Sorry poo. Nakatulog na kagabi, sofer pagod lang ang person :< Thank youu for still reading!
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Pasado alas nueve ng gabi nang makalapag sa airport ang sinasakyang eroplono ni Trixie Salvador. Narito siya ngayon sa isang bansang estranghero sa kaniya sa kabila ng espesyal na araw niya ngayon. It's her 26th birthday today. Hindi siya narito para dito ipagdaos ang kaniyang kaarawan, kundi dahil sinusundan niya dito ang kaniyang mag-ama na tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Nang buhayin niya ang kanyang cellphone, bumungad sa kaniya ang maraming pagbati mula sa mga kakilala. Napangiti siya dahil doon. Pero wala ang mensaheng mula sa taong dahilan kung bakit siya nasa bansang ito ngayon. Wala man lang mensahe mula kay Sebastian Valderama, ang asawa niya. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napabuntong-hininga. No one even bothered to pick her up at the airport despite notifying them that she'll arrived today. Mabigat ang loob niyang kumuha na lang ng taxi dahil kung maghihintay siya ng sundo ay mamamatay na lang siya sa lamig sa bansang i
Bandang alas-dies ng gabi, masayang dumating sina Sebastian at Xyza sa mansiyon.Mahigpit na nakahawak si Xyza sa damit ng ama bago dahan-dahang bumaba ng sasakyan.Ayaw sana niyang umuwi ngayong gabi dahil naroon ang mama niya sa bahay.Pero sabi ng tita mommy niya noong lunch nila, dumayo pa raw dito ang kanyang mama para makasama silang dalawa ng daddy niya. Kung hindi sila uuwi, siguradong malulungkot daw ito.Natakot din siya sa sinabi ng daddy niya na kapag hindi sila umuwi ngayon, sasama ang mommy Trixie niya sa kanila bukas sa dagat.Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang dito.Pero nag-aalala pa rin siya kaya't madiing nagtanong, “Dad, what if pilitin po tayo ni Mom na sumama sa'tin bukas? What should we do po?”“That’s not gonna happen,” sagot ni Sebastian nang walang alinlangan.Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, palaging hinahanap ni Trixie ang pagkakataong makasama siya.Pero marunong din itong lumugar. Kapag nakita nitong galit na siya, hindi na ito na
Kinaumagahan, pagdating niya sa opisina, agad niyang iniabot ang kanyang resignation letter kay Calix.Si Calixto Dela ay isa sa mga personal na secretary ni Sebastian.Kaya laking gulat na lang nito nang matanggap ang resignation letter ni Trixie.Isa siya sa iilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian.Kaya kilala niya si Sebastian na matagal nang hindi si Trixie ang laman ng puso nito.Matapos silang ikasal, naging malamig si Sebastian kay Trixie at bihirang umuwi ng bahay.Dahil gusto niyang mapalapit at makuha muli ang loob ni Sebastian, pinili na lang ni Trixie na magtrabaho sa Valderma Company.She's up to anything as long as she can have her Tres back.Kaya ang orihinal niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Sebastian.Ngunit hindi pumayag si Sebastian.Kahit pa nga ang matandang Valderama ay nakialam na, wala pa ring nagawa ito upang mapapayag ang lalaki.Sa huli, wala nang nagawa si Trixie kundi tanggapin ang pangalawang opti
"Omg! Is that for real, Daddy?!"Napatalon si Xyza mula sa kama."Yup.""E bakit po hindi man lang sinabi sa akin ni Tita Mommy ‘yan kanina?""Kasi ngayon lang ito na-finalize. That's why I've been working my ass off these days para wala akong maiwang trabaho sa branch natin dito. And hindi ko pa rin siya nasasabihan, so be quiet, alright?"Lalong na-excite si Xyza."Omg, Dad! Yes po. Secret lang po natin ito kay Tita Mommy ‘to. Yehey! Pagbalik natin sa bahay, sorpresahin natin siya! Pwede po ba?!""Sige.""Yehey! Dad, ang galing-galing mo talaga! I love you so much, my best Daddy. Mwa!"Pagkababa ng tawag, tuwang-tuwa pa rin si Xyza. Napakanta at napasayaw pa siya sa kama.Maya-maya, bigla niyang naalala si Trixie.Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinatawagan ng kanyang ina, sobrang gaan ng pakiramdam niya.Sa totoo lang, para lang makaiwas sa tawag ng kanyang ina, sinadya na niyang umalis nang maaga tuwing umaga. Minsan naman, pag-uwi niya galing eskwela, inilalayo o pinapata
Sa mga nagdaang taon, bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie. Pero sa iilang beses na pagkikita nila, napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila.Noon, hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili.Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian, may kaunting ideya siya rito.May hinala siya, pero hindi na niya ito binanggit pa. Kaya pinayuhan na lang niya ito. “Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka. Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there. Girl, Trixie, hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito, hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit. You are excellent in this field even back in our college years! What more pa ngayon, ‘di ba?""Huwag mong kalimutan, ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin."Ngumiti si Trixie. "Kung maririn
Kinabukasan, pagdating ni Sebastian sa kumpanya, bigla silang nagkasalubong si Trixie. Hindi alam ni Trixie na nakabalik na pala si Sebastian at Xyza sa Maynila kaya naman saglit siyang natigilan nang makita ito sa pasilyong iyon ng kumpanya. Nagulat din si Sebastian nang makita siya, pero inisip lang nitong kagagaling lang ni Trixie sa business trip at hindi na nagbigay ng masyadong atensyon sa pagkawala nito. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha na parang hindi nito kilala si Trixie. Dinaanan lang niya ito ng malamig at dumiretso na sa loob ng presidential’s office. Kung noon ito nangyari, tiyak na matutuwa si Trixie kung makita niya si Seb na bumalik nang hindi inaasahan. Kahit pa nga hindi siya nito bigyan ng yakap man lang sa tagal rin nilang hindi nagkita, magliliwanag pa ang kanyang mga mata at mapupuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. Siguradong kahit anong lamig ang pakikitungo nito sa kaniya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin ng "Good morning." Pero ngayon
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”