Aligaga siyang iniahon ang sarili sa tubig, mabuti nalang at nabasa ng tubig ang mukha niya at di mahahalata ang luhang tumulo sa mata niya. Yinakap niya ang sarili at humingi ng paumanhin.
Hindi lumapit sa kanya si Sigmun ngunit mahinahon siya nitong sinabihan ng “Magpalit ka muna doon.”
Yumuko si Cerise at patakbong naglakad. Dagli siyang nagpalit ng isang pastel green na t-shirt at puting shorts. “Sorry, Young Master-”Dagli siyang bumalik at lininis ang nagkalat na tubig nang mahulog siya sa bath tub. Huli na nang mapagtanto niyang naghuhubad pala ito.
Natulala siya nang dalawang segundo bago tumalikod at naglakad palabas ng pintuan. Tinanggal ni Sigmund ang pantalon nito at kaswal na sinabing “Pakisabit nito.”
Akward na kinuha ni Cerise ang pantalon nitong may nakabitin na sinturon. “Gusto mo pa bang manood?”
Tanong nito mula sa kanyang likuran. Kinuha ni Cerise ang polo nito at tumakbo palayo. Napasinghap naman si Sigmund pero hindi niya sinarado ang pinto at naglakad lamang papunta ng shower at in-on ang tubig.
Tinupi ni Cerise ang damit ni Sigmund bago ilagay sa kama, at bumaba. Naisip niyang dito magpapalipas ng gabi ang asawa. Napangiti siya sa salita.
Asawa.
Kaunting araw nalang at wala na siyang karapatan gamitin ang salitang ito.
Habang nasa malalim siyang pag-iisip, biglang nagring ang cellphone niya.
Amara Celeste.
Ang nag-iisang kaibigan niya.
Lumaking m*****a at arogante si Cerise dahil sa nakalakihan niyang labis na atensyon. Madalas siyang iwasan ng iba dahil sa tingin nila’y hindi naman nito kayang makipagkapwa-tao, ngunit sa paglipas ng panahon, sa kabila ng lahat ng kuwentong umiikot tungkol sa kanya, ay may isang babaeng nasa tabi niyang kasama niya sa kabila ng lahat.
Si Amara ay ang kabaligtaran ni Cerise. Masiyahin ito at mabait. Lahat ng tao ay gugustuhin siyang maging kaibigan pero nanatili siyang tapat kay Cerise. Sa mata ni Amara, si Cerise ay isa lamang batang nais din ng kaibigan ngunit namamali lamang dahil sa estado ng kanyang pamilya.
Kilalang makapangyarihan ang Pamilya Harrod, hanggang sa magpakamatay ang tatay ni Cerise na naging daan upang mapagtanto niya ang mga pagkukulang niya at magbago.
“Hindi ka pa ba aalis? You know, that divorce thingy.” Ani Amara.
“Hindi pa yata.”
“I’m still short of someone here. What if tulungan mo ‘ko?”
“Okay. Hindi naman na ako magtatagal.” Pagsang-ayon ni Cerise.
“Alam mong papakasalan ni Sigmund si Vivian?”
Pag-iiba nito ng topic.
“Sabi niya.” Sagot naman ni Cerise habang naglalakad papuntang bintana at pinagmasdan ang kadiliman ng kalangitan. Gabi na pala, parang kanina lang ay maliwanag pa ang langit habang nagpipinta ito ng iba’t ibang kulay.
“Ah, Ceri? Mahal mo pa ba siya?”
Nabigla naman siya sa tanong nito.
Nagsisimula nang maglitawan ang bituin sa kalangitan. Bituin. Kung mailalarawan niya si Sigmund, siya ay isang bituin. Kumikinang, at mahirap abutin. Wala siyang magawa kundi ang pagmasdan ang ganda nito mula sa malayo. Kahit noong bata pa lamang sila mahal na niya ito pero alam niyang hindi niya kailanman maabot ito.
“Gusto mo bang lumipat pagkatapos ng divorce? Tutulungan kita.” Alay nito.
Napasinghap naman si Cerise. “Doon nalang ako sa bahay namin ni Mama.”
“Ah Ceri…”
“Bye!” Biglaan niyang binaba ang tawag matapos makitang pababa na si Sigmund na nakasuot lamang ng silver nightgown. Hindi na siya tumitig at dagling umayos ng tindig. Hindi naman talaga mapagkakailang guwapo ito, sa pagkakakilanlan man o ang kanyang hitsura. Alam na alam niya ito bata palang sila pero sa iba naman nakalaan ang mga mata nito.
Limang taon ang tanda nito sa kanya. Naging mag-asawa sila dahil lamang sa kanilang Lolo at sa sakit ng taong gusto nito. Ang Beauch Family ay hindi kailanman tatanggap ng babaeng hindi kayang magbunga ng sanggol bilang manugang kaya siya ang naging malakas na pambato ng Beauch Family, at para kay Vivian, ay kinausap naman ito ni Sigmund.
Asawa lang siya ni Cerise sa pangalan. Tinulungan nitong maresolba ang problema ng pamilya Harrod, at pinagamot ang kanyang ina pagkatapos. Sa paraang ito, lahat sila ay nagkaroon ng benepisyo sa kasal.
“Nakasulat sa agreement na ang condo na ito ay para sa’yo.”
Ang condong binigay sa kanilang mag-asawa na may malinaw na tanawin ng dagat kung saan bawat sentimetro ng lupain ay pera, ano pa bang mas malaking katumbas nito? Napangiti na lamang siya.
“Baka ayaw ni Ate Vivian.”
Biglang nakaramdam ng pagkairita si Sigmund nang marinig niya ito. Napalingon siya sa kusina at kumuha ng red wine.
“Have a drink.”
“Pero uuwi na ako.”
“No?”
“…”
Naglakad si Cerise papunta sa kanya at kinuha ang baso.
‘Bakit naman niya iisipin na di ko kayang uminom?’ Tanong niya sa sarili.
“You are…twenty this year…”
“Twenty-three.” Pagtatama niya.
Tumango naman si Sigmund. Suot niya ang paborito niyang green, at shorts nitong kita ang tuhod niyang nang mga bata pa sila’y madalas may sugat. Pero ngayon, makinis at walang lamat ng sugat-sugat nitong tuhod noon dahil sa kakulitan. Ang green nitong suot na dati ay naaalala pa niyang madalas ay palaka ang print ngayon ay isang burda na ng bulaklak na para bang mas nagbibigay diin sa kanyang pagiging dalaga. Alam niyang maganda si Cerise, sobrang ganda, na sa puntong lahat ng tao ay titingin dito.
Di niya namalayang ubos na pala ang nasa baso nito. Napagtanto niya lang nang magsalita ito.
“It’s late Young Master Sig. Matulog ka na at di na kita didisturbohin.”
Paalis na sana ito nang mapako ito sa kanyang kinatatayuan.
“Nasa labas ang tauhan ni Lolo. Let’s sleep together. Wala kang ibang pupuntahan.”
Dismayado namang napatingin sa kanya si Cerise. Pero hindi man lang ito natinag. “Same as before.”
‘Anong same as before?’ tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang papaakyat na pigura ng lalaking kausap niya kanina lang.
‘Siya sa sofa tas ako sa kama?’ Tanong niya ulit sa sarili niya. Masyadong malaki ang sofa sa sala para matulog siya kaya pwede siyang matulog dito. Pangungumbinse niya sa sarili.
“Hindi mo naman iniisip na matutulog ako katabi mo, do you?”
Tila nahalata yata nito ang kanyang iniisip at bumalik sa may hagdan upang tingnan siya. Napag-isip-isip niyang baka ito na ang huling beses na magkakasama silang dalawa, pero hindi niya makumbinse ang sariling hindi sumama sa kanya.
Kalagitnaan ng Mayo kaya hindi malamig. Wala siyang ibang pwedeng maidahilan kung sakali man.
Matapos nilang mahiga, naramdaman niyang katulad rin ito nang gabing ikinasal sila.
Hindi sila magkatabi, pero magkasama. At kahit sa ngayon, hindi man lang nagbago ang pagtingin niya dito, o ang pagtingin nito sa kanya.
-------
Pinaalam na ni Sigmund sa kanya bago palang ang pagkikita nila ni Vivian kaya handa na siya nang makita ito sa tanghalian sa Café Manila.
Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay. “Ilang taon na mula nung huli kitang makita? Ang laki mo na!”
Napangiti naman si Cerise. “Opo.”
“O ba’t naman magpo-po? Ang laki-laki na ng Ceri namin, napakaganda pa. Siguro maraming poging lalaki ang nagkakagusto sa’yo sa abroad ‘no?”
Masasabing lumaki si Cerise na bubuntot-buntot sa kanila mula noong bata pa siya, pero dahil nga nakasama mo silang lumaki, sa paningin nila, bata ka pa rin.
“Syempre. Pero isa lang ang gusto ko.”
Bigla namang tumahimik ang paligid.“He’s a senior, isang taon ang tanda niya sa’kin.” Dugtong niya. Halata namang nahimasmasan si Vivian sa sinabi niyang ito.“Oh! Mabait ba siya sa’yo?” Tanong ulit nito nang maupo sila.Mariing nakatitig si Sigmund kay Cerise tila inaabangan niya ang bawat sasabihin nito. Habang si Cerise naman ay nakabaling ang atensyon sa kutsara’t tinidor sa kamay niyang pinulot niya dahil sa taranta at baka may masabi siyang mali. “Mabait siya. Lahat ng babae sa campus gusto siya pero sabi niya ako daw ang pinakaspecial at ako lang ang gusto niya!”Masigla niyang sagot.“That’s great! Gustong-gusto ka talaga niya. Treat him good.” Tumango naman si Cerise. “Pwede ba malaman pangalan niya?”“Ah-ano…”‘Shit.’ Ani niya sa sarili.“Huwag ka na mahiya. Kami lang ng Kuya Sigmund mo ‘to.”“Percy! Tama. Percy, ano---Colton? Oo. Colton.” Namula naman siya sa hiya sa nabuong pangalan.“Ay oh. Kapangalan pa ng paborito mong character sa libro.” Nakangiti namang saad ni Vivia
Bumalik na si Sigmund sa condo nila. Naabutan niyang nasa sala ang Mama ni Cerise at ang Lola niya na nanonood ng drama. Panay ang reklamo ng dalawa tungkol sa third party na sinisira ang pamilya ng bida habang nakangiti lamang si Cerise habang nakatingin sa dalawa. ‘Twenty-three ba talaga siya? Bakit ang tanga parin niya? Hindi man lang siya nagmature.’ Isip ni Sigmund. Nang palapit na siya sa sala ay biglang naalala niya ang basang katawan ni Cerise na nakaharap sa kanya. Walang ano-ano’y nadikit na pala siya ng tingin sa babaeng tinawag niyang tanga sa kanyang isip. “Senyorito!” Pagbati sa kanya nang kababalik lang na maid na sa paghula niya’y naghiwa ng prutas dahil may dala itong hiniwang mansanas. Nagkatinginan sila ni Cerise at naupo naman siya sa malapit sa kanya. Napansin niya palang na ngayon lang niya itong nakitang pormal ang suot. Maarte man ito noon pero hindi sa pananamit. Kung dati ay kikay ang pananamit nito, ngayon ay nagmukhang elegante at disente ang dating ni
Nang pagbalik niya’y sinamahan na rin niyang bumalik sa hospital ang Mama niya. Tinurokan muna ito ng painkiller at naabutan niyang tulog na ito pagkatapos niyang makiusap sa doktor ayon sa mga tests na kanilang isasagawa. Nanlulumo siya kapag nakikita ang ina na dati ay masigla at masiyahin.Hindi niya aakalain na aabot sa puntong mas bababa pa sa 40 kls ang timbang ng ina dahil sa sakit. Alam niyang labis ang sakit na nararamdaman nito base palang sa laki ng ibinawas sa timbang nito mula noong pag-alis niya.Paulit-ulit na nadidinig niya ang sinabi ng doktor.“Ihanda mo na ang sarili mo sa anumang pwedeng mangyari. Ano mang oras ngayon ay puwede siyang mawala. We can only give her painkillers to ease the pain. We can’t treat her anymore. Masyado nang nagspread ang cancer cells sa katawan niya. You can only hope na umabot pa siya kahit isang buwan.”Lumabo ang tingin niya sa luhang bumalot sa mata niya. Ayaw niyang umiyak, at hindi siya iiyak! Buhay pa ang Mama niya, ano ang dapat ni
“Tinatanong pa ba yan? Anong klaseng pamilya yan?”“Ah Ceri…” Napasinghap siya.“Tawagin mo ako sa pangalan ko.” Walang emosyon nitong sabi. “Since nandito ka naman, may libreng oras ka naman yata para sumama sa’kin sa Civil Affairs Bureau, diba?”May kahulugan nitong saad. Civil Affairs Bureau, tatlong salita na sana’y simpleng lugar lamang ngunit parang diin ng patalim sa kanyang puso.‘Gaga ka kasi. Ikaw rin naman nagtanong.’ Saad niya sa sarili.Samantalang nagtaka naman siya sa reaksyon ni Sigmund, mukhang hindi ito natutuwa.Pinipilit niya bang maghiwalay sila?Hindi marinig ni Cerise ang sagot ni Sigmund kaya tumingin siya ulit dito.“Okay na ba ngayon?”“May meeting ako mamaya! Mahalagang meeting.” Napunta ang tingin ni Sigmund sa hangganan ng corridor, at ang sigarilyo sa kamay niya ay naupos na.“Eh bakit hindi ka pa umaalis?”Tanong ni Cerise.Yumuko naman ito at tila sinusuri ang sapatos, at matapos ay tiningnan siya. “May bakanteng posisyon sa marketing department, why do
Nabigla si Sigmund sa tanong ni Cerise pero mas matimbang ang pagkairitang nararamdaman niya. “Get your hand off her.”May diin nitong sabi at halos patayin na si Izar sa tingin.Inalalayan naman ni Izar ang kamay ni Cerise sa pagtanggal sa pagkakaangkla nito sa braso niya.“You’re not going to the meeting? Diba may lakad ka?” Tanong nito. Sa pagkakaalam niya ay may nabanggit itong pupuntahan kaya ano pa bang rason ang meron siya na andito parin ito?“Here.” Sabay abot ng credit card niya. Lito namang tiningnan siya ni Cerise imbes na tanggapin. Sa irita ay pinasok niya ito sa paper bag na hawak niya at umalis sakay sa kanyang kotse.“Hindi man gaanong halata pero nahihirapan rin si Sig.” Ani Izar habang nakatitig sa papalayong pigura ng kotse ni Sigmund.“Hm?” Kaswal na tanong ni Cerise pero biglang namasa ang gilid ng kanyang mga mata.Kung ayaw nito sa kanya at gusto nang makipaghiwalay, bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?“Think about it, Vivian is in poor health, at matagal kan
Napatingin si Sigmund sa suot ng dalaga na kagabi pa niya nakita.Nahiya naman si Cerise at namula ang tenga.“Ano bang iniisip mo? Kagabi mo pa ‘yan suot. Magpalit ka pagkatapos mong maligo.”Nang maalala ang interaksyon nila ni Izar ay mas naging desidido siyang palitan ito. Nakuha niyang tumayo at sumandal sa sofa.Hindi na siya nakareklamo nang makita ang suplado nitong mata ‘tila ba pinapamadali siya.Napairap nalang siya sa kawalan.Sumang-ayon nalang siya dito at naghanda ng susuotin.“Gumagana kaya ang CR dito sa ilalim?” Pabulong na tanong niya habang nakatayo sa harap ng pinto ng banyo.Napansin naman ito ni Sigmund at ‘tila narinig ang bulong niya.“You can use the one in the master’s bedroom.”Hindi na siya sumagot at nagsisimula na nga siyang makaramdam ng pangangati.Napatanong tuloy siya sa sarili kung nagamot na ba ang pagiging mysophobic ni Sigmund. Noong nakaraang gabi lang ay naligo siya sa nadumihan niyang tubig. Natumba siya sa tubig kaya madumi na iyon para kay S
“Gabi na.”“But it feels very uncomfortable, I feel like I’m going to die!”Narinig niya ang pag-iyak sa kabilang linya.Hindi maramdaman ni Cerise ang anumang awa, kundi ang pagiging hipokritikal, pero hindi niya magawang punain ito.“Tatawagan ko yung doktor mo. Humiga ka lang at magpahinga, okay?”Pinatay ni Sigmund ang tawag at agad na nagdial ng isa pang numero, attending physician ni Vivian.Namangha si Cerise sa naging pag-uusap ng dalawa. Napagtanto niyang alam nito lahat ng tungkol kay Vivian, pero hindi man lang maalala ang edad niya.Mapait siyang napangiti. Nang nakaraang oras lang ay halos mawalan na ito ng malay sa sakit pero hindi niya man lang nasabi ito kay Vivian.-Walang ibang maririnig kung hindi ang halos salitan nilang paghinga. Matapos maibigay ang gamot kay Sigmund ay nagpasya na itong umuwi. Hindi nakareklamo si Cerise dahil naisip niyang wala naman siyang karapatan pagdiktahan ito. Naisip niya rin na baka labis ang pag-aalala nito kay Vivian at nais niyang m
Alas sais ng umaga nang magising si Sigmund. Napatingin siya sa cellphone at bumungad sa kanya ang draft ng message niyang “Sa’n ka?” na hindi niya naisend kay Cerise dahil wala naman silang conversation.Nakatulog pala siya sa pag-iisip kung isesend niya ba ‘to o hindi.Halos manginig ang hinlalaki niya palapit sa mala-eroplanong icon ng text message nang bigla siya’ng makatanggap ng tawag.Pagkatapos ng tawag ay halos lumipad ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo nito.-Bago pa man si Cerise makalapit sa pintuan kung saan siya lumabas kagabi pauwi ay nanghihina na ang paa niya. Alam niya kung ano ang meron sa likod ng pintuan, natanggap niya ang text ng doktor ng mama niya.Pinapapapunta lang siya nito doon, pero alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.Hindi siya tinetext ng kanyang doktor dahil alam nitong lagi siyang pumupunta, araw-araw siyang dumadalaw.“Hospital. ASAP.”Iilang letra lamang ito pero katumbas na ng patay niyang pag-asa at hindi na ulit mababalikan pang mga pagkak
Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab
Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
“Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen
“Sig?” Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya sa labi ni Cerise nang sinagot niya ang tawag, malamig ito at matalim.“Kailangan ba ng babae ko ang pamilya Prescott? She already has me.” Hindi na siya naghintay ng sagot ng kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.Nakanguyom ang panga ni Sigmund habang nakatitig sa screen, ang pangalang Vince Prescott ay malinaw pa rin sa display. Subukan niya lang magpantasya kay Cerise at buhay niya ang kukunin ko.Galit ang unti-unting bumalot sa kanya. Tiningnan niya ang numero, malamig ang tingin, at walang pag-aalinlangang binlock ito. “—Cerise.” Naglakad palabas si Cerise mula sa silid at nakita siyang nakatayo sa may kusina, hawak ang kanyang cellphone. “May tumawag ba sa’kin?” tanong niya. “Wala,” matalim ang sagot ni Sigmund. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang mga mata. “Ah, ganon ba...” Tumango lang si Cerise, pero may kutob siyang may tinatago ito. Kung wala ngang tumawag, bakit parang may balak siyang patayin? Gal
“Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong nito, mata’y puno ng sakit. “Yung divorce? Na willing ka pang magsampa ng kaso? Gusto mo bang malaman ng buong mundo na kasal tayo?”“Hindi ko kayo kakasuhan. Pumayag ka na maghiwalay tayo, at wala nang ibang makakaalam,” sagot ni Cerise. “Kahit kailan, walang makakaalam na naging mag-asawa tayo. Puwede ba ‘yon?”Tumawa si Sigmund nang mapait. Pagkatapos ay muling kinagat nito ang kanyang balat.Walang makakaalam?“Hindi ba pwedeng kapalit ng tiwala mo ang lahat ng yaman ko? Ang buong buhay ko?”Isa lang namang bagay ang hinihiling niya.Pero huli na.Hindi na siya kayang pagkatiwalaan ni Cerise.Tumahimik siya. Hindi na nagsalita.Bumagsak si Sigmund sa kanyang leeg, bulong nang bulong ng hindi niya naman marinig.Matagal silang walang imik.Hanggang sa halos makatulog na si Cerise ay muling nagsalita si Sigmund.“Gutom ka pa ba?"Napadilat siya sa marahang boses nito..“May dala akong sopas.”Tumayo ito, nagbihis, at lumabas.Napaupo si Ceri
Bago pa man siya matapos magsalita, yumuko na si Sigmund at kinagat ang kanyang baba nang malakas. Dahan-dahan itong gumapang paitaas hanggang sa dumapo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cerise.Napasinghap si Cerise at awtomatikong umatras. Nagtangkang tumakas ang hininga niya habang ang pag-aalinlangan ay tumagal nang matagal, hanggang sa nalasahan niya ang dugo mula sa sariling labi. Unti-unting dumilat ang kanyang mahigpit na nakapikit na mga mata, at tuluyang nanlambot ang katawan.Kinagat siyang muli nito ngayon, sa kanyang labi.At saka nito sinipsip, tila isang nauuhaw na hayop.Masakit.Malalim.Sobrang sakit.Ang kamay niyang nakakulong sa itaas ng kanyang ulo ay walang malay na nangiwi, at napakapit sa hangin.Masakit.Mula sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang puso.Nang maramdaman ni Sigmund na hindi na siya tumututol, unti-unti nitong binagalan ang kanyang galaw. Ang mga halik niya ay naging banayad, halos may pag-galang, habang dahan-dahan nitong sinisipsip ang dugo
Matagal pinag-isipan ni Kara ang lahat. Pero sa huli, alam niyang hindi na pwede kung ano man ang meron sina Cerise.Pagkatapos ng hapunan, habang umiinom ng gamot si Cerise, tahimik siyang umupo sa tabi nito. May seryosong ekspresyon sa mukha niya, at ilang segundo pa bago siya nagsalita.“Kung ganon... Kailangan ba natin si Dad para tulungan kang idemanda siya? Itutuloy na natin ang divorce?”Hindi man lang nagdalawang-isip si Cerise.“Oo.”Napakurap si Kara, medyo nabigla sa gaan ng tono nito. “Grabe, puwede naman yatang hindi na umabot sa ganito? Mag-usap kaya muna kayo."Hindi sumagot si Cerise. Bagkus, isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa labi niya.-Umuulan na naman pagdating ng gabi. Banayad ang lagaslas ng ulan sa bintana, habang ang liwanag lang ng ilaw sa restaurant ang naglalaban sa dilim. Nasa isang sulok si Cerise, nakabalot sa kumot, nakatitig sa thermometer sa mesa.39 degrees.Napabuntong-hininga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto. Narinig niya ang tunog ng bi
Lalong bumilis ang agos ng mga luha ni Cerise habang unti-unting bumabagsak sa kanyang pisngi, mainit at mabigat, humahalo sa init na kumakalat sa kanyang katawan.How can I not worry about you after all?Magkasama silang lumaki. Magkalaro sa likod ng bahay nila, nagtatago sa dilim habang nagbubulungan ng mga sikreto. Minahal niya ito ng buong puso sa loob ng napakaraming taon. Ang ganoong klaseng pagmamahal, hindi iyon basta nawawala.Dahan-dahang yumuko si Sigmund, hinalikan siya, banayad, alanganin, puno ng mga salitang hindi masambit. Sandali siyang nanatili roon bago bumitaw at inalalayan siya nitong umupo. Hawak niya ang mukha ni Cerise gamit ang dalawang kamay, hinahaplos ang mga luha sa pisngi nito. Pagkatapos ay inilapit ang kanyang noo, mariing ipinatong sa noo ni Cerise, sabay kunot-noo.“May lagnat ka ba?”Hindi nakasagot si Cerise. Para siyang lumulutang, ang utak niya ay parang nasa ulap, mabigat ang kanyang katawan, parang binabalot ng usok.Mainit ang lahat. Ang balat