Mahirap kontrolin ang galit. Iyon ang naramdaman ni Shaun sa mga lalaking kumitil sa buhay ng kan’yang kakambal. Kaya nang mahuli n’ya ang mga ito ay wala s’yang naramdaman ‘ni katiting na awa at sa halip ay walang habas ito’ng pinahirapan hanggang sa mawalan ng hininga.Subalit, pagdating kay Cianne ay nahihirapan s’yang panatilihin ang matinding galit dito. Hindi ganoon ang inaasahan n’ya. Akala niya ay hindi siya mahihirapan dito, ngunit kahit wala ito’ng ginagawa ay tila unti-unti nitong napapahupa ang galit sa puso n’ya.Masama pa din naman ang kan’yang loob at kailanman ay hindi na iyon mawawala ngunit hindi iyon sapat para isagawa n’ya ang planong pagpapahirap dito.Pinatay niya ang shower at nakatapis na lumabas ng banyo. Sa unang palapag s’ya gumamit ng banyo upang mas mabantayan ang babae kaya dinig na dinig n’ya ang pagkalampag nito ng pinto.Tamad siyang naglakad patungo doon at binuksan.Tumambad sa kan’ya si Cianne na magkahawak pa ang dalawang kamay sa harapan, animo’y
Komportableng buhay ang kinalakihan ni Cianne. ‘Ni minsan ay hindi n’ya naranasan ang hirap dahil lahat ng pangangailangan at luho ay walang pag-aalangan na binigay ng kan’yang magulang. Kaya nang mabalitaan n’ya ang pagbagsak ng negosyo ng kanilang pamilya ay sinikap n’yang gumawa ng paraan para lang hindi sila makaranas ng hirap.Subalit, hindi niya inaasahan na kahit anong yaman n’ya ay makakaranas pa din s’ya ng pasakit sa buhay.Mabigat na ang kan’yang mga mata at sumasakit na din ang kan’yang ulo, pero hindi niya magawang matulog. Bukod sa hindi s’ya kampante sa lugar ay hindi rin komportableng humiga sa malamig na sahig. Wala man lang kasing ibinigay na kumot o unan si Shaun.Sumandal s’ya sa pader at pumikit. Maya pa’y unti-unti niya nang nararamdaman ang pagdausdos ng likod. Napaayos siya ng upo kahit nilalamon na ng antok ang kan’yang sistema. Sa huli ay hinayaan n’ya na lamang ang katawan na mahiga sa malamig na sahig. Niyakap n’ya ang tuhod para kahit papaano’y maibsan ang
Masama man hilingin ngunit minsan ay ninais niyang magkaroon ng amnesia, iyong tipong makakalimutan niya ang pagkakamaling nagawa sa nakaraan, para may balido s’yang sagot sa tanong kung bakit bigla s’yang naglaho.Umawang ang labi ni Cianne nang mapanood ng buo ang cctv footage.“Now tell me na walang basehan ang paratang ko sa’yo. It was not a baseless accusation, Cianne. This is the truth. You’re the reason why Matt suffered and got killed.” Nangangalit ang mukha nito, subalit hindi s’ya nagpatinag.“Hindi ko alam na pera iyon ni Matt. Wala ako’ng ideya na sa kan’ya iyon. Sinunod ko lang ang sinabi ni Don Felipe na kunin ang itim na bag sa lumang gusali na ‘yan bilang kapalit ng paglayo ko.”Sa katunayan ay nabigla s’yang makita na si Matt ang naglagay ng duffle bag sa lugar na iyon.Nagkaroon ng kalinawan sa isip n’ya kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kan’ya ni Matt. Kung bakit iniisip nitong s’ya ang puno’t dulo ng pagkamatay ng kakambal. Gayunpaman, hindi niya alam. Inosen
Pareho man ang pisikal na anyo ni Matt at Shaun, ay magkaibang-magkaiba naman ang kanilang ugali. Siya ang tinuturing na mabait samantalang si Matt naman ang pasaway. Gayunpaman, pareho silang naging mabuting anak sa ina.Alam ni Shaun ang laki ng pinagbago n’ya. Wala na ang mga araw na susunod siya sa kung ano ang nararapat at tama. Nang mawala ang natitirang kasangga niya sa buhay na si Matt, natututo s’yang labagin ang batas para makamit ang tunay na hustisya. Mali ito kung batas ng tao ang susundin, pero higit na mali ang sinapit ng kan’yang kakambal. Higit na mali kung wala s’yang gagawin.Subalit, sa kabila nang pagnanais na pagbayarin ang babaeng sanhi ng pagkamatay ng kan’yang kapatid, mas namumutawi ang pagkaawa n’ya dito.Matapos niyang ikulong sa bodega si Cianne ay umalis siya at nagmaneho kung saan-saan. Gusto niyang magpalipas ng galit, kahit pa ang dapat ay kinukuha niya ang pagkakataon upang hindi makadama ng konsyensya habang pinapahirapan ito.Sumagi sa kan’yang isip
Panaginip ba? Tanong ni Cianne sa isipan nang maramdaman ang komportableng hinihigaan. Nang imulat n’ya ang mga mata ay napagtanto n’yang reyalidad iyon. Gayunpaman, nais niyang bumalik sa panaginip nang makitang nasa parehong lugar pa din s’ya.Bumangon s’ya at nilibot ang paningin. Madilim na sa labas, kung gayon ay napasarap ang kan’yang pagtulog. Akalain mo ‘yon nagawa n’ya pa’ng makatulog sa delikado n’yang sitwasyon.Hinanap ng kan’yang mga mata si Shaun subalit wala ito sa paligid. Ang huli niyang naaalala ay nang pakainin at painumin s’ya nito ng gamot, na siyang nagpagaan ng bigat ng kan’yang pakiramdam. Sinong baliw na kidnapper ang gagawin pa iyon sa bihag n’ya?Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. May nasisilip siyang kakarampot na kabutihan sa puso ng binata, ngunit kailangan n’ya pa din na mas maging maingat.Maingat siyang naglakad sa unang palapag ng bahay patungo sa main door. Dahan-dahan niya iyong pinihit, natatakot na lumikha ng ingay gayong hindi niya sigurado k
Dapat n’ya ba’ng ikatuwa iyon o ikabahala?Malalim na hininga ang binuga ni Cianne habang nakaupo sa kama at nakatanaw sa bintana.Iniisip niya kung anong klaseng pag-aalila ba ang gagawin ni Shaun sa kan’ya. Iyong tipong kailangan n’ya ba’ng pagsilbihan ito? Dahil kung oo, ay hindi n’ya pagbubutihan para mapilitan ito’ng pakawalan na s’ya.Sinabi pa nito’ng habang-buhay, ibig sabihin ba ay wala nang tyansa na bumalik pa ang mabuting puso nito?Tumayo s’ya at napagpasyahan na magpalit na lamang ng damit. May ilang damit siyang nakita sa cabinet na ang sabi ni Shaun ay maaari n’yang gamitin. Mas mabuti pa ang sitwasyon n’ya ngayon na tila may VIP treatment sa kulungan, kaysa naman sa pagtitiis n’ya kahapon sa madilim na apat na sulok ng bodega sa ibaba.Ang tanging kalaban n’ya na lang ngayon ay kalungkutan at ang pagkatakot na maaaring matagalan o baka hindi n’ya na masilayan pa ang pamilya.Pinahid niya ang luhang umalpas sa kan’yang mga mata. Paano ba s’ya makakatakas sa sitwasyong
Isang maling desisyon lang ay babalik si Cianne kay Shaun at hindi niya alam kung ano’ng klaseng parusa ang ibibigay nito sa kan’ya ‘pag nagkataon dahil sa tangka n’yang pagtakas.Umisang hakbang s’ya paatras habang hindi inaalis ang tingin sa maamong mukha ni Nadia.“Hindi na. Mauna ka na.”Nagsimula na s’yang maglakad palayo nang maramdaman n’ya ang pagtunog ng makina ng sasakyan nito. Akala n’ya ay susunod ito sa kan’yang sinabi ngunit huminto ito sa kan’yang tabi. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang dahan-dahan naman ang pagmamaneho nito upang masabayan s’ya.“Come’on Cianne. Napakalayo pa ng lalakarin mo,” panghihikayat nito sa kan’ya na hindi n’ya man lang inabalang lingunin.“Wala ako’ng gagawin na masama sa’yo,” sigaw nito, na nagpagal ng kan’yang paglalakad.Malalim s’yang bumuntong hininga at tinitigan ang babae.“I know that Shaun kidnapped you. Huwag ka mag-alala hindi ako kagaya n’ya. I maybe mad at you pero hindi ko kayang manakit ng tao para lang makaganti.”Hindi niya
Kung mayroon man s’yang tinatago iyon ay ang pagkakaroon ng kambal na anak na bunga ng isang gabing pagsasalo nila ni Matt.Tinadtad niya ng halik ang dalawang bata na tuwang-tuwa na makita ang ina.“Baho,” saad ng isa sa kambal na si Kean na nagpatawa kay Cianne habang umiiyak. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama na nakita at nakapiling n’yang muli ang kambal.“Bad.” Itinaas pa ni Sean ang hintuturo bilang pagsaway sa sinabi ni Kean.Napatawa tuloy nang malutong si Cianne pati na din ang dalawang katulong na nag-aalaga dito.Pinahid n’ya ang luha at pinaulanan muli ng halik ang dalawa. Maya pa’y tumayo na siya para maligo dahil hindi na maipinta ang mukha ni Kean sa amoy n’ya. Bago pumasok sa banyo ay inutusan n’ya ang dalawang katulong na mag-empake ng ilang damit ng kambal pati na din ang sa kan’ya.Nang matapos maligo ay nagsimula na siyang tanungin ni Christine at nang umuwing kapatid na si Cindy patungkol sa biglaan n’yang pagkawala.Sa una’y hindi niya alam kung sasabih
Hindi umimik si Cianne at sa halip ay tahasan na binawi kay Shaun ang annulment papers.Kitang-kita niya ang nagdaang sakit sa mga mata nito, at ang mahigpit na kapit nito sa manibela, ngunit pinili niyang huwag magsalita. Kung tutuusin ay tamang oras na iyon para humingi ng pirma nito, subalit hindi niya magawa.Alam niya kung ano ang pumipigil sa kan’ya, pero nauunahan siya ng takot na aminin iyon.Naging tahimik ang byahe nila hanggang sa pag-uwi.Umingay lamang nang makarating sila sa kwarto ng kambal na kahit gabi na ay hindi pa rin paawat sa paglalaro.“Ipapahatid na lang kita sa driver,” sabi niya kay Shaun matapos nilang mapatulog ang kambal.Magkasunod silang lumabas ng kwarto ng mga bata. Naramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila dahil tahimik lamang ito habang nasa likod niya.Maya pa’y bago pa man sila makababa ng hagdan ay hinawakan nito ang kan’yang siko, dahilan upang mapalingon siya.“Can we talk?” Inaasahan niya nang kakausapin siya nito. Gusto niyang tumanggi dahil
“Kailangan mo ba ulit ng kopya ng annulment papers?” pambungad na tanong kay Cianne ni Attorney Arim.Nagtungo siya sa kompanya ng kan’yang mga kapatid nang makasalubong niya ang abogado. Nagkamot-batok siya. Alam niya ang tinutukoy nito. Higit isang linggo na din na nasa kan’ya ang annulment papers, ngunit ‘ni mabanggit kay Shaun ay ‘di n’ya magawa.“Sandali lang naman attorney. Ayoko naman kasi na dagdagan pa ang isipin ni Shaun. Baka pagkatapos ng kaso ng daddy niya ay mapoproseso na namin ‘to.”Ngumiti ito, hindi niya lang mawari kung naniniwala o nang-aasar iyon.“Ikaw lang ang kilala ko’ng makikipaghiwalay na concern pa din sa hihiwalayan. Basta sa’kin lang, ayoko maging instrumento ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan pa.”Alangan siyang ngumiti at piniling huwag na lang umimik, dahil kung siya ang tatanungin, nagdadalawang-isip na siyang pumirma sa annulment.Hapon na nang makarating siya sa restaurant. Sa bungad pa lang ay may ilang customer na siyang nakitang nakatayo
Maagang nagsara ng restaurant si Cianne upang malayang makapaglaro ang dalawang bata doon. Hinayaan niyang si Shaun ang magbantay sa mga ito habang sinisiguro niyang maayos na ang lahat sa loob matapos umuwi lahat ng empleyado.“Closed na po kami sir,” paumanhin niya sa may edad ng lalaking pumasok.Imbes na lumabas ay nagpatuloy pa din ang lalaki sa dahan-dahan na paglalakad papasok.Nakatutok ang mata nito kay Shaun, habang siya naman ay abalang kilalanin ang pamilyar na mukha. Dumaan pa ang ilang sandali nang mapagtanto niyang si Julian Gonzalvo iyon.“Dad,” pagtawag ni Shaun na mabilis na nilapitan ang ama habang nakasunod ang dalawang paslit.“I’m sorry, nagpunta ako dito. I just wanted to check on you, son,” anito ngunit ang mga mata ay nasa batang nakahawak sa laylayan ng damit ni Shaun.Nakatitig din ang mga ito sa ama ni Shaun.Kinakabahan na lumapit siya sa mga ito.“Tito.” Alangan siyang bumeso na agad naman nito’ng tinanggap.“It’s been a while, Cianne. How are you?” Kumpa
Laman ng balita kinabukasan ang pagiging sangkot ni Don Felipe at Romina sa korapsyon na unang binibintang sa ama ni Shaun. Kahit saan ay usap-usapan iyon. Maging hanggang sa restaurant ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Cianne ang tungkol dito. Hindi niya alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat iyon dahil tila nasapawan nito ang lantarang paghayag ni Shaun sa ugnayan nila bilang mag-asawa sa harap ng kan’yang mga staff nang nakaraan o dapat niyang ikabahala. Lalo pa’t kahit itakwil man ni Shaun ang pamilyang pinanggalingan ay hindi pa din maitatanggi na nananalaytay sa kan’ya ang dugong Gonzalvo.Tahimik ang binata sa buong byahe hanggang pagdating nila sa restaurant. Ngumingiti naman ito sa tuwing magtatanong siya ng kaswal na bagay, ngunit halatang-halata sa mata nito ang lungkot. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa estado ng pagiging mag-asawa nila, na binabalak n’ya nang putulin, o dahil sa sitwasyon ng pamilya nito. Kung pareho man, hindi niya nagugustuhan na tila may pakia
Pasara na ang restaurant nang dumating si Cianne mula sa pagsundo sa mga bata sa eskwela. Tumigil siya sa pintuan upang ilagay ang close sign. Matapos iyon ay pumasok na siya sa loob. Dalawang lamesa na lang ang may nakaupong customer. Ang isa ay grupo ng magkakaibigan na patapos nang kumain, habang sa kabilang mesa naman ay isang babae lang, na mukhang mayroon pa’ng nais idagdag sa order nito dahil tinawag ang waiter.Nilapag niya ang bag sa may counter. Naroon ang kan’yang manager na tinutulungan na ang kahera sa pag-i-inventory.“Can I talk to your chef?”Napatingin siya sa babaeng customer nang marinig ang demanding nitong tono.Nakatalikod ito sa kan’ya, kaya bahagya siyang naglakad palapit. Nais niyang matanaw kung may problema ba sa pagkain nito kaya gusto nitong makausap si Shaun, na kan’yang head chef.“Bakit po ma’am?” tanong ng staff.“The food is good. I want to compliment him personally. Can I do that?”Pamilyar ang boses nito, ngunit hindi niya maalala kung sino. Hindi n
“Balita ko kinuha mo’ng head chef ang lalaki na ‘yan?” tanong ni Cindy kay Cianne.Umagang-umaga ay nakataas na kaagad ang kilay ng kan’yang ate Cindy. Alam n’yang dahil iyon sa presensya ni Shaun sa pamamahay nila. Paano’y ginagawa na lang tulugan ng lalaki ang sariling bahay at buong araw nang nasa restaurant at nasa bahay nila. Hindi niya naman magawang itaboy ito dahil sa mga bata. Halos sabay na din kasi ang oras nila na nilalaan sa mga anak.“I have no choice ate. Besides, he’s the best chef I know, regardless of our personal issues.”Umirap si Cindy sa sagot n’ya. Tila ba nagdududa sa sagot niya, na para ba’ng may iba pa s’yang dahilan.Bitbit ang kape ay umupo na ito sa hapag para sa agahan. Sumunod na din s’ya dito.“Shaun, sumabay ka na.” Napahinto siya sa paghigop ng kape nang marinig ang pag-aaya nito kay Shaun na akma na sanang babalik sa kwarto ng mga bata matapos pakainin ang mga ito.Walang pagdadalawang-isip na umupo ang lalaki sa kan’yang tabi.Tila hindi niya magawa
Hello guys! Sadly, on leave na ang mga editors for Chinese New Year. Feb 6 pa ang balik nila, which means pending din ang review and approval ng chapter na naulit, so hindi ko pa ma-upload ang ibang chapters. I promise to upload more chapters (baka hanggang ending na) haha Stay tune! mwa 😘
This note is as of Jan. 26, 2025.Hi!I'll upload Chapter 15 tomorrow. Na-doble ko kasi ang upload ng chapter 113 due to internet connection issue. In-edit ko ang isang Chapter 113 to Chapter 114, pero currently under review, kaya baka malito kayo na nag-unlock kayo ng same chapter. Maybe bukas ay okay na, so refresh n'yo na lang :) Salamat sa pag-unawaThank you na din sa suporta n'yo sa novel na ito. Na-i-inspire ako to write more.
Sa mga sumunod na araw, hinayaan na lang ni Cianne na si Shaun ang maghatid at sundo sa kan’ya sa restaurant. Maasahan n’ya din naman ito sa tuwing nangangailangan ng tulong doon. Minsan naman ay sinasamahan nito ang mga bata na mas lalo n’yang ikinakatuwa. Totoo nga’ng bumabawi ito sa kambal. Kagaya ngayong araw, na pinasyal nito ang dalawa.“Bakit naman biglaan, chef?” halos manlumo siya sa resignation letter na inabot ng kan’yang head chef. Epektibo na iyon kaagad sa susunod na araw.“Nagkasakit po kasi ang nanay ko na nasa Canada. Walang iba’ng p’wedeng mag-alaga sa kan’ya kun’di ako. Pasensya na po ma’am.”Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang biglaang pag-alis nito. May mga assistant chef pa naman s’ya ngunit hindi pa ito kasing-galing. Kaya kailangan niyang makahanap kaagad bago ito umalis.Hinilot n’ya ang sintido habang naglalakad-lakad sa labas ng restaurant at malalim na nag-iisip. Kung tutuusin ay mula naman sa kan’ya ang mga resipe. Maaaring siya na lang muna ang magin