Matapos ang tatlong taon ay bumalik mula sa abroad si Cerise Harrod dahil sa balitang malubhang kalagayan ng ina. Ngunit hindi niya akalaing sasalubungin siya rin siya ng divorce agreement ng kanyang asawa, sa papel. Sigmund Beauch. Pangalan palang nito ay nag-uumapaw na ng karisma. Kilalang businessman at metikuloso sa kanyang ginagawa. Para sa kanya-kanyang hiling ay nagpakasal sila, na naging hadlang sa tunay na pag-ibig ni Sigmund sa kanyang tunay na kasintahang si Vivian. Matapos ang sunod-sunod na di-inaasahang mga pangyayari at tila sinadyang mga pagtatagpo, matutuklasan kaya ni Cerise ang lakas ng pagiging malaya, o mapagtatanto kaya ni Sigmund kung ano ang posibleng mawala sa kanya?
view moreMalakas si Sigmund. Sapat na para pigilan niya itong muling magpadala sa galit.Mataman siyang tinitigan ni Cerise, nangingibabaw ang kaba sa kanyang dibdib habang nakikita ang matalim na tingin nito, sadyang nakakapanindig-balahibo. Ngunit sa halip na sumagot, kinagat na lamang niya ang loob ng kanyang labi at nanatiling tahimik.“Iuuwi na kita.”Matigas ang boses ni Sigmund, walang pag-aalinlangan.Napakurap si Cerise.Tama ba ang narinig niya?Akala niya, kinasusuklaman na siya nito. Inaasahan niyang itataboy siya, iiwan sa kawalan, pero hindi. Sa halip, gusto siya nitong iuwi?Sa loob ng mahabang panahon, parang kulungan ang mundong ginagalawan niya. At ngayon, sa isang iglap, may nagbukas na pinto.Hinaplos ni Sigmund ang kanyang pisngi&mda
Dumapo ang tingin ni Sigmund sa wedding dress na nakapatong sa upuan sa tabi ni Cerise. Makinis ang tela, kumikislap sa ilalim ng malambot na ilaw ng studio. Isang saglit lang iyon bago muling bumalik ang mga mata niya sa dalaga, diretso, hindi nag-aalinlangan, parang may gustong basahin sa kanya."Ayaw mo bang subukan?"Mababa ang tono niya, halos parang bulong. Walang bahid ng pangungutya o pilit na panghihikayat, parang simpleng tanong lang. Pero alam ni Cerise na hindi ito basta tanong lang.Bahagyang bumigat ang dibdib niya. Pinisil niya nang mahina ang laylayan ng suot niyang damit, pilit pinapanatili ang kanyang tindig."Pwede bang huwag na lang?" tanong niya pabalik, ang boses niya ay kalmado, pero may kung anong paninikip sa kanyang lalamunan.Walang imik si Sigmund habang unti-unting lumapit, ang bawat hakbang niya ay banayad
"Alam kong matatagalan pa ang divorce niyo, pero ayos lang. Puwede namang magpakasal muna kami."Magaan ang tono ni Vivian, parang hindi malaking bagay sa kanyang sinasabi.Saglit na nag-isip si Cerise bago tumango. "Oo nga."Napangiti si Vivian at tila lalo pang ginanahan. "Pwede ka bang maging maid of honor namin?"Napabuntong-hininga si Cerise at marahang inilapag ang hawak na kutsara. Alam niyang hindi simpleng kahilingan iyon. Alam niyang si Vivian ay hindi talaga mapagpakumbaba at hindi ‘yun tanong bilang pagmamagandang-loob, kalkulado ang bawat kilos nito."Huwag na muna nating pag-usapan na kasal pa rin ako kay Sigmund," mahinahon niyang sagot. "Pero kahit sa panuntunan dito, alam mong bawal maging maid of honor ang isang babaeng kasal na."Hinawakan ni Vivian ang kanyang kamay at marahang pinisi
Hindi inaasahan ni Cerise na darating ito nang ganoon kabilis. Nang bumukas ang pinto, nadatnan niya si Mr. Prescott na nakaupo at abala sa kanyang cellphone. Saglit siyang tumigil bago pumasok at nagtanong, “Mr. Prescott, may kailangan po ba kayo?” Bahagyang tumingin si Mr. Prescott mula sa kanyang cellphone patungo sa kanya. “Wala naman, maliit na bagay lang para sa’yo.” Sa mesa, isang maliit na kahon ang nakalagay, katulad nang natanggap niya kaninang umaga.Lumapit si Cerise, ngunit pinili niyang manatili sa ligtas na distansya. Pinagmasdan niya ito nang mataman bago nagsalita, “Bakit niyo po ito ginagawa, Mr. Prescott?” “Bakit hindi mo muna tingnan?” sagot nito habang binubuksan ang kahon at iniharap sa kanya ang laman nito. Medyo malabo ang paningin ni Cerise kaya hindi niya agad naaninag ang nasa loob, ngunit nang makita niya ang kintab ng bato, isang payak na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Isang dilaw na diyamante. “Noon pa man, mahilig ka na sa mga makinang na baga
Tumayo si Cerise, marahang iniligpit ang mga pinggan bago naglakad patungo sa kusina. Ang marahang kalansing ng porselana sa lababo ang bumalot sa katahimikan. Wala siyang sinabi, tuluyang umalis papunta sa silid at isinara ang pinto nang mahigpit.Naiwan si Sigmund sa pasilyo, nakamasid. Narinig niya ang lock na kumapit sa pintuan at muling napangiti nang hindi namamalayan.Sa loob, pinilit ni Cerise na huminga nang malalim habang idinidiin ang noo sa malamig na kahoy. Ramdam niya ang pagod na parang biglang bumagsak sa kanya. Isang tunog ang bumasag sa katahimikan.Isang text message mula kay Kara...Kara: Ayos ka lang ba?Cerise: Oo.Hindi na muling nagtanong si Kara. Hindi na rin siya nagpaliwanag. Ngunit kinabukasan, nagising siya dahil sa isang bagay na hindi niya inaasahan.Hindi siya sanay gumising nang maaga. Madalas, mas gusto niyang manatili sa kama, hinahayaan ang sarili na namnamin ang bawat minuto ng kanyang pagtulog. Ngunit ngayong araw, sa sandaling binuksan niya ang W
Pagdating nila sa parking lot, saglit na huminto si Cerise sa tabi ng driver’s seat bago sumakay. Tumingin siya sa lalaking nasa tapat niya. "Bibili muna ba tayo ng monggo?" Saktong bubuksan na ni Sigmund ang pinto ng kotse niya nang tumigil siya at tumingin sa kanya. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. "Sige." Napakunot ang noo ni Cerise. Parang may hindi tama, pero hindi niya mawari kung ano. Pumasok na rin ito at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng isang 24-hour convenience store. Bumaba muna si Sigmund. Nanatili si Cerise sa kanyang upuan, pinagmamasdan niya itong maglakad papunta sa pinto ng kotse para pagbuksan siya. Napangiti siya nang hindi inaasahan. "Salamat." Nagningning ang madilim na mga mata ni Sigmund habang nakatingin sa kanya. "Walang anuman." May kung anong kiliti sa puso ni Cerise dahil sa banayad na tono ng boses nito. Pagkababa niya ng kotse, tumingin siya sa convenienc
Napakrus ng braso si Cerise, matigas ang loob. "Nakabayad na’ko at naligo na rin. Wala nang refund, kaya dito ako matutulog ngayong gabi!"Sinubukan niyang alisin ang kamay ni Sigmund mula sa kanyang pulso, ngunit mahigpit ang hawak nito. Kahit anong pilit niya ay hindi siya makawala.Nakasimangot si Sigmund, halatang hindi pa rin kumpiyansa sa kalinisan ng lugar. Wala siyang tiwala sa mga pinapahiram nitong gamit, at mas lalo na ang hihigaan. Hindi niya alam kung sino na ang gumamit ng mga ito noon o kung anong kahibangan ang nangyari sa mga sapin doon. Tiningnan niya si Cerise nang mariin. "Magpapalit ka ba o hindi?"Naramdaman ni Cerise ang pagkainis nito at tumingin pataas, ramdam ang pag-init ng kanyang ulo. Bakit ba siya palaging madaling magalit sa kanya? Kung marumi ang tingin niya sa mga damit, wala namang pumipilit sa kanyang tingnan o hawakan ang mga ito.Hindi siya isang alagang hayop na basta susunod sa bawat utos nito."Hindi ako magpapalit!" sagot niya nang matigas.Nag
Hindi naging mahirap kay Sigmund ang makuha ang numero ni Kara, ibinigay agad ito ni Izar nang walang pag-aalinlangan.Balak sanang abalahin ni Cerise si Kara, pero sa huli, nagbago ang isip niya at nag-check in na lamang sa isang hotel.Pagpasok niya sa isang simpleng kwarto, naglakad-lakad siya saglit, tila wala sa sarili, bago naupo sa kama at napatingin sa kisame.Madilim ang ilaw ng silid, walang pulang ilaw o anomang palatandaan ng kamera o ano mang nakakapagduda, kaya nahiga na siya.Bigla niyang naisip si Sigmund sa ganitong lugar…Malamang mandidiri iyon nang sobra-sobra…Sandali—bakit ko nga ba iniisip si Sigmund?Napangiti siya nang mapait at napailing. Bakit nga ba nasa isip ko pa rin siya?Ano nga ba si Vivian sa kanya ngayon? At ano siya—si Cerise?Naalala niya kung gaano niya ito minahal noon, at kahit ngayong alam niyang isa itong basura, nararamdaman pa rin niya ang damdamin sa puso niya. Napaangat ang kamay niya at tinakpan ang mukha, saka dahan-dahang bumuntong-hini
Hindi iyon ang unang beses na sinabi niya ang mga salitang iyon, pero tuwing maririnig ni Cerise, isang malamig na kilabot ang gumagapang sa kanyang katawan. Naramdaman niya pa rin ang takot, at muntik nang pumatak ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata."Anong gusto mo sa’kin?" tanong niya, mahinahon ngunit nanginginig ang tinig.“You. Everything about you.” Mababa at mariin ang sagot ni Sigmund."May naghihintay pa rin sa'yo na pakasalan mo."Bumagsak ang loob ni Cerise. Ilang ulit na ba nilang inuulit-ulit ang usapang ito, parang mga buwitre na paikot-ikot sa isang bangkay? Pagod na siya. Wasak ang kaluluwa niya. Dahan-dahan siyang dumulas sa pader, tila nawalan ng laman ang kanyang dibdib.Pero hindi pa tapos si Sigmund.May pagkainis na ikinabig niya si Cerise paharap, hinawakan sa baywang, pilit pinapaharap sa kanya. Ang tingin ni Sigmund ay parang apoy na hindi matigil. "Cerise..." bulong niya, mababa at puno ng utos. "Ibibigay mo ba sa’kin ang sarili mo o hindi?"Napa-igik
Tatlong taon na mula noong pumunta ng abroad si Cerise. Bumalik siya ng bansa matapos madiagnose ng stage four lung cancer ang kanyang ina. Tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal, pinayagan siya ng asawa niyang lumabas ng bansa sa kadahilanang para ito sa kanyang pag-aaral, na ang katotohanan talaga naman ay takot lamang ito na baka maging hadlang lamang siya sa pagmamahalan ng totoo niyang nobya.Sigmund Beauch.Pangalan palang ng kanyang asawa ay labis nang nag-uumapaw ng alindog, husay, at rikit na halos ‘di niya maipaliwanag. Hindi katanungan ang pagkahumaling ng kababaihan dito at alam niya sa sarili niya na kahit siya ay hindi magiging karapat-dapat sa katangiang likhang pinerpekto ng langit. Pinagpala ngang lubos ang taong minamahal nito at kailanma’y hindi magiging siya.Ang dating arogante at puno ng pagmamalaking prinsesa ay naging maamo at mapagkumbaba. Ngayong siya ay nagbalik, alam niyang ito na ang tamang panahon upang tapusin ang kanilang pagkukunwari.Habang nasa ma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments