"Omg! Is that for real, Daddy?!"
Napatalon si Xyza mula sa kama. "Yup." "E bakit po hindi man lang sinabi sa akin ni Tita Mommy ‘yan kanina?" "Kasi ngayon lang ito na-finalize. That's why I've been working my ass off these days para wala akong maiwang trabaho sa branch natin dito. And hindi ko pa rin siya nasasabihan, so be quiet, alright?" Lalong na-excite si Xyza. "Omg, Dad! Yes po. Secret lang po natin ito kay Tita Mommy ‘to. Yehey! Pagbalik natin sa bahay, sorpresahin natin siya! Pwede po ba?!" "Sige." "Yehey! Dad, ang galing-galing mo talaga! I love you so much, my best Daddy. Mwa!" Pagkababa ng tawag, tuwang-tuwa pa rin si Xyza. Napakanta at napasayaw pa siya sa kama. Maya-maya, bigla niyang naalala si Trixie. Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinatawagan ng kanyang ina, sobrang gaan ng pakiramdam niya. Sa totoo lang, para lang makaiwas sa tawag ng kanyang ina, sinadya na niyang umalis nang maaga tuwing umaga. Minsan naman, pag-uwi niya galing eskwela, inilalayo o pinapatay niya ang cellphone niya para maging out of coverage ito. Pero pagkalipas ng dalawang araw, natakot siyang baka magalit na ng tuluyan ang kanyang ina kaya hindi na niya inulit pa ang pag-iwas sa tawag nito. Laking gulat niya nang mapansin niyang hindi pala talaga siya tinawagan nito sa mga sumunod na araw. Noong una, inisip niyang baka alam ng kanyang ina na sinasadya niyang iwasan ang tawag nito kaya ganoon. Pero nang mag-isip-isip siya, base sa dati niyang karanasan, kapag may ginawa siyang mali, tiyak na pagsasabihan siya ng kanyang ina. Hindi ito basta na lang hindi magpaparamdam sa kaniya at hindi tatawag. What is her Mom up to these days that she completely forgot to call her only daughter? Alam naman niyang siya ang pinakamahalaga sa puso ng kanyang mommy kaya minsan ay tinetake advantage niya ito. Hindi siya makapaniwalang kaya talaga nitong hindi siya tawagan nang ganoon katagal! Is her Mom completely ignoring her?! Is she fed up with her antics? This ain't right! Sa puntong iyon, biglang na-miss ni Xyza si Trixie. Sa loob ng maraming araw, ngayon lang niya ito naisip. Hindi niya napigilan ang sarili at agad na tinawagan ito. Pero habang nagri-ring ang tawag, naalala niyang kahit uuwi na siya sa pilipinas at makikita si Tita Mommy niya, siguradong gagawin ng kanyang ina ang lahat para pigilan silang magkita ni Wendy. Hindi na niya basta-basta makikita si Wendy kung kailan niya gusto, hindi tulad dito sa US. Dahil sa naisip na iyon, biglang bumigat ang pakiramdam niya. Mahimbing nang natutulog si Trixie nang bigla siyang magising dahil sa tawag ni Xyza. Pagkakita sa pangalan nito sa screen, agad siyang pipindot na sana para sagutin ang tawag nang biglang ibaba naman ito ni Xyza. Kahit isinulat na niya sa kasunduan ng divorce na isinuko na niya ang custody ni Xyza kay Sebastian, anak pa rin niya ito. At bilang ina, may pananagutan pa rin siya rito. Kaya't nang makita niyang tumawag ito ngunit bigla ring ibinaba, kinabahan na agad siya. Baka kung ano na ang nagyari dahil hindi pa naman normal na ito nauunang tumawag sa kaniya. It's always the other way around. So she called back. Pagkakita ni Xyza sa tawag ng kanyang ina, agad niyang ibinaling ang mukha niya sa kabila at hinayaan itong mag-missed call. Lalong kinabahan si Trixie sa kabilang linya. Dahil dito, tinawagan niya ang landline ng mansiyon sa US. Si Nana Sela ang sumagot ng telepono. Nang marinig ang pag-aalala ni Trixie, mabilis itong sumagot, "Ay, mukhang wala namang problema si Xyza. Napuyat lang kagabi ang young miss. Ang late na niyang natulog kaya kaninang umaga, napahimbing ang tulog at hindi agad nakabangon. Kanina lang ako umakyat para tingnan siya pero mahimbing pa siyang natutulog nang mga oras na iyon. Pero sige, aakyatin ko ulit para tingnan, tapos tatawagan kita pabalik, hija." Bahagyang nakahinga nang maluwag si Trixie. "Sige po. Maraming salamat, Nana Sela." Pag-akyat ni Nana Sela, nakita niyang gising na si Xyza at kasalukuyang nagmumumog sa banyo. Nang tanungin niya ito tungkol sa tawag, sumagot ang bata sa tamad na tono. "Aksidente ko lang pong napindot, Nana." Hindi naman siya pinagdudahan ni Nana Sela. Nakita nitong abala siya sa pag-toothbrush kaya bumaba na ito para ipaalam kay Trixie ang sitwasyon. Pagkaalis ni Nana Sela, lihim na napangiti si Xyza. Huminga siya nang malalim, at kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Samantala, kahit napanatag na si Trixie sa sinabi ni Nana Sela, hindi na siya nakatulog nang maayos. Kinabukasan, bumangon siya nang masama ang gising at wala sa mood para pumasok sa trabaho. Sa kabilang banda, ang sobre na naglalaman ng divorce agreement na ibinigay ni Trixie kay Sebastian ay hindi na niya muling binuksan mula nang matanggap niya ang tawag ni Wendy. Hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang pagbabalik sa Manila. Pagkatapos ilagay ang huling dokumento sa kanyang briefcase, sinigurado ni Sebastian na wala na siyang nakakalimutan. Nang okay na ang lahat, tumalikod siya at bumaba ng hagdan. "Okay, aalis na tayo." Agad umalis ang mahabang Lincoln limousine mula sa mansiyon, diretso nitong tinalunton ang daan patungo sa airport. Walang kaalam-alam si Trixie na bumalik na sa Maynila si Sebastian at ang kanyang anak. No one even bothered to tell her. Mahigit kalahating buwan na rin ang lumipas mula nang umalis siya mula sa mansiyon nilang mag-asawa. Sa loob ng panahong iyon, unti-unti siyang nasanay, at hindi inaasahang nagustuhan pa ang tahimik at payapang buhay na mag-isa. Today is Saturday. Nagising siya nang tanghali na. Pagkatapos maghilamos at mag-ayos ng sarili, binuksan niya ang kurtina at nasilayan ang araw na sumisikat sa labas ng bintana. Nag-inat siya, diniligan ang kanyang mga halaman, at naghanda ng simpleng almusal na pang-isang tao. Ngunit bago pa man siya makapagsimula, biglang tumunog ang doorbell. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Mrs. Peña, ang kapitbahay niya sa tapat. "Trixie, ineng, hindi ba kita naiistorbo?" Ngumiti si Trixie. "Hindi naman po, kakagising ko lang po at kumakain ako ngayon sa kusina." "Mabuti naman!" masayang sagot ni Mrs. Peña. "Ito nga pala, mga spaghetti at puto na niluto namin kanina. Dinalhan kita para matikman mo." Nagulat si Trixie. "Salamat po. Pero parang sobra naman po ito... mag-isa lang po ako dito e. “Hindi ineng, para sa iyo talaga ‘yan." “Wow. Nag-abala pa po kayo. Salamat po dito." "Hay nako, wala iyan! Kung hindi mo nailigtas ang apo kong si Tantan noong isang araw, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil sa asong ligaw na 'yun! Gustong-gusto kitang pasalamatan noon pa, pero palagi kaming abala ng asawa ko sa trabaho. Ngayon lang kami nagkaroon ng oras. Nahihiya nga kami!" "Wala po iyon, Mrs. Peña. Maliit na bagay lang po iyon." Nagpatuloy sila sa maikling kwentuhan bago tuluyang nagpaalam si Mrs. Peña. Pagbalik sa loob, kumain si Trixie habang tinitingnan ang algorithm ng isang AI na pinag-aaralan niya kamakailan. Pagdating ng hapon, lumabas sa kanyang cellphone ang isang balita tungkol sa centennial anniversary ng university na kilala sa mundo ng teknolohiya. Napahinto si Trixie. Tiningnan niya ang date at naalala niyang kaarawan nga ngayon ng Mapua University. Sa social media, maraming trending topics tungkol sa #MapuaUniversity100Years. Malaki ang interes ng mga tao sa pagdiriwang na ito, hindi lang dahil ang Mapua University ang isa sa nangungunang mga unibersidad sa Pilipinas, kundi dahil ito ang kauna-unahang centennial anniversary nito. Maraming kilalang alumni ang inimbitahang bumalik upang lumahok sa selebrasyon. Mga eksperto at tagumpay na propesyonal sa iba’t ibang industriya. Habang tinitingnan niya ang mga larawan, may ilang pamilyar na mukha siyang nakita. Nang makita niya ang ilang dating kakilala sa screen, biglang nanginig ang kamay niyang nasa keyboard. Bumalik sa kanya ang mga alaala noong nasa kolehiyo pa siya. Biglang nagulo ang kanyang isipan. Kung hindi siya agad nagpakasal pagkatapos ng kolehiyo, malamang isa rin siya sa mga honorary alumni na imbitado ngayon. Isinara niya ang laptop, nag-alinlangan sandali, pero sa huli, nagpasya siyang pumunta sa Mapua University. Pagdating niya roon, hapon na. Karamihan sa mga panauhin ay nakaalis na, pero marami pa ring tao sa loob ng campus. Naglakad-lakad siya nang walang tiyak na direksyon. Madaming alaala ang pumasok sa kaniyang isipan habang naglalakad sa loob ng campus. May masaya, may malungkot, at higit sa lahat, kasama na doon ang alaala nila ni Tres noon. Agad niyang iiniling ang ulo dahil hindi siya pwedeng pumunta sa alaalang iyon. Her moments with Tres before were like a cherished memory that she didn't have a choice but to bury into her heart. Their love already fell apart, there's no point now reminiscing about it. Naglakad na siya muli, at nang marating niya ang lumang gusali ng kanilang laboratoryo, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. "Alyssa?" Makalipas ang dalawampung minuto, makikita ang dalawang babae na nakaupo sa isang milktea house malapit sa Mapua University. Humihigop ang babae sa kaniyang milk tea na okinawa flavored. "Kumusta ka na nitong mga nakaraang araw?" Hawak ni Trixie ang tasa, bahagyang yumuko, at tipid na ngumiti. "Mabuti naman... pero, nagpaplano akong makipag-divorce na sa kaniya." Nagulat si Charina pero sandaling natahimik rin bago nagsabing, "Oh, about time! But, I'm sorry to hear that girl." "Ayos lang." "Ano ang plano mo pagkatapos? Are you going back to our company?" Napaisip si Trixie. "Plano ko sanang bumalik, pero..." Hindi alam ni Charina kung ano ang pumasok sa kanya, pero seryoso itong nagsalita. "Trixie Alyssa Salvador. Kailangan ka ng kumpanya. Isa ka sa mga nagtatag nito, you have a big contribution to our company! Sana bumalik ka na at pangunahan muli ang kumpanya. We're all rooting for you, bitch." Napatingin si Trixie kay Charina. Nahirapan siyang sumagot. Hindi sa ayaw niyang bumalik. Ang totoo, mabilis ang pag-unlad ng AI industry ngayon. Anim na taon na siyang nawala sa larangang ito. Kahit bumalik siya, natatakot siyang hindi na siya makasabay. At higit sa lahat, paano niya maibabalik ang dating kakayahang pangunahan ang kumpanya sa harap ng napakabilis na pagbabago ng teknolohiya? And one more thing, can she stand up against her half sister? Kaya ba niya? Well, no one will ever know kung hindi niya susubukan. Trixie needs to be strong, even if it means going against her father's own company.Sa mga nagdaang taon, bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie. Pero sa iilang beses na pagkikita nila, napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila.Noon, hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili.Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian, may kaunting ideya siya rito.May hinala siya, pero hindi na niya ito binanggit pa. Kaya pinayuhan na lang niya ito. “Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka. Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there. Girl, Trixie, hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito, hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit. You are excellent in this field even back in our college years! What more pa ngayon, ‘di ba?""Huwag mong kalimutan, ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin."Ngumiti si Trixie. "Kung maririn
Kinabukasan, pagdating ni Sebastian sa kumpanya, bigla silang nagkasalubong si Trixie. Hindi alam ni Trixie na nakabalik na pala si Sebastian at Xyza sa Maynila kaya naman saglit siyang natigilan nang makita ito sa pasilyong iyon ng kumpanya. Nagulat din si Sebastian nang makita siya, pero inisip lang nitong kagagaling lang ni Trixie sa business trip at hindi na nagbigay ng masyadong atensyon sa pagkawala nito. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha na parang hindi nito kilala si Trixie. Dinaanan lang niya ito ng malamig at dumiretso na sa loob ng presidential’s office. Kung noon ito nangyari, tiyak na matutuwa si Trixie kung makita niya si Seb na bumalik nang hindi inaasahan. Kahit pa nga hindi siya nito bigyan ng yakap man lang sa tagal rin nilang hindi nagkita, magliliwanag pa ang kanyang mga mata at mapupuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. Siguradong kahit anong lamig ang pakikitungo nito sa kaniya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin ng "Good morning." Pero ngayon
Gusto niyang matawa ng pagak. Still arrogant despite knowing she already handed over her resignation letter? O, ganoon na ba talaga ito kawalang pakialam sa kaniya na kahit ipinasa na ni Calix ang resignation niya ay hindi man lang nito natandaan iyon? Pero kahit pa hindi nangyari ang insidenteng ito, aalis na naman talaga siya oras na may makahanap nang papalit sa kanyang posisyon. What's the point of correcting him? Wala ngang pakialam sa kaniya ang lalaki. Wala ring saysay ang anumang magiging paliwanag at pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Kaya tahimik na lang niyang hinawakan ang tray at tuluyang umalis. Bago siya lumabas ng silid, narinig pa niyang malumanay na inaalo ni Wendy si Sebastian. "Sige na, Seb, hindi ko naman iniisip na sinadya niya iyon. Don't be mad anymore..." Bumuntong-hininga na lang si Trixie. Sa pantry, itinapon ni Trixie ang natitirang kape, saka hinugasan ang napasong daliri sa ilalim ng gripo. Kinuha niya ang ointment mula sa kanyang bag at tila
Seeing Xyza with her own two eyes right now is a total shock for Trixie. Hindi ba ay dapat nasa America ang anak niya at nag-aaral? Papaanong ang bata ay nandito? Ibig sabihin ba, bumalik si Xyza sa bansa kasama ama nitong si Sebastian? Pero labis siyang naguguluhan. Bilang isang ordinaryong empleyado, wala man siyang access sa mga confidential na dokumento ng kumpanya, pero alam niyang may matagal pang trabaho si Sebastian sa America. Akala niya, pansamantala lamang bumalik si Sebastian para sa ilang bagay. Kaya hindi niya inasahan na isinama pala nito si Xyza pabalik. Hindi niya alam kung kailan dumating ang mga ito, pero base sa pagkikita nila ni Sebastian kaninang umaga, mukhang isang araw na silang nandito. Ngunit mula umpisa hanggang ngayon, ni isang tawag o mensahe mula sa kanyang anak ay wala siyang natanggap. Hindi siya inabisuhan ni Xyza na bumalik na siya. Wala na ba talagang pakialam ang anak niya sa kaniya? Na kahit ang simpleng pagsasabi lamang na nakabali
Nang malamigan ang mukha ni Yuan, inisip niyang umaasa si Trixie sa kanyang posisyon para makakuha ng espesyal na trato."Secretary Salvador, ayusin mo ang pag-uugali mo sa trabaho. Akala mo ba bahay mo ito? How dare you disobey the company's task!"Kinuha ni Trixie ang kanyang bag, at nanatiling kalmado ang kanyang tono. "Kung hindi ka nasisiyahan sa inaasta ko, puwede mo akong tanggalin ngayon din.""You—!"Noon, sinamahan ni Yuan si Sebastian sa America. Alam niyang matagal nang nagbigay ng resignation letter si Trixie.Kahit pa pinagkakatiwalaan siya ni Sebastian, hindi naman niya pag-aari ang buong kumpanya. Wala siyang kapangyarihang basta na lang paalisin si Trixie.Bukod pa roon, mahal na mahal si Trixie ng nakatatandang Valderama. Kung sakaling magreklamo ito sa kanya, kahit tiwala si Yuan na poprotektahan siya ni Sebastian, wala rin siyang mapapala.Hindi siya pinansin ni Trixie. Dumeretso lang siya ng lakad at lumampas pa kay Yuan bago umalis.Galit na galit si Yuan nang m
Hindi na niya masyadong inisip iyon, iniisip na baka bumalik lang si Trixie sa pamilya Salvador. At isa pa, ano ba ang pakialam niya sa whereabouts ng babae? Damn him for still thinking about that… woman. Pagpasok niya sa banyo, hindi pa rin siya nakaligtas sa paglalakbay ng kaniyang utak. Bigla niyang naalala na kapag umuuwi nga pala si Trixie sa pamilya Salvador ay palagi nitong sinasama si Xyza. But this time around, parang may kakaiba. Hindi nito isinama ang anak nito sa pagdalaw sa pamilya nito. Posible kayang hindi naman sa pamilya Salvador ito nagpunta? O baka naman may nangyari roon? Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Yuan bago ito umalis sa kumpanya ngayong hapon. Doon niya nakumpirma ang kanyang hinala. Napahinto siya sandali pero hindi na niya ito inisip pang mabuti. That insolent woman is really getting in his nerves everyday. Kinabukasan, habang kumakain ng almusal, kinausap ni Sebastian si Xyza. "Your name is already listed and taken care off. Bukas ng umaga
Halos matawa si Trixie nang marinig niya iyon sa kaniyang ama.Tuluyan na nga talagang kinalimutan ng amain na narito pa siya, at ang hinihingian lang naman nito ng pabor ay ang kaniyang asawa. Sa totoo lang, si Wendy at Sebastian ay nagkakilanlan lamang matapos nilang ikasal ni Seb. Dahil nga mahiyan noong kabataan nila, hindi nagkaroon ng pagkakataon para sa maayos na pagkakilala ang dalawa. Pero mapagbiro talaga ang tadhana at kita mo nga ngayon, nagkapalagayan pa sila ng loob. Without even minding the marital disputes involving them three. Yes, alam ni Wendy ang relasyon niya kay Sebastian, at hindi siya naniniwalang hindi alam ni Mateo Bolivar na asawa ni Sebastian ang isa pa niyang anak!Her father just chose to acknowledge the welfare of her favorite daughter. Kahit pa nga ikasira iyon ni Trixie.Sa katotohanang iyon, walang pakundangan pa ring ipinipilit ni Mateo ipares si Wendy kay Sebastian.Dito pa lang, makikita na kung gaano siya balewalain ng ama niya sa papel!Ilang
Dahil napasarap sa kwentuhan, nag-over break tuloy siya. Matapos masiguro na nakaalis na ang sasakyan ng kaniyang Lola Thallia sa vicinity ng restaurant, agad na rin siyang bumalik sa kumpanya. Wala ang maalin man kina Calix o Yuan kaya walang nakapansin sa kaniyang pagbalik nang late. Nang hapon ding iyon, pagkatapos ng trabaho ni Trixie, umuwi muna siya upang kunin ang mga regalong inihanda niya para sa matanda at matandang lalaki ng pamilya Valderama. Nang matapos dito, sumakay siya sa kotse at nagtungo sa lumang bahay kung saan nakatira ang matanda ginang. Ang lumang bahay ng pamilya Valderama ay matatagpuan sa labas ng Maynila. Isa itong lugar sa Batangas na napapalibutan ng magagandang bundok at ilog. Dahil nakatayo sa gitna ng malawak na lupaing pag-aari ng mga Valderama, tahimik at presko ang paligid. Tamang-tama para sa matatanda. Ang tanging problema lang ay malayo ito sa siyudad. Maging ang town proper ng bayan ay aabutin pa ng ilang minuto bago mo marating.
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”