Bandang alas-dies ng gabi, masayang dumating sina Sebastian at Xyza sa mansiyon.
Mahigpit na nakahawak si Xyza sa damit ng ama bago dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Ayaw sana niyang umuwi ngayong gabi dahil naroon ang mama niya sa bahay. Pero sabi ng tita mommy niya noong lunch nila, dumayo pa raw dito ang kanyang mama para makasama silang dalawa ng daddy niya. Kung hindi sila uuwi, siguradong malulungkot daw ito. Natakot din siya sa sinabi ng daddy niya na kapag hindi sila umuwi ngayon, sasama ang mommy Trixie niya sa kanila bukas sa dagat. Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang dito. Pero nag-aalala pa rin siya kaya't madiing nagtanong, “Dad, what if pilitin po tayo ni Mom na sumama sa'tin bukas? What should we do po?” “That’s not gonna happen,” sagot ni Sebastian nang walang alinlangan. Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, palaging hinahanap ni Trixie ang pagkakataong makasama siya. Pero marunong din itong lumugar. Kapag nakita nitong galit na siya, hindi na ito nangangahas na sumuway pa. Sa alaala ni Xyza, palaging sumusunod si Trixie kay Sebastian. Kung sinabi ng daddy niya na hindi, siguradong hindi nga makakasama ito sa kanila. Sa isiping iyon, nakahinga nang maluwag si Xyza. Gumaan ang kanyang pakiramdam at nawala ang inis na naramdaman niya kanina. Masaya siyang tumakbo papasok ng bahay at agad na tumakbo kay Nana Sela. “Nana Sela, help me take a bath, plese!” “Oo, oo, sige,” sagot ni Nana Sela na hindi na nagulat sa ingay ni Xyza. Hindi pwedeng paghintayin ang bata dahil siguradong mag-tantrums ito. Bago umakyat ng hagdan para sundan ang alaga, naalala niya ang bilin ni Trixie. Inabot niya ang isang sobre kay Sebastian. “Seb, hijo, ito ang ipinabibigay ni Trixie sa'yo.” Tinanggap iyon ni Sebastian at walang pakialam na nagtanong. “Nasaan siya?” “Ah… umuwi na siya sa Pilipinas, umalis siya kaninang tanghali lang. Hindi mo ba alam?” Natigilan si Sebastian sa pag-akyat sa hagdan, saka bumalik ng tingin kay Nana Sela. “Po? Bumalik?” “Oo. Hindi ba nagsabi sa'yo?” Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon si Trixie na magsalita kung bakit ito nagpunta dito sa US. Kaya hindi na siya nagtataka kung hindi na ito nagpaalam na umuwi na rin. Pero kahit ngayong nalaman niyang umalis ito, wala rin siyang pakialam. Nagulat din nang bahagya si Xyza. Nang marinig niyang umalis na si Trixie, nakaramdam siya ng hindi niya maipaliwanag na panghihinayang. If her Mom wouldn't go with them at the sea side, sana man lang ay nakasama niya ito ngayong gabi. Isa pa, madaling masugatan ang kamay sa pagpakinis ng mga shells. Gusto sana niyang tulungan siya ni Trixie. 'What a waste', she thought. Matagal nang hindi nagkikita sina Sebastian at Trixie. Sa wakas, nagpunta ito rito, pero hindi man lang sila nagkaharap. Naalala ni Nana Sela ang itsura ni Trixie bago ito umalis. Hindi maganda ang mukha nito noon, kaya hindi niya napigilang magpaalala. “Seb, parang hindi maganda ang pakiramdam ni Trixie nang umalis siya. Mukhang galit siya.” Akala ni Nana Sela, may biglang kailangang asikasuhin lang si Trixie kaya ito nagmamadaling bumalik sa Pilipinas. Pero ngayong alam niyang ni hindi alam ni Sebastian ang tungkol dito, napagtanto niyang may mali. Galit? Bakit ganoon na lang ekspresyon ng babae bago ito umalis? Nagkita man lang ba ang mag-asawa gayong ang bilis niya lang dito at umuwi din agad? Sa harap ni Sebastian, palaging mahinahon at matiisin si Trixie. Pero kaya rin pala nitong magalit? Ngayon lang nakita ni Nana Sela na may emosyon rin pala si Trixie na ganoon. Nakahanap ng bago at kakaibang bagay si Sebastian kaya napangiti siya nang bahagya. Walang emosyon siyang tumango kay Nana Sela saka umakyat sa kanyang silid. Pagdating sa kwarto, bubuksan na sana niya ang sobre mula kay Trixie nang biglang tumawag si Wendy. Sinagot niya ang tawag, saka basta na lang itinapon ang sobre sa tabi at lumabas sa veranda ng kwarto. Matapos ibaba ang tawag, kinuha nito ang isang coat sa rack pati ang susi ng sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Hindi nagtagal, nalaglag ang sobre mula sa kama at tumilapon sa sahig dahil pinahid ng hangin mula sa nakabukas na veranda. Hindi na bumalik si Sebastian nang gabing iyon. Kinabukasan, habang naglilinis si Nana Sela, napansin niya ang sobreng nasa sahig. Nakilala niyang ito ang ibinigay sa kanya ni Trixie kahapon. Inakala niyang nabasa na iyon ni Sebastian kaya tahimik niyang inilagay iyon sa drawer sa tabi ng kama. Pagdating ni Trixie sa maynila, dumiretso siya sa kanyang silid upang mag-impake. Sa loob ng anim na taon, marami siyang gamit sa bahay na iyon. Pero sa huli, iilan lang ang kinuha niya. Ilang piraso ng damit, dalawang set ng pang-araw-araw na gamit, at ilan sa kanyang mga professional na libro. Mula nang ikasal sila, buwan-buwan ay nagbibigay si Sebastian ng pera para sa gastusin nilang mag-ina. Ipinapadala niya ito sa dalawang magkaibang account. Isang card para kay Trixie at isa para kay Xyza. Ngunit kadalasan, ang sariling card ni Trixie ang kanyang ginagamit sa gastusin. Hindi niya kailanman ginalaw ang account na para sa kanyang anak, mula umpisang ginawa ito ni Seb hanggang dulo. Bukod pa rito, mahal na mahal niya si Sebastian. Tuwing namimili siya, hindi niya mapigilang bilhan ito ng mga damit, sapatos, cufflinks, necktie, at iba pang bagay na bagay sa lalaki. Samantalang siya, dahil may trabaho naman sa kumpanya nito, hindi malaki ang kanyang personal na gastusin. She's not a materialistic type, since she believes that the real beauty comes from a woman's heart. Punong-puno ng pagmamahal ang puso niya para sa kanyang asawa at anak, kaya’t gusto niyang ibigay ang lahat ng makakabuti sa kanila. Dahil dito, halos lahat ng perang ibinibigay ni Sebastian sa kanya ay nauubos din para sa mag-ama. Sa sitwasyong iyon, malamang ay wala nang natitirang pera sa kanyang account. Ngunit sa nakalipas na taon, dahil kasama na ni Xyza ang kanyang ama sa US, bihira na niyang magamit ang perang iyon para sa kanila. Ngayon niya lang niya napansing may natitira pa palang higit tatlumpung milyon sa bank account na iyon. Siguro para kay Sebastian, baka maliit lang ang halagang iyon. Pero para sa kanya, hindi iyon basta-basta. Dahil pera naman niya iyon, hindi na siya nag-alinlangan pa. Inilipat niya ang buong halaga sa bank account ng anak. Saka iniwan ang dalawang card na iyon sa ibabaw ng kama nila. Mabagal siyang naglakad sa pinto ng kwarto habang hinihila ang maleta, saka diretsong lumabas ng bahay nang hindi lumilingon. May bahay siya malapit sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan. Hindi ito kalakihan, mahigit 100 square meters lang. Apat na taon na ang nakalipas nang bilhin niya ito para suportahan ang negosyo ng isang kaibigang naglayas sa kanilang tahanan. Pero hindi niya pa ito nagagamit personally. Ngayon, magagamit na niya ito. A place to move on. Dahil regular itong nalilinis, hindi naman ito marumi. Isang simpleng paglilinis lang at maaari na siyang lumipat. Sa wakas, pagkatapos ng nakakapagod na araw, naligo siya at nagpahinga bandang alas-onse ng gabi. Naputol ang kanyang mahimbing na tulog dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Dahil nagising sa pagkabigla, saglit na nablangko ang kaniyang isip. Nang mahimasmasan, nakita niyang alas onse na ng gabi. Sa America, kung nasaan sina Sebastian at ang kanyang anak, mahigit alas-ocho na siguro ng umaga. Sa ganitong oras, karaniwang kumakain na ng agahan ang mag-ama. Mula nang sumama si Xyza kay Sebastian sa america, nakasanayan na niyang tawagan ang anak sa ganitong oras. Pero dahil pagod siya sa trabaho at maagang natutulog, nag-set siya ng alarm clock upang hindi makalimutan ang pagtawag. Noong una, hindi talaga sanay si Xyza na mawalay sa kanya. Palagi itong nasasabik at magiliw makipag-usap sa kanya. Pero habang tumatagal ang pananatili nito sa america, unti-unting nagbago ang bata. Ang dati nitong pananabik ay napalitan ng malamig at walang ganang pagsagot sa kanyang mga tawag. Sa totoo lang, matagal na niyang dapat tinanggal ang alarm na ito. Ngunit hindi niya kayang gawin. Napangiti siya ng mapait. Pagkatapos ng ilang saglit ng pag-aalinlangan, dinelete niya ang alarm clock, pinatay ang kanyang cellphone, at muling natulog. Samantala, halos tapos nang kumain ng agahan sina Sebastian at Xyza. Alam ni Sebastian na karaniwang tumatawag si Trixie sa ganitong oras, pero dahil hindi naman siya laging nasa bahay, hindi niya ito binibigyang pansin. Ngayong umaga, hindi tumawag si Trixie. Napansin niya ito, pero hindi siya nag-alala kahit kaunti. Pagkatapos kumain, umakyat na siya sa kwarto para magpalit ng damit, completely ignoring the absence of her wife's call. Si Xyza Kollin naman ay tila naiinis na sa pagiging madaldal ng kaniyang ina sa tuwing tumatawag. Kaya nang mapansin niyang hindi pa ito tumatawag, naisip niyang baka may pinagkaabalahan lang ito. Umikot ang kanyang mga mata, kinuha ang kanyang bag, at mabilis na lumabas ng bahay. Nakita siya ni Nana Sela kaya agad siyang hinabol. “Young miss, maaga pa! Pwede mo pang mahintay ang tawag ng mommy mo bago lumabas.” Ngunit hindi siya nakinig at patakbong sumakay sa sasakyan. Sa isip niya, bihira ang pagkakataong hindi siya tinawagan ni Trixie. Kung hindi siya aalis ngayon, baka bigla itong tumawag at mapilitan na naman siyang makipag-usap dito. Ayaw niya nga noon! Matapos ikasal, nagsimulang magtrabaho si Trixie sa Velderana Group. Pumasok lang naman siya sa kompanyang iyon para kay Sebastian. Pero ngayong magdidivorce na sila, wala na siyang dahilan upang manatili pa. A kind of freedom she completely forgot having.Kinaumagahan, pagdating niya sa opisina, agad niyang iniabot ang kanyang resignation letter kay Calix.Si Calixto Dela ay isa sa mga personal na secretary ni Sebastian.Kaya laking gulat na lang nito nang matanggap ang resignation letter ni Trixie.Isa siya sa iilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian.Kaya kilala niya si Sebastian na matagal nang hindi si Trixie ang laman ng puso nito.Matapos silang ikasal, naging malamig si Sebastian kay Trixie at bihirang umuwi ng bahay.Dahil gusto niyang mapalapit at makuha muli ang loob ni Sebastian, pinili na lang ni Trixie na magtrabaho sa Valderma Company.She's up to anything as long as she can have her Tres back.Kaya ang orihinal niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Sebastian.Ngunit hindi pumayag si Sebastian.Kahit pa nga ang matandang Valderama ay nakialam na, wala pa ring nagawa ito upang mapapayag ang lalaki.Sa huli, wala nang nagawa si Trixie kundi tanggapin ang pangalawang opti
"Omg! Is that for real, Daddy?!"Napatalon si Xyza mula sa kama."Yup.""E bakit po hindi man lang sinabi sa akin ni Tita Mommy ‘yan kanina?""Kasi ngayon lang ito na-finalize. That's why I've been working my ass off these days para wala akong maiwang trabaho sa branch natin dito. And hindi ko pa rin siya nasasabihan, so be quiet, alright?"Lalong na-excite si Xyza."Omg, Dad! Yes po. Secret lang po natin ito kay Tita Mommy ‘to. Yehey! Pagbalik natin sa bahay, sorpresahin natin siya! Pwede po ba?!""Sige.""Yehey! Dad, ang galing-galing mo talaga! I love you so much, my best Daddy. Mwa!"Pagkababa ng tawag, tuwang-tuwa pa rin si Xyza. Napakanta at napasayaw pa siya sa kama.Maya-maya, bigla niyang naalala si Trixie.Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinatawagan ng kanyang ina, sobrang gaan ng pakiramdam niya.Sa totoo lang, para lang makaiwas sa tawag ng kanyang ina, sinadya na niyang umalis nang maaga tuwing umaga. Minsan naman, pag-uwi niya galing eskwela, inilalayo o pinapata
Sa mga nagdaang taon, bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie. Pero sa iilang beses na pagkikita nila, napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila.Noon, hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili.Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian, may kaunting ideya siya rito.May hinala siya, pero hindi na niya ito binanggit pa. Kaya pinayuhan na lang niya ito. “Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka. Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there. Girl, Trixie, hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito, hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit. You are excellent in this field even back in our college years! What more pa ngayon, ‘di ba?""Huwag mong kalimutan, ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin."Ngumiti si Trixie. "Kung maririn
Kinabukasan, pagdating ni Sebastian sa kumpanya, bigla silang nagkasalubong si Trixie. Hindi alam ni Trixie na nakabalik na pala si Sebastian at Xyza sa Maynila kaya naman saglit siyang natigilan nang makita ito sa pasilyong iyon ng kumpanya. Nagulat din si Sebastian nang makita siya, pero inisip lang nitong kagagaling lang ni Trixie sa business trip at hindi na nagbigay ng masyadong atensyon sa pagkawala nito. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha na parang hindi nito kilala si Trixie. Dinaanan lang niya ito ng malamig at dumiretso na sa loob ng presidential’s office. Kung noon ito nangyari, tiyak na matutuwa si Trixie kung makita niya si Seb na bumalik nang hindi inaasahan. Kahit pa nga hindi siya nito bigyan ng yakap man lang sa tagal rin nilang hindi nagkita, magliliwanag pa ang kanyang mga mata at mapupuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. Siguradong kahit anong lamig ang pakikitungo nito sa kaniya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin ng "Good morning." Pero ngayon
Gusto niyang matawa ng pagak. Still arrogant despite knowing she already handed over her resignation letter? O, ganoon na ba talaga ito kawalang pakialam sa kaniya na kahit ipinasa na ni Calix ang resignation niya ay hindi man lang nito natandaan iyon? Pero kahit pa hindi nangyari ang insidenteng ito, aalis na naman talaga siya oras na may makahanap nang papalit sa kanyang posisyon. What's the point of correcting him? Wala ngang pakialam sa kaniya ang lalaki. Wala ring saysay ang anumang magiging paliwanag at pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Kaya tahimik na lang niyang hinawakan ang tray at tuluyang umalis. Bago siya lumabas ng silid, narinig pa niyang malumanay na inaalo ni Wendy si Sebastian. "Sige na, Seb, hindi ko naman iniisip na sinadya niya iyon. Don't be mad anymore..." Bumuntong-hininga na lang si Trixie. Sa pantry, itinapon ni Trixie ang natitirang kape, saka hinugasan ang napasong daliri sa ilalim ng gripo. Kinuha niya ang ointment mula sa kanyang bag at tila
Seeing Xyza with her own two eyes right now is a total shock for Trixie. Hindi ba ay dapat nasa America ang anak niya at nag-aaral? Papaanong ang bata ay nandito? Ibig sabihin ba, bumalik si Xyza sa bansa kasama ama nitong si Sebastian? Pero labis siyang naguguluhan. Bilang isang ordinaryong empleyado, wala man siyang access sa mga confidential na dokumento ng kumpanya, pero alam niyang may matagal pang trabaho si Sebastian sa America. Akala niya, pansamantala lamang bumalik si Sebastian para sa ilang bagay. Kaya hindi niya inasahan na isinama pala nito si Xyza pabalik. Hindi niya alam kung kailan dumating ang mga ito, pero base sa pagkikita nila ni Sebastian kaninang umaga, mukhang isang araw na silang nandito. Ngunit mula umpisa hanggang ngayon, ni isang tawag o mensahe mula sa kanyang anak ay wala siyang natanggap. Hindi siya inabisuhan ni Xyza na bumalik na siya. Wala na ba talagang pakialam ang anak niya sa kaniya? Na kahit ang simpleng pagsasabi lamang na nakabali
Nang malamigan ang mukha ni Yuan, inisip niyang umaasa si Trixie sa kanyang posisyon para makakuha ng espesyal na trato."Secretary Salvador, ayusin mo ang pag-uugali mo sa trabaho. Akala mo ba bahay mo ito? How dare you disobey the company's task!"Kinuha ni Trixie ang kanyang bag, at nanatiling kalmado ang kanyang tono. "Kung hindi ka nasisiyahan sa inaasta ko, puwede mo akong tanggalin ngayon din.""You—!"Noon, sinamahan ni Yuan si Sebastian sa America. Alam niyang matagal nang nagbigay ng resignation letter si Trixie.Kahit pa pinagkakatiwalaan siya ni Sebastian, hindi naman niya pag-aari ang buong kumpanya. Wala siyang kapangyarihang basta na lang paalisin si Trixie.Bukod pa roon, mahal na mahal si Trixie ng nakatatandang Valderama. Kung sakaling magreklamo ito sa kanya, kahit tiwala si Yuan na poprotektahan siya ni Sebastian, wala rin siyang mapapala.Hindi siya pinansin ni Trixie. Dumeretso lang siya ng lakad at lumampas pa kay Yuan bago umalis.Galit na galit si Yuan nang m
Hindi na niya masyadong inisip iyon, iniisip na baka bumalik lang si Trixie sa pamilya Salvador. At isa pa, ano ba ang pakialam niya sa whereabouts ng babae? Damn him for still thinking about that… woman. Pagpasok niya sa banyo, hindi pa rin siya nakaligtas sa paglalakbay ng kaniyang utak. Bigla niyang naalala na kapag umuuwi nga pala si Trixie sa pamilya Salvador ay palagi nitong sinasama si Xyza. But this time around, parang may kakaiba. Hindi nito isinama ang anak nito sa pagdalaw sa pamilya nito. Posible kayang hindi naman sa pamilya Salvador ito nagpunta? O baka naman may nangyari roon? Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Yuan bago ito umalis sa kumpanya ngayong hapon. Doon niya nakumpirma ang kanyang hinala. Napahinto siya sandali pero hindi na niya ito inisip pang mabuti. That insolent woman is really getting in his nerves everyday. Kinabukasan, habang kumakain ng almusal, kinausap ni Sebastian si Xyza. "Your name is already listed and taken care off. Bukas ng umaga
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”