Nang ipanganak n’ya ang kambal, sinabi na sa kan’ya ng yumaong ina na unti-untiin n’ya na ang pagsabi dito na ang daddy ng mga ito ay nasa langit na. Subalit, hindi naituro ng ina kung paano iyon sasabihin sa dalawang walang muwang na bata. Kaya hanggang ngayon, wala pa din alam ang dalawa, gayunpaman ay ‘ni minsan hindi ito naghanap o nagbigkas man lang ng salitang ‘daddy’.Alam niyang darating ang panahon na malulungkot ang dalawa kung walang tatawagin at kakagisnan na ama. Kaya sa kahit anong paraan ay sinusubukan n’yang punan ang pagiging ama dito.Mabilis n’yang tinahak ang salas. Naabutan n’ya ang tatlong lalaki na parehong nagniningning ang mga mata.“Daddy!” sigaw ni Sean na tila tuwang-tuwa sa pagbigkas ng salitang hindi niya maalalang itinuro dito.“Ikaw daddy namin,” malambing na sabi ni Kean na itinaas ang mga kamay para magpakarga kay Shaun.Simula nang ipanganak niya ang dalawa ay hindi niya pa nasilayan ang kakaibang saya sa mga mukha nito. Hindi niya akalain na kakaiba
Parang tinakasan ng dugo si Cianne nang pagmulat ng kan’yang mata ay wala sa kama ang kambal.Kabado s’yang bumaba ng hagdanan. Maayos naman ang pag-uusap nila ni Shaun kagabi, hindi naman siguro nito nilayo sa kan’ya ang mga bata.Mas lalo siyang binalot ng kaba nang walang maabutan na tao sa ibaba.“Bakit ba naman kasi ang himbing ng tulog ko,” paninisi niya sa sarili.Lumabas siya at nabunutan nang tinik nang makita ang dalawa na masayang naglalaro sa damuhan. Naroon si Tere at Shaun na nagbabantay dito.“Mommy!” Tumigil ang mga ito sa paglalaro at tumakbo palapit sa kan’ya.Umupo siya para sabay itong ikulong sa yakap niya.“Mommy, why are crying?” tanong ni Kean na pinahid pa ng maliit na kamay ang luha niya.Saka niya lang napansin na basang-basa na pala ang kan’yang pisngi.“Tubig lang ito mga anak. Naghilamos kasi si mommy,” pagsisinungaling niya.Nag-unahan ang dalawa sa pagpunas ng kan’yang luha gamit ang mga suot nitong damit kaya napatawa siya.Ganoon ang kanilang eksena n
Nang sumunod na dalawang araw ay hindi umuwi si Shaun. Kung alam niya lang sana’y kinuha niya na ang pagkakataon para tumakas.Nalaman niya na lang na nagkaroon pala ito nang business trip sa ibang lugar nang umuwi ito bitbit ang mga pasalubong sa kambal. Hindi pa man sila nag-iisang buwan sa mansyon ay parang mapupuno na ang kabuuan nito ng mga laruan at iba’t-ibang gamit ng mga bata.“Huwag mo sanang masyadong sanayin si Sean at Kean na sa tuwing uuwi ka ay may pasalubong sila,” saway niya dito matapos umakyat ng mga bata sa kwarto upang matulog.Naiwan sila sa sala. May mga dala ito’ng pagkain na mula pa sa lugar na binisita nito para sa negosyo. Niligpit na iyon ni Manang Alice sa kusina habang siya naman ay nililigpit ang mga laruan ng kambal.“Wala naman problema kung masanay sila.”Umirap siya sa pangongontra na naman nito sa sinabi niya. Kailan kaya ito sasang-ayun sa ina ng mga batang in-spoil nito?“Here.” Inabot nito sa kan’ya ang isang paper bag.Umupo siya sa sofa sa hara
“Kape ko?” tanong ni Shaun sa kan’ya nang akma na sana s’yang uupo sa gitna ng dalawang bata sa hapag kainan.Napataas ang dalawang kilay niya sa tanong nito. Kakagising niya pa lang. Hindi man lang nga ito bumati ng magandang umaga ay humihingi na ng kape sa kan’ya.“Ako na po sir ang magtitimpla,” ani Manang Alice na ikinangiti niya.Pagbaba nilang mag-iina ay nasa hapag na ang lalaki, hindi man lang nagpatimpla na sa katulong, talagang hinintay pa s’ya. Nananadya talaga.“No manang. Gusto ko ‘yong timpla ni Cianne,” anito na hindi inaalis ang tingin sa kan’ya.Napawi ang kan’yang ngiti at sinalubong ang tingin nito. Nagpapatagisan sila ng tingin na para ba’ng doon nakasalalay kung sino ang babawi ng utos o hindi susunod.Unang bumawi ng tingin si Shaun. Akala niya at tagumpay na s’ya ngunit itinuon nito ang tingin sa dalawang bata na pinagmamasdan pala sila.Pumasok sa kan’yang isipan ang naging usapan nila kahapon. Hindi sila pwedeng magtalo sa harap ng bata. Napagkasunduan nila n
Eksaktong pagkababa ni Cianne ng cellphone ay natanaw niya na ang parating na kotse ni Shaun. Dali-dali siyang pumasok sa loob at ibinalik sa dating pwesto ang cellphone ni Tere, na tila ba hindi niya iyon pinakialaman.Maya pa’y kumatok na si Shaun sa kwarto para batiin ang dalawang bata.Tumigil ang mga ito sa paglalaro at masayang sinalubong ang lalaki.Kailangan na nitong sulitin ang yakap ng mga bata dahil kagaya nang sinabi ng kan’yang ate Cindy ay hindi na sila maaabutan nang sikat ng araw sa lugar na iyon.“Hey buddy, are you okay?”Napabaling ang kan’yang tingin kay Kean na nakakalong kay Shaun. Matamlay ito at malamlam ang mga mata.“Hindi ka naman mainit,” saad ni Shaun matapos damhin ang leeg at noo ng bata.Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay ng bata. “May masakit ba sa’yo?”Umiling ito at sumandal kay Shaun.Hinaplos ni Shaun ang ulo ni Kean, pagkatapos ay tumayong karga-karga ito.Sumunod siya dito patungo sa kwarto. Nang maihiga ang bata ay kinuhanan niya ito ng t
Halos hindi niya maihakbang ang mga paa papasok sa kwarto nang makita ang nakakaawang kalagayan ng anak. Si Shaun ang kumuha sa bata at nagbigay ng unang lunas dito.“Joey, pakihanda ang kotse!” sigaw nito sa driver na umakyat na din sa ikalawang palapag dahil sa sigaw ni Tere.Malalaking hakbang ang ginawa ni Shaun palabas ng kwarto karga si Kean. Patakbo siyang sumunod dito hanggang sa makarating sila sa labas.“Tere, ihanda mo ang mga gamit ng bata. Babalikan ka dito ni Joey mamaya,” nagmamadaling utos ni Shaun sa katulong na karga ang pumapalahaw sa iyak na si Sean. Siguro’y natakot ito sa nasaksihan na kalagayan ng kakambal.Kinuha niya ang bata at mabilis na sumakay ng kotse. Nasa unahan siya kalong-kalong si Sean habang si Shaun naman sa likod yakap-yakap si Kean.Mabilis ang pagmamaneho ng driver, ngunit hindi niya iyon alintana dahil ang kan’yang atensyon ay nasa likod. Kagaya niya ay bakas din sa mukha ni Shaun ang pag-aalala.“F*ck! Kakasuhan ko ‘yang mga driver na ‘yan!” s
Nakalabas na sila ng ospital kinabukasan. Maayos na ang lagay ni Kean. Pati si Sean ay pinatingnan na din nila sa doktor upang makasiguro.“Sasama ka pa ba sa amin pauwi?” tanong niya kay Shaun habang nasa elevator sila pababa sa basement parking ng ospital. Karga nito si Kean habang hawak niya naman ang kamay ni Sean na mas piniling maglakad. Kasama nila si Tere at ang driver na si Joey na siyang may bitbit ng mga gamit.Tumaas ang parehong kilay nito sa kan’yang tanong. Nataranta siya at naisip na baka natunugan nito na mayroon siyang pinaplano.“I mean, pangalawang araw na ngayon na hindi ka pumasok sa trabaho. Hindi ba magtataka o magagalit ang lolo mo?” maingat niyang tanong dito.“I’ll be back at work, after ko kayong ihatid.”Bumukas na ang elevator at nauna ito’ng maglakad. Nagtungo ito sa kan’yang kotse katabi ng sasakyan na minamaneho ni Joey, na iniiwan nito sa mansyon para mayroong service sa tuwing may kailangan bilhin.“Jake, daanan mo sa terminal si Manang Alice tapos d
Halos ayaw niya nang lumabas sa kwarto ng mga bata kahit pa naroon na si Tere upang magbantay. Ang sabi ni Shaun ay kailangan nilang mag-usap sa ibaba.Kung maldita lang siya ay pinagalitan niya na ang inosenteng katulong. Dahil sa kadaldalan nito ay mabubuko pa ang ginawa niyang nag-iisang paraan para makatakas sa poder ng lalaki.Napataas ang balikat niya nang dalawang katok ang marinig sa pinto. Bumukas iyon ngunit wala siyang naramdaman na pumasok.“Ma’am, tawag po kayo ni sir,” ani Tere.Nakatalikod siya sa pintuan kaya hindi niya ito makita.Malalim siyang huminga. Malakas naman ang kan’yang loob. Ano ba’ng kinakatakot niya?Tumayo na siya at hinalikan muna sa noo ang dalawang bata bago lumakad patungo sa nakabukas na pinto.Nakabalik na sa baba ang lalaki nang lumabas siya. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan. Pilit siyang nag-iisip ng dahilan upang makalusot dito. Hindi maaaring tuluyang mabuko ang plano nilang magkapatid.Naabutan niya itong nagluluto ng gulay
Agad na kumawala si Cianne sa mga bisig ni Shaun nang maunang magising kinabukasan.Dumiretso s’ya sa banyo upang maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan s’ya sa nangyari kagabi. Napakapusok n’ya. Bakit s’ya nagpadala sa nararamdaman? Hindi pa nga malinaw ang estado ng kasal ni Shaun kay Heria. Masyado n’ya nang binababa ang sarili para lang pagbigyan ang kan’yang puso.Siguradong sermon ang aabutin n’ya kapag nalaman ng kan’yang mga kapatid ang naging relasyon sa may asawa nang si Shaun.Sa isiping iyon ay dali-dali siyang bumalik sa kama at kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pilit n’ya nang ginising ang lalaki.“Shaun, gising na.” Niyugyog n’ya ang katawan nito ngunit umungol lang ito.Sinubukan n’ya pa’ng muli. Hindi p’wedeng malaman ng kan’yang mga kapatid na doon nagpalipas ng gabi si Shaun.Minulat nito ang mga mata ngunit mabilis din na pumikit.“Bumangon ka na at umuwi sa bahay mo.”Muli nitong minulat ang mga mata ngunit pumikit din kaagad na animo’y nasisilaw kahit wala nam
Pinulupot ni Cianne ang kan’yang braso sa beywang ni Shaun upang alalayan ito sa paglalakad patungo sa guestroom. Dala ng kalasingan, nahirapan ito’ng balansehin ang paglalakad kung kaya pati siya ay nadadala sa tuwing nagpapasuray-suray ito.“Gosh! Thank you!” Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay tagumpay na nadala sa guestroom si Shaun.Sinilip niya ito nang ibagsak nito ang katawan sa kama. Nakapikit na ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha.Mag-da-dalawang linggo na rin simula nang umalis siya sa poder ni Shaun. Hindi niya maikakaila sa sarili na namimiss n’ya ito. Kung hindi nga lang masama ang umangkin ng asawa ng iba ay baka ginawa n’ya na, ngunit malinaw pa naman ang isipan n’ya. Kahit pa mayroon silang anak ni Shaun ay sa tama pa din s’ya papanig.Wala sa ayos ang damit nito, na mukhang pagkagaling sa opisina ay dumiretso na sa bar upang uminom.Dumako ang kan’yang mata sa paa nito. Nakasuot pa ito ng sapatos kaya walang pag-aalinlangan n’ya iyong hinubad.Kahit
“Table number 3! 10 minutes na ‘yong order nila, bakit ang tagal?” sigaw ni Cianne sa kitchen staffs na nagpagitla sa mga ito.Nagkatinginan ang mga ito na animo’y nagtataka sa pagtaas ng boses niya.Sinundan s’ya ni Stacy, ang manager ng kan’yang restaurant.“Miss Cianne, nag-change order po kasi ang table number 3 kaya hindi pa na-se-serve,” pagpapaliwanag nito na para ba’ng inaamo ang galit nang amo.“Just tell the staffs to give their best service every single day. Hindi iyon sa una lang. Ano na lang ang sasabihin ng mga customer natin na nangako tayo na mabilis ma-serve ‘yong food pero hindi naman natin tutuparin? Umaasa ‘yong mga customers, tapos bibiguin lang natin? We must be sensitive enough to think that we might hurt them,” puno ng emosyon niyang saad.Umawang ang labi ni Stacy na animo’y ikinabigla ang mahabang litanya ng kan’yang amo, na tila malayo na sa sitwasyon ang pinapatungkulan.“I mean, we might disappoint them, because they’re hungry,” mabilis na pagdugtong ni Ci
Nakatingin si Shaun sa pulang ilaw ng traffic lights nang malalim na nag-iisip. Alam niyang hindi ganoon kadali ang makipaghiwalay kay Heria.Kasabay nang pagkulay berde ng traffic lights ay ang pagtunog ng kan’yang cellphone. Ang kan’yang madrastang si Mina ang tumatawag. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin iyon o hindi. Dis-oras na nang gabi, kinutuban s’yang baka importante iyon tungkol sa kan’yang ama.“Shaun, pwede mo ba kaming sunduin dito sa HighEast Bar?”Malakas ang music sa background at tunog lasing na ang madrasta. Sinabi niya ditong tatawagan na lang ang ama upang s’yang sumundo ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing masama ang pakiramdam ng kan’yang ama.Sa huli’y pinuntahan n’ya ito na siyang pinagsisihan niya din kaagad nang makitang kasama nito si Heria na halos wala nang malay sa sobrang kalasingan. Kung maaari lang magmaneho pabalik ay gagawin n’ya ngunit huli na nang makita s’ya at mabilis na sumakay ang dalawa sa kan’yang kotse.Alam n’yang set-up naman muli
Sandaling pinikit ni Shaun ang mga mata habang nakasandal sa headrest ng swivel chair. Kanina pa mahapdi ang kan’yang mga mata. Alam niyang hindi lang iyon dahil sa kakulangan ng tulog kun’di sa mga luhang nais nang tumulo.Puyat, pagod, at lungkot ang pilit niyang nilalabanan.Masakit para sa kan’ya ang paglalayas ng kan’yang mag-iina sa poder niya. Gustuhin n’ya man na pilitin si Cianne na bumalik ay alam n’yang wala s’yang magagawa pa. Kasalanan niya din naman kung bakit ito lumayo sa kan’ya.‘Ni hindi niya na nga nagawang pabulaanan ang mga akusa nitong pagsisinungaling n’ya. Ang totoo’y tinawagan s’ya ng madrasta upang sabihin na mayroong biglaang conference sa ibayong lungsod kaya kinailangan n’yang umalis nang maaga. Hindi n’ya akalain na si-net up lang s’ya nito upang sunduin si Heria.Hindi na s’ya nagtataka na maling impormasyon ang nakarating kay Cianne. Malakas ang kutob n’yang mula iyon kay Heria.Pinagsisisihan n’ya ang pagdalo sa family dinner nila, na kung hindi dahil
Walang tigil ang pag-ring ng cellphone ni Cianne ngunit paulit-ulit n’ya din itong pinapatay.Simula sa bahay ng kan’yang ama, hanggang sa restaurant ay tumatawag na si Shaun, pero ‘ni isa ay wala s’yang sinagot.Alam n’yang kailangan n’ya pa din pakinggan ang paliwanag nito, kahit pa sa tingin n’ya ay hindi na iyon makakabawas pa sa sakit na nadarama niya.Muli n’yang pinasadahan ng tingin ang mga larawang pinadala sa kan’ya ni Heria kaninang madaling araw. Makikita sa larawan si Shaun katabi ang babae. Tila isang dinner set-up iyon kasama ang pamilya ni Shaun. Lahat sila ay may magandang ngiti sa larawan. Taliwas ang kan’yang nakita sa sinabi ng lalaki na investors ang i-memeet nito kasama ang ama.Pinahid niya ang butil ng luhang umalpas sa kan’yang mata. Akala niya ay ubos na ang luha n’ya, mayroon pa pala.Bumaba na s’ya sa restaurant ngunit hindi pa man s’ya nakakapasok ay nakaabang na ang binata sa kan’ya.Nangangalumata ito. Bakas sa itsura nito na wala pa’ng tulog. Ang damit
Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Cianne nang magpakilala ang babae. Nilahad nito ang kamay sa kan’yang harapan na makalipas lamang ang ilang segundo ay binawi din nang mapansin na wala siyang balak makipagkamay dito.“You looked shock and confuse. Is it because, you didn’t know that he’s married or you’re surprised that I found where he hides you?”“I’m sorry miss, but I don’t know what you’re saying.” Mas pipiliin niya munang magtiwala kay Shaun kaysa sa sinasabi ng babae na ngayon niya pa lang nakita at nakausap.“Let me guess. He left at four am, right? I am at Chicago for almost two years. Kanina, at 5am was my arrival here the the Philippines. He fetched me. Kumain kami bago n’ya ako ihatid sa bahay. Sayang nga lang dahil may importanteng conference s’ya, because if not, I’m sure we’ll spent the whole day together. Anyway, he promised to date me later tonight.”Nagsalubong ang kan’yang kilay. Gusto niyang isipin na artista ito sa galing umarte. Mukhang totoo ang mga sinasabi, n
Pagmulat pa lang ng mata ni Cianne ay gumuhit na ang ngiti sa kan’yang labi.Tila ayaw n’ya nang bumangon mula sa komportableng posisyon sa kama. Naka-unan s’ya sa dibdib ni Shaun habang nakayakap naman ito sa kan’ya.Matapos ang ilang buwan na puro takot at pangangamba, sa wakas naramdaman n’ya din ang pagiging ligtas sa mga bisig nito. Alam niyang simula sa oras na iyon ay may karamay na sya sa lahat ng pagsubok na kakaharapin.Isang masuyong halik sa kan’yang ulo ang nagpatingala sa kan’ya. Gising na si Shaun at kagaya n’ya ay may magandang ngiti din sa mga labi.“Good morning, mahal.”Dati ay na-ko-kornihan s’ya tuwing nakakarinig nang ganoong tawagan mula sa mga magulang n’ya, pero ngayon naiintindihan n’ya na. Nakakakilig pala talagang pakinggan kapag ikaw ang tinatawag nang gano’n.“Good morning too.”Lumawak ang ngiti nito at hindi kumibo.“Why?” nagtataka n’yang tanong.Bumangon s’ya at kinapa ang mukha kung may muta o dumi ba s’ya sa gilid ng labi. Inayos niya pa ang buhok.
Inaamin ni Cianne na nag-iba ang kulay ng kan’yang mundo nang dumating si Shaun sa buhay n’ya.Sa una ay kaibigan lang ang tingin n’ya dito, ngunit sa paglipas ng mga araw at buwan na nakikilala n’ya ito, unti-unti ay nahulog ang loob n’ya.“P’wede ba’ng ‘wag muna tayong matulog hanggang hindi natin pinag-uusapan ang tungkol kagabi?” pagpigil sa kan’ya ni Shaun papasok sa kwarto.Alam n’yang tiniis lang nitong huwag muna s’yang pansinin kahapon upang makatulog s’ya nang maaga dahil sa hang-over.Nauna s’yang naglakad patungo sa balcony. Wala rin naman patutunguhan kung iiwas siya. Kilala n’ya ito. Hindi rin naman ito titigil hanggang hindi malinaw ang lahat.“Seryoso ako nang sinabi ko na gusto kita, na mahal kita. If it makes you feel awkward, I’m sorry but that’s how I feel towards you,” panimula nito.Kung susundin n’ya lang ang puso baka hindi na ito nahihirapan.“Ang awkward kasi magkaibigan tayo ‘di ba? We’re bestfriends.”Tumingin s’ya sa kawalan habang nakasandal sa upuan. Dam