Bumalik na si Sigmund sa condo nila. Naabutan niyang nasa sala ang Mama ni Cerise at ang Lola niya na nanonood ng drama. Panay ang reklamo ng dalawa tungkol sa third party na sinisira ang pamilya ng bida habang nakangiti lamang si Cerise habang nakatingin sa dalawa.
‘Twenty-three ba talaga siya? Bakit ang tanga parin niya? Hindi man lang siya nagmature.’ Isip ni Sigmund. Nang palapit na siya sa sala ay biglang naalala niya ang basang katawan ni Cerise na nakaharap sa kanya. Walang ano-ano’y nadikit na pala siya ng tingin sa babaeng tinawag niyang tanga sa kanyang isip. “Senyorito!” Pagbati sa kanya nang kababalik lang na maid na sa paghula niya’y naghiwa ng prutas dahil may dala itong hiniwang mansanas. Nagkatinginan sila ni Cerise at naupo naman siya sa malapit sa kanya. Napansin niya palang na ngayon lang niya itong nakitang pormal ang suot. Maarte man ito noon pero hindi sa pananamit. Kung dati ay kikay ang pananamit nito, ngayon ay nagmukhang elegante at disente ang dating ni Cerise. Malayo sa kanyang dating persona na malditang maarte. Nakasuot siya ngayon ng isang magarang floral dress, di masyadong maiksi, at sakto lang ang pagkakagawa. Parang gawa para sa kanya. “At mabuti naman at naisipan pang bumalik ng Senyorito namin.” Ani matanda.. “Ma, naghahallucinate ba ako?” Tanong ng Mama ni Cerise sa kanyang Lola. “Riri, asawa mo ba talaga ang kaharap ko ngayon?” Nahiya naman si Cerise sa inasta ng dalawa. “Opo. Siya nga po.” Ayaw niyang tawagin siyang asawa, at hindi rin gusto ni Sigmund na tawagin siya nitong asawa. “Sino ba siya?” Panunukso ng matanda. “Apo mo, Ma.” Mahinahong sagot naman ng Mama ni Cerise. “Apo ko? Sino ang apo ko?” Pagdidiin ng kanyang Lola. Alam ni Cerise kung ano ang gustong marinig ng Lola niya. Kaya upang di na ito magtanong pa ay binigay na niya ang gusto nito. “Apo mo po, ‘La. Asawa ko.” Hindi man gaanong nakuntento ay tinanggap nalang ng Lola niya ang sagot niya. “Tama. Ito ba yung patay mong asawa?” “Lola?!” Hiyang-hiya si Cerise sa tanong nito. Nang marinig ito ni Sigmund ay nainis ito. Hindi kaaya-aya sa kanyang pandinig na itinuturing na siyang patay ng mga ito. “May sinabi ba akong mali? Tatlong taon nang kasal ang Riri namin tas ang flat pa ng tiyan. Kagagawan ba yan ng isang buhay na tao?” Hindi umimik si Sigmund sa sunod-sunod na tanong ng Lola niya. “Paano yan nakakapasok ng bahay na di nakokonsensya? Kaya pinaparusahan kasi ang sama ng ugali.” Ani nito bago tuluyan umalis si Sigmund. Labis namang nalungkot ang Mama ni Cerise nang hindi man lang sumagot si Sigmund. Galit lang ang naramdaman ni Sigmund. Alam niyang mas magagalit lang siya kung babalik pa siya doon. At nang maaalala niya kung gaano nakangiti si Cerise kasama ang dalawang babae ay mas napuno lang siya ng poot. Ngunit nagpantig ang tenga niya ng maalala niya kung paano siya tinawag na ‘bayaw’ ni Cerise nitong umaga. Hindi pa man siya nakakapag-isip nang malalim ay naisturbo na siya ng tawag ni Vivian pero tiningnan niya lang ito hanggang sa huminto ang pagtunog nito. “Alam ko ang binabalak mo.” Nagulat si Sigmund nang marinig ang boses ng Mama ni Cerise. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tanong ni Sigmund. “Just don’t let it hurt her that much. Gawin mo habang buhay pa ‘ko.” Tama nga ang hinala ni Sigmund. Ngunit wala siyang maramdaman kung hindi ang galit. “Ayokong mahirapan siya’ng mag-isa. Kahit sandali, gusto kong maging andyan kapag iwan mo na siya.” “You don’t tell me what to do.” Madiing sagot ni Sigmund bago pa ito umalis. Naisip niyang pagmumulan lamang ng gulo kung magtatagal pa siya sa condong iyon kaya napagpasyahan niyang umalis. Hindi mapigilan ng kanyang ina na matiis ang paglisan ni Sigmund kaya tinugon niyang ihatid ito kahit sa baba lang ng condo. Nag-aalangan man ay hinabol parin ni Cerise si Sigmund. “Wala na talaga yatang pag-asa si Sigmund, Ma.” Ani Mama ni Cerise. “Hindi yan magtatagal, and our Riri will find out later on.” Linilipad naman ng hangin ang palda ni Cerise dahil mukhang paulan pa. Hindi siya mapakali dahil kahit pati ang buhok niya ay nagugulo nang hangin. “Pinalabas ka ba ni Mama?” Tanong ni Sigmund. Pinapasok siya nito sa kotse pagkatapos siyang pagbuksan. “Oo. Pero naisip ko ring sundan ka.” Napatingin naman sa kanya si Sigmund. “Oo pala. Kailan mo pipirmahan?” Ikalawang tanong na niya ito pero mukhang di nakikinig si Sigmund. Naisip kasi ni Cerise na baka kumalma siya kapag nalaman niya ang tungkol dito. “Malapit na.” “Oh.” Hinihintay niya ang sagot na ito pero bakit hindi siya masaya? “May tanong ka pa?” Tanong ni Sigmund. Napatingala si Cerise at nagkasalubong ang ang mata nila ni Sigmund. Ang naiisip niya lang na kahulugan ng malalim na matalim na tingin ng mga kayumanggi nitong mata ay pandidiri kaya iniwas niya ang tingin dito bago magsalita. “Kailan? Anong araw? Bukas? Sa makalawa? Sa susunod na linggo? Buwan?” “Bakit ba gustong-gusto mo nang pirmahan ko ‘yon? Pinipilit ka ba ng boyfriend mo?” Nanikip ang dibdib ni Cerise at nagtagal bago siya nakasagot. “Hindi ‘no!” Gusto niya lang matahimik at makausad. Sa tingin niya’y mapapayapa lamang siya kung makakapirma na ito sa dokumento. Hindi lang naman si Cerise ang nagpupumilit nito, kahit si Vivian ay panay paalala sa kanya nito. Kahit siya ay di na maintindihan ang sarili. Alam ni Sigmund na hindi sila totoong mag-asawa. Malinaw nang ikasal sila na magiging mabilis at walang aberya ang kanilang paghihiwalay. Pero bakit hindi niya makuhang pirmahan ito kaagad? Hindii na tumingin si Cerise kay Sigmund. Iritable namang tumingin si Sigmund kay Cerise. “Busy ako nang mga nakaraang araw. Maghintay ka muna, okay?” Bakas sa tono niya na galit na ito kaya hindi na nangulit pa si Cerise. “Ayusin mong umupo sa susunod.” Napagtanto niya palang na napaiksi ang palda niya dahil sa taranta at nagmukhang inaakit niya pa ito. “H-hindi…” Hindi siya nito pinansin at binuksan ang kotse niya senyales nang pagpapaalis sa kanya. Nakahinga naman si Cerise nang makababa na siya at nakitang unti-unting naglaho sa paningin niya ang sasakyan. Sa paraang ito, hindi na niya kailangan pang kontrolin ang puso niya diba?Nang pagbalik niya’y sinamahan na rin niyang bumalik sa hospital ang Mama niya. Tinurokan muna ito ng painkiller at naabutan niyang tulog na ito pagkatapos niyang makiusap sa doktor ayon sa mga tests na kanilang isasagawa. Nanlulumo siya kapag nakikita ang ina na dati ay masigla at masiyahin.Hindi niya aakalain na aabot sa puntong mas bababa pa sa 40 kls ang timbang ng ina dahil sa sakit. Alam niyang labis ang sakit na nararamdaman nito base palang sa laki ng ibinawas sa timbang nito mula noong pag-alis niya.Paulit-ulit na nadidinig niya ang sinabi ng doktor.“Ihanda mo na ang sarili mo sa anumang pwedeng mangyari. Ano mang oras ngayon ay puwede siyang mawala. We can only give her painkillers to ease the pain. We can’t treat her anymore. Masyado nang nagspread ang cancer cells sa katawan niya. You can only hope na umabot pa siya kahit isang buwan.”Lumabo ang tingin niya sa luhang bumalot sa mata niya. Ayaw niyang umiyak, at hindi siya iiyak! Buhay pa ang Mama niya, ano ang dapat ni
“Tinatanong pa ba yan? Anong klaseng pamilya yan?”“Ah Ceri…” Napasinghap siya.“Tawagin mo ako sa pangalan ko.” Walang emosyon nitong sabi. “Since nandito ka naman, may libreng oras ka naman yata para sumama sa’kin sa Civil Affairs Bureau, diba?”May kahulugan nitong saad. Civil Affairs Bureau, tatlong salita na sana’y simpleng lugar lamang ngunit parang diin ng patalim sa kanyang puso.‘Gaga ka kasi. Ikaw rin naman nagtanong.’ Saad niya sa sarili.Samantalang nagtaka naman siya sa reaksyon ni Sigmund, mukhang hindi ito natutuwa.Pinipilit niya bang maghiwalay sila?Hindi marinig ni Cerise ang sagot ni Sigmund kaya tumingin siya ulit dito.“Okay na ba ngayon?”“May meeting ako mamaya! Mahalagang meeting.” Napunta ang tingin ni Sigmund sa hangganan ng corridor, at ang sigarilyo sa kamay niya ay naupos na.“Eh bakit hindi ka pa umaalis?”Tanong ni Cerise.Yumuko naman ito at tila sinusuri ang sapatos, at matapos ay tiningnan siya. “May bakanteng posisyon sa marketing department, why do
Nabigla si Sigmund sa tanong ni Cerise pero mas matimbang ang pagkairitang nararamdaman niya. “Get your hand off her.”May diin nitong sabi at halos patayin na si Izar sa tingin.Inalalayan naman ni Izar ang kamay ni Cerise sa pagtanggal sa pagkakaangkla nito sa braso niya.“You’re not going to the meeting? Diba may lakad ka?” Tanong nito. Sa pagkakaalam niya ay may nabanggit itong pupuntahan kaya ano pa bang rason ang meron siya na andito parin ito?“Here.” Sabay abot ng credit card niya. Lito namang tiningnan siya ni Cerise imbes na tanggapin. Sa irita ay pinasok niya ito sa paper bag na hawak niya at umalis sakay sa kanyang kotse.“Hindi man gaanong halata pero nahihirapan rin si Sig.” Ani Izar habang nakatitig sa papalayong pigura ng kotse ni Sigmund.“Hm?” Kaswal na tanong ni Cerise pero biglang namasa ang gilid ng kanyang mga mata.Kung ayaw nito sa kanya at gusto nang makipaghiwalay, bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?“Think about it, Vivian is in poor health, at matagal kan
Napatingin si Sigmund sa suot ng dalaga na kagabi pa niya nakita.Nahiya naman si Cerise at namula ang tenga.“Ano bang iniisip mo? Kagabi mo pa ‘yan suot. Magpalit ka pagkatapos mong maligo.”Nang maalala ang interaksyon nila ni Izar ay mas naging desidido siyang palitan ito. Nakuha niyang tumayo at sumandal sa sofa.Hindi na siya nakareklamo nang makita ang suplado nitong mata ‘tila ba pinapamadali siya.Napairap nalang siya sa kawalan.Sumang-ayon nalang siya dito at naghanda ng susuotin.“Gumagana kaya ang CR dito sa ilalim?” Pabulong na tanong niya habang nakatayo sa harap ng pinto ng banyo.Napansin naman ito ni Sigmund at ‘tila narinig ang bulong niya.“You can use the one in the master’s bedroom.”Hindi na siya sumagot at nagsisimula na nga siyang makaramdam ng pangangati.Napatanong tuloy siya sa sarili kung nagamot na ba ang pagiging mysophobic ni Sigmund. Noong nakaraang gabi lang ay naligo siya sa nadumihan niyang tubig. Natumba siya sa tubig kaya madumi na iyon para kay S
“Gabi na.”“But it feels very uncomfortable, I feel like I’m going to die!”Narinig niya ang pag-iyak sa kabilang linya.Hindi maramdaman ni Cerise ang anumang awa, kundi ang pagiging hipokritikal, pero hindi niya magawang punain ito.“Tatawagan ko yung doktor mo. Humiga ka lang at magpahinga, okay?”Pinatay ni Sigmund ang tawag at agad na nagdial ng isa pang numero, attending physician ni Vivian.Namangha si Cerise sa naging pag-uusap ng dalawa. Napagtanto niyang alam nito lahat ng tungkol kay Vivian, pero hindi man lang maalala ang edad niya.Mapait siyang napangiti. Nang nakaraang oras lang ay halos mawalan na ito ng malay sa sakit pero hindi niya man lang nasabi ito kay Vivian.-Walang ibang maririnig kung hindi ang halos salitan nilang paghinga. Matapos maibigay ang gamot kay Sigmund ay nagpasya na itong umuwi. Hindi nakareklamo si Cerise dahil naisip niyang wala naman siyang karapatan pagdiktahan ito. Naisip niya rin na baka labis ang pag-aalala nito kay Vivian at nais niyang m
Alas sais ng umaga nang magising si Sigmund. Napatingin siya sa cellphone at bumungad sa kanya ang draft ng message niyang “Sa’n ka?” na hindi niya naisend kay Cerise dahil wala naman silang conversation.Nakatulog pala siya sa pag-iisip kung isesend niya ba ‘to o hindi.Halos manginig ang hinlalaki niya palapit sa mala-eroplanong icon ng text message nang bigla siya’ng makatanggap ng tawag.Pagkatapos ng tawag ay halos lumipad ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo nito.-Bago pa man si Cerise makalapit sa pintuan kung saan siya lumabas kagabi pauwi ay nanghihina na ang paa niya. Alam niya kung ano ang meron sa likod ng pintuan, natanggap niya ang text ng doktor ng mama niya.Pinapapapunta lang siya nito doon, pero alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.Hindi siya tinetext ng kanyang doktor dahil alam nitong lagi siyang pumupunta, araw-araw siyang dumadalaw.“Hospital. ASAP.”Iilang letra lamang ito pero katumbas na ng patay niyang pag-asa at hindi na ulit mababalikan pang mga pagkak
Napagpasyahan ni Cerise na umuwi at magpaalam na.“Mamita, Mom, Dad, aalis na po ako. Masyado na akong nakakaabala sa inyo.”“Riri! This is your home too. Mamaya na.” Ani ng matanda dahil naisip nitong dapat ay samahan nila ito sa pagdadalamhati.“Alam ko po. You will always be my family.” Ngumiti si Cerise at tumango.Ngayon ay nadako ang tingin ng buong pamilya kay Sigmund dahil alam nilang siya ang dahilan nang labis na kagustuhang umalis ni Cerise.Si Sigmund na kanina pa tahimik ay hindi makapaniwalang gagamitin ni Cerise ang kanyang Mamita para lang makuha ang household registration ng kanilang pamilya. Kung mapagbibigyan siya ay wala na talagang hadlang sa kanilang divorce.“Nakita nilang lahat kung gaano mo kagusto ang divorce.”Nagulat naman si Cerise sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang lantaran nitong sasabihin ng ganun-ganun lang ang paghihiwalay nila.“Divorce? Ah!”Nabigla naman ang matanda dahilan upang mahimatay ito.“Mamita!”Ilang minuto muna ang nagdaan bago magisi
Nang makaalis si Sigmund ay narinig ni Cerise ang pagring ng cellphone nito. Alam niyang walang iba kung hindi si Vivian ito dahil walang magtatangkang tumawag dito sa ganitong oras ng gabi.Hindi man masabi ni Vivian ng diretsahan pero ayaw niyang kasama ni Sigmund si Cerise mas lalo pa kung silang dalawa lang.Napaisip naman si Cerise na baka pamilya talaga ang turing sa kanya ni Sigmund kaya sinamahan siya nito sa mga nakaraang araw. Pero tapos na siya sa pagmaang-maangan kaya napagpasyahan niyang umalis pagkahating-gabi.Iyon ay kung nagising siya sa pagkakatulog.Nagising siyang pababa na ang araw at mag-isa sa higaan. Halos isang araw siyang natulog?Mabilis siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa bukas na ilaw na parte ng bahay para makita si Sigmund… na nagluluto.“Oh. Kain.” Walang kaemo-emosyon nitong pag-aalok. Napaisip tuloy siya kung napilitan lang ito na ayain siya dahil naabutan niyang nagluluto ito.“Bakit ka pa nandito?” Sagot naman ni Cerise na sumunod sa pag-upo sa h
Kakalabas lamang ni Cerise mula sa pang-gabi niyang programa. Dahil mas marami ang nanood ng balita sa gabi ay inilipat siya sa parehong programa sa gabi. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang isang brand new Rolls-Royce Cullinan at binati siya ng driver.“Miss Harrod, pinapasundo ka ni Boss.”Magalang naman itong tinanggihan ni Cerise. “Pasensya na. May lakad ako ngayong gabi.”“Miss Harrod, sabi ni Boss…”“Ceri!”Halatang nag-iba ang tono ng boses ng driver at mukhang nainis pa ito. Akmang lalapit na sana ito kay Cerise nang biglang may huminto na isang limited edition sports car, Mercedes-AMG GT R Pro, sa likod nito. Napalingon ang driver sa pinagmulan ng maliit at malumanay na tinig na pagmamay-ari pala ng babaeng nasa loob ng kakahinto lang na sasakyan.“Ms. Lin! Kumusta ka?” Pagbati ng driver.Napatingin naman si Vivian sa driver at ngumiti. “Mabuti! This is my sister, she’s mine for tonight.”Nang marinig ito ng driver ay tumingin ito sa nagmamaneho ng Mercedes, tumango, at
Hindi mawala sa isip ni Cerise ang ilang hadlang sa kanilang divorce. Akala niya ay simpleng tatlong araw lang ito ng buhay niya at ngayon halos mag-iisang buwan na mula ng dumating siya sa Pilipinas.Ayaw naman niyang sisihin ang Papito niya na masyadong matagal nang nawala dahil sa business trip nito, ayaw niya lang na baka isipin ni Sigmund na may alam siya dito. Dahil ganito ang pagkakakilala sa kanya ni Sigmund, baliw na baliw parin sa kanya.Pero hindi niya rin maalis sa isipan na tinuring siya ng dalawang matanda bilang kanilang apo, minsan pa nga ay kinakampihan siya nito kaysa kay Sigmund.Ngayon ay ang unang araw niya sa trabaho. Mukhang umaayon sa kanya ang tadhana dahil mayroong bakante para sa balita sa tanghali ng tatlumpung minuto. Hindi man gaano katagal pero tinatanaw ito ni Cerise bilang mabuting pagkakataon upang mahubog ang career.Nakatali ang mahaba niyang bahok pares ng kanyang kulay lila na bestida at simpleng itim na stilettos. Nagtungo siya sa loob ng studio
Alam ni Cerise na walang magagawa ang pagrereklamo niya kung meron man ay siguradong baka masaktan lang siya ni Sigmund. Kinuha niya ang sopas nito at pagalit na tinusok ng tinidor ang spam.Naiinis siya dahil wala siyang maisip na ibang kainisan. Masarap naman kasi yung linuto nito kaya wala na siyang ibang magagawa pa kung hindi kumain. Gusto niya pang ipaalala na vegetarian na siya at hindi siya dapat kumain ng spam pero hindi naman ito bawal.Kinukumbinse nalang niya ang sarili para sa ikabubuti.Sumimangot naman si Sigmund.Alam niya ang ugaling ito ni Cerise. Ganito siya kapag ayaw niya ang ginagawa niya pero kailangan niyang sumunod. Gusto pa man niyang pansinin ang pagsaksak nito sa ulam niya ay hindi na siya nagsalita at baka lumipad pa ang tinidor papunta sa kanya.“Nagamot na ba yang mysophobia mo?” Curious na tanong nito.