Halos ayaw niya nang lumabas sa kwarto ng mga bata kahit pa naroon na si Tere upang magbantay. Ang sabi ni Shaun ay kailangan nilang mag-usap sa ibaba.Kung maldita lang siya ay pinagalitan niya na ang inosenteng katulong. Dahil sa kadaldalan nito ay mabubuko pa ang ginawa niyang nag-iisang paraan para makatakas sa poder ng lalaki.Napataas ang balikat niya nang dalawang katok ang marinig sa pinto. Bumukas iyon ngunit wala siyang naramdaman na pumasok.“Ma’am, tawag po kayo ni sir,” ani Tere.Nakatalikod siya sa pintuan kaya hindi niya ito makita.Malalim siyang huminga. Malakas naman ang kan’yang loob. Ano ba’ng kinakatakot niya?Tumayo na siya at hinalikan muna sa noo ang dalawang bata bago lumakad patungo sa nakabukas na pinto.Nakabalik na sa baba ang lalaki nang lumabas siya. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan. Pilit siyang nag-iisip ng dahilan upang makalusot dito. Hindi maaaring tuluyang mabuko ang plano nilang magkapatid.Naabutan niya itong nagluluto ng gulay
Nang makasama ni Shaun ang mga bata ay muling nanumbalik ang saya sa kan’yang puso kaya nang madiskubre niyang tinawagan ni Cianne ang nakakatanda nitong kapatid ay unti-unting bumalik ang galit niya para dito.Hindi niya gusto ang pinaplano nitong pag-alis sa poder niya kasama ang mga anak. Mahal niya na ang kambal at hindi siya papayag na ilayo ito sa kan’ya.Galit ang emosyon na nangingibabaw sa kan’yang damdamin kaya nang daluhan niya ang mga kumakatok na pulis at sinabing ang babae ang pakay ay hindi na s’ya nagdalawang isip na papasukin ito.Narinig niya ang pagsabi ng Miranda Rights ng mga pulis habang hinawakan ang babae sa pulso. May kung ano sa kan’ya na nais pigilan ang nakikita ngunit ayaw niyang kumilos.“Shaun ano’ng ibig sabihin nito?”Bakas niya ang takot sa boses ng babae. Animo’y naguguluhan ito sa nangyayari.Hindi niya sinalubong ang maluha-luha nitong mga tingin, dahil baka mawala sa isipan niya ang dapat gawin. Iyon ay ang mawalan dito ng pakialam.“Mauna na kami
Nasa loob na siya ng police mobile ngunit panay pa din ang paglingon niya sa likod. Kahit pa tila wala’ng pakialam si Shaun sa kan’ya nang hulihin s’ya ng mga pulis ay umaasa pa din s’yang susunod ito at papakiusapan si Don Felipe na iatras na ang kaso.“Naisahan ka yata ng mga Gonzalvo, miss,” mapang-asar na saad ng isa sa mga pulis na kasama n’ya.Wala s’yang ideya kung nagsumbong ba si Shaun at alam nito ang ginawa ni Don Felipe, gayunpaman ay malinaw lang na hindi na s’ya dapat umasa pa’ng bubuti ang puso nito.Nang makarating sa estasyon ng pulis ay agad siyang nakiusap kung maaari ba s’yang makitawag. Bumangon ang pag-asa sa kan’yang puso nang binigay nito ang telepono sa kan’ya. Tinipa niya ang numero ng kapatid at matapos lamang ang dalawang ring ay sumagot ito kaagad.“Ate si Cianne ito. Nasa presinto ako. Puntahan mo ako.” Binigay niya ang address dito.Pinasok na siya sa kulungan. Sa likod ng mga rehas ay kakaibang takot ang kan’yang naramdaman, lalo pa nang mapanghusgang t
Habang patungo sa presinto ay tinawagan ni Shaun ang abogado ng kan’yang lolo upang kumpirmahin kung ito nga ang nagsampa ng kaso laban kay Cianne, ngunit si Don Felipe ang sumagot.“Are you going to ask about Cianne’s case? Itatanong ko din sana sa’yo kung bakit kasama mo s’ya.”Nahimigan niya ang galit na tono sa pananalita ng kan’yang lolo.“Alam ko po’ng alam n’yo kung paano ko nilagay sa aking mga kamay ang pagkamit ng hustiya para kay Matt. Malaki po ang kasalanan sa akin ni Cianne. Hayaan n’yo po’ng ako na ang magparusa sa kan’ya.”Ipinagtataka niya ang pangingialam ni Don Felipe sa kan’ya ngayong ang babae na ang nais niyang paghigantihan, gayong noon ay tila wala naman itong pakialam sa ginagawa niya para mabigyan ng hustisya ang kakambal.“Ako ang kakastigo sa kan’ya. Hayaan mo siyang mabulok sa kulungan. Iyon ang utos ko!” maotoridad na saad ng lolo niya bago nito ibaba ang tawag.Alam niyang wala nang sinuman ang dapat lumabag kapag ganoon na ang tono ng pananalita ni Don F
Napilitan na umalis si Cianne sa bahay ni Shaun nang hindi kasama ang mga anak. Galit na galit ang kan’yang mga kapatid sa lalaki, samantalang siya ay nahahaluan ng awa ang pakiramdam.Sa mga nagdaang araw, kitang-kita niya ang pagbabago ni Shaun dahil sa mga bata. Tila ba unti-unti ay bumabalik ang dati nitong pagkatao. Hindi niya maiwasan isipin ang maaaring mangyari dito kung matagumpay niyang mabawi ang mga anak.Gayunpaman, hindi niya maaaring isaalang-alang ang kinabuksan ng mga bata.Dalawang bagay lang. Kakalabanin niya si Don Felipe o magpapakalayo-layo sila. Mas pinipili niya ang panghuli dahil hindi na lang ito tungkol sa kan’ya, kasama na ang mga bata sa kahit anong desisyon na mapagpapasyahan niya.“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Christine nang makita siyang bihis na bihis kahit pa hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya. ‘Ni hindi niya pa nga napupuntahan ang ama sa kwarto ay aalis na naman siya.“Kailangan ko’ng bumalik sa bahay ni Shaun baka pumunta
Nasa korte na sila ni Attorney Arim ngunit lumilipad pa din ang isipan niya sa rebelasyon ni Shaun.Kung imbento lang ang kwento nito, paano ito naging tugma sa nangyari nang gabing iyon?Isa pa’y naalala niya kung paano noon itinanggi ni Matt na mayroong nangyari sa kanila, lalo pa’t naroon ang nobya nitong si Nadia na sinabing kasama nito buong magdamag.Hinilot niya ang sintido. Ayaw niya pa din maniwala.“Bukas din ay magsisimula na ang pagdinig sa korte. Sigurado ako na papabor iyon sa atin dahil kapatid lang naman si Shaun ng ama ng mga bata, kaya wala s’yang laban. Makakasama mo nang muli ang kambal bukas.”Pilit na ngiti ang binigay niya nang mapakinggan ang sinabi ni Attorney Arim. Sana’y magdilang anghel ito.Halos kalahating araw din ang ginugol nila sa korte bago siya nagtungo sa kompanya ng kanilang pamilya na pinamamahalaan ng kapatid niyang si Cindy.Hiniram niya ang cellphone nito dahil nakarehistro na doon ang numero ni Tere. Kailangan niyang makausap ang mga anak. Si
Sa kabila nang inis sa resulta ng pagdinig, ay natuwa siya nang iutos ng korte kay Shaun na ibigay na sa kan’ya ang mga bata dahil sa edad na tatlong taon dapat ay nasa pangangalaga ito ng ina alinsunod sa batas.Sa kabila nito, kinokonsidera pa din ng korte na mabigyan ng parehong karapatan si Shaun bilang ama ng mga bata. Sa katunayan ay hinikayat silang magkasundo na lamang ngunit hindi siya pumayag.“Paano ba ‘yan? Kukunin ko na ang mga anak ko,” saad niya kay Shaun nang makarating sila sa labas.Nagpa-iwan ang kani-kanilang mga abogado dahil may mga hearing pa umano ito’ng dadaluhan.“Ayoko,” walang kakurap-kurap na sagot nito sa kan’ya.Bumuntong-hininga siya. Mas matigas pa ang ulo nito kaysa sa kambal. Sigurado ba talaga na ito ang ama ng mga anak niya?“Kakasuhan ka ng korte kung hindi ka susunod sa batas. Dapat ay nasa poder ko sila,” giit niya.Ngumisi lang ito at naglakad na patungo sa parking area.Sinundan niya ito, na halos tumakbo na s’ya dahil ang isang hakbang nito a
Kinabukasan ay niligpit niya na ang mga gamit ng kambal. Hinayaan niyang matulog ang dalawa sa kwarto ni Shaun.Hindi pa sumisikat ang araw ay lumabas na s’ya upang maghanda ng agahan. Naabutan niya na sa kusina si Manang Alice na nag-iinit na ng tubig.Nagsimula na s’yang maglagay ng harina sa bowl para sa cookies na gagawin niya bilang pasasalamat sa dalawang katulong na naging matiyaga at mabait sa pag-aasikaso sa dalawang bata.Naputol siya sa ginagawa nang mag-ring ang kan’yang telepono. Tawag iyon mula sa kapatid niyang si Christine.Binalot siya ng kaba dahil alas-sinko pa lang nang madaling araw para tumawag ito. Iniisip niyang may emergency ang kan’yang ama.“Ate, bakit?”Iniwan niya ang ginagawa at nagtungo sa sala upang malinaw itong makausap.“I call to tell you na si Attorney Arim muna ang sasama sa’yo mamaya sa pagkuha sa mga bata. Nagkaroon ng problema sa kompanya. Two of our biggest investors pull-out their investment. May malaki pa naman tayong proyektong nakalinya. N
Agad na kumawala si Cianne sa mga bisig ni Shaun nang maunang magising kinabukasan.Dumiretso s’ya sa banyo upang maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan s’ya sa nangyari kagabi. Napakapusok n’ya. Bakit s’ya nagpadala sa nararamdaman? Hindi pa nga malinaw ang estado ng kasal ni Shaun kay Heria. Masyado n’ya nang binababa ang sarili para lang pagbigyan ang kan’yang puso.Siguradong sermon ang aabutin n’ya kapag nalaman ng kan’yang mga kapatid ang naging relasyon sa may asawa nang si Shaun.Sa isiping iyon ay dali-dali siyang bumalik sa kama at kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pilit n’ya nang ginising ang lalaki.“Shaun, gising na.” Niyugyog n’ya ang katawan nito ngunit umungol lang ito.Sinubukan n’ya pa’ng muli. Hindi p’wedeng malaman ng kan’yang mga kapatid na doon nagpalipas ng gabi si Shaun.Minulat nito ang mga mata ngunit mabilis din na pumikit.“Bumangon ka na at umuwi sa bahay mo.”Muli nitong minulat ang mga mata ngunit pumikit din kaagad na animo’y nasisilaw kahit wala nam
Pinulupot ni Cianne ang kan’yang braso sa beywang ni Shaun upang alalayan ito sa paglalakad patungo sa guestroom. Dala ng kalasingan, nahirapan ito’ng balansehin ang paglalakad kung kaya pati siya ay nadadala sa tuwing nagpapasuray-suray ito.“Gosh! Thank you!” Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay tagumpay na nadala sa guestroom si Shaun.Sinilip niya ito nang ibagsak nito ang katawan sa kama. Nakapikit na ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha.Mag-da-dalawang linggo na rin simula nang umalis siya sa poder ni Shaun. Hindi niya maikakaila sa sarili na namimiss n’ya ito. Kung hindi nga lang masama ang umangkin ng asawa ng iba ay baka ginawa n’ya na, ngunit malinaw pa naman ang isipan n’ya. Kahit pa mayroon silang anak ni Shaun ay sa tama pa din s’ya papanig.Wala sa ayos ang damit nito, na mukhang pagkagaling sa opisina ay dumiretso na sa bar upang uminom.Dumako ang kan’yang mata sa paa nito. Nakasuot pa ito ng sapatos kaya walang pag-aalinlangan n’ya iyong hinubad.Kahit
“Table number 3! 10 minutes na ‘yong order nila, bakit ang tagal?” sigaw ni Cianne sa kitchen staffs na nagpagitla sa mga ito.Nagkatinginan ang mga ito na animo’y nagtataka sa pagtaas ng boses niya.Sinundan s’ya ni Stacy, ang manager ng kan’yang restaurant.“Miss Cianne, nag-change order po kasi ang table number 3 kaya hindi pa na-se-serve,” pagpapaliwanag nito na para ba’ng inaamo ang galit nang amo.“Just tell the staffs to give their best service every single day. Hindi iyon sa una lang. Ano na lang ang sasabihin ng mga customer natin na nangako tayo na mabilis ma-serve ‘yong food pero hindi naman natin tutuparin? Umaasa ‘yong mga customers, tapos bibiguin lang natin? We must be sensitive enough to think that we might hurt them,” puno ng emosyon niyang saad.Umawang ang labi ni Stacy na animo’y ikinabigla ang mahabang litanya ng kan’yang amo, na tila malayo na sa sitwasyon ang pinapatungkulan.“I mean, we might disappoint them, because they’re hungry,” mabilis na pagdugtong ni Ci
Nakatingin si Shaun sa pulang ilaw ng traffic lights nang malalim na nag-iisip. Alam niyang hindi ganoon kadali ang makipaghiwalay kay Heria.Kasabay nang pagkulay berde ng traffic lights ay ang pagtunog ng kan’yang cellphone. Ang kan’yang madrastang si Mina ang tumatawag. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin iyon o hindi. Dis-oras na nang gabi, kinutuban s’yang baka importante iyon tungkol sa kan’yang ama.“Shaun, pwede mo ba kaming sunduin dito sa HighEast Bar?”Malakas ang music sa background at tunog lasing na ang madrasta. Sinabi niya ditong tatawagan na lang ang ama upang s’yang sumundo ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing masama ang pakiramdam ng kan’yang ama.Sa huli’y pinuntahan n’ya ito na siyang pinagsisihan niya din kaagad nang makitang kasama nito si Heria na halos wala nang malay sa sobrang kalasingan. Kung maaari lang magmaneho pabalik ay gagawin n’ya ngunit huli na nang makita s’ya at mabilis na sumakay ang dalawa sa kan’yang kotse.Alam n’yang set-up naman muli
Sandaling pinikit ni Shaun ang mga mata habang nakasandal sa headrest ng swivel chair. Kanina pa mahapdi ang kan’yang mga mata. Alam niyang hindi lang iyon dahil sa kakulangan ng tulog kun’di sa mga luhang nais nang tumulo.Puyat, pagod, at lungkot ang pilit niyang nilalabanan.Masakit para sa kan’ya ang paglalayas ng kan’yang mag-iina sa poder niya. Gustuhin n’ya man na pilitin si Cianne na bumalik ay alam n’yang wala s’yang magagawa pa. Kasalanan niya din naman kung bakit ito lumayo sa kan’ya.‘Ni hindi niya na nga nagawang pabulaanan ang mga akusa nitong pagsisinungaling n’ya. Ang totoo’y tinawagan s’ya ng madrasta upang sabihin na mayroong biglaang conference sa ibayong lungsod kaya kinailangan n’yang umalis nang maaga. Hindi n’ya akalain na si-net up lang s’ya nito upang sunduin si Heria.Hindi na s’ya nagtataka na maling impormasyon ang nakarating kay Cianne. Malakas ang kutob n’yang mula iyon kay Heria.Pinagsisisihan n’ya ang pagdalo sa family dinner nila, na kung hindi dahil
Walang tigil ang pag-ring ng cellphone ni Cianne ngunit paulit-ulit n’ya din itong pinapatay.Simula sa bahay ng kan’yang ama, hanggang sa restaurant ay tumatawag na si Shaun, pero ‘ni isa ay wala s’yang sinagot.Alam n’yang kailangan n’ya pa din pakinggan ang paliwanag nito, kahit pa sa tingin n’ya ay hindi na iyon makakabawas pa sa sakit na nadarama niya.Muli n’yang pinasadahan ng tingin ang mga larawang pinadala sa kan’ya ni Heria kaninang madaling araw. Makikita sa larawan si Shaun katabi ang babae. Tila isang dinner set-up iyon kasama ang pamilya ni Shaun. Lahat sila ay may magandang ngiti sa larawan. Taliwas ang kan’yang nakita sa sinabi ng lalaki na investors ang i-memeet nito kasama ang ama.Pinahid niya ang butil ng luhang umalpas sa kan’yang mata. Akala niya ay ubos na ang luha n’ya, mayroon pa pala.Bumaba na s’ya sa restaurant ngunit hindi pa man s’ya nakakapasok ay nakaabang na ang binata sa kan’ya.Nangangalumata ito. Bakas sa itsura nito na wala pa’ng tulog. Ang damit
Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Cianne nang magpakilala ang babae. Nilahad nito ang kamay sa kan’yang harapan na makalipas lamang ang ilang segundo ay binawi din nang mapansin na wala siyang balak makipagkamay dito.“You looked shock and confuse. Is it because, you didn’t know that he’s married or you’re surprised that I found where he hides you?”“I’m sorry miss, but I don’t know what you’re saying.” Mas pipiliin niya munang magtiwala kay Shaun kaysa sa sinasabi ng babae na ngayon niya pa lang nakita at nakausap.“Let me guess. He left at four am, right? I am at Chicago for almost two years. Kanina, at 5am was my arrival here the the Philippines. He fetched me. Kumain kami bago n’ya ako ihatid sa bahay. Sayang nga lang dahil may importanteng conference s’ya, because if not, I’m sure we’ll spent the whole day together. Anyway, he promised to date me later tonight.”Nagsalubong ang kan’yang kilay. Gusto niyang isipin na artista ito sa galing umarte. Mukhang totoo ang mga sinasabi, n
Pagmulat pa lang ng mata ni Cianne ay gumuhit na ang ngiti sa kan’yang labi.Tila ayaw n’ya nang bumangon mula sa komportableng posisyon sa kama. Naka-unan s’ya sa dibdib ni Shaun habang nakayakap naman ito sa kan’ya.Matapos ang ilang buwan na puro takot at pangangamba, sa wakas naramdaman n’ya din ang pagiging ligtas sa mga bisig nito. Alam niyang simula sa oras na iyon ay may karamay na sya sa lahat ng pagsubok na kakaharapin.Isang masuyong halik sa kan’yang ulo ang nagpatingala sa kan’ya. Gising na si Shaun at kagaya n’ya ay may magandang ngiti din sa mga labi.“Good morning, mahal.”Dati ay na-ko-kornihan s’ya tuwing nakakarinig nang ganoong tawagan mula sa mga magulang n’ya, pero ngayon naiintindihan n’ya na. Nakakakilig pala talagang pakinggan kapag ikaw ang tinatawag nang gano’n.“Good morning too.”Lumawak ang ngiti nito at hindi kumibo.“Why?” nagtataka n’yang tanong.Bumangon s’ya at kinapa ang mukha kung may muta o dumi ba s’ya sa gilid ng labi. Inayos niya pa ang buhok.
Inaamin ni Cianne na nag-iba ang kulay ng kan’yang mundo nang dumating si Shaun sa buhay n’ya.Sa una ay kaibigan lang ang tingin n’ya dito, ngunit sa paglipas ng mga araw at buwan na nakikilala n’ya ito, unti-unti ay nahulog ang loob n’ya.“P’wede ba’ng ‘wag muna tayong matulog hanggang hindi natin pinag-uusapan ang tungkol kagabi?” pagpigil sa kan’ya ni Shaun papasok sa kwarto.Alam n’yang tiniis lang nitong huwag muna s’yang pansinin kahapon upang makatulog s’ya nang maaga dahil sa hang-over.Nauna s’yang naglakad patungo sa balcony. Wala rin naman patutunguhan kung iiwas siya. Kilala n’ya ito. Hindi rin naman ito titigil hanggang hindi malinaw ang lahat.“Seryoso ako nang sinabi ko na gusto kita, na mahal kita. If it makes you feel awkward, I’m sorry but that’s how I feel towards you,” panimula nito.Kung susundin n’ya lang ang puso baka hindi na ito nahihirapan.“Ang awkward kasi magkaibigan tayo ‘di ba? We’re bestfriends.”Tumingin s’ya sa kawalan habang nakasandal sa upuan. Dam