Kinabukasan, pagdating ni Sebastian sa kumpanya, bigla silang nagkasalubong si Trixie.
Hindi alam ni Trixie na nakabalik na pala si Sebastian at Xyza sa Maynila kaya naman saglit siyang natigilan nang makita ito sa pasilyong iyon ng kumpanya. Nagulat din si Sebastian nang makita siya, pero inisip lang nitong kagagaling lang ni Trixie sa business trip at hindi na nagbigay ng masyadong atensyon sa pagkawala nito. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha na parang hindi nito kilala si Trixie. Dinaanan lang niya ito ng malamig at dumiretso na sa loob ng presidential’s office. Kung noon ito nangyari, tiyak na matutuwa si Trixie kung makita niya si Seb na bumalik nang hindi inaasahan. Kahit pa nga hindi siya nito bigyan ng yakap man lang sa tagal rin nilang hindi nagkita, magliliwanag pa ang kanyang mga mata at mapupuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. Siguradong kahit anong lamig ang pakikitungo nito sa kaniya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin ng "Good morning." Pero ngayon, tiningnan lang ni Trixie ang papalayong bulto ng lalaki, saka ibinaba ang tingin. Tuluyan nang nawala ang bakas ng kahit anong kasabikan o saya sa kanyang mukha. Sa kabilang banda, ang maliit na pagbabagong iyon ay hindi naman napansin ni Sebastian at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Habang pinagmamasdan ni Trixie ang matikas na likuran ng lalaki, napatanong na lang siya kaniyang sarili kung kailan ang mga ito dumating. Pero kung nakabalik na si Sebastian, siguradong malapit na nilang pag-usapan ang kanilang divorce agreement, hindi ba? Dahil desidido na siyang lumaya, hindi na niya pinagkaisipan pa iyon. Agad na bumalik na siya sa kanyang desk at itinuloy ang naiwang trabaho. Makalipas ang kalahating oras, tumawag si Calix sa kanya. "Gumawa ka ng dalawang tasa ng kape at dalhin mo ito sa opisina ni Mr. Valderama. Make it fast." Napatawa na lang siya ng sarkastiko sa isang alaala na bumalik sa kaniya. Noon, para mapalapit kay Sebastian, pinag-aralan pa ni Trixie ang paggawa ng kape nang matuklasan niyang mahilig ang asawa roon. Mahabang oras ang ginugugol niya sa coffee making workshops at talaga namang nagpapakasipag siya para lang ma-enhance pa ang skill niyang iyon. At nagbunga naman ang kanyang pagsisikap. Matapos matikman ni Sebastian ang kape niya, timpla na niya ang laging hinahanap nito. Sa bahay man o sa opisina, siya lang ang gusto nitong magtimpla ng kape niya. Nang unang marinig ang papuri nito, hindi pa siya makapaniwala. Akala niya, iyon na ang unang hakbang para magkalapit sila… Pero hindi niya naisip kung gaano ka-grabe ang pag-iwas at panlalamig ni Sebastian sa kanya. Oo, gusto nga nito ang kape na siya ang nagtimpla, pero siya na gumagawa nito, kailanman ay hindi. Kaya tuwing gusto ni Sebastian ng kape, si Calix ang inuutusan niyang tumawag sa kanya. At kapag tapos na siyang magtimpla, ibang tao naman ang sumusundo ng kape para dahin kay Sebastian. Talagang hindi siya nito binibigyan ng kahit anong pagkakataong makalapit sa kaniya. But there are also times na kapag sobrang abala si Calix at ang iba pang tauhan, saka lamang siya may tsansang personal na magdala ng kape sa opisina ni Sebastian. At ngayon, sa tono ng sinabi ni Calix kanina, mukhang kailangan na siya mismo ang maghatid ng kape kay Sebastian. Kaya naman matapos gawin ang kape, inilagay na ito ni Trixie sa tray at nagtungo sa opisina ni Sebastian. Nang dumating siya sa harapan ng pinto ng opisina nito, bahagyang kumunot ang noo niya dahil hindi maayos ang pagkakasara ng pinto. May awang itong kaunti. Yumuko siya dahil nagbabalak kumatok pero mula sa siwang ng nakabukas na pinto, nakita niya ang isang hindi kaaya-aya na tagpo. Nakita niya si Sebastian at si Wendy. Nakaupo lang naman si Wendy sa kandungan nito, habang mahigpit na magkayakap at naghahalikan. Napahinto si Trixie sa dapat gagawin, at biglang nanlamig ang kanyang mukha. Mukhang napansin ng mga ito na may ibang tao dahil lumingon si Wendy sa gawi niya. Nang makita siya nito, agad na bumaba si Wendy mula sa kandungan ni Sebastian. Napatingin tuloy si Sebastian sa kanya nang may matinding pagkainis. "Who the fuck told you that you have the permission to be here?!" Mariing hinawakan ni Trixie ang tray dahil sa biglaang pagsigaw nito. "Dinalhan lang kita ng kape—" "Sige na, Secretary Salvador, I'll take this from here. You can go." Biglang lumitaw ang isa pang personal na sekretarya ni Sebastian, si Yuan Cruz. Isa rin ito sa iilang nakakaalam ng totoong relasyon nina Trixie at Sebastian. "Alam mo, ako na ang napapagod diyan sa ginagawa mo," sabi nito na may bahagyang pang-uuyam sa tono. Hindi na niya kailangang ipaliwanag. Naintindihan agad ni Trixie ang gustong ipahiwatig ni Yuan. Iniisip nitong sinadya niyang pumunta roon dahil alam niyang nasa kumpanya si Wendy. At pilit niyang sinisira ang relasyon ng dalawa gamit ang pagpapanggap na magdadala lang ng kape. Sa ekspresyon at galit ni Sebastian, hindi malayong ganoon din ang iniisip nito. Kung dati pa ito nangyari, baka nagawa niya nga iyon sa sobrang pagka-desperada. Pero ngayon, since malapit na silang mag-divorce. Paano pa niya magagawang gawin ang ganoong bagay? The hell she cares. Pero hindi siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng sinuman sa mga tao sa opisinang iyon. Malamig na inutusan siya ni Yuan, "Umalis ka na agad." For all the awful treatment, namula ang mata ni Trixie, at bahagyang nanginig ang kamay niyang kanina pa may hawak na tray. Tumapon tuloy ang kape mula sa tasa at napaso ang kanyang mga daliri. Masakit, pero hindi siya nagreklamo at tiniis ang nangyari. Wala siyang kapangyarihang suwayin ang mga inuutos ng mga ito tahimik na siyang tumalikod at lumabas. Ngunit bago pa siya makalayo nang tuluyan, muling narinig niya ang malamig na tinig ni Sebastian mula sa kinauupuan nito. "If this incident ever happen again in the future, tandaan mong wala ka nang kumpanyang babalikan."Gusto niyang matawa ng pagak. Still arrogant despite knowing she already handed over her resignation letter? O, ganoon na ba talaga ito kawalang pakialam sa kaniya na kahit ipinasa na ni Calix ang resignation niya ay hindi man lang nito natandaan iyon? Pero kahit pa hindi nangyari ang insidenteng ito, aalis na naman talaga siya oras na may makahanap nang papalit sa kanyang posisyon. What's the point of correcting him? Wala ngang pakialam sa kaniya ang lalaki. Wala ring saysay ang anumang magiging paliwanag at pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Kaya tahimik na lang niyang hinawakan ang tray at tuluyang umalis. Bago siya lumabas ng silid, narinig pa niyang malumanay na inaalo ni Wendy si Sebastian. "Sige na, Seb, hindi ko naman iniisip na sinadya niya iyon. Don't be mad anymore..." Bumuntong-hininga na lang si Trixie. Sa pantry, itinapon ni Trixie ang natitirang kape, saka hinugasan ang napasong daliri sa ilalim ng gripo. Kinuha niya ang ointment mula sa kanyang bag at tila
Seeing Xyza with her own two eyes right now is a total shock for Trixie. Hindi ba ay dapat nasa America ang anak niya at nag-aaral? Papaanong ang bata ay nandito? Ibig sabihin ba, bumalik si Xyza sa bansa kasama ama nitong si Sebastian? Pero labis siyang naguguluhan. Bilang isang ordinaryong empleyado, wala man siyang access sa mga confidential na dokumento ng kumpanya, pero alam niyang may matagal pang trabaho si Sebastian sa America. Akala niya, pansamantala lamang bumalik si Sebastian para sa ilang bagay. Kaya hindi niya inasahan na isinama pala nito si Xyza pabalik. Hindi niya alam kung kailan dumating ang mga ito, pero base sa pagkikita nila ni Sebastian kaninang umaga, mukhang isang araw na silang nandito. Ngunit mula umpisa hanggang ngayon, ni isang tawag o mensahe mula sa kanyang anak ay wala siyang natanggap. Hindi siya inabisuhan ni Xyza na bumalik na siya. Wala na ba talagang pakialam ang anak niya sa kaniya? Na kahit ang simpleng pagsasabi lamang na nakabali
Nang malamigan ang mukha ni Yuan, inisip niyang umaasa si Trixie sa kanyang posisyon para makakuha ng espesyal na trato."Secretary Salvador, ayusin mo ang pag-uugali mo sa trabaho. Akala mo ba bahay mo ito? How dare you disobey the company's task!"Kinuha ni Trixie ang kanyang bag, at nanatiling kalmado ang kanyang tono. "Kung hindi ka nasisiyahan sa inaasta ko, puwede mo akong tanggalin ngayon din.""You—!"Noon, sinamahan ni Yuan si Sebastian sa America. Alam niyang matagal nang nagbigay ng resignation letter si Trixie.Kahit pa pinagkakatiwalaan siya ni Sebastian, hindi naman niya pag-aari ang buong kumpanya. Wala siyang kapangyarihang basta na lang paalisin si Trixie.Bukod pa roon, mahal na mahal si Trixie ng nakatatandang Valderama. Kung sakaling magreklamo ito sa kanya, kahit tiwala si Yuan na poprotektahan siya ni Sebastian, wala rin siyang mapapala.Hindi siya pinansin ni Trixie. Dumeretso lang siya ng lakad at lumampas pa kay Yuan bago umalis.Galit na galit si Yuan nang m
Hindi na niya masyadong inisip iyon, iniisip na baka bumalik lang si Trixie sa pamilya Salvador. At isa pa, ano ba ang pakialam niya sa whereabouts ng babae? Damn him for still thinking about that… woman. Pagpasok niya sa banyo, hindi pa rin siya nakaligtas sa paglalakbay ng kaniyang utak. Bigla niyang naalala na kapag umuuwi nga pala si Trixie sa pamilya Salvador ay palagi nitong sinasama si Xyza. But this time around, parang may kakaiba. Hindi nito isinama ang anak nito sa pagdalaw sa pamilya nito. Posible kayang hindi naman sa pamilya Salvador ito nagpunta? O baka naman may nangyari roon? Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Yuan bago ito umalis sa kumpanya ngayong hapon. Doon niya nakumpirma ang kanyang hinala. Napahinto siya sandali pero hindi na niya ito inisip pang mabuti. That insolent woman is really getting in his nerves everyday. Kinabukasan, habang kumakain ng almusal, kinausap ni Sebastian si Xyza. "Your name is already listed and taken care off. Bukas ng umaga
Halos matawa si Trixie nang marinig niya iyon sa kaniyang ama.Tuluyan na nga talagang kinalimutan ng amain na narito pa siya, at ang hinihingian lang naman nito ng pabor ay ang kaniyang asawa. Sa totoo lang, si Wendy at Sebastian ay nagkakilanlan lamang matapos nilang ikasal ni Seb. Dahil nga mahiyan noong kabataan nila, hindi nagkaroon ng pagkakataon para sa maayos na pagkakilala ang dalawa. Pero mapagbiro talaga ang tadhana at kita mo nga ngayon, nagkapalagayan pa sila ng loob. Without even minding the marital disputes involving them three. Yes, alam ni Wendy ang relasyon niya kay Sebastian, at hindi siya naniniwalang hindi alam ni Mateo Bolivar na asawa ni Sebastian ang isa pa niyang anak!Her father just chose to acknowledge the welfare of her favorite daughter. Kahit pa nga ikasira iyon ni Trixie.Sa katotohanang iyon, walang pakundangan pa ring ipinipilit ni Mateo ipares si Wendy kay Sebastian.Dito pa lang, makikita na kung gaano siya balewalain ng ama niya sa papel!Ilang
Dahil napasarap sa kwentuhan, nag-over break tuloy siya. Matapos masiguro na nakaalis na ang sasakyan ng kaniyang Lola Thallia sa vicinity ng restaurant, agad na rin siyang bumalik sa kumpanya. Wala ang maalin man kina Calix o Yuan kaya walang nakapansin sa kaniyang pagbalik nang late. Nang hapon ding iyon, pagkatapos ng trabaho ni Trixie, umuwi muna siya upang kunin ang mga regalong inihanda niya para sa matanda at matandang lalaki ng pamilya Valderama. Nang matapos dito, sumakay siya sa kotse at nagtungo sa lumang bahay kung saan nakatira ang matanda ginang. Ang lumang bahay ng pamilya Valderama ay matatagpuan sa labas ng Maynila. Isa itong lugar sa Batangas na napapalibutan ng magagandang bundok at ilog. Dahil nakatayo sa gitna ng malawak na lupaing pag-aari ng mga Valderama, tahimik at presko ang paligid. Tamang-tama para sa matatanda. Ang tanging problema lang ay malayo ito sa siyudad. Maging ang town proper ng bayan ay aabutin pa ng ilang minuto bago mo marating.
"Did you all guys wait for me?" Naglaho ang nakakainis na ngiti ni Simone nang batukan siya ni Samantha. "You idiot! Lahat kami gutom na gutom na sa kahihintay sa’yo!" Bagaman may iisang magulang, lubos na magkakaiba ng ugali ang magkakapatid. Si Sebastian ay palaging tahimik at kalmado, suplada at mainitin naman ang ulo ni Samantha. Sa kanilang tatlo, si Simone lang ang madaldal at palangiti sa kanila. Nang makumpleto sila, medyo lumambot ang malamig na ekspresyon ni Felizity. Lalo namang naging masaya ang matandang ginang dahil kumpleto ang kaniyang mga first grandchild. Dahil medyo ginabi na at nagugutom na ang lahat, agad na ipinahanda ng matandang ginang ang hapunan. Pito silang lahat kaya sa marangya at mahabang main dining hall na lang nila piniling kumain. Ang pagkakaayos ng upuan ay nasa gitnang pwesto si Thallia Valderama, magkatabi naman sa kaniyang kanang bahagi sina Sebastian, Xyza, at Trixie. Sa kaliwa niya pumwesto sina Felizity, Samantha, at Simone. Ngumiti an
Matapos ang hapunan, nagpasya ang lahat na sa sala na ituloy ang kwentuhan at doon na lang ang dessert set-up. Tulad ng dati, gusto ng matandang ginang na laging malapit sa isa't-isa si Trixie at Sebastian. Kaya naman wala nang nagawa ang dalawa nang pinaupo silang magkatabi nito. But to no avail, just like in the old times, Sebastian wouldn’t even spare Trixie a glance. Ayaw sanang umupo ni Trixie sa tabi nito, pero hindi rin maganda kung patuloy niyang tatanggihan ang matandang ginang. Natatakot siyang baka magdamdam pa ito. Hindi naman gusto ni Trixie na magkasakit ang matanda dahil lang sa pabor na hindi niya ginawa pero kayang-kaya niya naman gawin. Hindi niya tuloy maiwasan na mailang sa lalaki dahil ito ang unang pagkakataon, makalipas ang ilang buwan, na nagkadikit sila nang ganito kalapit ni Seb. Sa sobrang lapit, malinaw niya pa ngang naamoy ang pamilyar na pabango ng lalaki. Mapait siyang napangiti sa sarili dahil hanggang ngayon pala ay gamit pa nito ang pabangong
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”