Sa loob ng pitong taon, tiniis ni Trixie ang malamig na pakikitungo ni Sebastian sa kaniya. Naniniwala kasi siyang kung mananatili siya sa tabi nito, maaaring matunaw rin ng pagmamahal niya ang nagyeyelong puso ng lalaki. But her patience was rewarded not with love—but betrayal. Sebastian fell in love with another woman at first sight. Binusog nito ng pagmamahal at kalinga ang babae na kailanman ay hindi niya naibigay kay Trixie. Hanggang sa dumating ang gabi ng birthday niya, kung saan nakita ni Trixie kung paanong matagal na palang wala sa kaniya ang kaniyang mag-ama. Doon na siya sumuko. Pinirmahan na ni Trixie ang divorce papers, isinuko ang karapatan sa anak, at lumayo na sa isang pag-ibig na wala ng pag-asa. But suddenly, there's a sudden turn of events. Ang asawang hindi na umuuwi noon, ngayon ay laging nasa tabi niya. And when she demands a divorce? He corners her and whispers, "Divorce? That would be impossible, Wife.”
View MoreHabang nasa campsite, ilang beses nang tumunog ang cellphone ni Helios. Alam ni Trixie na mga tawag iyon mula sa trabaho, narinig pa nga niya minsan na binanggit sa kabilang linya ang tungkol sa isang "urgent deal."Ngunit sa halip na sagutin, mabilis lang na pinatay ni Helios ang tawag at ibinulsa ang telepono. Sa ikatlong beses na narinig niya itong nag-ring, napatingin si Trixie."May kailangan ka ata sa trabaho," komento niya, pilit na walang emosyon sa boses."No, that can't wait," sagot ni Helios, saka ngumiti.Hindi agad nakasagot si Trixie. Para bang madali lang para kay Helios na iisantabi ang trabaho, bagay na hindi niya inaasahan mula rito.Nakapaggawa na si Trixie ng ilang paruparo, na labis namang ikinatuwa ni Yanyan. Maingat na isinilid ng bata ang mga iyon sa kanyang bulsa na parang kayamanang ayaw mawala."Ang ganda-ganda po nito!" masiglang sabi ni Yanyan, sabay yakap kay Trixie. "Gagawa ka pa po, di ba?""Oo naman," sagot ni Trixie, pilit na ngumiti.Habang pinagmam
Nagpatuloy sila sa paglalaro kasama si Yanyan hanggang sa lumalim ang hapon.Mabilis lumipas ang oras. Pagsapit ng dapithapon, nagsimula nang dumilim ang paligid. Amoy na rin sa ere ang mabangong usok mula sa barbecue grill, at nag-iilawan na ang mga tent.Maraming tao ang nagpunta sa camping na iyon. Bagamat hindi dikit-dikit ang mga tent, ramdam pa rin ang kasiglahan sa paligid."May bonfire party daw mamaya," dagdag pa ni Helios."Ayos lang ako," sagot ni Trixie, tila umiiwas sa ideya ng masyadong maraming tao.“Gusto mo ba ng seafood?” tanong ni Helios habang iniabot kay Trixie ang ilang skewer.Nag-aalanganin si Trixie, pero kinuha rin niya ito. “Salamat.”Magpapaliwanag pa sana si Helios nang biglang tumunog ang cellphone niya.Si Ysabel ang tumatawag.Lumayo nang kaunti si Helios bago sinagot ang tawag."Mag-iinom ka ba mamaya?" tanong ni Ysabel."No. You guys go ahead," sagot ni Helios, malamig ang boses."Ano bang ginagawa mo?"Sakto namang lumapit si Yanyan bitbit ang isang
Ang mga araw na abala ay laging mabilis lumipas.Hindi namalayan ni Trixie na Biyernes na naman.Nang umaga ng araw na iyon, bagong gising pa lang siya nang tumawag si Helios."Si Yanyan gusto raw mag-camping," sabi nito.Napaisip si Trixie. "Magpapalipas ba kayo ng gabi roon?""Oo," sagot ni Helios. "Huwag kang mag-alala, may magbabantay sa inyo para sa kaligtasan niyo. Ako na ang bahala sa mga sleeping bag, tent, heater, at iba pang gamit. Pumunta ka na lang.""Okay," sagot ni Trixie.Kinabukasan, Sabado ng umaga, bumalik si Trixie sa bahay ng mga Salvador para kumain at magtanong tungkol sa bagong proyekto ni Shaun. Sa kabila ng mga agam-agam niya tungkol sa deal na inalok ni Helios, nais pa rin niyang makasigurong magiging maayos ang lahat.Nadatnan niyang abala si Shaun sa veranda, may hawak na tasa ng kape habang nakatuon sa kanyang laptop. Lumapit siya at naupo sa tapat nito.“Good morning, Tito,” bati ni Trixie.“Morning,” sagot ni Shaun nang hindi inaalis ang tingin sa screen
Pagkaalis nila sa Techspire at pagsakay sa kotse, halatang inis pa rin si Casper. Tahimik itong nakatitig sa daan habang madiin ang hawak sa manibela.Nang hindi na nakatiis, bigla siyang nagtanong, "Siyanga pala, sino 'yung babaeng naka-business suit na nasa likod ni Wendy kanina? Parang hindi maganda 'yung tingin niya sa'yo. Kilala mo ba siya?"Mabilis na lumingon si Trixie, na tila nagugulat na napansin iyon ni Casper. "Ah... pinsan ni Wendy."Napakunot-noo si Casper. "Pinsan? Tsk..." Napailing siya, tila may naisip na hindi niya nagustuhan. "That jerk of a husband... hindi lang pala pinapunta si Wendy sa Techspire, pati mga kamag-anak niya libre na rin maglabas-masok doon? Sa ugali niya, I won’t be surprised kung one day maging 'Bolivar Techspire' na pangalan ng kumpanya."Napakagat-labi si Trixie at tumingin sa bintana. Pareho lang pala sila ng iniisip ni Casper."Oo," sagot niya nang malamig.Napabuntong-hininga si Casper, pero halata pa rin sa mukha niya ang inis. "Kung mahal
Hindi na nagulat si Emily nang makita si Trixie. Alam na pala niya ito dahil nasabi na iyon ni Wendy sa kanya. Nang makita niyang naroon si Trixie, na asawa ni Sebastian, ngunit parang ordinaryong empleyado lang na naghihintay sa kanyang pinsan bago makapagpatuloy sa trabaho, hindi naiwasang magpakita ng bahagyang pang-aasar ni Emily. Wala namang pakialam si Trixie kung bakit naroon si Emily at nakasuot ng professional na kasuotan. Ipinagwalang-bahala niya ito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Lumapit si Wendy at magalang na humingi ng paumanhin, "Pasensya na, pinaghintay ko kayo." Seryoso at taos-puso ang tono ni Wendy, pero habang siya'y nagsasalita, tanging sina Michael at Casper lang ang kanyang tinitingnan. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Trixie. Halatang hindi siya kasali sa pinagpapakumbabaan ni Wendy. Hindi naman nakatutok kay Trixie ang atensyon ni Michael, kaya hindi na rin niya pinansin ang mga detalyeng iyon. Bagkus, tumugon siya ng mad
Pagkauwi ni Trixie mula sa unexpected meeting na iyon, halos kakarating pa lang niya sa bahay nang tumawag si Casper. Agad niyang sinagot ang tawag."Hello?" sagot ni Trixie, halatang pagod."I heard from Professor Soma na isinama ka niya somewhere kanina. Ano bang meron?" tanong ni Casper, bakas sa boses niya ang pag-aalala."Ah, oo..." Saglit na nag-isip si Trixie, parang sinusubukang buuin sa isip ang mga nangyari. "Pinatawag ako ni Prof. Soma para sa isang lunch meeting... tapos pagdating ko ro'n, andun na sina Mr. Gael Camero at Mr. Ernest Turner.""Wait... what?" biglang sumeryoso ang boses ni Casper. "As in the Mr. Camero and Mr. Turner?""Oo," sagot ni Trixie. "Nagulat nga rin ako. Hindi ko alam na ganun kalaki ‘yung meeting na ‘yun. Akala ko si Prof. Soma lang talaga ang kakausap sa akin.""Anong pinag-usapan n’yo?" tanong ni Casper, halatang curious."Yung system na ginawa ko," sagot ni Trixie. "Sabi nila pinag-aaralan daw ng team nila ‘yung project ko nitong mga nakaraang a
Pinakilala sila ni Professor Soma na may malamig na ekspresyon, "Mr. Gael Camero, Mr. Ernest Turner, ang estudyante kong si Ms. Trixie Salvador." Nakita na ni Trixie ang mga ito sa balita noon. Ang isa sa kanila ay may mataas na posisyon sa militar, at ang isa naman ay isang kilalang personalidad sa larangan ng politika. Ngunit sa kabila ng kanilang mga impluwensiya, malumanay ang kanilang pakikitungo kay Trixie. Nakipagkamay sila rito at sinabing, "I've heard so much about you from Prof, Ms. Salvador." Bagamat medyo nagtataka si Trixie, nanatili siyang kalmado. Magalang niyang kinamayan ang dalawa at tumugon, "Ako po dapat ang nagsasabi niyan sa inyo. It's a pleasure to meet such powerful figure in our country." Ngumiti sina Mr. Camero at Mr. Turner at inanyayahan siyang maupo. Nang makaupo na siya, nagsalita si Mr. Camero, "Matagal na naming nais makilala ka, pero palaging abala ang lahat kaya hindi natutuloy. Nitong mga nakaraang araw, pinag-aaralan ng mga tauhan namin ang s
Pagkatapos ibaba ang tawag, bumalik si Trixie sa kanyang gawain. Halos buong gabi ay inubos niya sa pagbabasa at pagkalap ng kaalaman. Bandang alas-nuebe ng gabi, matapos mababad ang kanyang isipan sa mga impormasyong pinag-aralan niya, mas gumaan na ang kanyang pakiramdam.Sakto naman, biglang tumawag si Casper."Gusto mo bang lumabas at maglibang?" tanong nito sa kabilang linya.Bahagyang nag-alinlangan si Trixie, pero napagpasyahan niyang sumang-ayon. Kailangan din naman niyang magpahinga kahit sandali.Makalipas ang kalahating oras, dumating na si Trixie sa bar na kanilang napagkasunduan. Sinalubong siya ni Casper sa pintuan, suot ang karaniwan niyang nakangising ekspresyon."Uy, ikaw pala 'yan!" biro ni Casper, sabay tingin mula ulo hanggang paa. "Akala ko magsusuot ka ng pamburol. Buti naman at normal pa rin ang outfit mo."Napangiti si Trixie. "Sira ka talaga.""Gusto mo bang uminom?" tanong ni Casper, nakangiti pa rin.Saglit na nag-isip si Trixie bago sumagot, "Sige, inom ta
Hindi pa nagtatagal si Trixie sa banyo nang biglang narinig niya ang usapan ng mga staff ng sales office sa labas ng cubicle na ino-occupy niya. "Ang galing din pumili ni Mr. Valderama, ‘no? Ang ganda ng girlfriend niya." "Oo nga, ang ganda rin ng nanay ng girlfriend niya, napaka-elegante at maayos kumilos. Ang importante pa, kahit ‘yung asawa at biyenan niya, sinusunod lang ang gusto niya, sobrang spoiled talaga! Tignan mo sila tapos tignan mo ‘yung asawa at biyenan ko... nakakainis talaga!" "Di ba? Sobrang bait pa ni Mr. Valderama sa girlfriend niya. Ni hindi pa nga sila kasal, pero bumili na siya ng villa na mahigit 600 million para sa pamilya nito. Grabe, winner talaga sa buhay ‘yung babae na ‘yon!" Paglabas ni Trixie mula sa banyo, sampung minuto na ang lumipas. Hindi man niya aminin sa sarili, nanunuot sa kaniyang kalamnan ang pait mula sa usapan ng dalawang babaeng iyon. Matapos nilang maghapunan ni Racey, bigla niyang naisipang pumunta sa sanatorium. Narating na
Pasado alas nueve ng gabi nang makalapag sa airport ang sinasakyang eroplono ni Trixie Salvador. Narito siya ngayon sa isang bansang estranghero sa kaniya sa kabila ng espesyal na araw niya ngayon. It's her 26th birthday today. Hindi siya narito para dito ipagdaos ang kaniyang kaarawan, kundi dahil sinusundan niya dito ang kaniyang mag-ama na tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Nang buhayin niya ang kanyang cellphone, bumungad sa kaniya ang maraming pagbati mula sa mga kakilala. Napangiti siya dahil doon. Pero wala ang mensaheng mula sa taong dahilan kung bakit siya nasa bansang ito ngayon. Wala man lang mensahe mula kay Sebastian Valderama, ang asawa niya. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napabuntong-hininga. No one even bothered to pick her up at the airport despite notifying them that she'll arrived today. Mabigat ang loob niyang kumuha na lang ng taxi dahil kung maghihintay siya ng sundo ay mamamatay na lang siya sa lamig sa bansang i...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments