LOGINSa mga nagdaang taon, bihira na lang magkita sina Charina Villalobos at Trixie.
Pero sa iilang beses na pagkikita nila, napansin ni Charina na malayo na si Trixie sa dating masayahin at puno ng siglang babae na nakilala niya noong college days nila. Noon, hindi niya inakalang may araw na mararamdaman ni Trixie ang pagiging mababa ang tingin sa sarili. Hindi man siya lubusang pamilyar sa buhay mag-asawa nina Trixie at Sebastian, may kaunting ideya siya rito. May hinala siya, pero hindi na niya ito binanggit pa. Kaya pinayuhan na lang niya ito. “Hindi mahalaga kung may mga panahong naiiwan ka. Ang talino at talento mo ay hindi matutumbasan ng karaniwang genius out there. Girl, Trixie, hangga't gusto mo pa ring tahakin ang landas na ito, hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit. You are excellent in this field even back in our college years! What more pa ngayon, ‘di ba?" "Huwag mong kalimutan, ikaw ang pinakapaborito kong friendship sa circle natin." Ngumiti si Trixie. "Kung maririnig ito ng ibang kaibigan natin, malamang kakantyawan ka nila at sasabihing napilitan at nangga-gaslight ka lang ngayon. Such a betrayer." "Oh, ‘wag ka ng umangal. Kahit yung terror nating prof noon, ikaw ang favorite!” Naalala niya ang kanilang terror na guro noon, elegante pero matalas magsalita. Bahagyang lumawak ang kanyang ngiti. "Nakita ko sa balita na dumalo rin si teacher sa selebrasyon. Kamusta na ba siya?" "Mabuti naman, pero minsan naiirita siya sa atin. Lalo na kapag lumalapit ang circle natin sa kanya, lagi tayong inaaway." Natawa si Trixie. Naaalala niya ang mga panahong halos araw-araw siyang pinipilit magsulat ng research papers sa gabay ng kanyang guro. "Bumalik ka na kasi, Alyssa!" “Stop. Wala nang tumatawag sa akin niyan." “No, girl. Ang mean kaya ng first name mo. Hindi bagay sa angelic features mo!" Hinigpitan ni Trixie ang hawak sa kanyang cup milktea. Malalim siyang huminga at tumango. "Alright." Mula pagkabata, mahilig na siya sa artificial intelligence. Talagang mahal niya ang larangang ito. Ngunit isinantabi niya ang kanyang pangarap sa loob ng anim o pitong taon dahil sa pagmamahal niya kay Sebastian. Ngayon, matagal na siyang nawala sa industriya. Hindi magiging madali ang pagbabalik niya. Pero naniniwala siyang kung magsisikap siya, makahahabol pa rin siya. "Kailan ka babalik?" tanong ni Charina. "Kailangan ko pang asikasuhin ang trabaho ko ngayon. Kailangan kong i-train ang papalit sa akin, kaya baka matagalan pa." "Ayos lang, hindi naman kami nagmamadali. For sure, the girls would scream because of this news." Dahil babalik rin naman siya, hindi na mahalaga kung maghintay pa sila ng kaunti. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Makalipas ang ilang sandali, tumingin si Charina sa kanyang relo. "May ipinakilala sa akin ang mga tao sa kumpanya, isang dalubhasa sa algorithms. Kakabalik lang daw niya sa Amsterdam ilang araw pa lang ang nakakalipas. May usapan kaming magkita ngayon. Dahil nagkita tayo, gusto mo bang sumama?" Umiling si Trixie. "Hindi ko naman kilala ang mga tao sa kumpanya. Sa susunod na lang." "Sige." Pagkaalis ni Charina, napansin ni Trixie ang isang pamilyar na pigura na papalapit sa kanya, si Ate Sabrina, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Nakita rin niya ito sa balita kanina. Hindi niya inaasahang makakasalubong niya ito rito. Ngumiti siya at binati ito, "Ate Sabby." Ngunit hindi siya pinansin ni Sabrina. Bagkus, sinuri siya nito nang may kunot-noong ekspresyon. "Anong ginagawa mo rito?" "Centennial anniv ngayon ng Mapua, bumalik lang ako para tingnan." Kung hindi pa ito binanggit ni Trixie, malamang nakalimutan na ni Sabrina na nagtapos rin pala ito sa Mapua University. Pero sa dami ng bumalik sa paaralan ngayon, karamihan sa kanila ay mga honorary alumni na imbitado ng unibersidad. Kaya bakit pa nandito si Trixie? Pero naisip niyang hindi na lang niya ito papansinin, basta’t huwag lang itong magsasalita ng kahit ano na ikahihiya ng pamilya Valderama. Habang iniisip ito, diretsong sinabi ni Sabrina ang nasa isip. "Gusto ni Alexi ng luto mo. Ipapadala ko siya mamaya sa inyo ni Seb." Si Alexianna ay anak ni Sabrina. May isa o dalawang taon itong tanda kay Xyza. Hindi naging maayos ang relasyon ni Sabrina at ng kanyang asawa. Ilang taon siyang naging abala sa trabaho kaya bihira niyang maalagaan ang anak niya. Dahil dito, lumaki itong matigas ang ulo at mahirap disiplinahin. Alam niyang gusto ni Alexi ang mga niluluto ni Trixie, kaya sa tuwing may pagkakataon, pinapapunta niya ito sa kanila ni Sebastian. Sa pamilya Valderama, tanging ang matandang ginang lang ang may pagpapahalaga kay Trixie. Wala nang iba. At sa edad ni Alexianna, madali na itong gumaya sa ibang tao. Kahit na gustong-gusto ni Alexianna ang mga luto ni Trixie, hindi nito kailanman itinuring siyang isang tunay na tiyahin. Sa halip, itinuturing siya nitong isang yaya na puwedeng utusan kahit kailan niya gusto. Dati, dahil kay Sebastian, matiisin si Trixie. Hindi niya iniintindi ang kawalang-galang ni Alexi at patuloy siyang nag-aalaga rito nang maayos. Pero ngayong naghahanda na siyang makipaghiwalay kay Sebastian. Wala na siyang balak magsakripisyo pa para rito. Kaya diretsong tumanggi si Trixie. "Pasensya na, Ate Sabby, but I'm not free tomorrow." Ngayong babalik na siya sa larangan niya, uubusin na niya ang oras niya sa mga mahahalagang bagay. At sa oras na maprocess na ang divorce nila, wala na siyang kinalaman kay Sebastian, Sabrina o sa kahit na sinong Valderama. Hindi na niya aaksayahin ang oras niya sa kanila. Hindi inakala ni Sabrina na tatanggihan siya ni Trixie. Noon, para kay Sebastian, handa itong tiisin ang lahat at gawin ang lahat para sa pamilya Valderama. Pero hindi na siya nag-isip pa nang malalim tungkol dito. Hindi naman siya kailanman tinanggihan ni Trixie noon, kaya naisip niyang marahil ay may mahalagang gagawin talaga ito. Kung hindi, bakit nito sasayangin ang pagkakataong makisama sa kanya? Gayunpaman, hindi niya mapigilang mairita. "Wala naman sa tabi mo si Sebastian at si Xyza ngayon. Ano pa bang pinagkakaabalahan mo?" Napangiti si Trixie, pero sa loob-loob niya, gusto na niyang magalit sa babae. Sa napakaraming taon, itinapon niya ang sarili niyang pangarap at ginawang sentro ng mundo niya sina Sebastian at ang anak nilang si Xyza. Hindi nakapagtataka kung ganito ang tingin sa kanya ni Sabrina ngayon. Pero magbabago na ang lahat mula ngayon. Bubuksan na niya ang bagong kabanata ng buhay niya. Bago pa siya makapagsalita, may ilang taong papalapit na sa kanila. "Miss Valderama!" Mukhang hinahanap nila si Sabrina. Napatingin ang isa sa kanila kay Trixie at nagtanong, "Miss Valderama, who is she?" Sa malamig na tinig, walang pag-aalinlangan na sumagot si Feng Tinglin, "Old friend." "Oh, kaibigan pala..." Ang mga taong ito ay may matataas na katungkulan at dumalo rin sa anibersaryo ng Mapua University. Noong una, inakala nilang espesyal ang taong kausap ni Sabrina Valderama kaya nila ito nilapitan. Pero nang marinig nila ang sagot nito, agad nilang naisip na hindi ito isang taong may posisyon o impluwensya. Ang ilan sa kanila ay pansamantalang napatingin kay Trixie, lalo na sa mahahaba at mapuputing binti nito. Pero pagkatapos noon, wala nang nagbigay ng pansin sa kanya. Nagpatuloy sila sa pakikipag-usap kay Sabrina at agad na umalis. Kung dati pa ito nangyari, baka nasaktan si Trixie sa hindi pagkilala ni Sabrina sa kanya bilang hipag. Pero ngayon, wala na siyang pakialam. Nang makaalis na si Sabrina, kinuha ni Trixie ang kanyang bag at umalis na rin. Alas-dose ng gabi, dumating na sa airport ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Xyza. Pagkauwi nila, halos mag-uumaga na. Mahimbing nang natutulog si Xyza bago pa man sila makarating sa bahay. Binuhat siya ni Sebastian paakyat sa kanyang silid. Habang dumaraan sa master bedroom, napansin niyang bukas ang pinto, pero madilim ang loob. Matapos niyang ihatid si Xyza sa kwarto nito, bumalik siya sa master bedroom at binuksan ang malabong ilaw sa kwarto. Pagtingin niya sa kama, wala itong laman. Wala roon si Trixie. Sakto namang paakyat ang mayordoma, bitbit ang kanilang mga maleta. Habang niluluwagan ang necktie na suot, tinanong ni Sebastian, "Nasaan siya?" Agad na sumagot ang mayordoma sa mansiyon dito sa Manila, "Nasa business trip po si Ma'am Trixie." Kalahating buwan na ang nakalipas mula nang umalis si Trixie. Sakto namang wala noon si Sebastian, kaya hindi niya alam ang buong detalye. Pero narinig niya sa ibang kasambahay na may dalang maleta si Trixie noong umalis ito. Ibig sabihin, matagal na itong wala. Nakakapagtaka lang dahil bihira namang magpunta sa business trips si Trixie noon. At kung aalis man siya, karaniwan ay tatagal lang ito ng dalawa o tatlong araw. Pero ngayon, mahigit kalahating buwan na siyang hindi bumabalik. "Hmm," tanging sagot ni Sebastian, at hindi na siya nagtanong pa. Walang na siyang pakialam kahit ano pa ang gawin ni Trixie sa buhay niya.Ang katahimikan sa loob ng silid ay tila isang buhay na nilalang na dahan-dahang sumasakal sa hininga ni Wendy."He’s taking care of her now," ang mga salitang binitawan ni Emily ay tila isang malamig na hampas ng hangin na nagpapatayo sa balahibo niya. Dahan-dahan siyang huminga bago nagsalita, tila sinusukat kung tama ba ang pagkakarinig niya o sadyang nilalaro na naman siya ng pinsan niyang walang konsensiya."What? What are you saying... the child is with him?" bulalas ni Wendy, ang kanyang boses ay nanginginig sa pagitan ng gulat at hindi paniniwala o pagdududa sa mga salitang binibitawan ni Emily. Napailing siya. "I mean… How? You just said he is not an accomplice with the kidnapping! Paanong mapupunta sa kanya ang bata kung wala siyang alam sa krimeng ginawa mo? This doesn't make any sense, Emily! Isinusuka mo ang mga impormasyong tila ba pinagtagpi-tagping basahan!"Naiinis na tiningnan ni Emily ang pinsan. Isang malalim at iritableng buntong-hininga ang pinakawalan niya ba
“Helios Cuevillas once dreamt of having a kid. He said he wanted a child of his own.”“Wait,” mahina niyang sambit, halos pabulong. “You’re telling me… you heard him say that?”Ngumiti si Emily, isang ngiting malayo ang tingin, parang may binabalikan sa alaala. “Clear as day,” sabi niya."Isang gabi lang iyon, Wendy," Tumango si Emily, mabagal, parang binabalikan ang isang alaala na paulit ulit nang tumatak sa kaniya. "Mag isa si Helios noon sa isang dulo ng high end bar sa Makati. Nakatago ako sa dilim, pinapanood ang bawat pag angat ng baso niya sa kanyang labi. Lasing siya. At sa gitna ng kalasingan, lumabas ang isang bersyon ni Helios na hindi kailanman nakita ng mundo."“Even I was confused that night,” wika niya, halos pabulong. Tila nalalasahan pa niya ang amoy ng alak at sigarilyo mula sa gabing iyon. “Sa yaman niya, sa kapangyarihan niya, bakit hindi na lang siya bumuo ng sariling pamilya? Isang snap lang ng daliri niya, libo libong babae ang luluhod sa harap niya para magin
It was like puzzle pieces are all coming back in one place, pero imbes na linaw ay mas lalong nagulo ang lahat sa mga narinig ni Wendy. Ang lahat ng akala niyang buo at malinaw sa isip niya ay biglang nagkadurug durog, nagkalat, at wala siyang makapang katotohanan.Kasabwat ba talaga si Helios o hindi?Parang narinig ni Emily ang malaking tanong na iyon sa isipan ni Wendy kahit hindi pa man niya iyon naisasatinig. “Didn’t you already get it, cousin? ito ang pangunahing dahilan kung bakit ko ginawa ang ginawa ko maraming taon na ang nakalilipas. Not ringing any bell, Wendy? Ang lahat ng ito, ang pagnanakaw sa sanggol, ang pagsira sa buhay ni Trixie, ang panganib na hinarap ko, ay hindi lamang para sa iyo. Ginawa ko iyon dahil kay Helios. "Hindi ko na maintindihan, Emily," bulong ni Wendy, ang kanyang boses ay garalgal sa tindi ng internal conflict. "Is he in or not? Kanina, sinasabi mo na siya ang dahilan, na siya ang nagtulak sa iyo... pero ngayon, tila binabawi mo ang lahat. Sino
“It’s Helios. Ang lalaking iyon... that damn of a man made me commit this crime. Si Helios ang nagbukas ng lakas at tapang para sa akin.”Ang hangin sa loob ng silid-aklatan ay naging mabigat at nagsusumigaw ng kasalanan. Ang bawat dekorasyong ginto at pilak sa paligid nina Wendy at Emily ay tila naglalaho, naiwan silang dalawa sa gitna ng isang madilim na katotohanang ngayon lamang nabigyang-liwanag. Biglang kumapal ang katahimikan matapos banggitin ni Emily ang pangalang iyon.Si Wendy ay nanatiling nakatitig sa kanyang pinsan, ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa matinding kalituhan at gulat. Ang kaisipang ang lahat ng ginawa ni Emily sa nakaraan, ang pagdukot, ang panlilinlang, ang pagtatago ng isang buhay. Na ang unang inaakala niya pala ay mali dahil hindi lamang pala isang simpleng paghihiganti para sa kanya ang pagkuha nito sa anak ni Trixie. These all shocking surge of truths is making Wendy’s head ache. Wendy kept staring at her, tila umaasang babawiin nito ang huling sinab
“Ano... ano ang nangyari pagkatapos niyon? Pagkatapos mong makuha ang records?”“And…” patuloy ni Emily, kaswal na iniikot ang tasa ng tsaa sa pagitan ng mga daliri. “Huwag kang magkunwaring inosente. Alam mo kung gaano kalakas ang impluwensiya ng emosyon sa mga taong may konsensya. For Trixie’s medical record to be at my hands languidly… Hindi naging madali, pero alam mo kung paano ako magtrabaho.”Napabuntong hininga si Wendy. May parte sa kaniya na gustong sumigaw, manumbat, ngunit mas nangingibabaw ang pangangailangan niyang malaman ang lahat at hindi niya iyon makukuha kung ang kaniyang paiiralin ay ang init ng ulo niya. Naaala niya ring may ugaling ganoon nga pala ang pinsan niya so she didn't need any triggers for her to snap. “Fine,” sabi niya sa wakas. “And after… you successfully pulled her medical records?” ulit ni Wendy sa tanong na hindi pa rin nasasagot ni Emily. Huminto si Emily at lumingon sa malaking bintana, tila inaalala ang mga madidilim na gabi ng kanyang panini
“Sa dami ng Valderama sa mundo, isa nga ba iyon sa ka kilala ko.”“Kaya naman, tinanong ko ang kaibigan kong doktor. Is he the famous Sebastian Valderama?"Huminto si Emily at bahagyang ngumisi. "Natatawa pa nga noon ang kaibigan ko dahil bakit ko daw kilala ang isang Sebastian Valderama without knowing how deep his ties is with our family that time. She even teased me that time, na I’m still a sucker for good looking men daw, just like my high school version."Nanggigil si Wendy sa loob.Sebastian.Kahit sa kwento ng iba, bumabalik pa rin siya."Then what?" tanong niya, hindi na maitago ang impatience ni Wendy dahil tumigil na naman si Emily para uminom ng tsaa. Ang bawat patak ng oras para kay Wendy ay tila selyo sa isang lihim na matagal nang nakabaon kaya gusto na niyang masagot ang lahat ng tanong sa kaniyang isipan."Edi ayon," pagpapatuloy ni Emily matapos ang isang sipsip sa mainit pang tsaa. "I dodged her question and asked why Seb is taking her a visit. He is a man, if you







