Nang malamigan ang mukha ni Yuan, inisip niyang umaasa si Trixie sa kanyang posisyon para makakuha ng espesyal na trato."Secretary Salvador, ayusin mo ang pag-uugali mo sa trabaho. Akala mo ba bahay mo ito? How dare you disobey the company's task!"Kinuha ni Trixie ang kanyang bag, at nanatiling kalmado ang kanyang tono. "Kung hindi ka nasisiyahan sa inaasta ko, puwede mo akong tanggalin ngayon din.""You—!"Noon, sinamahan ni Yuan si Sebastian sa America. Alam niyang matagal nang nagbigay ng resignation letter si Trixie.Kahit pa pinagkakatiwalaan siya ni Sebastian, hindi naman niya pag-aari ang buong kumpanya. Wala siyang kapangyarihang basta na lang paalisin si Trixie.Bukod pa roon, mahal na mahal si Trixie ng nakatatandang Valderama. Kung sakaling magreklamo ito sa kanya, kahit tiwala si Yuan na poprotektahan siya ni Sebastian, wala rin siyang mapapala.Hindi siya pinansin ni Trixie. Dumeretso lang siya ng lakad at lumampas pa kay Yuan bago umalis.Galit na galit si Yuan nang m
Hindi na niya masyadong inisip iyon, iniisip na baka bumalik lang si Trixie sa pamilya Salvador. At isa pa, ano ba ang pakialam niya sa whereabouts ng babae? Damn him for still thinking about that… woman. Pagpasok niya sa banyo, hindi pa rin siya nakaligtas sa paglalakbay ng kaniyang utak. Bigla niyang naalala na kapag umuuwi nga pala si Trixie sa pamilya Salvador ay palagi nitong sinasama si Xyza. But this time around, parang may kakaiba. Hindi nito isinama ang anak nito sa pagdalaw sa pamilya nito. Posible kayang hindi naman sa pamilya Salvador ito nagpunta? O baka naman may nangyari roon? Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Yuan bago ito umalis sa kumpanya ngayong hapon. Doon niya nakumpirma ang kanyang hinala. Napahinto siya sandali pero hindi na niya ito inisip pang mabuti. That insolent woman is really getting in his nerves everyday. Kinabukasan, habang kumakain ng almusal, kinausap ni Sebastian si Xyza. "Your name is already listed and taken care off. Bukas ng umaga
Halos matawa si Trixie nang marinig niya iyon sa kaniyang ama.Tuluyan na nga talagang kinalimutan ng amain na narito pa siya, at ang hinihingian lang naman nito ng pabor ay ang kaniyang asawa. Sa totoo lang, si Wendy at Sebastian ay nagkakilanlan lamang matapos nilang ikasal ni Seb. Dahil nga mahiyan noong kabataan nila, hindi nagkaroon ng pagkakataon para sa maayos na pagkakilala ang dalawa. Pero mapagbiro talaga ang tadhana at kita mo nga ngayon, nagkapalagayan pa sila ng loob. Without even minding the marital disputes involving them three. Yes, alam ni Wendy ang relasyon niya kay Sebastian, at hindi siya naniniwalang hindi alam ni Mateo Bolivar na asawa ni Sebastian ang isa pa niyang anak!Her father just chose to acknowledge the welfare of her favorite daughter. Kahit pa nga ikasira iyon ni Trixie.Sa katotohanang iyon, walang pakundangan pa ring ipinipilit ni Mateo ipares si Wendy kay Sebastian.Dito pa lang, makikita na kung gaano siya balewalain ng ama niya sa papel!Ilang
Dahil napasarap sa kwentuhan, nag-over break tuloy siya. Matapos masiguro na nakaalis na ang sasakyan ng kaniyang Lola Thallia sa vicinity ng restaurant, agad na rin siyang bumalik sa kumpanya. Wala ang maalin man kina Calix o Yuan kaya walang nakapansin sa kaniyang pagbalik nang late. Nang hapon ding iyon, pagkatapos ng trabaho ni Trixie, umuwi muna siya upang kunin ang mga regalong inihanda niya para sa matanda at matandang lalaki ng pamilya Valderama. Nang matapos dito, sumakay siya sa kotse at nagtungo sa lumang bahay kung saan nakatira ang matanda ginang. Ang lumang bahay ng pamilya Valderama ay matatagpuan sa labas ng Maynila. Isa itong lugar sa Batangas na napapalibutan ng magagandang bundok at ilog. Dahil nakatayo sa gitna ng malawak na lupaing pag-aari ng mga Valderama, tahimik at presko ang paligid. Tamang-tama para sa matatanda. Ang tanging problema lang ay malayo ito sa siyudad. Maging ang town proper ng bayan ay aabutin pa ng ilang minuto bago mo marating.
"Did you all guys wait for me?" Naglaho ang nakakainis na ngiti ni Simone nang batukan siya ni Samantha. "You idiot! Lahat kami gutom na gutom na sa kahihintay sa’yo!" Bagaman may iisang magulang, lubos na magkakaiba ng ugali ang magkakapatid. Si Sebastian ay palaging tahimik at kalmado, suplada at mainitin naman ang ulo ni Samantha. Sa kanilang tatlo, si Simone lang ang madaldal at palangiti sa kanila. Nang makumpleto sila, medyo lumambot ang malamig na ekspresyon ni Felizity. Lalo namang naging masaya ang matandang ginang dahil kumpleto ang kaniyang mga first grandchild. Dahil medyo ginabi na at nagugutom na ang lahat, agad na ipinahanda ng matandang ginang ang hapunan. Pito silang lahat kaya sa marangya at mahabang main dining hall na lang nila piniling kumain. Ang pagkakaayos ng upuan ay nasa gitnang pwesto si Thallia Valderama, magkatabi naman sa kaniyang kanang bahagi sina Sebastian, Xyza, at Trixie. Sa kaliwa niya pumwesto sina Felizity, Samantha, at Simone. Ngumiti an
Matapos ang hapunan, nagpasya ang lahat na sa sala na ituloy ang kwentuhan at doon na lang ang dessert set-up. Tulad ng dati, gusto ng matandang ginang na laging malapit sa isa't-isa si Trixie at Sebastian. Kaya naman wala nang nagawa ang dalawa nang pinaupo silang magkatabi nito. But to no avail, just like in the old times, Sebastian wouldn’t even spare Trixie a glance. Ayaw sanang umupo ni Trixie sa tabi nito, pero hindi rin maganda kung patuloy niyang tatanggihan ang matandang ginang. Natatakot siyang baka magdamdam pa ito. Hindi naman gusto ni Trixie na magkasakit ang matanda dahil lang sa pabor na hindi niya ginawa pero kayang-kaya niya naman gawin. Hindi niya tuloy maiwasan na mailang sa lalaki dahil ito ang unang pagkakataon, makalipas ang ilang buwan, na nagkadikit sila nang ganito kalapit ni Seb. Sa sobrang lapit, malinaw niya pa ngang naamoy ang pamilyar na pabango ng lalaki. Mapait siyang napangiti sa sarili dahil hanggang ngayon pala ay gamit pa nito ang pabangong
Napatingin si Trixie sa pinagmulan ng tinig. Nandoon si Samantha… at si Sebastian.Saglit siyang natigilan.Nagsisindi ng sigarilyo si Sebastian at hindi sumagot.Malayo ang distansya at nakatayo si Sebastian sa dilim, kaya hindi makita ni Trixie ang ekspresyon sa kanyang mukha.Muling nagsalita si Samantha, "To be honest, I kind of understand you. I met Wendy a lot of times before, and she's always the center of ladies’ gossip during social gatherings. Narinig kong 25 year old pa lang siya, pero may doctorate na mula sa isang kilalang unibersidad. From her looks, mukhang mahusay din siyang humawak ng negosyo ng pamilya. Also, she's quite a beauty, bolder, and with fierce personality. No doubt, taglay niya ang galing at kinang na hindi basta-basta nakikita sa karamihan ng kababaihan. Kaya naman, nakikita ko na kung bakit ka nahumaling sa kanya. Pero Seb, hindi malinis ang pinagmulan niya. Napag-isipan mo na ba talaga ito?"Agad sumagot si Sebastian. " I know exactly the kind of woman
Nang maalala ni Xyza ang karera mamayang gabi ng kaniyang tita mommy, kahit masama ang gising, napuno ng saya at excitement ang bata.Excited na siyang makita si Wendy na nakasuot ng isang cool at magandang damit!Dali-dali siyang nagbihis. Kumukanta at kumekendeng pa habang nagsusuot ng damit. Matapos magbihis, kinuha niya ang cellphone niya at chineck ito.Ngunit agad ding napakunot ang kaniyang noo nang makitang wala pang mensahe ang kaniyang tita mommy.Dati kasi, kapag nagmemesaage siya kay Wendy, mabilis itong sumasagot. Pero ngayon, tapos na lang siyang mag-ayos, wala pa ring reply si Wendy."Is she mad at me? Oh no, I can't take that!"Nabahala siya sa ideyang iyon, kaya dali-dali siyang magpadala ng sunod-sunod na mensahe.[Tita Mommy, are you mad at me po?][Why aren't you replying to my message po?][Tita Mommy, I'm sorry if Mom will be the one sending me to school. You know naman po na ikaw mas gusto ko, ‘di ba?. Tita Mommy, don't be mad at me po, please?]Matagal siyang n
Nahawakan naman agad ang lalaki upang hindi makatakas, ngunit bakas sa mukha ni Sebastian ang labis na pag-aalala. Agad niyang binuhat si Wendy at mabilis na isinakay sa kotse.Mabilis na nawala ang sasakyan sa paningin nina Trixie at Casper.Napuno ng katahimikan ang paligid habang minamasdan nina Trixie at Casper ang mabilis na pag-alis ng sasakyan ni Sebastian. Kasabay ng tunog ng makina ang pagkalat ng dugo sa sahig ng parking lot, nag-iiwan ng pulang marka sa sementong tila hindi agad mabubura.Huminga nang malalim si Casper bago hinawakan ang braso ni Trixie. "Tara na."Saglit siyang natigilan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon, kung dapat ba siyang mag-alala sa nasugatan o dapat ba niyang ipikit ang mga mata at kalimutan ang lahat ng nangyari sa gabing ito.Napaiwas ng tingin si Trixie, saka mahina ngunit walang kasiguraduhang sumagot, "Oo..." Sa nangyari, hindi na natuloy ang balak nina Trixie at Casper na mag-inom dahil parehong nawalan na sila n
Nararamdaman pa rin ni Trixie ang bigat sa kanyang dibdib habang naglalakad sa hallway ng Techspire. Matagal na niyang gustong isara ang kabanatang ito sa kanyang buhay, ang kabanata ng pagtatrabaho sa kumpanyang pag-aari ni Sebastian. Ngunit kahit natapos na nila ni Casper ang kanilang mga tungkulin, hindi pa rin siya ganap na nakahinga nang maluwag.Ang tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya ay nananatili pa rin. Kailan ba talaga matatapos ang lahat sa pagitan nila ni Sebastian?Ito nga ang gusto niyang pag-usapan kagabi. Pero tulad ng dati, bigla na lang itong umalis at tila nalimutan ang pangako nitong mag-uusap sila. Hindi na siya nagulat. Sa nakalipas na tatlong buwan, palagi na lang siyang nauuna, palagi siyang naghihintay."Just divorce him already, no questions needed," malamig na sabi ni Casper habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.Bahagyang tumingin si Trixie sa malayo. Oo nga, naisip niya. Pagdating ng tanghali, nabalitaan nila mula kay Dr. Ziloah na maayos na
Hindi nagtagal, lumapit si Sebastian, tila narinig nito ang pagtanggi ni Casper na sumama sa kanila.Lumapit ito, iniabot ang kamay kay Casper at magalang na nagsabi, "Then we will leave first. I hope that Mr. Yu will do me a favor next time.""Of course," tugon ni Casper.Tipid na ngumiti si Sebastian, tapos ay tumingin kay Trixie saglit, at saka tumalikod upang umalis kasama sina Wendy at ang iba pang naghihintay sa kanya sa may pintuan.Matapos ang tanghalian, bumalik din agad sina Casper at Casper sa Techspire.Makalipas ang ilang sandali, dumating din sina Wendy at ang kanyang mga kasamahan.Nang mag-aalas-sais na ng gabi, natapos na sina Trixie at Casper sa kanilang trabaho sa araw na iyon at nagpasya nang umalis.Ang natitirang gawain ay maaari namang dahan-dahang tapusin sa susunod na mga araw.May oras pa sila rito, kaya hindi kailangang magmadali.Ngunit tila abala pa rin sina Wendy at ang iba pa, at wala pa silang balak umuwi.Nagsalita si Bright nang makita niyang mukhang
Ngunit sa isang banda, naisip ng lalaki maaaring may punto nga si Casper dahil base na rin sa mga nasagap niyang tsismis sa mga kaibigan ng team ng babae.Sa puntong ito, napabuntong-hininga si Bright at nagpatuloy, "Ewan ko ba kung dapat ko pang sabihin 'to, pero sobrang swerte talaga ni Ms. Bolivar."Pagkasabi nito, bago pa makapag-react sina Trixie at Casper, nagpatuloy pa si Bright sa medyo pabulong na tono, "Alam niyo ba? Nag-overtime ng dalawang araw noong Sabado at Linggo ang team ni Ms. Bolivar, pero wala pa rin halos progreso sa kanilang proyekto. Kaya kagabi, mga bandang alas-siyete, bumalik sa kumpanya si President para tulungan si Ms. Bolivar ayusin ang core ng proyekto. Sa wakas, doon pa lang sila nagkaroon ng progreso."Hindi na masiyadong nagulat sina Casper, ngunit nagkatingan silang muli ni Trixie. Waring iisa na ang iniisip ng isa’t-isa. "Tapos, eto na ang mahalagang parte."Nagpatuloy si Bright na may makahulugang tono, "Narinig ko na si President at Ms. Bolivar ay
Habang bumababa sa hagdan, si Xyza naman ang patakbong hinabol siya. Nagmakaawa si Xyza na ihatid siya ni Trixie sa paaralan, pero agad tumanggi si Trixie. "Hindi ko rin nadala ang sasakyan ko, anak. Sa susunod na lang." Wala naman itong kaso kay Xyza, kumatwiran agad siya sa ina. "Edi gamitin mo na lang Mommy 'yung sasakyan ni Dad! Tatawagan ko po si Daddy, for sure I can get his permission." Hindi pa nakakasagot si Trixie, tinawagan na agad ni Xyza si Sebastian. Mabilis namang nasagot ang tawag sa kabilang linya. Nang marinig ni Xyza ang boses sa kabilang linya, halos mapasigaw siya sa pangalan ng kausap. Pero nang makita niyang nakatingin si Trixie sa kanya, agad niyang pinigil ang sarili at nagkunwaring wala lang. "Oh, nevermind na lang po, Tit—," sabi niya saka ibinaba ang tawag. Akala ni Xyza ay naitago niya ito nang maayos, pero agad napansin ni Trixie na muntik nang mabanggit ni Xyza ang pangalan ni Wendy. Ibig sabihin, si Wendy ang sumagot ng tawag. Nakaramdam ng
Pagkaalis ni Xyza, nahanap ni Trixie ang kanyang libro pero hindi siya bumalik sa kanyang kwarto. Sa halip, dinala niya ito sa ikalawang palapag at umupo sa tabi ng French window upang doon magbasa.On that kind of place, she can finally get her peace.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Lola Thallia na may dalang palayok ng gamot inangkat pa mula sa China. Ang matandang ginang ay madaming kaibigan mula sa bansang iyon kaya madali siyang maimpluwensiyahan nito.."Trixie, nandito lang palang bata ka," sabi ng matanda.Ibinaba ni Trixie ang kanyang libro at tumayo para salubungin si Lola Thallia."Lola, bakit pa po kayo nag-abalang umakyat? Pwede niyo naman pong ipatawag na lang ako sa ibaba para inumin ito.""Mahina pa katawan mo kaya dapat ka pang magpahinga at umiwas sa paglalakad nang sobra. Ngunit hindi ko naman akalaing aabot ka sa palapag na ito."Umupo ang matandang ginang sa kabilang sofa at may bahagyang inis sa boses nang sabihin niyang, "Gusto ko sanang ipaakyat kay S
Natigilan si Trixie. Tanda niya pa kasi hanggang ngayon kung sino ang tinutukoy ni Simone. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha at malamig na nagsalita, "Hindi na, hindi naman talaga ako interesado sa car racing.""Is that so, Ate?" Akala ni Simone ay interesado siya kaya siya nagkuwento. Medyo nagulat ito. "Ate, ang tagal mong nakatingin sa telescope noong araw na ‘yon. I thought you're also interested with that kind of sports...""May nakita lang akong ilang kakilala doon," sagot ni Trixie."Ganun ba..." Nang mapansin ni Simone na mukhang hindi talaga siya interesado, hindi na niya ipinilit pa. Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang panonood ng replay ng karera ni Wendy.Habang nanonood ay napabuntong-hininga siya, "Sabi nila, hindi na raw muna lalahok si Goddess ko sa mga karera. Nakakamiss siya. Kung hindi siya sasali, ewan ko na lang kung kailan ko ulit siya makikita. Haay..."Himdi gusto ni Trixie ang tinatakbo ng usapang ito, kaya naman nauna na siyang nagpaalam kay Simo
Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Sebastian na may dalang tray ng pagkain para kay Trixie. Maingat niya itong inilapag sa lamesita sa tabi ng kama, saka bumalik sa upuan sa sulok ng kwarto kung saan siya dati nang nakaupo.Tahimik lamang itong nagbukas ng libro at muling nagbasa.Nilingon siya ni Trixie. Sa loob-loob niya, alam niyang naroon si Sebastian para tiyaking kakain siya, pero hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi na lang ito lumabas ng kwarto. Hindi naman ito dati ganoon.Napansin ni Trixie ang librong hawak ni Sebastian — pamilyar ito. Napakunot ang kanyang noo nang maalala kung saan niya ito nakita."Akin n—"Napansin ni Sebastian ang titig niya sa libro at agad itong ngumiti — isang tipid na ngiti na tila ba may lamang pang-aasar.“I know,” sabi nito. “I started reading this at the hot spring villa. Thought I’d skim through it for half an hour, pero… well, some of your ideas were actually interesting. Gave me a few new insights, so I took it home to finish.”
Nag-alala ang tiyahin niyang si Antonia na baka nagka-trangkaso siya, kaya naman ipinaghanda siya nito ng isang mangkok ng salabat.“Subukan mong inumin ito, hija,” sabi ni Tita Antonia sa malambing ngunit nag-aalalang tinig. “Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.”Napilitan si Trixie na inumin iyon. Mainit sa lalamunan, ngunit dama niya rin ang init na iyon na parang kumalat sa buong katawan niya. Maya-maya lang ay bumigat na ang talukap ng kanyang mga mata.Pagkagising niya, pakiramdam niya'y mas lalong bumigat ang ulo niya, na parang dinaanan ng tren ang kanyang sentido.Napansin niyang si Xyza ay nakaupo sa carpet sa may paanan ng kama, tahimik na naglalaro ng kanyang iPad. Nang makita nitong dumilat na siya, agad itong lumapit.“Mommy, are you sick po ba?” tanong ni Xyza, halatang nag-aalala."Oo," mahinang sagot ni Trixie, kasabay ng malalim na buntong-hininga.Hindi nagtagal ay kumalat na ang balita sa buong kabahayanN ng mga Salvador.“Ano? May lagnat si Trixie?” nag-aalala