LOGINKinaumagahan, pagdating niya sa opisina, agad niyang iniabot ang kanyang resignation letter kay Calix.
Si Calixto Dela ay isa sa mga personal na secretary ni Sebastian. Kaya laking gulat na lang nito nang matanggap ang resignation letter ni Trixie. Isa siya sa iilang tao sa kumpanya na nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian. Kaya kilala niya si Sebastian na matagal nang hindi si Trixie ang laman ng puso nito. Matapos silang ikasal, naging malamig si Sebastian kay Trixie at bihirang umuwi ng bahay. Dahil gusto niyang mapalapit at makuha muli ang loob ni Sebastian, pinili na lang ni Trixie na magtrabaho sa Valderma Company. She's up to anything as long as she can have her Tres back. Kaya ang orihinal niyang layunin ay maging personal na sekretarya ni Sebastian. Ngunit hindi pumayag si Sebastian. Kahit pa nga ang matandang Valderama ay nakialam na, wala pa ring nagawa ito upang mapapayag ang lalaki. Sa huli, wala nang nagawa si Trixie kundi tanggapin ang pangalawang option niya, manatili sa sekretariat position bilang isa sa maraming pangkaraniwang sekretarya ni Sebastian. Noong una, inisip ni Calix na baka guluhin lang ni Trixie ang secretariat department. Ngunit nagkamali siya. Bagama’t ginagamit ni Trixie ang kanyang posisyon upang makalapit kay Sebastian, alam niya ang tamang tiyempo at hindi siya lumalampas sa hanggangan niya. Sa katunayan, marahil upang mapahanga si Sebastian, nagsikap nang husto si Trixie sa trabaho. Napakagaling niya, at kahit noong buntis siya o nang manganak na, sinunod pa rin niya ang mga patakaran ng kumpanya at hindi kailanman humiling ng special treatment. Sa paglipas ng mga taon, naging team leader siya ng departmentomg iyon. Alam ni Calix kung gaano kamahal ni Trixie si Sebastian. Kaya hindi niya akalain ang ganitong biglaang anunsiyo. Hindi niya akalaing marunong rin pala mapagod ang babae. Magre-resign si Trixie. Hindi rin siya naniniwalang kusa itong umalis. Ang tanging naiisip niyang dahilan ay may nangyari sa pagitan nina Trixie at Sebastian na hindi niya alam at si Sebastian mismo ang nag-utos kay Trixie na lumayo na sa kaniya. Sayang dahil napakahusay pa naman ni Trixie sa trabaho nito. Pero dahil opisyal itong nagpaalam, tinugunan ni Calix ang sitwasyong ito sa propesyonal na paraan. "I'm accepting your resignation letter. Thank you for your hardwork all these years. Maghahanap na ako ng papalit sa posisyon mo sa lalong madaling panahon." "Sige." Tumango si Trixie at bumalik sa kanyang mesa. Matapos ang ilang oras na pagiging-abala, nag-report si Calix kay Sebastian online. Nang halos matapos na ang kanilang pag-uusap, biglang naalala ni Calix ang pagreresign ni Trixie. "Ah, Mr. Valderama, tungkol kay—" Bagama’t sinabi niya kay Trixie na mag-aasikaso siya ng papalit sa kanya, gusto pa rin niyang malaman ang opinyon ni Sebastian kung kailan dapat umalis si Trixie. Kung gusto nitong umalis agad si Trixie, aayusin niya ito kaagad. Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, bigla niyang naalala ang sinabi ni Sebastian noon, noong una pa lang pumasok si Trixie sa kumpanya. Sinabi niyang lahat ng may kinalaman kay Trixie ay dapat iayon sa regulasyon ng kumpanya at hindi na kailangang i-report pa sa kanya. Hindi na niya ito pakikialaman. At totoo nga. Sa lahat ng taon na magkasama sila sa iisang kumpanya, kahit kailan ay hindi tinanong ni Sebastian ang kahit anong tungkol kay Trixie. Kapag nakikita niya ito sa opisina, parang ordinaryong empleyado lang ito, o ang mas malala pa ay estranghero lang ang tingin niya rito. Sa mga nakaraang taon, napakahusay ng performance ni Trixie sa kumpanya. Dalawang taon na ang nakakalipas, bago nila ito planong i-promote, kinonsulta muna nila si Sebastian. Kung ayaw niya, hindi nila ito itutuloy. Ngunit nang marinig ito ni Sebastian, kunot-noo niyang sinabi nang walang pasensya ang desisyon. "Huwag ninyo akong tanungin tungkol kay Trixie Salvador. I won't meddle with any of her affairs. Just stick to the rules of the company." Magmula noon, hindi na nila ito tinanong pa tungkol kay Trixie. Napansin ni Sebastian na tila may sasabihin si Calix pero hindi matuloy-tuloy, kaya't bahagya siyang napakunot-noo. "What is it?" Natauhan si Calix at mabilis na sumagot. "Wala po." Dahil alam niyang hindi ito binanggit ni Calix sa kanya, ibig sabihin, hindi mahalaga ang kung anumang nais sabihin nito kanina. Si Calix naman ay ginawa na lang ang dapat gawin sa resignation ni Trixie ayon sa regulasyon ng kumpanya. Matapos iyon, ibinaba na ni Sebastian ang tawag. "Ano'ng iniisip mo?" Tanghali na nang biglang tapikin ng isang kasamahan si Trixie sa balikat. Doon lang siya nagbalik sa ulirat, ngumiti sa ka-officemate at umiling. "Wala naman." "Hindi mo ba tatawagan ang anak mo ngayon?" "Ayos lang, hindi na kailangan." Karaniwan, tinatawagan ni Trixie ang kanyang anak dalawang beses sa isang araw, isang beses tuwing ala-onse ng gabi at isa pa sa tanghali. Alam ito ng lahat ng kasamahan niya sa opisina dahil consistent routine niya na ito simula ng napunta sa US ang anak ni Trixie. Ngunit ang hindi nila alam ay ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang big boss ng kanilang kumpanya. Pagkatapos ng trabaho nang gabing iyon, dumaan si Trixie sa palengke upang bumili ng ilang gulay at ilang paso ng berdeng halaman bago umuwi. Matapos maghapunan, binuksan niya ang laptop at naghanap ng balita tungkol sa isang paparating na technology exhibition. Pagkatapos magbasa, agad siyang tumawag sa isang numero. "Kindly reserve one ticket for me for the upcoming tech exhibition. It's next month, right?" Malamig ang boses nang sumagot sa kabilang linya. "Sigurado ka ba? Ilang beses mo na akong pinakiusapan na ipag-reserve ka ng tiket, pero ni minsan hindi ka sumipot. Nasasayang lang sa'yo ang ticket na pinapangarap ng marami." Ang yearly tech exhibition na iyon ay isang malaking kaganapan sa nasabing industriya. Hindi basta-basta nakakakuha ng ticket para rito. Maging ang kumpanya nila ay may limitadong puwesto lamang, kaya't maraming empleyado ang nais makasali na hindi pinapalad. Para sa kanila, napakahalaga ng bawat puwesto sa rare event na iyon. Ngumiti si Trixie at sinabing, "Kung hindi pa ako sisipot ngayon, hindi na kita kakausapin kailanman. Hold on to my words." Walang sinabi ang nasa kabilang linya, pero ibinaba na nito ang tawag. Alam ni Trixie na napapayag na niya ito. Napangiti siya. Ang hindi niya nabanggit ay ang gusto niyang bumalik sa kumpanya na matagal na siyang shareholder. Bilang isa sa mga kasosyo ng kompanya, pinili niyang magpakasal at magkaanak noong nagsisimula pa lamang ito. Dahil dito, unti-unti siyang nawala sa kumpanya at nag-focus sa pamilya, na siyang dahilan kung bakit naantala ang pag-unlad ng negosyo nila. Maraming galit sa kanya. Sa loob ng maraming taon, halos wala siyang naging contact sa mga kaibigan. Tapos ngayon, hindi na rin niya tinatawagan ang kaniyang mag-ama. At siyempre, parang walang pakialam ang mga ito sa kaniya dahil hindi rin siya kinokontak ng mga ito. Hindi na siya nagulat. Dahil kalahating taon na ang nakakalipas, ang pagtawag niya kay Xyza ay sariling desisyon niya lamang. Sila? Sinasagot lang ito nang walang pakialam. Samantala, sa America, nakasanayan na ni Xyza na tawagan si Wendy tuwing umaga pagkagising. At tulad ng dati, tinawagan niya ito sa araw na iyon. Ngunit hindi pa sila nagtatagal sa pag-uusap nang bigla siyang napaiyak. Masamang balita ang ibinalita ni Wendy. "Paalis na pabalik ng Pilipinas si Tita Mommy ko!" Labis itong dinamdam ni Xyza. Pagkababa ng tawag, agad niyang tinawagan si Sebastian. "Daddy! Tita Mommy is coming back to the Philippines. Do you know about this?" Sa opisina, abala pa rin si Sebastian sa pagbabasa ng mga dokumento kahit ginagambala siya ng tantrums ng anak. Walang emosyon ang kanyang tinig nang sumagot siya. "Yes." Nanlaki ang mata ni Xyza. "Kailan mo pa po nalaman, Daddy?!" "Matagal na." Nanghina siya sa narinig. "Daddy, ang sama mo... Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ko kayang mawala si Tita Mommy ko! Ayokong pumasok sa school ng wala siya. Gusto ko ng bumalik ng Manila! Waaah~" Pinanatili ni Sebastian ang kalmadong tono. "It's already been taken care off, my daughter. Stop crying, would you?" Nilambingan niya pa ang boses para mas effective. Napalunok si Xyza. "W-What do you mean po?" Bahagyang napangiti si Sebastian at sinabing, "We're going back to the Philippines next week."Ang katahimikan sa loob ng silid ay tila isang buhay na nilalang na dahan-dahang sumasakal sa hininga ni Wendy."He’s taking care of her now," ang mga salitang binitawan ni Emily ay tila isang malamig na hampas ng hangin na nagpapatayo sa balahibo niya. Dahan-dahan siyang huminga bago nagsalita, tila sinusukat kung tama ba ang pagkakarinig niya o sadyang nilalaro na naman siya ng pinsan niyang walang konsensiya."What? What are you saying... the child is with him?" bulalas ni Wendy, ang kanyang boses ay nanginginig sa pagitan ng gulat at hindi paniniwala o pagdududa sa mga salitang binibitawan ni Emily. Napailing siya. "I mean… How? You just said he is not an accomplice with the kidnapping! Paanong mapupunta sa kanya ang bata kung wala siyang alam sa krimeng ginawa mo? This doesn't make any sense, Emily! Isinusuka mo ang mga impormasyong tila ba pinagtagpi-tagping basahan!"Naiinis na tiningnan ni Emily ang pinsan. Isang malalim at iritableng buntong-hininga ang pinakawalan niya ba
“Helios Cuevillas once dreamt of having a kid. He said he wanted a child of his own.”“Wait,” mahina niyang sambit, halos pabulong. “You’re telling me… you heard him say that?”Ngumiti si Emily, isang ngiting malayo ang tingin, parang may binabalikan sa alaala. “Clear as day,” sabi niya."Isang gabi lang iyon, Wendy," Tumango si Emily, mabagal, parang binabalikan ang isang alaala na paulit ulit nang tumatak sa kaniya. "Mag isa si Helios noon sa isang dulo ng high end bar sa Makati. Nakatago ako sa dilim, pinapanood ang bawat pag angat ng baso niya sa kanyang labi. Lasing siya. At sa gitna ng kalasingan, lumabas ang isang bersyon ni Helios na hindi kailanman nakita ng mundo."“Even I was confused that night,” wika niya, halos pabulong. Tila nalalasahan pa niya ang amoy ng alak at sigarilyo mula sa gabing iyon. “Sa yaman niya, sa kapangyarihan niya, bakit hindi na lang siya bumuo ng sariling pamilya? Isang snap lang ng daliri niya, libo libong babae ang luluhod sa harap niya para magin
It was like puzzle pieces are all coming back in one place, pero imbes na linaw ay mas lalong nagulo ang lahat sa mga narinig ni Wendy. Ang lahat ng akala niyang buo at malinaw sa isip niya ay biglang nagkadurug durog, nagkalat, at wala siyang makapang katotohanan.Kasabwat ba talaga si Helios o hindi?Parang narinig ni Emily ang malaking tanong na iyon sa isipan ni Wendy kahit hindi pa man niya iyon naisasatinig. “Didn’t you already get it, cousin? ito ang pangunahing dahilan kung bakit ko ginawa ang ginawa ko maraming taon na ang nakalilipas. Not ringing any bell, Wendy? Ang lahat ng ito, ang pagnanakaw sa sanggol, ang pagsira sa buhay ni Trixie, ang panganib na hinarap ko, ay hindi lamang para sa iyo. Ginawa ko iyon dahil kay Helios. "Hindi ko na maintindihan, Emily," bulong ni Wendy, ang kanyang boses ay garalgal sa tindi ng internal conflict. "Is he in or not? Kanina, sinasabi mo na siya ang dahilan, na siya ang nagtulak sa iyo... pero ngayon, tila binabawi mo ang lahat. Sino
“It’s Helios. Ang lalaking iyon... that damn of a man made me commit this crime. Si Helios ang nagbukas ng lakas at tapang para sa akin.”Ang hangin sa loob ng silid-aklatan ay naging mabigat at nagsusumigaw ng kasalanan. Ang bawat dekorasyong ginto at pilak sa paligid nina Wendy at Emily ay tila naglalaho, naiwan silang dalawa sa gitna ng isang madilim na katotohanang ngayon lamang nabigyang-liwanag. Biglang kumapal ang katahimikan matapos banggitin ni Emily ang pangalang iyon.Si Wendy ay nanatiling nakatitig sa kanyang pinsan, ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa matinding kalituhan at gulat. Ang kaisipang ang lahat ng ginawa ni Emily sa nakaraan, ang pagdukot, ang panlilinlang, ang pagtatago ng isang buhay. Na ang unang inaakala niya pala ay mali dahil hindi lamang pala isang simpleng paghihiganti para sa kanya ang pagkuha nito sa anak ni Trixie. These all shocking surge of truths is making Wendy’s head ache. Wendy kept staring at her, tila umaasang babawiin nito ang huling sinab
“Ano... ano ang nangyari pagkatapos niyon? Pagkatapos mong makuha ang records?”“And…” patuloy ni Emily, kaswal na iniikot ang tasa ng tsaa sa pagitan ng mga daliri. “Huwag kang magkunwaring inosente. Alam mo kung gaano kalakas ang impluwensiya ng emosyon sa mga taong may konsensya. For Trixie’s medical record to be at my hands languidly… Hindi naging madali, pero alam mo kung paano ako magtrabaho.”Napabuntong hininga si Wendy. May parte sa kaniya na gustong sumigaw, manumbat, ngunit mas nangingibabaw ang pangangailangan niyang malaman ang lahat at hindi niya iyon makukuha kung ang kaniyang paiiralin ay ang init ng ulo niya. Naaala niya ring may ugaling ganoon nga pala ang pinsan niya so she didn't need any triggers for her to snap. “Fine,” sabi niya sa wakas. “And after… you successfully pulled her medical records?” ulit ni Wendy sa tanong na hindi pa rin nasasagot ni Emily. Huminto si Emily at lumingon sa malaking bintana, tila inaalala ang mga madidilim na gabi ng kanyang panini
“Sa dami ng Valderama sa mundo, isa nga ba iyon sa ka kilala ko.”“Kaya naman, tinanong ko ang kaibigan kong doktor. Is he the famous Sebastian Valderama?"Huminto si Emily at bahagyang ngumisi. "Natatawa pa nga noon ang kaibigan ko dahil bakit ko daw kilala ang isang Sebastian Valderama without knowing how deep his ties is with our family that time. She even teased me that time, na I’m still a sucker for good looking men daw, just like my high school version."Nanggigil si Wendy sa loob.Sebastian.Kahit sa kwento ng iba, bumabalik pa rin siya."Then what?" tanong niya, hindi na maitago ang impatience ni Wendy dahil tumigil na naman si Emily para uminom ng tsaa. Ang bawat patak ng oras para kay Wendy ay tila selyo sa isang lihim na matagal nang nakabaon kaya gusto na niyang masagot ang lahat ng tanong sa kaniyang isipan."Edi ayon," pagpapatuloy ni Emily matapos ang isang sipsip sa mainit pang tsaa. "I dodged her question and asked why Seb is taking her a visit. He is a man, if you







