author-banner
Pink Moonfairy
Author

Novels by Pink Moonfairy

The Zillionaire's Abandoned Wife

The Zillionaire's Abandoned Wife

Sa loob ng pitong taon, tiniis ni Trixie ang malamig na pakikitungo ni Sebastian sa kaniya. Naniniwala kasi siyang kung mananatili siya sa tabi nito, maaaring matunaw rin ng pagmamahal niya ang nagyeyelong puso ng lalaki. But her patience was rewarded not with love—but betrayal. Sebastian fell in love with another woman at first sight. Binusog nito ng pagmamahal at kalinga ang babae na kailanman ay hindi niya naibigay kay Trixie. Hanggang sa dumating ang gabi ng birthday niya, kung saan nakita ni Trixie kung paanong matagal na palang wala sa kaniya ang kaniyang mag-ama. Doon na siya sumuko. Pinirmahan na ni Trixie ang divorce papers, isinuko ang karapatan sa anak, at lumayo na sa isang pag-ibig na wala ng pag-asa.  But suddenly, there's a sudden turn of events. Ang asawang hindi na umuuwi noon, ngayon ay laging nasa tabi niya. And when she demands a divorce?  He corners her and whispers, "Divorce? That would be impossible, Wife.”
Read
Chapter: Kabanata 136
Nahawakan naman agad ang lalaki upang hindi makatakas, ngunit bakas sa mukha ni Sebastian ang labis na pag-aalala. Agad niyang binuhat si Wendy at mabilis na isinakay sa kotse.Mabilis na nawala ang sasakyan sa paningin nina Trixie at Casper.Napuno ng katahimikan ang paligid habang minamasdan nina Trixie at Casper ang mabilis na pag-alis ng sasakyan ni Sebastian. Kasabay ng tunog ng makina ang pagkalat ng dugo sa sahig ng parking lot, nag-iiwan ng pulang marka sa sementong tila hindi agad mabubura.Huminga nang malalim si Casper bago hinawakan ang braso ni Trixie. "Tara na."Saglit siyang natigilan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon, kung dapat ba siyang mag-alala sa nasugatan o dapat ba niyang ipikit ang mga mata at kalimutan ang lahat ng nangyari sa gabing ito.Napaiwas ng tingin si Trixie, saka mahina ngunit walang kasiguraduhang sumagot, "Oo..." Sa nangyari, hindi na natuloy ang balak nina Trixie at Casper na mag-inom dahil parehong nawalan na sila n
Last Updated: 2025-03-30
Chapter: Kabanata 135
Nararamdaman pa rin ni Trixie ang bigat sa kanyang dibdib habang naglalakad sa hallway ng Techspire. Matagal na niyang gustong isara ang kabanatang ito sa kanyang buhay, ang kabanata ng pagtatrabaho sa kumpanyang pag-aari ni Sebastian. Ngunit kahit natapos na nila ni Casper ang kanilang mga tungkulin, hindi pa rin siya ganap na nakahinga nang maluwag.Ang tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya ay nananatili pa rin. Kailan ba talaga matatapos ang lahat sa pagitan nila ni Sebastian?Ito nga ang gusto niyang pag-usapan kagabi. Pero tulad ng dati, bigla na lang itong umalis at tila nalimutan ang pangako nitong mag-uusap sila. Hindi na siya nagulat. Sa nakalipas na tatlong buwan, palagi na lang siyang nauuna, palagi siyang naghihintay."Just divorce him already, no questions needed," malamig na sabi ni Casper habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.Bahagyang tumingin si Trixie sa malayo. Oo nga, naisip niya. Pagdating ng tanghali, nabalitaan nila mula kay Dr. Ziloah na maayos na
Last Updated: 2025-03-30
Chapter: Kabanata 134
Hindi nagtagal, lumapit si Sebastian, tila narinig nito ang pagtanggi ni Casper na sumama sa kanila.Lumapit ito, iniabot ang kamay kay Casper at magalang na nagsabi, "Then we will leave first. I hope that Mr. Yu will do me a favor next time.""Of course," tugon ni Casper.Tipid na ngumiti si Sebastian, tapos ay tumingin kay Trixie saglit, at saka tumalikod upang umalis kasama sina Wendy at ang iba pang naghihintay sa kanya sa may pintuan.Matapos ang tanghalian, bumalik din agad sina Casper at Casper sa Techspire.Makalipas ang ilang sandali, dumating din sina Wendy at ang kanyang mga kasamahan.Nang mag-aalas-sais na ng gabi, natapos na sina Trixie at Casper sa kanilang trabaho sa araw na iyon at nagpasya nang umalis.Ang natitirang gawain ay maaari namang dahan-dahang tapusin sa susunod na mga araw.May oras pa sila rito, kaya hindi kailangang magmadali.Ngunit tila abala pa rin sina Wendy at ang iba pa, at wala pa silang balak umuwi.Nagsalita si Bright nang makita niyang mukhang
Last Updated: 2025-03-30
Chapter: Kabanata 133
Ngunit sa isang banda, naisip ng lalaki maaaring may punto nga si Casper dahil base na rin sa mga nasagap niyang tsismis sa mga kaibigan ng team ng babae.Sa puntong ito, napabuntong-hininga si Bright at nagpatuloy, "Ewan ko ba kung dapat ko pang sabihin 'to, pero sobrang swerte talaga ni Ms. Bolivar."Pagkasabi nito, bago pa makapag-react sina Trixie at Casper, nagpatuloy pa si Bright sa medyo pabulong na tono, "Alam niyo ba? Nag-overtime ng dalawang araw noong Sabado at Linggo ang team ni Ms. Bolivar, pero wala pa rin halos progreso sa kanilang proyekto. Kaya kagabi, mga bandang alas-siyete, bumalik sa kumpanya si President para tulungan si Ms. Bolivar ayusin ang core ng proyekto. Sa wakas, doon pa lang sila nagkaroon ng progreso."Hindi na masiyadong nagulat sina Casper, ngunit nagkatingan silang muli ni Trixie. Waring iisa na ang iniisip ng isa’t-isa. "Tapos, eto na ang mahalagang parte."Nagpatuloy si Bright na may makahulugang tono, "Narinig ko na si President at Ms. Bolivar ay
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Kabanata 132
Habang bumababa sa hagdan, si Xyza naman ang patakbong hinabol siya. Nagmakaawa si Xyza na ihatid siya ni Trixie sa paaralan, pero agad tumanggi si Trixie. "Hindi ko rin nadala ang sasakyan ko, anak. Sa susunod na lang." Wala naman itong kaso kay Xyza, kumatwiran agad siya sa ina. "Edi gamitin mo na lang Mommy 'yung sasakyan ni Dad! Tatawagan ko po si Daddy, for sure I can get his permission." Hindi pa nakakasagot si Trixie, tinawagan na agad ni Xyza si Sebastian. Mabilis namang nasagot ang tawag sa kabilang linya. Nang marinig ni Xyza ang boses sa kabilang linya, halos mapasigaw siya sa pangalan ng kausap. Pero nang makita niyang nakatingin si Trixie sa kanya, agad niyang pinigil ang sarili at nagkunwaring wala lang. "Oh, nevermind na lang po, Tit—," sabi niya saka ibinaba ang tawag. Akala ni Xyza ay naitago niya ito nang maayos, pero agad napansin ni Trixie na muntik nang mabanggit ni Xyza ang pangalan ni Wendy. Ibig sabihin, si Wendy ang sumagot ng tawag. Nakaramdam ng
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Kabanata 131
Pagkaalis ni Xyza, nahanap ni Trixie ang kanyang libro pero hindi siya bumalik sa kanyang kwarto. Sa halip, dinala niya ito sa ikalawang palapag at umupo sa tabi ng French window upang doon magbasa.On that kind of place, she can finally get her peace.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Lola Thallia na may dalang palayok ng gamot inangkat pa mula sa China. Ang matandang ginang ay madaming kaibigan mula sa bansang iyon kaya madali siyang maimpluwensiyahan nito.."Trixie, nandito lang palang bata ka," sabi ng matanda.Ibinaba ni Trixie ang kanyang libro at tumayo para salubungin si Lola Thallia."Lola, bakit pa po kayo nag-abalang umakyat? Pwede niyo naman pong ipatawag na lang ako sa ibaba para inumin ito.""Mahina pa katawan mo kaya dapat ka pang magpahinga at umiwas sa paglalakad nang sobra. Ngunit hindi ko naman akalaing aabot ka sa palapag na ito."Umupo ang matandang ginang sa kabilang sofa at may bahagyang inis sa boses nang sabihin niyang, "Gusto ko sanang ipaakyat kay S
Last Updated: 2025-03-29
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status