Thank you so much for reading. 𓍯𓂃𓏧♡
Pagkatapos ng huling laro, lumapit si Casper at nagtanong, “Balik tayo at uminom muna?” “Okay,” tugon ni Trixie habang mahinang tumango, ang tinig niya’y kalmado, pero ang mga mata niya’y waring may iniisip pa. Nang makita ng mga matanda ang lapit ng samahan ng dalawa, bahagyang napahinto si Maestro Eli. “Masuwerte talaga ang bunso ng pamilyang Yu,” aniya habang pinagmamasdan ang dalawa. Tumango si Mr. Rodriguez. “Oo nga. Akala ko dati si Wendy ang magaling. Pero matapos ko silang panoorin pareho… iba pala si Trixie.” Hindi na nila kailangang sabihin pa. Ang galing ni Trixie ay hindi lang umaangat sa chessboard, kundi pati na rin sa tindig at galaw nito. Akala nila noon, si Wendy na ang pinakamagaling. Pero matapos ang dalawang laban ni Trixie, malinaw na nabago ang kanilang opinyon. Walang bahid ng duda—ibang-iba ang antas ng diskarte, katahimikan, at kumpiyansa ni Trixie. Matalino siya, malinaw tumingin, at halatang may disente at maayos na pinanggalingan. “Bagay sila,
Lingid sa kanilang kaalaman, may dalawang tao ang halos magpambuno na sa garden area. Mabigat ang katahimikan nang iwan ni Helios ang chessboard. Alam niyang may paparating. At hindi siya nagkamali. Ilang hakbang pa lang siyang nakakalayo, narinig na niya ang mga yabag na sumusunod sa kaniya, at si Sebastian iyon “You’re close to her now. I see,” ani Sebastian, diretsong wika nito, wala nang paligoy-ligoy pa. Nag-angat ng tingin si Helios sa kaibigan. Acting innocently he asked him, “Who?” “You know who.” Napalalim ang buntong-hininga ni Sebastian, “You were watching her the whole time. You don’t even hide it.” May diin sa tono nito. Helios chuckled softly, pero may kabigatan sa tinig niya. “Are you asking as a friend… or as her soon to be ex-husband?” Hindi agad sumagot si Sebastian. “What is it, Seb?” tanong ni Helios, seryoso na rin. “You’ve been acting weird since earlier. You left her, you’re divorcing her, but now you can’t even stand seeing me look at her?” “Be
Tulad ng dati, maaga pa lang ay pumasok na sina Trixie at Casper sa Astranexis. Umuusbong na ang pinakabagong proyekto ng kumpanya, isang matapang na hakbang para sa expansion ng kanilang tech development arm. Dahil dito, wala halos pahinga ang buong executive team. Sa araw-araw na pagpasok, sabay-sabay nilang hinaharap ang tambak na trabaho, mga tawag, at back-to-back na meetings. Hindi man sila nagrereklamo, kita sa mga mata nila ang pagod na sinisikap itago ng propesyonal na anyo. Sa gitna ng kaguluhan ng opisina isang hapon, napansin ni Trixie ang Christmas decor sa mesa niya, at pati na rin sa loob ng department nilang iyon. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ito. “Pasko na ba agad? Ang bilis naman,” wika niya, medyo nagbibiro. “True! Ang saya-saya na sa labas. Balak ko ngang gumimik mamaya kasama ‘yung tropa ko. Ikaw, Ma’am Trixie, may lakad ka ba?” tanong ng isa sa mga empleyado, habang nag-aayos ng gamit niya. Ngumiti lang si Trixie. “None for today. Maybe just go
Gusto sanang panoorin ni Trixie ang fireworks. Ang gandang backdrop sana ng gabing ito para sa simpleng aliw at pahinga. Ngunit ngayon… para bang biglang nawala ang gana niya. Napangiti na lang siya, ngiting walang tuwa. “Sige,” tugon niya nang alukin siya ni Angelo na lumipat sa mas magandang puwesto para mas mapanood nila ang palabas. Sumama siya sa agos ng mga tao. Habang naglalakad, ilang grupo ang abalang-abala sa pagkukuha ng larawan, bumubulong ng kani-kanilang kahilingan habang tumataas ang bawat paputok sa langit. Napansin ni Angelo na si Trixie ay tahimik lang, hindi sumasabay sa sigla ng paligid. “Gusto mo bang kunan kita ng video?” tanong nito, sabay lingon sa kanya. Umiling si Trixie. “‘Wag na. I’d rather just enjoy it with my eyes.” Ngumiti si Angelo at hindi na muling nagtanong. Sa halip, tahimik siyang nanood sa tabi ni Trixie, ramdam ang kakaibang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sa kabilang bahagi ng venue, napatingin si Wendy sa paligid… at saglit na na
Ilang minuto pa, natapos na rin sa wakas ang fireworks show. Masiglang naghiyawan ang mga tao, ang ilan ay nagsimula nang kumilos paalis sa open area ng mall. Naglakad na rin si Trixie palayo, tangan sa isang kamay ang cotton candy, habang ang isa naman ay nakapatong sa kanyang balikat ang sling bag bag.“Thank you sa pagdala sa ‘kin dito para mapanood ang fireworks. Salamat din sa cotton candy,” aniya kay Angelo, na tahimik lamang na nakatayo sa tabi niya.“Uuwi ka na ba?” tanong ni Angelo, bagamat tila ayaw pa nitong matapos ang gabing iyon.“Yeah. I’ll just drop by a shop to get some artificial plants. Then I’ll head home.”Hindi na siya pinilit ni Angelo. Marahil ay sanay na rin itong hindi humiling ng sobra.“Sige.”“Bye,” sabi ni Trixie.“Bye.”Tahimik siyang nilingon ni Angelo habang lumalakad si Trixie palayo, at nang tuluyan na itong nawala sa paningin niya, siya naman ang naglakad papunta sa parking lot. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang isang pamilyar na boses
Agad niyang naalala ang eksena kung paano sila napunta sa coffee shop na iyon. Habang naglalakad sila palabas ng event venue kung saan napanood ang firework display, hindi mapakali si Wendy. Palihim niyang pinagmamasdan si Sebastian na kanina pa tahimik, halatang may bumabagabag sa isip nito. ‘She was there,’ bulong niya sa sarili. ‘Trixie was there. And he saw her… with Angelo.’ Bumigat ang hangin sa pagitan nila, at kahit walang sinasabi si Sebastian, ramdam na ramdam niya ang tensyon. Nakasuksok ang kamay nito sa bulsa ng slacks habang tila nawawala sa sarili. Hindi man diretsahang nagsalita, sapat na para kay Wendy ang biglaang pagbago ng mood nito. Alam niyang ito na ang pagkakataon. Kabisado na niya si Sebastian, ang mga kahinaan nito, ang mga pag-pipigil na hindi nito kayang panindigan kapag siya na ang kausap. Umarte siya. Lumapit ng bahagya, sabay marahang humawak sa braso ni Sebastian. “Hey,” aniya, malambing ang boses. “Ang tahimik mo.” Sebastian blinked and look
Bago pa man tuluyang makalayo, lumapit muna si Sebastian kay Michael. “Aalis na kayo?” tanong ni Michael, sabay silip sa labas ng coffee shop kung saan bahagya nang lumalabo ang langit sa dami ng sasakyang dumaraan. “Yes,” tugon ni Sebastian, malamig ngunit magalang ang tinig. “See you next time.” Hindi na nagtagal pa. Tahimik siyang lumakad palayo, naiwan sa ere ang aninong tila may bigat, mabigat na hindi na kailangang sambitin pa. Pero hindi nakaligtas sa mata ni Michael na nanatili pa sa loob si Wendy, kasama si Xyza na nakaupo’t masinsinang naglalaro sa isang stuffed toy na dala nito. Bahagyang umiling si Michael at lumapit sa kanila. “Why haven’t you left yet?” tanong niya, bagama’t magaan ang tono, may bahid ng pagtataka. Ngumiti si Wendy, halos inosente. “Seb went to the underground parking. He’s getting the car.” Napatingin si Michael sa labas. Malapit lang naman ang kalsada, pero alam niyang malawak ang basement parking ng gusaling iyon. Kung si Sebastian pa ang
Narating nina Sebastian at Xyza ang villa nang halos sabay rin ang pag-vibrate ng cellphone ni Sebastian. Kaagad niya itong kinuha at sinagot, habang inaabot pa lamang ng hangin ang laylayan ng kanyang coat na isinampay niya kanina sa isang upuan. Tahimik ang paligid, ngunit ang tensyon sa boses ni Sebastian ay agad nagbigay ng hudyat na hindi maganda ang balita. Pagkababa ng tawag, muling isinuot ni Sebastian ang coat, at saka bumaling kay Xyza na paakyat na sana sa hagdan. Napalingon ang bata, kita sa kanyang mga mata ang pagod mula sa biyahe, ngunit bumagal ang hakbang nang marinig ang malungkot na tinig ng kanyang ama. "Naaksidente ang lola mo. She slipped and hit her hip. She's in the hospital now. I have to go." Maingat ang pagkakasabi ni Sebastian, ngunit dama ang pagmamadali sa kanyang tono. Nag-aalala ang mukha ni Xyza habang bumaba muli sa hagdan. "Gusto ko rin pong makita si Lola..." "May pasok ka pa bukas. After school, you can go visit her." Saglit na natigilan
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo
“Trixie—” “No. I’ll handle this.” “I’ll go with you.” “Hindi na. Kaya kong mag-isa ito.” “Trixie, you’re not in the right state of mind. I don’t want you driving like this.” “I said I’m—” “I insist,” putol ni Helios, matigas ang boses. “If anything happens to you, I’ll never forgive myself.” Napatitig si Trixie sa kanya, ang mga mata’y punong-puno ng galit, sakit, at pagod. Parang gusto niyang sumigaw, gusto niyang itulak ang lahat ng nagpapabigat sa kanya. Pero sa harap ni Helios, wala siyang lakas. Wala siyang ibang kayang gawin kundi tumango. Sa loob ng sasakyan, walang nagsasalita. Tahimik si Helios habang minamaneho ang kotse. Sa kanyang peripheral vision, ramdam niya ang tensyon kay Trixie. Nanginginig ang balikat nito, hindi sa takot, kundi sa galit na pilit niyang kinikimkim. “Breathe, Trix,” bulong ni Helios, halos parang dasal. “Please, just breathe.” Napapikit si Trixie. Hindi siya umiiyak. Hindi siya kailanman iiyak sa harap ng kahit sinong hind
Tahimik ang silid nang mga sandaling iyon, tanging mahinang hilik ni Xyza ang maririnig habang nakahiga sa kama ni Yanyan. Magkatabi ang dalawang bata matapos mapagod sa maghapong pagtawa, pagtakbo, at walang katapusang kwentuhan habang naglalaro ng mga manika at doll house. Sa liwanag ng maliit na lamp shade sa tabi ng kama, masusing tinitigan ni Helios ang batang walang kamuwang-muwang sa bigat ng kanyang mga sinabi. Masuyo niyang hinaplos ang noo ni Xyza, hindi upang gisingin ito, kundi upang damhin ang sakit na hindi masabi sa salita. Parang may pumiga sa kaniyang puso sa hindi niya inakalang kailanman ay maririnig mula sa isang batang musmos na gaya nito. He's exposed to violence but not to this extent involving a child's innocence. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga salitang binitiwan ng bata ilang oras lang ang nakalilipas. “Tita mommy also told me po that mommy’s too selfish. Na mommy doesn't really love me, she just wants me to be her trophy. Kas
Pinayagan ni Sebastian si Xyza na manatili muna sa bahay ni Helios habang abala si Trixie sa sunod-sunod na commitments sa opisina. Isa pa, siya mismo’y kailangang dumalaw nang madalas sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Lola Thalia. Wala rin si Trixie sa loob ng ilang araw dahil sa mahalagang business conference sa Cebu. Sa ganitong pagkakataon, si Helios ang pumalit pansamantala sa pagiging tagapag-alaga ng bata. Masaya ang dalawa, si Xyza at Yanyan, habang naglalaro ng bahay-bahayan sa malawak na sala ni Helios. Nakalatag ang mga manika at miniature furniture sa carpeted floor habang pareho silang nakaupo nang pabilog. “Do you have isa pang mommy doll diyan?” tanong ni Xyza, seryoso ang mukha habang maingat na sinusuklay ang buhok ng hawak niyang manika. “Kulang kasi ang family members natin.” “Huh?” tugon ni Yanyan, habang inaayos ang isang mini-dining table. “Kumpleto naman, ah. May mommy ka nang hawak, may daddy, tapos may baby. Ano pa ang missing here?”
Pagkauwi nina Trixie at Lola Angelina mula sa ospital, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin mula sa hardin. Maaliwalas ang gabi ngunit tila ba may bigat sa dibdib ni Trixie. Tahimik lamang siya habang binubuksan ng kasambahay ang gate para sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, diretsong nagtungo si Lola Angelina sa living room. Umupo siya sa paborito niyang upuang kahoy na may malalambot na unan. Tahimik din si Trixie nang sundan ito at maupo sa tapat niya, habang inilalapag ng maid ang sabaw na kanilang binanggit kanina pa sa ospital.“Masarap ‘to, Lola,” mahina niyang sabi, habang inilalagay ang mangkok sa tray ni Lola Angelina.“Hmm,” sagot ng matanda, sabay tingin sa kanya. “Napansin ko, hindi ka halos nagsalita sa ospital. Maliban sa Gongfu tea mo, tahimik kang parang may malalim na iniisip.”Sandaling natahimik si Trixie. Hawak niya ang tasa ng tsaa, ngunit hindi niya ito ininom agad.“I just didn’t want to make a scene, Lola,” bulong niya. “Especially not wi
Kinabukasan, nagkulong sa kani-kanilang kwarto sina Luna at Venus para mag-focus sa kanilang mga schoolwork. Tahimik ang buong bahay, isang uri ng katahimikan na bihirang maramdaman sa isang bahay na puno ng emosyon at alaala. Totoo ang sinabi ni Xyza kagabi, tahimik lamang siyang nananatili sa ibaba, madalas ay nakaupo lang sa tabi ni Trixie habang ito’y abala sa kaniyang laptop. Hindi ito nagtatanong, ni hindi rin nagkukuwento, ngunit ramdam ni Trixie ang mga titig ng anak, tila hinihintay ang bawat kumpas niya, bawat senyas kung kailan siya maaaring kumausap. Doon dumating ang mensahe ni Sebastian. Maikling paalala lamang ito. [“I’ll be sending a car for Xyza later. Let her know, please.”] Hindi siya sinagot ni Trixie. Ilang segundo pa lang ang lumipas, tumunog ang cellphone ni Xyza. “Si Daddy po ang tumatawag,” masiglang sabi ng bata. Tumango lang si Trixie at walang emosyon na sinabi, “Hmm.” Hindi niya alam kung ano ang eksaktong sinabi ni Sebastian sa tawag, pero pag
Nang makita nina Mateo at Precy na sabay na dumating sina Sebastian at Wendy sa salubong, agad silang napangiti, tila ba nakahanap na rin ng balanse ang magulong kabanata ng relasyon ng dalawa na naririnig nila nitong mga nakaraan. Tahimik na naupo si Wendy sa tabi ng kanyang tiyahin, si Mildred, na agad namang sumulyap sa paligid bago lumapit sa kanyang tenga. “Wendy,” bulong niya, “sabi ng tiyuhin mo, ibibigay daw ni Sebastian sa pamilya Salvador ang isa sa mga proyekto ng Valderama Group.” Bahagyang ngumiti si Wendy, kalmado at kumpiyansa. “I already know.” Napakunot-noo si Mildred, halatang balisa. “Narinig ko rin... nitong dalawa o tatlong araw matapos maaksidente si Thallia Valderama, madalas daw mag-usap sina Sebastian at Trixie. Kahapon lang, may nakakita pa kay Sebastian na kumakain kasama ang matandang ginang ng pamilya Salvador. Don’t you think... baka nagkakabalikan na sila?” Hindi nagbago ang tono ni Wendy. Walang bahid ng emosyon ang kanyang boses, ngunit kapansin-p
“Hindi pa,” maikling tugon ni Sebastian, malamig ang tinig ngunit tila may bahid ng pag-aalinlangan. Saglit siyang natigilan, at sa pananhimik nila, tila may gustong siyang sabihin ngunit pinipigilan. Muli siyang nagsalita, mababa ang boses at diretso ang tingin kay Trixie. “If you need money, I’ll wire it to your account.” Saglit na tiningnan ni Trixie ang lalaking minsang naging sentro ng kanyang mundo. Gusto na sana niyang huwag patulan, gusto na sana niyang balewalain, ngunit gaya ng dati, si Sebastian ay laging may paraan para sirain ang mga pader na itinayo niya. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang malakas na tinig ng kanyang anak. “Mommy! Halika na po!” Napalingon si Trixie. Si Xyza ay nakatayo ilang hakbang ang layo, nakangiti at kumakaway sa kaniya, tila walang kamalay-malay sa bigat ng tensyon sa pagitan ng kanyang mga magulang. Hindi na nagsalita pa si Trixie. Tahimik siyang lumingon kay Sebastian, pinanindigan ang kanyang katahi