Pasado alas nueve ng gabi nang makalapag sa airport ang sinasakyang eroplono ni Trixie Salvador.
Narito siya ngayon sa isang bansang estranghero sa kaniya sa kabila ng espesyal na araw niya ngayon. It's her 26th birthday today. Hindi siya narito para dito ipagdaos ang kaniyang kaarawan, kundi dahil sinusundan niya dito ang kaniyang mag-ama na tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Nang buhayin niya ang kanyang cellphone, bumungad sa kaniya ang maraming pagbati mula sa mga kakilala. Napangiti siya dahil doon. Pero wala ang mensaheng mula sa taong dahilan kung bakit siya nasa bansang ito ngayon. Wala man lang mensahe mula kay Sebastian Valderama, ang asawa niya. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napabuntong-hininga. No one even bothered to pick her up at the airport despite notifying them that she'll arrived today. Mabigat ang loob niyang kumuha na lang ng taxi dahil kung maghihintay siya ng sundo ay mamamatay na lang siya sa lamig sa bansang ito. This country is at zero degree celsius for fuck sake! Nang makarating siya sa mansiyon, lagpas alas-diyes na ng gabi. She's covered with snow nang makarating siya sa pintuan ng mansiyon. Walang nagbuhat ng mga gamit niya dahil maging ang driver na nasakyan niya ay ayaw nang lumabas sa sasakyan dahil sa marahas na buhos ng snow. Kaya naman laking gulat ni Nana Sela, ang mayordama ng mansiyon, nang makita siya. “Trixie, ineng! Bakit ka nandito? Hala, hindi namin alam na uuwi ka ngayon. Pasensiya na! Halika, tulungan na kita diyan sa bagahe mo." "Salamat po. Ah, nasaan po si Sebastian at Xyza?” “Hindi pa nakakauwi si Seb, nasa kwarto naman ang young miss, naglalaro nang huli kong silipin.” Hinayaan na ni Trixie ang kaniyang mga maleta kay Nana Sela at iba pang katulong, saka umakyat sa taas. Pagdating niya sa kwarto ng anak, nakita niyang nakasuot na ito ng pajamang pantulog. Pero malayo pa sa ito sa inaantok dahil nakaupo pa sa harap ng maliit niyang lamesa at abala sa kung anong ginagawa. Napaka-seryoso nito, kaya hindi na napansin ang kanyang pagpasok. “Xyza?” Napalingon si Xyza sa pinanggalingan ng boses, at agad na nagulat sa taong nasa pinto ng kaniyang kwarto. “Is that you, Mom?" "Yes, my baby. Give Mom hugs and kisses, please. Miss na miss na kita." Sumunod naman ang bata pero halos walang sigla lang itong humalik at yumakap sa kaniya. Pagkatapos ay bumalik ito agad sa ginagawa, at patuloy na paglalaro ng kung ano sa kanyang kamay. Medyo nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa nakuhang reaksiyon sa anak. Pero hindi nito napigilan si Trixie. Baka pagod lang ang bata kaya siya na ang lumapit dito at yumakap ng mahigpit sa anak. Hinalikan niya ng paulit-ulit ang ulo at leeg nito ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa nang itinulak siya nito palayo. “Mom, I'm still busy.” Tatlong buwan siyang nawalay dito kaya kahit paulit-ulit niya itong halikan at yakapin ay hindi pa rin sapat. Sobrang nangulila siya sa anak pero mukhang hindi ganoon si Xyza sa kaniya. Mukhang focus talaga ito sa ginagawa kaya ayaw na niyang gambalain pa ito. Nagkasya na lang siya sa pakikipag-usap dito. “Xyza, gumagawa ka ba ng kuwintas mula sa mga sea shells?” “Yes po!” Agad na lumiwanag ang mukha ni Xyza. Halatang excited ito. “Ipinaghahanda namin ni Dad ng regalo si Tita Mommy Wendy! There's only a week before her birthday! Do you know Mom, si Dad pa ang kumuha at nagpaganda ng mga shells na ‘to for her! Ang ganda po, ‘di ba?” Napalunok si Trixie, tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Alam niyang malapit ang half sister niyang si Wendy sa mag-ama pero hindi niya akalaing ganito na ang tawag ni Xyza sa babae. Bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita ang anak habang nakatalikod sa kanya. “Nagpagawa rin si Dad ng ibang regalo para kay Tita Mommy Wendy. Tomorrow for sure—” Biglang nanikip ang dibdib ni Trixie. Hindi na niya napigilan ang sariling magtanong. “Xyza... naaalala mo ba ang kaarawan ni Mommy?” “Huh? Ano po?” Tumingala si Xyza sa kanya, pero agad ding bumalik sa pagkukumpleto ng kanyang kuwintas. “Mom, don't distract me please! Nagkakagulo ang pagkakasunod-sunod ng shells at beads because you keep on talking to me!” Kusang lumuwag ang yakap ni Trixie sa bata at hindi na nagsalita pa. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod para mapantayan ang anak, pero nangalay na lang siya sa kakatayo ay hindi na ito ulit nang-angat ng tingin sa ginagawa. Nang mapansing hindi man lang siya nilingon ng anak, dahan-dahan niyang kinagat ang labi, saka tahimik na lumabas ng kwarto. Pagbaba niya, sinalubong siya ni Nana Sela. “Trixie hija, tumawag na ako kay Seb. May inaasikaso pa raw siya ngayong gabi. Sabi niya ay mauna ka na lang magpahinga.” “Okay po.” Saglit siyang natigilan. Naalala niya ang sinabi ng anak kanina. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Sebastian. Matagal bago nasagot ang tawag. Nang sumagot ito, bahagya lang ang tinig, parang walang kagana-gana magsalita. “I’m working with something. Tatawagan kita bukas—” “Seb, gabing-gabi na ah, sino ‘yan?” Sigurado siya. Boses iyon ni Wendy Bolivar. Napakuyom ng mahigpit si Trixie sa kanyang cellphone. “Just someone.” Bago pa siya makapagsalita, ibinaba na ni Sebastian ang tawag. Tatlo o apat na buwan na silang hindi nagkikita. Nakarating na siya dito sa America, pero ni hindi ito nagmadaling umuwi para makita siya. Kahit sa tawag, halatang wala itong ganang kausapin siya. Sa dami ng taon nilang mag-asawa, palagi na lang siyang ganito tratuhin ni Sebastian, malamig, malayo, at tila laging walang pakialam. Simula ng araw matapos ang kasal nila. Naging ganito na ito. Palangiti, pilyo, at mapagmahal si Sebastian noong mga college days nila. Kaya naman nahulog talaga siya dito. He would even let her call him Tres, that's his nickname before. Pero simula nang magbago ito, tila naging isang ipinagbabawal ng pangalan iyon. Mamumula ito sa galit at pagagalitan siya sa tuwing susubukan niyang tawagin siya sa ganoong pangalan. Ni hindi niya magawang magtanong dahil parang lagi itong sasabog sa galit. Hanggang sa dumating ang araw na natutunan niyang kalimutan na iyon. Kung dati pa ito nangyari, tiyak na tatawagan niya ulit si Sebastian, paulit-ulit na tatanungin kung nasaan ito at kung uuwi ba ngayong gabi. Pero siguro dahil sa pagod na rin siya ngayong araw, bigla na lang siyang nawalan ng ganang gawin iyon. Sanay na rin naman siya. Pagkagising niya kinabukasan, pinag-isipan niyang mabuti at muling tinawagan si Sebastian. 12 o 13 hours ang agwat ng oras sa pagitan ng America at Pilipinas. Kaya kung ang time zone ng US ang susundin, ngayon mismo ang kanyang kaarawan. Isa sa mga dahilan kung bakit siya pumunta rito, bukod sa gusto niyang makita si Xyza at si Sebastian, ay dahil sa simpleng hiling niya na magkakasalo silang tatlo sa isang masayang hapunan sa espesyal na araw na ito. Ito ang birthday wish niya ngayong taon. Pero hindi sinagot ni Sebastian ang tawag niya. Matagal pa bago siya nakatanggap ng mensahe. [May kailangan ka ba?] Trixie: [Libre ka ba mamayang tanghali? Pwede ba tayong magkasamang tatlo ni Xyza para kumain?] [Okay. Just send me the address of the restaurant.] Trixie: [Sige.] Pagkatapos niyon, wala nang sumunod pang mensahe mula kay Sebastian. Hindi ba talaga nito naalala na kaarawan niya ngayon? Kahit handa na si Trixie sa posibilidad na ito, hindi pa rin niya napigilan ang balutin ng lungkot. She thought she would be immune to his cold treatment, but she guessed wrong. Matapos maligo at mag-ayos, handa na siyang bumaba nang marinig niya ang boses ng kanyang anak at ni Nana Sela sa ibaba. “Trixie, halika rito. Mukhang malungkot ang young miss. Hindi naman siya nagsasalita kapag tinatanong ko.” “Mom! May usapan na kami ni Dad na sasamahan si Tita Mommy sa sea side bukas. Kung bigla kang sumama, nakakahiya naman sa kaniya. Could you not go, please? Please?” “Isa pa, masungit ka kasi, Mom. Palagi kang masungit kay Tita Mommy. I don't want to hurt her feelings. Hmp.” “Young miss, ang asawa ng Daddy mo ay ang Mommy mo. Huwag mong sabihin ‘yan. Masasaktan ang damdamin niya, naiintindihan mo ba iyon?” “I know that Nana Sela, pero mas gusto namin ni Dad si Tita Mommy. Hindi ba pwedeng si Tita Mommy na lang ang maging mommy ko?” “Xyza!” Hindi na narinig ni Trixie kung ano ang naging sunod na sagot ni Nana Sela sa anak. Siya mismo ang nagpalaki sa kanyang anak. Sa early years nito, mas marami silang oras na magkasama. Pero sa halip na maging malapit sa kanya, mas naging malapit pa ang anak niya kay Sebastian. May mga pagkakataong naiiwan lang ang dalawa sa kwarto ng bata na hindi siya kasama, marahil ay iyon ang naging mitsa para mas mapalapit ang dalawa. Noong nakaraang taon, lumipat si Sebastian sa America para sa negosyo. Kasama niyang lumipat si Xyza. Ayaw sanang payagan ni Trixie na lumayo ang anak niya, pero hindi rin niya matitiis na makitang malungkot ito. Kaya sa huli, pumayag na rin siya. Hindi niya akalaing magiging ganito ang resulta… Parang nanigas si Trixie sa kinatatayuan niya. Nanlamig ang kanyang mukha, at matagal siyang hindi nakagalaw. Pumunta siya sa America ngayong taon, hindi lang para makita ang asawa kundi para makasama rin ang anak niya. Pero ngayon, mukhang hindi na iyon kinakailangan. Mukhang hindi na siya kailangan ng anak niya. Tahimik siyang bumalik sa kwarto at ibinalik sa maleta ang mga regalong dinala niya mula sa Pilipinas. Mga handmade crochet iyon na naging libangan niya tuwing nangungulila sa mag-ama niya. She guessed all efforts she put into these things are all in vain now. Maya-maya, tumawag si Nana Sela. Ipinasyal daw niya si Xyza, at kung may kailangan si Trixie, tawagan lang siya. Agad siyang nagpasalamat dito. Naupo si Trixie sa gilid ng kama. Pakiramdam niya, parang bigla siyang nawala sa sarili. Iniwan niya ang trabaho niya, nagmadaling pumunta rito dahil sobrang excited siya. Pero parang wala naman palang naghahanap sa kanya. Parang biro lang ang pagdating niya. Matagal siyang nanatili sa kwarto, she let herself wallowed in pity. Ilang minuto pa bago niya napagpasiyahang lumabas. Naglakad-lakad siya nang walang direksyon sa estranghero ngunit kabigha-bighaning bansa na ito. Nang magtatanghali na, bigla niyang naalala ang napag-usapan nila ni Sebastian. Magkikita nga pala silang tatlo para kumain! Naisip niyang umuwi muna at kunin ang anak niya, pero bago pa siya makapagdesisyon, dumating ang isang mensahe mula kay Sebastian. [May mahalaga akong aasikasuhin ngayong tanghali. Just cancel our lunch.] Tiningnan lang ni Trixie ang mensahe. Wala siyang kahit anong reaksyon doon. Dahil sanay na siya. Manhid na ba talaga siya? Sa puso ni Sebastian, hindi kailanman siya nanalo sa kahit anong bagay. Trabaho, kaibigan, o kahit ano pa, mas mahalaga ang mga iyon sa lalaki kaysa sa kanya. Ilang beses na nitong kinansela ang plano nilang dalawa, nang hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman niya. Kung bibilangin nga, siguro ay may daang beses na. Noon, nasasaktan pa siya. Pero ngayon? Wala na siyang maramdaman pa. Lalo siyang nalito. Dumating siya rito na puno ng saya at pananabik. Pero ngayon, malamig ang pakikitungo ng asawa niya, pati na rin ng anak niya. Hindi niya namalayan na napunta na siya sa isang pamilyar na lugar—ang restaurant na dati nilang gustong kainan ni Sebastian pero laging hindi siya pwede. Papasok na sana siya ng restaurant nang makita niyang naroon si Sebastian. And what hurts her the most? Nandoon na naman pala ang mag-ama niya, ang kaso nga lang ay hindi siya ang kasama. Magkakatabi sina Wendy at Xyza, tila malapit ang loob sa isa’t isa. Her daughter is even happily swaying her feet. Habang kausap ni Wendy si Sebastian, tinutukso rin niya si Xyza. Tumatawa ang bata, masayang iginagalaw ang mga paa, at paminsan-minsan ay kumakain ng tinapay na kinagatan na ni Wendy. Samantala, si Sebastian naman, nakangiti habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Wendy at Xyza. Pero ang mga mata niya… nakatuon lang kay Wendy, para bang wala nang iba pang mahalaga sa paligid niya. Ito ba ang sinasabi niyang may mahalagang aasikasuhin? Sabagay, tama nga naman. Wendy is damn important to him. Kahit pa nga ang anak niyang siya mismo ang nagsilang, ang anak na inalagaan niya ng siyam buwan sa kanyang sinapupunan, at inialay ang kalahati ng kanyang buhay—ngayon, mas malapit pa sa ibang babae? Ngumiti si Trixie na hindi umaabot sa kaniyang mga mata. Tahimik niyang pinanood ang tanawing iyon. Kung may makikita sa malayo, tiyak na iisipin ng taong iyon na isang masayang pamilya ang ngayon ay nagsasalo-salo. Pagkalipas ng ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang tingin at tuluyang umalis. Pagbalik niya sa mansiyon, agad niyang inihanda ang kakailanganin sa desisyon niya. She's gathering all the paperwork needed for divorce. She will divorce Sebastian Klint Valderama. Noong bata pa siya, si Sebastian ang pangarap niya. Pero pagkatapos ng araw na iyon, kailanman ay hindi na siya muling nakita nito. Kung hindi lang dahil sa nangyari noong gabing iyon, maaari kayang asawa ang turing ni Tres sa kaniya ngayon? Tres… Parang napakatagal na simula nang pumasok sa isipan niya ang pangalang iyon. Dati, naniwala siyang basta magsikap siya, isang araw ay mapapansin na ulit siya ni Sebastian. Just like their teenage years. Pero sa paglipas ng mga taon, paulit-ulit na ipinakita sa kanya ng tadhana ang katotohanang hindi niya gustong tanggapin. Halos pitong taon na rin silang kasal. Ngayon na siguro ang panahon para magising siya sa katotohanan. Matapos ilagay ang mga inihandang papel sa loob ng isang sobre, iniabot niya ito kay Nana Sela. “Pakibigay po nito kay Sebastian,” mahina niyang sabi. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang maleta, lumabas ng bahay, at sumakay sa sasakyan. “Sa airport po tayo,” utos niya sa driver.Bandang alas-dies ng gabi, masayang dumating sina Sebastian at Xyza sa mansiyon.Mahigpit na nakahawak si Xyza sa damit ng ama bago dahan-dahang bumaba ng sasakyan.Ayaw sana niyang umuwi ngayong gabi dahil naroon ang mama niya sa bahay.Pero sabi ng tita mommy niya noong lunch nila, dumayo pa raw dito ang kanyang mama para makasama silang dalawa ng daddy niya. Kung hindi sila uuwi, siguradong malulungkot daw ito.Natakot din siya sa sinabi ng daddy niya na kapag hindi sila umuwi ngayon, sasama ang mommy Trixie niya sa kanila bukas sa dagat.Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang dito.Pero nag-aalala pa rin siya kaya't madiing nagtanong, “Dad, what if pilitin po tayo ni Mom na sumama sa'tin bukas? What should we do po?”“That’s not gonna happen,” sagot ni Sebastian nang walang alinlangan.Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, palaging hinahanap ni Trixie ang pagkakataong makasama siya.Pero marunong din itong lumugar. Kapag nakita nitong galit na siya, hindi na ito na
Kinaumagahan, pagdating niya sa opisina, agad niyang iniabot ang kanyang resignation letter kay Calix.Si Calixto Dela ay isa sa mga personal na secretary ni Sebastian.Kaya laking gulat na lang nito nang matanggap ang resignation letter ni Trixie.Isa siya sa iilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian.Kaya kilala niya si Sebastian na matagal nang hindi si Trixie ang laman ng puso nito.Matapos silang ikasal, naging malamig si Sebastian kay Trixie at bihirang umuwi ng bahay.Dahil gusto niyang mapalapit at makuha muli ang loob ni Sebastian, pinili na lang ni Trixie na magtrabaho sa Valderma Company.She's up to anything as long as she can have her Tres back.Kaya ang orihinal niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Sebastian.Ngunit hindi pumayag si Sebastian.Kahit pa nga ang matandang Valderama ay nakialam na, wala pa ring nagawa ito upang mapapayag ang lalaki.Sa huli, wala nang nagawa si Trixie kundi tanggapin ang pangalawang opti
"Omg! Is that for real, Daddy?!"Napatalon si Xyza mula sa kama."Yup.""E bakit po hindi man lang sinabi sa akin ni Tita Mommy ‘yan kanina?""Kasi ngayon lang ito na-finalize. That's why I've been working my ass off these days para wala akong maiwang trabaho sa branch natin dito. And hindi ko pa rin siya nasasabihan, so be quiet, alright?"Lalong na-excite si Xyza."Omg, Dad! Yes po. Secret lang po natin ito kay Tita Mommy ‘to. Yehey! Pagbalik natin sa bahay, sorpresahin natin siya! Pwede po ba?!""Sige.""Yehey! Dad, ang galing-galing mo talaga! I love you so much, my best Daddy. Mwa!"Pagkababa ng tawag, tuwang-tuwa pa rin si Xyza. Napakanta at napasayaw pa siya sa kama.Maya-maya, bigla niyang naalala si Trixie.Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinatawagan ng kanyang ina, sobrang gaan ng pakiramdam niya.Sa totoo lang, para lang makaiwas sa tawag ng kanyang ina, sinadya na niyang umalis nang maaga tuwing umaga. Minsan naman, pag-uwi niya galing eskwela, inilalayo o pinapata
Sa mga nagdaang taon, bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie. Pero sa iilang beses na pagkikita nila, napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila.Noon, hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili.Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian, may kaunting ideya siya rito.May hinala siya, pero hindi na niya ito binanggit pa. Kaya pinayuhan na lang niya ito. “Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka. Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there. Girl, Trixie, hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito, hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit. You are excellent in this field even back in our college years! What more pa ngayon, ‘di ba?""Huwag mong kalimutan, ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin."Ngumiti si Trixie. "Kung maririn
Kinabukasan, pagdating ni Sebastian sa kumpanya, bigla silang nagkasalubong si Trixie. Hindi alam ni Trixie na nakabalik na pala si Sebastian at Xyza sa Maynila kaya naman saglit siyang natigilan nang makita ito sa pasilyong iyon ng kumpanya. Nagulat din si Sebastian nang makita siya, pero inisip lang nitong kagagaling lang ni Trixie sa business trip at hindi na nagbigay ng masyadong atensyon sa pagkawala nito. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha na parang hindi nito kilala si Trixie. Dinaanan lang niya ito ng malamig at dumiretso na sa loob ng presidential’s office. Kung noon ito nangyari, tiyak na matutuwa si Trixie kung makita niya si Seb na bumalik nang hindi inaasahan. Kahit pa nga hindi siya nito bigyan ng yakap man lang sa tagal rin nilang hindi nagkita, magliliwanag pa ang kanyang mga mata at mapupuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. Siguradong kahit anong lamig ang pakikitungo nito sa kaniya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin ng "Good morning." Pero ngayon
Gusto niyang matawa ng pagak. Still arrogant despite knowing she already handed over her resignation letter? O, ganoon na ba talaga ito kawalang pakialam sa kaniya na kahit ipinasa na ni Calix ang resignation niya ay hindi man lang nito natandaan iyon? Pero kahit pa hindi nangyari ang insidenteng ito, aalis na naman talaga siya oras na may makahanap nang papalit sa kanyang posisyon. What's the point of correcting him? Wala ngang pakialam sa kaniya ang lalaki. Wala ring saysay ang anumang magiging paliwanag at pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Kaya tahimik na lang niyang hinawakan ang tray at tuluyang umalis. Bago siya lumabas ng silid, narinig pa niyang malumanay na inaalo ni Wendy si Sebastian. "Sige na, Seb, hindi ko naman iniisip na sinadya niya iyon. Don't be mad anymore..." Bumuntong-hininga na lang si Trixie. Sa pantry, itinapon ni Trixie ang natitirang kape, saka hinugasan ang napasong daliri sa ilalim ng gripo. Kinuha niya ang ointment mula sa kanyang bag at tila
Seeing Xyza with her own two eyes right now is a total shock for Trixie. Hindi ba ay dapat nasa America ang anak niya at nag-aaral? Papaanong ang bata ay nandito? Ibig sabihin ba, bumalik si Xyza sa bansa kasama ama nitong si Sebastian? Pero labis siyang naguguluhan. Bilang isang ordinaryong empleyado, wala man siyang access sa mga confidential na dokumento ng kumpanya, pero alam niyang may matagal pang trabaho si Sebastian sa America. Akala niya, pansamantala lamang bumalik si Sebastian para sa ilang bagay. Kaya hindi niya inasahan na isinama pala nito si Xyza pabalik. Hindi niya alam kung kailan dumating ang mga ito, pero base sa pagkikita nila ni Sebastian kaninang umaga, mukhang isang araw na silang nandito. Ngunit mula umpisa hanggang ngayon, ni isang tawag o mensahe mula sa kanyang anak ay wala siyang natanggap. Hindi siya inabisuhan ni Xyza na bumalik na siya. Wala na ba talagang pakialam ang anak niya sa kaniya? Na kahit ang simpleng pagsasabi lamang na nakabali
Nang malamigan ang mukha ni Yuan, inisip niyang umaasa si Trixie sa kanyang posisyon para makakuha ng espesyal na trato."Secretary Salvador, ayusin mo ang pag-uugali mo sa trabaho. Akala mo ba bahay mo ito? How dare you disobey the company's task!"Kinuha ni Trixie ang kanyang bag, at nanatiling kalmado ang kanyang tono. "Kung hindi ka nasisiyahan sa inaasta ko, puwede mo akong tanggalin ngayon din.""You—!"Noon, sinamahan ni Yuan si Sebastian sa America. Alam niyang matagal nang nagbigay ng resignation letter si Trixie.Kahit pa pinagkakatiwalaan siya ni Sebastian, hindi naman niya pag-aari ang buong kumpanya. Wala siyang kapangyarihang basta na lang paalisin si Trixie.Bukod pa roon, mahal na mahal si Trixie ng nakatatandang Valderama. Kung sakaling magreklamo ito sa kanya, kahit tiwala si Yuan na poprotektahan siya ni Sebastian, wala rin siyang mapapala.Hindi siya pinansin ni Trixie. Dumeretso lang siya ng lakad at lumampas pa kay Yuan bago umalis.Galit na galit si Yuan nang m
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”