Nang sumunod na dalawang araw ay hindi umuwi si Shaun. Kung alam niya lang sana’y kinuha niya na ang pagkakataon para tumakas.Nalaman niya na lang na nagkaroon pala ito nang business trip sa ibang lugar nang umuwi ito bitbit ang mga pasalubong sa kambal. Hindi pa man sila nag-iisang buwan sa mansyon ay parang mapupuno na ang kabuuan nito ng mga laruan at iba’t-ibang gamit ng mga bata.“Huwag mo sanang masyadong sanayin si Sean at Kean na sa tuwing uuwi ka ay may pasalubong sila,” saway niya dito matapos umakyat ng mga bata sa kwarto upang matulog.Naiwan sila sa sala. May mga dala ito’ng pagkain na mula pa sa lugar na binisita nito para sa negosyo. Niligpit na iyon ni Manang Alice sa kusina habang siya naman ay nililigpit ang mga laruan ng kambal.“Wala naman problema kung masanay sila.”Umirap siya sa pangongontra na naman nito sa sinabi niya. Kailan kaya ito sasang-ayun sa ina ng mga batang in-spoil nito?“Here.” Inabot nito sa kan’ya ang isang paper bag.Umupo siya sa sofa sa hara
“Kape ko?” tanong ni Shaun sa kan’ya nang akma na sana s’yang uupo sa gitna ng dalawang bata sa hapag kainan.Napataas ang dalawang kilay niya sa tanong nito. Kakagising niya pa lang. Hindi man lang nga ito bumati ng magandang umaga ay humihingi na ng kape sa kan’ya.“Ako na po sir ang magtitimpla,” ani Manang Alice na ikinangiti niya.Pagbaba nilang mag-iina ay nasa hapag na ang lalaki, hindi man lang nagpatimpla na sa katulong, talagang hinintay pa s’ya. Nananadya talaga.“No manang. Gusto ko ‘yong timpla ni Cianne,” anito na hindi inaalis ang tingin sa kan’ya.Napawi ang kan’yang ngiti at sinalubong ang tingin nito. Nagpapatagisan sila ng tingin na para ba’ng doon nakasalalay kung sino ang babawi ng utos o hindi susunod.Unang bumawi ng tingin si Shaun. Akala niya at tagumpay na s’ya ngunit itinuon nito ang tingin sa dalawang bata na pinagmamasdan pala sila.Pumasok sa kan’yang isipan ang naging usapan nila kahapon. Hindi sila pwedeng magtalo sa harap ng bata. Napagkasunduan nila n
“Patawarin mo ako.”Humihikbing ipinatong ni Cianne ang bulaklak na Chrysanthemum sa ibabaw ng lapida at nanginginig na sinindihan ang kandila. Mula sa pagluhod ay umupo siya at hinaplos ang pangalan na nakaukit doon.Higit apat na taon na ang nakaraan, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang puntod. ‘Ni hindi niya nagawang pumunta sa libing upang kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang mukha nito. Gayunpaman, malinaw pa din sa isipan niya ang itsura nito.Inalis niya ang ilang tuyong dahon na kumalat sa ibabaw ng lapida. Sa kabila nito, ang puntod pa din na iyon ang pinakamalinis, halatang tila madalas na mayroong dumadalaw. Dahil sa isiping iyon ay tumayo na siya kahit hindi pa umiinit ang damong inuupuan n’ya. Pinagpagan n’ya ang suot na jeans at inayos ang balabal na tumatakip sa kan’yang ulo. Nagkubli sa likod ng itim n’yang salamin ang namamagang mga mata, na ang luha ay hinayaan n’yang matuyo ng hangin.Sumakay siya sa kotse at dali-daling
Mariin na pinikit ni Shaun ang mga mata at sinandal ang ulo sa sofa. Kakababa niya lang ng tawag mula sa Pilipinas. Kagaya nang nakaraang linggo ay pinapauwi na siya ng kan’yang lolo.Dalawang taon na ang nakalipas nang makapagtapos siya ng business course. Dapat ay uuwi na siya ngunit nagsinungaling siya sa ama at lolo, at sinabing kailangan n’ya pa’ng hasain ang kaalaman sa paghawak ng negosyo sa pamamagitan nang pamamasukan sa mga kilalang kompanya sa bansa kung nasaan s’ya.Iyon ay isang kasinungalingan, dahil ang totoo ay nabigyan siya ng pagkakataon na aralin ang kursong culinary na siyang tunay niyang ninanais.Dumilat siya nang marinig ang pagtunog ng oven, hudyat na luto na ang lasagna na ginawa n’ya. Lumapit siya dito at kinuha ang putaheng pinag-eksperimentuhan n’yang lagyan ng ibang sangkap.Bata pa lang nais n’ya nang maging sikat na chef. Paano ba naman kasi ay lumaki siyang tumutulong sa ina sa pagluluto ng ulam na ibinibenta nila sa kanilang lugar. Iyon ang tumustos sa
Napairap na lang sa hangin si Cianne nang sa muli ay maabutang bukas ang apartment ng matalik na kaibigan na si Shaun. Ilang ulit niya na ito’ng pinagsabihan ngunit palagi naman nakakaligtaan.Apat na taon na simula nang magkakilala sila sa isang cookware store. Naalala niya pa kung paano sila nag-agawan sa natitirang set ng cookingware na disenyo ng paborito nilang sikat na chef. Nilutas nila ang problema sa pamamagitan ng paghahati ng bayad at pag-jack n’ poy kung sino ang unang gagamit. Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses sila magkita para lang iabot ang cookingware sa kung sino ang sunod na gagamit. Huli na nang malaman nila na marami pa’ng stocks sa katabing store ng binilhan nila.Natatawa pa rin si Cianne kapag naaalala iyon.Bitbit ang paper bag na naglalaman ng kahon ng brownies, na ginawa n’ya, ay pinapasok n’ya ang sarili sa apartment ng kaibigan.Pinilit niya ito’ng magluto ng dinner para sa kan’ya bilang padespidida. Tapos na kasi siya sa culinary course na kinuha ap
Kinabukasan, nasa mga kamay na ni Cianne ang katibayan na kasal na nga sila ng apo ni Don Felipe. Hindi n’ya alam kung ano’ng ginawa ni Matt, ngunit mukhang marami ito’ng koneksyon upang maiparehistro nang ganoon kabilis ang marriage certificate at maiatras ang petsa nito sa dalawang taon.“Kasal na tayo! Este kami ni Matt, na nagpapanggap na ikaw.” Hindi niya alam kung ngingiti ba siya habang ikinukwento kay Shaun ang mga nangyari kahit isang araw pa lang sila sa Pilipinas.Sa pag-aari ni Shaun na two-storey residential house sa isang kilalang subdivision nila napagpasyahan ni Matt na manirahan. May kalayuan iyon sa mansyon, kaya kahit papaano ay makakapagpahinga sila sa pagpapanggap.Ilang segundo din na hindi nagsalita si Shaun. Kumaway pa si Cianne sa screen ng cellphone upang masiguro na hindi humina ang signal nito.“Is that okay with you?” Nahimigan n’ya ang pag-aalala sa boses nito.Sandali siyang natahimik. Sa tuwing makukuha niya ang gusto ay sumasaya s’ya. Gusto n’ya si Mat
Malakas ang tambol ng dibdib ni Cianne nang kunin niya mula sa bulsa ng kan’yang maong shorts ang cellphone. Kailangan n’yang ipaalam kay Shaun ang nadiskubreng limpak-limpak na pera sa kwarto ni Matt. Sa kapal at dami ng bugkos na isang libong pera alam n’yang aabot iyon ng ilang milyon. Wala s’yang ideya kung saan nanggaling iyon, pero sigurado s’yang imposibleng makaipon nang ganoon kalaking halaga ang lalaki sa maikling panahon.“Bakit ka ba nakikialam sa kwarto ko?” sigaw sa kan’ya ni Matt. Nakapagbihis na ito.Lumabas ito ng banyo kanina nang marinig ang pagbagsak ng bag na naglalaman ng pera mula sa cabinet. Doon pa lang ay tinaasan na s’ya ng boses kaya dali-dali siyang nagtungo sa salas.“Bakit may ganoon ka kalaking pera? Saan ‘yon nanggaling?” Kailangan n’ya nang sagot. Magkasabwat sila sa pagsisinungaling, nararapat lamang na malaman n’ya ang bawat ginagawa nito.“Hindi na para malaman mo ‘yon,” malamig nitong sagot.Hinigit n’ya ito sa braso nang akmang tatalikod na ito.
Maaga pa pero hard drinks na ang in-order ni Cianne sa bartender. Nakaupo siya sa bar counter at pinagmamasdan na gawin ang inumin n’ya.Siya ang bunso sa tatlong babaeng anak ni Carlito at Antonia Cuervas. Spoiled Brat kung tawagin ng kan’yang mga kapatid. Paano ba naman kasi ay wala siyang gusto na hindi nakukuha. Pinagbibigyan siya ng ama sa lahat ng luho magmula sa mga gamit hanggang sa pag-aaral sa ibang bansa, kaya ‘ni minsan ay hindi sumagi sa isip n’ya na unti-unti na palang humihina ang kanilang negosyo.Inisang lagok n’ya ang inumin at humingi pa ng isang shot.Wala s’yang alam sa pagpapatakbo ng family business nila. Wala siyang alam bukod sa pagluluto at pag-imbento ng mga bagong putahe. Ang bagay na iyon ang isa sa nagpapasama ng loob n’ya. Wala man lang s’yang magawa upang tulungan ang pamilya. Wala man lang s’yang magawa para makabawi sa ama.Pinahid n’ya ang luha na walang tigil sa pagdaloy sa kan’yang mga mata.Puro lang siya saya noong kabataan kaya siguro siya pinap