patungo sa ibang bansa nang marinig ang magandang balita mula sa private investigator.Nagpatulong siya sa kaibigan na si Josh upang magpahatid sa Baguio gamit ang private plane nito. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon.Pagdating doon ay tinungo niya ang hotel na tinuluyan ng kan’yang mag-iina ayon na din sa impormasyon na binigay sa kan’ya.“I’m sorry sir, but we can’t disclose any information to you,” ani babaeng receptionist.Malungkot siyang napangiti.Tinitigan niya ang babae na animo’y ilang
Nilaan ni Shaun ang natitira sa buong araw sa puntod ng kan’yang kakambal at ina. Kwenento niya lahat ng nangyari, at kahit papaano ay gumaan ang kan’yang pakiramdam.Kinabukasan, bitbit ang pulonpon ng rosas, ay nagtungo siya sa bahay ng pamilya ni Cianne. Hindi na siya nag-abala pa’ng tumawag o magpadala man lang ng mensahe dahil natatakot syang baka hindi rin nito sagutin.Nakakailang door bell na siya at busina ngunit walang nagbubukas ng gate. Nakakapanibago iyon dahil nasanay siya na isang pagkatok lang sa gate ay may nagbubukas na.Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa restaurant ng babae. Sa labas pa lang ay sinipat niya na ang mga kotseng nakaparada ngunit wala doon ang sasakyan na pagmamay-ari ni Cianne, gayunpaman ay pumasok pa din siya.Abala ang mga staff sa pag-asikaso ng mga customer kung kaya nahirapan siyang maghanap ng tyempo upang magtanong sa mga ito. Hanggang sa lumabas ang manager mula sa kitchen at walang pag-aalinlangan siyang
Nagbigay ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ni Don Felipe si Shaun bago pinapasok ang sarili. Pormal siyang magpapaalam na hindi na sya magtatrabaho sa kompanya at puputulin na ang kan’yang ugnayan dito.Sigurado siyang may ideya na ito sa pagpunta niya dahil kalat na sa medya ang pagtanggal sa kan’yang ama bilang myembro ng political party na suportado ng pamilya ni Heria. Maging ang shares nito sa kompanya ay binawi na. Alam niyang ibubunton sa kan’ya ni Don Felipe ang sisi.Sinalubong siya nito nang matalim na tingin at nagdidilim na ekspresyon. Wala siyang naramdaman na takot o kahit kaunting pangamba.Nilapag niya sa lamesa nito ang sobre na naglalaman ng kan’yang resignation letter.“Anong ginawa mo?” mapanganib nito’ng tanong.“I’m cutting ties with you.” Wala siyang balak na magpasindak pa dito.Marahas nito’ng pinalo ang lamesa dahilan upang mahulog sa sahig ang babasaging baso na naglalaman ng alak, na siyang iniinom nito umagang-umaga.“You’re a Gonzalvo! You can’t cut
“Sir, baka po sumakit na ang ngipin n’yo.” Halos maubos na ni Shaun ang cookies nang hatiran siya ng tubig ni Manang Alice sa kwarto.Lumalalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Makailang-ulit niya na yatang binabasa ang marriage contract nila ni Cianne, na mas lalong nagdadagdag ng mga bagong katanungan sa isip niya.Paano siya naikasal kay Heria gayong kasal na siya kay Cianne?Masaya siya sa nadiskubre, hindi niya iyon ikakaila. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung tunay ba ang marriage certificate na hawak niya.Tinawagan niya na kanina ang private investigator upang alamin kung lehitimo pa ang papeles. Panalangin niyang totoo ito.Gayunpaman, totoo man o hindi, alam niyang ang kan’yang kakambal na si Matt ang gumawa ng paraan upang makita nita ang papel na iyon. Sigurado siyang sinasabi nito’ng huwag niyang sukuan ang pagmamahal para kay Cianne.Kailangan niyang maging handa pagkatapos ay pangako niyang ipaglalaban na ang pagmamahalan nila.Kinabukasan din, isang magandang
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano