Walang duda, magpinsan talaga si Emily at Wendy :) Wjat can you say about this chapter guys? COMMENT na po! GEMS na rin hehe. Thank you sooo much!🩷
"Kuya Helios." Malambing ang tinig ni Emily habang mabilis siyang lumapit sa bagong balik sa lamesa ng magkakaibigan. Nakasuot siya ng eleganteng pastel cocktail dress, ang buhok ay maingat na inayos sa malambot na alon. Halata ang kumpiyansa sa bawat hakbang, wari’y siya ang tunay na may-ari ng gabi. Ngunit kahit na ganoon, nanatiling malamig ang ekspresyon ni Helios. Tumango lamang siya, walang emosyon, saka iniwas ang tingin kay Emily. Emily’s smile faltered, ngunit pinilit niyang panatilihin ang composure. Sa isip niya, hindi lang siya basta bisita, isa siya sa mga nararapat sa piling ni Helios. Sa kabilang banda, abala si Sebastian sa paglinga sa paligid. Halatang may hinahanap. “May tumawag kay Wendy,” ani Precy, lumapit sa kanya. “Lumabas muna siya para sagutin ’yung tawag.” “I see,” sagot ni Sebastian. Hindi pa man natatapos ang kanilang pag-uusap, may bahagyang kaguluhan na sa di kalayuan. Sumabay ang pagsabog ng mga bulungan sa paligid, hudyat ng pagdating ng isa
"Ah, siya pala ang nobya ng binata mula sa pamilya Valderama," nakangiting sabi ni Maestro Eli habang pinagmamasdan sina Sebastian at Wendy. "Bagay na bagay sila." Magalang na tumugon si Wendy, bagama’t halatang sabik sa atensyon. “Sobrang papuri naman po ’yan, Maestro.” Ngumiti lang muli si Maestro Eli, saka lumingon kina Helios, Michael, at Angelo. “Kayo rin, dapat ay magmadali na rin kayo. Sebastian here is getting ahead of you guys.” Sakto namang dumating sina Ernest Mercado, kasama sina Trixie at Casper. Kaagad na napalingon ang ilan sa kanilang pagdating, lalo na ang mga hindi inaasahan ang presensya ni Trixie. Malapít na ngumiti si Ernest habang ipinakikilala si Casper. “Father, this is the youngest from the Yu family. His company, Astranexis, is doing exceptionally well. Ang kumpanya niyang Astranexis ay maganda ang takbo ngayon. Isa ito sa mga pangunahing tinututukan ng bansa para sa mga susunod na taon.” Napalingon si Helios kay Casper, ngunit agad ring ibinalik ang ting
Samantala, isa sa mga matalik na kaibigan ni Maestro Eli ay si Mr. Rodriguez, isang retiradong propesor ng matematika. Ngunit higit sa lahat, isa rin itong bihasang chess enthusiast. Bagamat wala siyang alam sa pagpipinta, dumating siya ngayong araw bilang pagsuporta sa kaibigan. Nang mapansin ni Maestro Eli na hindi niya ito gaanong naasikaso sa gitna ng kasiyahan, kinawayan niya si Angelo mula sa di kalayuan. “Ilabas mo nga ang tea table at chessboard. Bigyan natin ng masarap na tsaa si Rod.” Tumango si Angelo, “Opo, Maestro,” sabay paumanhin kina Trixie at Casper. “Pasensya na po muna, may iuutos lang si Maestro Eli.” Umalis ito upang asikasuhin ang mga inutos. Umupo si Maestro Eli at dinampot ang ilang piraso ng chess pieces. “Palagi mo na lang akong tinatalo,” biro niya habang nakangiti. “Baka puwedeng iba naman ang makalaro mo, Rod.” Tumingin si Mr. Rodriguez sa paligid, sinusuri ang mga panauhin. “Mukhang abala si Angelo, at wala naman akong kilalang iba rito na mahil
Lumapit si Mr. Rodriguez sa chessboard at maingat na kinuha ang queen piece.“What a move, Sebastian boy. You really sacrificed your queen, huh?” tanong niya, hawak-hawak pa rin ang piraso, para bang binubusisi ang kabuuang ideya ng laro.Sebastian gave a slight shrug, calm but unreadable. “I had no choice. It's just my survival instinct.”Sa sandaling iyon, pumait ang panlasa ni Trixie. Parang siya ang queen piece na iyon. Sa kaibuturan ng kaniyang isip, hindi niya naiwasang ikumpara ang sarili sa queen piece na isinakripisyo. Tila bumabalik-baliktad sa kanyang isipan ang mga desisyong ginawa ni Sebastian, hindi lang sa chess kundi sa buhay nilang dalawa.Was I ever more than a move to him?And just like that, she knew the answer.No.He didn’t protect the queen. He didn’t value the queen. He saw her as a piece to be removed.It suddenly made sense, ganito pala ang pananaw ni Sebastian. In order for him to win, to survive, he’d willingly sacrifice the queen. Willingly sacrifice her
Natigilan si Sebastian habang hawak pa rin ang piyesa ng bishop. Tila isang sandaling tumigil ang oras. Dahan-dahan siyang tumingala, ang mata’y dumako kay Trixie na nakatitig sa kanya, hindi para magpakita ng galit o sakit, kundi isang tahimik na hamon. Tulad ng isang queen na hindi natitinag kahit pinapalibutan ng mga kalaban. Si Helios, na kanina’y nakatuon sa usapan nila ni Mr. Rodriguez, ay agad napalingon sa eksenang iyon. Naputol ang paghinga niya nang makita kung sino ang tumayo sa harap ng chessboard. His eyes widened in disbelief. What is she doing? Hindi niya inaasahan na si Trixie mismo ang lalapit, hindi lang para manood, kundi upang humiling ng laro laban kay Sebastian, sa gitna ng ganitong pagtitipon. At higit pa sa pagkagulat ni Helios, kitang-kita ang mas matinding pagkabigla sa mga mukha ng pamilya Bolivar, ng mga Tolentino, at lalo na mi Wendy. “Seriously?” mahinang bulong ni Wendy sa sarili, pilit nilulunok ang init na umaakyat sa kanyang leeg. Kilala niya
Bahagyang napatigil si Trixie. Sa dami ng sugat na iniwan ng lalaking kaharap niya, sa gitna ng galit at alaala ng isang relasyong nawasak na, kakaibang determinasyong bumalot kay Trixie ng mga oras na iyon. Muli siyang umupo. Hindi si Trixie papayag na matapos ang gabing iyon nang hindi siya nakabawi. Hindi man niya aminin sa sarili, hindi lang ito tungkol sa laro, kundi sa damdaming pilit niyang ibinaon nang matagal. Sa kabilang panig naman ng silid, si Helios ay tahimik ngunit mariing nakatitig sa dalawang naglalaban. Pilit na pinipigilan ang sarili. Kung siya ang masusunod, matagal na niyang hinawakan ang kamay ni Trixie at inalis ito sa tabi ni Sebastian. Ngunit hindi iyon ang lugar para sa emosyon. Hindi pa sa ngayon. Napansin ni Maestro Eli ang biglaang katahimikan. Para mapawi ang tensyon, ngumiti siya at nagsalita. Ang tinig ay banayad, parang nais niyang ipaalala sa lahat na ito'y simpleng laro lamang. “Tahimik ang batang ito, pero nag-request pa ng isang chess g
Pagkatapos ng huling laro, lumapit si Casper at nagtanong, “Balik tayo at uminom muna?” “Okay,” tugon ni Trixie habang mahinang tumango, ang tinig niya’y kalmado, pero ang mga mata niya’y waring may iniisip pa. Nang makita ng mga matanda ang lapit ng samahan ng dalawa, bahagyang napahinto si Maestro Eli. “Masuwerte talaga ang bunso ng pamilyang Yu,” aniya habang pinagmamasdan ang dalawa. Tumango si Mr. Rodriguez. “Oo nga. Akala ko dati si Wendy ang magaling. Pero matapos ko silang panoorin pareho… iba pala si Trixie.” Hindi na nila kailangang sabihin pa. Ang galing ni Trixie ay hindi lang umaangat sa chessboard, kundi pati na rin sa tindig at galaw nito. Akala nila noon, si Wendy na ang pinakamagaling. Pero matapos ang dalawang laban ni Trixie, malinaw na nabago ang kanilang opinyon. Walang bahid ng duda—ibang-iba ang antas ng diskarte, katahimikan, at kumpiyansa ni Trixie. Matalino siya, malinaw tumingin, at halatang may disente at maayos na pinanggalingan. “Bagay sila,
Lingid sa kanilang kaalaman, may dalawang tao ang halos magpambuno na sa garden area. Mabigat ang katahimikan nang iwan ni Helios ang chessboard. Alam niyang may paparating. At hindi siya nagkamali. Ilang hakbang pa lang siyang nakakalayo, narinig na niya ang mga yabag na sumusunod sa kaniya, at si Sebastian iyon “You’re close to her now. I see,” ani Sebastian, diretsong wika nito, wala nang paligoy-ligoy pa. Nag-angat ng tingin si Helios sa kaibigan. Acting innocently he asked him, “Who?” “You know who.” Napalalim ang buntong-hininga ni Sebastian, “You were watching her the whole time. You don’t even hide it.” May diin sa tono nito. Helios chuckled softly, pero may kabigatan sa tinig niya. “Are you asking as a friend… or as her soon to be ex-husband?” Hindi agad sumagot si Sebastian. “What is it, Seb?” tanong ni Helios, seryoso na rin. “You’ve been acting weird since earlier. You left her, you’re divorcing her, but now you can’t even stand seeing me look at her?” “Be
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”
Pagkauwi nina Trixie at Lola Angelina mula sa ospital, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin mula sa hardin. Maaliwalas ang gabi ngunit tila ba may bigat sa dibdib ni Trixie. Tahimik lamang siya habang binubuksan ng kasambahay ang gate para sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, diretsong nagtungo si Lola Angelina sa living room. Umupo siya sa paborito niyang upuang kahoy na may malalambot na unan. Tahimik din si Trixie nang sundan ito at maupo sa tapat niya, habang inilalapag ng maid ang sabaw na kanilang binanggit kanina pa sa ospital.“Masarap ‘to, Lola,” mahina niyang sabi, habang inilalagay ang mangkok sa tray ni Lola Angelina.“Hmm,” sagot ng matanda, sabay tingin sa kanya. “Napansin ko, hindi ka halos nagsalita sa ospital. Maliban sa Gongfu tea mo, tahimik kang parang may malalim na iniisip.”Sandaling natahimik si Trixie. Hawak niya ang tasa ng tsaa, ngunit hindi niya ito ininom agad.“I just didn’t want to make a scene, Lola,” bulong niya. “Especially not wi
Kinabukasan, nagkulong sa kani-kanilang kwarto sina Luna at Venus para mag-focus sa kanilang mga schoolwork. Tahimik ang buong bahay, isang uri ng katahimikan na bihirang maramdaman sa isang bahay na puno ng emosyon at alaala. Totoo ang sinabi ni Xyza kagabi, tahimik lamang siyang nananatili sa ibaba, madalas ay nakaupo lang sa tabi ni Trixie habang ito’y abala sa kaniyang laptop. Hindi ito nagtatanong, ni hindi rin nagkukuwento, ngunit ramdam ni Trixie ang mga titig ng anak, tila hinihintay ang bawat kumpas niya, bawat senyas kung kailan siya maaaring kumausap. Doon dumating ang mensahe ni Sebastian. Maikling paalala lamang ito. [“I’ll be sending a car for Xyza later. Let her know, please.”] Hindi siya sinagot ni Trixie. Ilang segundo pa lang ang lumipas, tumunog ang cellphone ni Xyza. “Si Daddy po ang tumatawag,” masiglang sabi ng bata. Tumango lang si Trixie at walang emosyon na sinabi, “Hmm.” Hindi niya alam kung ano ang eksaktong sinabi ni Sebastian sa tawag, pero pag
Nang makita nina Mateo at Precy na sabay na dumating sina Sebastian at Wendy sa salubong, agad silang napangiti, tila ba nakahanap na rin ng balanse ang magulong kabanata ng relasyon ng dalawa na naririnig nila nitong mga nakaraan. Tahimik na naupo si Wendy sa tabi ng kanyang tiyahin, si Mildred, na agad namang sumulyap sa paligid bago lumapit sa kanyang tenga. “Wendy,” bulong niya, “sabi ng tiyuhin mo, ibibigay daw ni Sebastian sa pamilya Salvador ang isa sa mga proyekto ng Valderama Group.” Bahagyang ngumiti si Wendy, kalmado at kumpiyansa. “I already know.” Napakunot-noo si Mildred, halatang balisa. “Narinig ko rin... nitong dalawa o tatlong araw matapos maaksidente si Thallia Valderama, madalas daw mag-usap sina Sebastian at Trixie. Kahapon lang, may nakakita pa kay Sebastian na kumakain kasama ang matandang ginang ng pamilya Salvador. Don’t you think... baka nagkakabalikan na sila?” Hindi nagbago ang tono ni Wendy. Walang bahid ng emosyon ang kanyang boses, ngunit kapansin-p
“Hindi pa,” maikling tugon ni Sebastian, malamig ang tinig ngunit tila may bahid ng pag-aalinlangan. Saglit siyang natigilan, at sa pananhimik nila, tila may gustong siyang sabihin ngunit pinipigilan. Muli siyang nagsalita, mababa ang boses at diretso ang tingin kay Trixie. “If you need money, I’ll wire it to your account.” Saglit na tiningnan ni Trixie ang lalaking minsang naging sentro ng kanyang mundo. Gusto na sana niyang huwag patulan, gusto na sana niyang balewalain, ngunit gaya ng dati, si Sebastian ay laging may paraan para sirain ang mga pader na itinayo niya. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang malakas na tinig ng kanyang anak. “Mommy! Halika na po!” Napalingon si Trixie. Si Xyza ay nakatayo ilang hakbang ang layo, nakangiti at kumakaway sa kaniya, tila walang kamalay-malay sa bigat ng tensyon sa pagitan ng kanyang mga magulang. Hindi na nagsalita pa si Trixie. Tahimik siyang lumingon kay Sebastian, pinanindigan ang kanyang katahi