Share

Chapter 13

Kung natutupad lang ang bawat kahilingan ay hihilingin ni Cianne na panaginip lang ang nangyayari sa kan’ya ngayon.

Hindi niya alam kung ilang oras na simula nang iwanan siya ni Shaun sa madilim na apat na sulok ng kwarto. Pagod at pagkalam ng sikmura ang kan’yang nararamdaman kaya kahit nanghihina na ay sinubukan n’yang tumayo. Subalit dahil nakatali ang mga kamay sa likod at paa ay hirap siyang kumuha ng balanse. Hanggang sa naisipan n’yang isandal ang likod sa pader at tagumpay na nakatayo.

Tumalon-talon siya upang makaalis sa posisyon. Hindi niya maaninag kung saan ang pintuan kaya idinikit niya ang dalawang nakataling kamay sa pader para magsilbing gabay.

Huminto siya sa upang huminga nang malalim pagkatapos ng ilang talon, at nagpatuloy muli ngunit natalisod siya at buong katawan ang bumagsak sa sahig.

Lumikha iyon ng ingay dahil sa lakas ng pagbagsak. Mabuti na lamang ay naiangat niya ang ulo kaya hindi tumama sa sahig pero napuruhan naman ang kan’yang tuhod at dibdib na s’yang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status