Nang pagbalik niya’y sinamahan na rin niyang bumalik sa hospital ang Mama niya. Tinurokan muna ito ng painkiller at naabutan niyang tulog na ito pagkatapos niyang makiusap sa doktor ayon sa mga tests na kanilang isasagawa. Nanlulumo siya kapag nakikita ang ina na dati ay masigla at masiyahin.
Hindi niya aakalain na aabot sa puntong mas bababa pa sa 40 kls ang timbang ng ina dahil sa sakit. Alam niyang labis ang sakit na nararamdaman nito base palang sa laki ng ibinawas sa timbang nito mula noong pag-alis niya.
Paulit-ulit na nadidinig niya ang sinabi ng doktor.
“Ihanda mo na ang sarili mo sa anumang pwedeng mangyari. Ano mang oras ngayon ay puwede siyang mawala. We can only give her painkillers to ease the pain. We can’t treat her anymore. Masyado nang nagspread ang cancer cells sa katawan niya. You can only hope na umabot pa siya kahit isang buwan.”
Lumabo ang tingin niya sa luhang bumalot sa mata niya. Ayaw niyang umiyak, at hindi siya iiyak! Buhay pa ang Mama niya, ano ang dapat niyang iiyak? Kung nagawa niyang malampasan ang stomach cancer, tatlong taon na ang lumipas, siguradong may gamot nang nagawa na mas effective panlaban dito. Alam niyang may Diyos, may awa ang Diyos.
“Riri, ‘nak.” Tawag nito sa kanya. Bagamat nanghihina ay nakuha parin nitong umupo.
“Ma!” Tumabi si Cerise sa hospital bed nito at yumakap.
“Huwag kang malungkot, lahat naman ng tao papunta din sa kamatayan eh.”
“Maaa!” Ayaw niyang marinig ang mga salitang iyon o kahit isipin na mag-isa nalang siya sa mga dadating pang taon. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa ina at hinawakan ang kamay nito.
“Oh, bakit? Mabuhay ka nang mabuti para makaalis nang hindi nag-aalala si Mama.”
“Ma…” Wala na siyang ibang masabi kung hindi ang pantig na iyon. Alam niyang naghihintay lamang ang kanyang mga luha na mag-unahan sa pagtulo.
“Sabihin mo nga kay Mama, ‘nak. Inalok ka ba ng divorce ni Mundo (Sigmund)?”
“Ma… Alam mong ayaw niyang tinatawag siyang ganyan.” Humagikhik naman ang Mama niya at tumango siya pero ngumiti ito.
“Okay. Ang bait naman ng baby ko. Nababahala ka ba kung paano ka makakahanap nang pampalit sa kanya? Siya ang nawalan, hmp!”
Ani nito habang pinanggigigilan ang pisngi niya.
“Syempre naman, Ma.”
“Very good. Kahit anong oras, dapat masaya kang haharap sa mundo ha? Wag mong papabayaan ang sarili mong mabaon sa lungkot.”
“Opo.”
Sumasang-ayon man siya ngayon, alam niyang hindi niya kayang humarap nang masaya sa mundo. Nagpakamatay ang Papa niya, minahal niya ang taong hindi niya dapat mahalin, at ngayon, ang nag-iisang tagabigay ng lakas sa kanya ay iiwan na rin siya. Paano niya pa makukuhang maging masaya?
Matapos ang maikling kwentuhan ay nakatulog uli ang Mama niya. Takot na takot siyang mag-isa sa darating na mga araw, at nakatulog siyang ginagambala nito.
Laking gulat niya nang maalimpungatan sa presensyang nadama, si Sigmund pala.
Naihatid na ang pagkain sa Mama ni Cerise at pinaalis silang dalawa para mag-usap habang siya’y kakain.
“Natakot ka ba kagabi?” Mahinahong tanong nito.
Limang taon ang tanda sa kanya ni Sigmund, hindi na sa kanya bago na maging tunog kuya ito paminsan-minsan. Pero napapasaya pa rin siya nang kahit ganitong interaksyon nila.
Ngumiti si Cerise at tumango. “Ayokong isipin ni Mama na ako pa rin yung batang pag iniiwan niya sa inyo noon, eh magdadabog tas iiyak kasi hinahanap siya. Pero hindi ko magawang hindi umiyak.”
Napalunok siya. Kahit ngayong kinukuwento niya lang ito ay napapaiyak na siya, ano pa kaya kung tuluyan na siyang iwan?
“Pwede mo naman akong tawagan para samahan ka.”
Saad ni Sigmund.
Napahalakhak naman si Cerise. “Maghihiwalay na nga tayo.”
“I watched you grow up, Cerise…”
“Hindi matutuwa si Ate Vivian kapag sobrang lapit mo sa’kin. Hindi rin maayos ang kalusugan niya, mas mabuti nang huwag mo siyang pag-alalahanin.”
Napatingin sa malayo si Cerise na mukhang nanibago naman si Sigmund. “I appreciate the thought and you being sensible. Pero alam mong malapit din si Vivian sa Mama mo, hindi siya papayag na papabayaan lang kita .”
“So, kaya mo ginawa lahat ng ito dahil kay Ate Vivian?”
“Legally, you’re my wife. Ang pamilya mo ay paamilya ko rin.”
“Pero soon…”
Naiintindihan niya si Sigmund pero alam niyang wala nang pakialaman pagkatapos ng divorce.
May biglang tumalsik na bola ng volleyball sa direksyon ni Vivian, na agad namang hinarang ni Sigmund dahilan para mapalapit ang mukha niya sa babae. “It will be the same in the future. Walang magbabago.”
Napalunok naman si Cerise sa pag-a-eye-to-eye nilang dalawa. Napagtanto niyang hindi niya kailanman makakalimutan ang maamo nitong mukha at sa tuwing makikita niya ito ay mauulit lamang ang pagmamahal niya dito. Kaunti lang ang pagitan nila at naamoy niya ang pabango nito at di niya maiwasang magtanong.
“Hindi ka man lang nagbago ng pabango, all these years?”
“Mabango pa rin naman ah. Sanay na akong gamitin ‘to, ba’t ko pa papalitan?” Natagalan bago naman nakasagot si Sigmund kaya kinuha na niya itong pagkakataon para bumalik sa ward.
Hindi niya lubos maisip ang kalagayan niya kung sakali mang tulungan pa siya ni Sigmund pagkatapos ng divorce. Ayaw na niya pa itong makita kung sakali man. Mas masasaktan lang siya kung makikita niyang masaya ito sa iba.
“Maghihiwalay na kayo diba? Riri will bless you, and you will bless Riri, right?”
“Opo.” Napatingin si Sigmund sa babaeng naglakad sa tabi niya at sa mabilis na segundo ay nagbigat ang paghinga niya.
“That’s good. Lumaki siyang kasama ka, huwag naman sana siyang pahiyain mo ha. Syempre, bilang ina, gusto ko lang na tulungan mo siya kung nahihirapan man siya.”
“Ma! Ano ba’ng sinasabi mo?” Galit na tanong ni Cerise dahil parang naghahanda na nga ang ina.
“Sinabi ko na sa’yo na normal lang ang mamatay. Hiram lang natin ‘to, tapos ako binabalik ko na. Kung mawawala tala si Mama, ano nalang ang gagawin mo mag-isa?”
Alam ng Mama ni Cerise na hindi kakayanin ng anak ang pagkawala niya kaya sinabi niya ito habang nandyan si Sigmund.
Si Cerise naman ay nag-uumapaw na ang emosyon at natitipon na ang luha sa mata niya dahilan para mapasigaw ito.
“Hindi ka aalis! Hindi ako papayag!”
“Eh kahit naman ako hindi rin, pero ayaw ni Lord eh. Dalawang beses na akong nagkacancer, yung isa chance na yun pero ngayon…”
Napatingin naman sa kamay niya ang Mama ni Cerise. “Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po siya pababayaan.”
Hinawakan ni Sigmund ang kamay ni Cerise. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha.
‘His hands are warm.’ Naisip niya. ‘Pero hindi para sa akin.’
“I don’t need you to take care of me!” Malakas niyang pagtutol. “Kaya ko ang sarili ko. I will live well kaya ipangako mong hindi ka basta-basta susuko.”
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ni Sigmund.
“Opo. Alam ni Mama yan.”
Yinakap ni Cerise ang ina niya at umalis muna si Sigmund upang magsigarilyo.
Nagulat naman siya nang madatnan pa ito paglabas niya.
“Bakit andito ka pa?” Hindi niya mapigilang itanong.
“Hindi pa tayo hiwalay, bakit pinapalayas mo na ako?”
“Hindi kita pahihirapan. Huwag mong isipin ang sinabi ni Mama.”
“So hindi na tayo pamilya pagkatapos ng divorce?”
“Tinatanong pa ba yan? Anong klaseng pamilya yan?”“Ah Ceri…” Napasinghap siya.“Tawagin mo ako sa pangalan ko.” Walang emosyon nitong sabi. “Since nandito ka naman, may libreng oras ka naman yata para sumama sa’kin sa Civil Affairs Bureau, diba?”May kahulugan nitong saad. Civil Affairs Bureau, tatlong salita na sana’y simpleng lugar lamang ngunit parang diin ng patalim sa kanyang puso.‘Gaga ka kasi. Ikaw rin naman nagtanong.’ Saad niya sa sarili.Samantalang nagtaka naman siya sa reaksyon ni Sigmund, mukhang hindi ito natutuwa.Pinipilit niya bang maghiwalay sila?Hindi marinig ni Cerise ang sagot ni Sigmund kaya tumingin siya ulit dito.“Okay na ba ngayon?”“May meeting ako mamaya! Mahalagang meeting.” Napunta ang tingin ni Sigmund sa hangganan ng corridor, at ang sigarilyo sa kamay niya ay naupos na.“Eh bakit hindi ka pa umaalis?”Tanong ni Cerise.Yumuko naman ito at tila sinusuri ang sapatos, at matapos ay tiningnan siya. “May bakanteng posisyon sa marketing department, why do
Nabigla si Sigmund sa tanong ni Cerise pero mas matimbang ang pagkairitang nararamdaman niya. “Get your hand off her.”May diin nitong sabi at halos patayin na si Izar sa tingin.Inalalayan naman ni Izar ang kamay ni Cerise sa pagtanggal sa pagkakaangkla nito sa braso niya.“You’re not going to the meeting? Diba may lakad ka?” Tanong nito. Sa pagkakaalam niya ay may nabanggit itong pupuntahan kaya ano pa bang rason ang meron siya na andito parin ito?“Here.” Sabay abot ng credit card niya. Lito namang tiningnan siya ni Cerise imbes na tanggapin. Sa irita ay pinasok niya ito sa paper bag na hawak niya at umalis sakay sa kanyang kotse.“Hindi man gaanong halata pero nahihirapan rin si Sig.” Ani Izar habang nakatitig sa papalayong pigura ng kotse ni Sigmund.“Hm?” Kaswal na tanong ni Cerise pero biglang namasa ang gilid ng kanyang mga mata.Kung ayaw nito sa kanya at gusto nang makipaghiwalay, bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?“Think about it, Vivian is in poor health, at matagal kan
Napatingin si Sigmund sa suot ng dalaga na kagabi pa niya nakita.Nahiya naman si Cerise at namula ang tenga.“Ano bang iniisip mo? Kagabi mo pa ‘yan suot. Magpalit ka pagkatapos mong maligo.”Nang maalala ang interaksyon nila ni Izar ay mas naging desidido siyang palitan ito. Nakuha niyang tumayo at sumandal sa sofa.Hindi na siya nakareklamo nang makita ang suplado nitong mata ‘tila ba pinapamadali siya.Napairap nalang siya sa kawalan.Sumang-ayon nalang siya dito at naghanda ng susuotin.“Gumagana kaya ang CR dito sa ilalim?” Pabulong na tanong niya habang nakatayo sa harap ng pinto ng banyo.Napansin naman ito ni Sigmund at ‘tila narinig ang bulong niya.“You can use the one in the master’s bedroom.”Hindi na siya sumagot at nagsisimula na nga siyang makaramdam ng pangangati.Napatanong tuloy siya sa sarili kung nagamot na ba ang pagiging mysophobic ni Sigmund. Noong nakaraang gabi lang ay naligo siya sa nadumihan niyang tubig. Natumba siya sa tubig kaya madumi na iyon para kay S
“Gabi na.”“But it feels very uncomfortable, I feel like I’m going to die!”Narinig niya ang pag-iyak sa kabilang linya.Hindi maramdaman ni Cerise ang anumang awa, kundi ang pagiging hipokritikal, pero hindi niya magawang punain ito.“Tatawagan ko yung doktor mo. Humiga ka lang at magpahinga, okay?”Pinatay ni Sigmund ang tawag at agad na nagdial ng isa pang numero, attending physician ni Vivian.Namangha si Cerise sa naging pag-uusap ng dalawa. Napagtanto niyang alam nito lahat ng tungkol kay Vivian, pero hindi man lang maalala ang edad niya.Mapait siyang napangiti. Nang nakaraang oras lang ay halos mawalan na ito ng malay sa sakit pero hindi niya man lang nasabi ito kay Vivian.-Walang ibang maririnig kung hindi ang halos salitan nilang paghinga. Matapos maibigay ang gamot kay Sigmund ay nagpasya na itong umuwi. Hindi nakareklamo si Cerise dahil naisip niyang wala naman siyang karapatan pagdiktahan ito. Naisip niya rin na baka labis ang pag-aalala nito kay Vivian at nais niyang m
Alas sais ng umaga nang magising si Sigmund. Napatingin siya sa cellphone at bumungad sa kanya ang draft ng message niyang “Sa’n ka?” na hindi niya naisend kay Cerise dahil wala naman silang conversation.Nakatulog pala siya sa pag-iisip kung isesend niya ba ‘to o hindi.Halos manginig ang hinlalaki niya palapit sa mala-eroplanong icon ng text message nang bigla siya’ng makatanggap ng tawag.Pagkatapos ng tawag ay halos lumipad ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo nito.-Bago pa man si Cerise makalapit sa pintuan kung saan siya lumabas kagabi pauwi ay nanghihina na ang paa niya. Alam niya kung ano ang meron sa likod ng pintuan, natanggap niya ang text ng doktor ng mama niya.Pinapapapunta lang siya nito doon, pero alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.Hindi siya tinetext ng kanyang doktor dahil alam nitong lagi siyang pumupunta, araw-araw siyang dumadalaw.“Hospital. ASAP.”Iilang letra lamang ito pero katumbas na ng patay niyang pag-asa at hindi na ulit mababalikan pang mga pagkak
Napagpasyahan ni Cerise na umuwi at magpaalam na.“Mamita, Mom, Dad, aalis na po ako. Masyado na akong nakakaabala sa inyo.”“Riri! This is your home too. Mamaya na.” Ani ng matanda dahil naisip nitong dapat ay samahan nila ito sa pagdadalamhati.“Alam ko po. You will always be my family.” Ngumiti si Cerise at tumango.Ngayon ay nadako ang tingin ng buong pamilya kay Sigmund dahil alam nilang siya ang dahilan nang labis na kagustuhang umalis ni Cerise.Si Sigmund na kanina pa tahimik ay hindi makapaniwalang gagamitin ni Cerise ang kanyang Mamita para lang makuha ang household registration ng kanilang pamilya. Kung mapagbibigyan siya ay wala na talagang hadlang sa kanilang divorce.“Nakita nilang lahat kung gaano mo kagusto ang divorce.”Nagulat naman si Cerise sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang lantaran nitong sasabihin ng ganun-ganun lang ang paghihiwalay nila.“Divorce? Ah!”Nabigla naman ang matanda dahilan upang mahimatay ito.“Mamita!”Ilang minuto muna ang nagdaan bago magisi
Nang makaalis si Sigmund ay narinig ni Cerise ang pagring ng cellphone nito. Alam niyang walang iba kung hindi si Vivian ito dahil walang magtatangkang tumawag dito sa ganitong oras ng gabi.Hindi man masabi ni Vivian ng diretsahan pero ayaw niyang kasama ni Sigmund si Cerise mas lalo pa kung silang dalawa lang.Napaisip naman si Cerise na baka pamilya talaga ang turing sa kanya ni Sigmund kaya sinamahan siya nito sa mga nakaraang araw. Pero tapos na siya sa pagmaang-maangan kaya napagpasyahan niyang umalis pagkahating-gabi.Iyon ay kung nagising siya sa pagkakatulog.Nagising siyang pababa na ang araw at mag-isa sa higaan. Halos isang araw siyang natulog?Mabilis siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa bukas na ilaw na parte ng bahay para makita si Sigmund… na nagluluto.“Oh. Kain.” Walang kaemo-emosyon nitong pag-aalok. Napaisip tuloy siya kung napilitan lang ito na ayain siya dahil naabutan niyang nagluluto ito.“Bakit ka pa nandito?” Sagot naman ni Cerise na sumunod sa pag-upo sa h
Alam ni Cerise na walang magagawa ang pagrereklamo niya kung meron man ay siguradong baka masaktan lang siya ni Sigmund. Kinuha niya ang sopas nito at pagalit na tinusok ng tinidor ang spam.Naiinis siya dahil wala siyang maisip na ibang kainisan. Masarap naman kasi yung linuto nito kaya wala na siyang ibang magagawa pa kung hindi kumain. Gusto niya pang ipaalala na vegetarian na siya at hindi siya dapat kumain ng spam pero hindi naman ito bawal.Kinukumbinse nalang niya ang sarili para sa ikabubuti.Sumimangot naman si Sigmund.Alam niya ang ugaling ito ni Cerise. Ganito siya kapag ayaw niya ang ginagawa niya pero kailangan niyang sumunod. Gusto pa man niyang pansinin ang pagsaksak nito sa ulam niya ay hindi na siya nagsalita at baka lumipad pa ang tinidor papunta sa kanya.“Nagamot na ba yang mysophobia mo?” Curious na tanong nito.
“Cerise, may yayamaning matanda na naghihintay sa opisina mo. Sabi niya andito daw siya para makita ang asawa ng apo niya.”Kakatapos lang ni Cerise sa segment niya nang salubungin siya ng isang katrabaho. Napatalon naman ang puso niya. Ang tanging papasok lamang sa deskripsyon na iyon ay nag-iisang Mamita niya. Agad siyang nagmamadaling bumalik.Pero mas mabilis pa rin sa kanya ang pagiging mausisa ng mga tao. Nang makarating siya ay napapalibutan na ng kung sino-sino ang opisina niya.Habang nakikipagsiksikan sa dami ng tao ay may narinig siyang nagtanong, “Mawalang-galang na ho, sino po ang apo niyo?”“Apo ko? Si Sigmund.” Buong kumpiyansang sagot ng matanda, sa kabila ng nagkukumpulang mga reporter at empleyado.Agad namang nataranta si Cerise. Mas pinilit niyang makaalis sa siksikan at pilit na ngumiti. “Sorry, nagbibiro lang ang lola ko. Please give us some space.”“Sinong nagbibiro?” simangot ng matanda sabay krus ng kanyang mga braso. “Baby Riri here, at ang loko-lokong si Sig
“According to convention, you sleep on the bed.”Pagkatapos niyang sabihin ito ay isang palakpak ng kulog ang umalingawngaw sa laba, sobrang liwanag din ng kidlat na parang kayang humati ng puno.Nakita ni Cerise ang hindi masabing mensahe ng maitim nitong mata. “Hindi ka puwedeng umalis.”Napatingin sa kanya si Sigmund, matalas at matindi, parang nakikita niya kung ano ang iniisip nito.Umiwas si Cerise at naglakad papunta sa bintana. Nanaig ang tunog ng namumuong bagyo sa labas, pero kung tutuusin hindi ganun kalayo ang bahay niya.Kung sa bagay, maraming tao ang na-istranded sa biglaang buhos ng ulan. Kung kaya nila, walang rason na hindi para sa kanya.Nakita niya ang repleksyon nito sa bintana at nagtagpo ang kanilang mata. Matatag ang kanyang boses.“Kaya kong umuwi.”“Sa sofa ako matutulog.”Nanatili si Sigmund sa may bintana, pinapanood siya.Hinarap niya ito. “Lagi mo nalang itong ginagawa.”“Ang ano?”“Imposing your decisions on me,” saad niya, kalmado ang tono niya pero ma
Kinuha ni Sigmund ang kamay ni Cerise, sabay kuha ng kanyang coat, at inakay siya palabas.Lumingon si Mr. Prescott sa mga tao sa loob at sinabing, "Babalik na lang ako mamaya."Pagkalabas, iniabot ni Sigmund ang coat kay Cerise, saka tumingin sa lalaking papalapit. Tinupi niya ang manggas ng kanyang damit, bahagyang nakayuko, may dahan-dahang ngiti sa labi, ngunit sa likod nito'y may nakatagong panganib.Nakita ni Cerise ang kagandahan ng kanyang kilos, ngunit ang lamig sa kanyang mga mata ay nagpatibok ng kanyang puso sa kaba."Sig, sasaktan mo ba ang Tito Vince mo?" tanong ni Mr. Prescott, pilit na nakangiti."Bakit hindi?" Tumawa si Sigmund bago agad na humataw ng isang malakas na suntok.Hindi nakapaghanda si Mr. Prescott at tumilapon sa gilid.Nakatayo si Misty sa may pintuan, tulalang nakatingin sa eksena.Lumuhod si Sigmund sa harapan ni Mr. Prescott, hinawakan ang kanyang kuwelyo gamit ang isang kamay at itinuro siya gamit ang isa pa. "Binabalaan kita, sa sandaling takutin–hi
Napahinto siya bago matigas na tinanggihan ang alok ni Mr. Prescott, “I won’t consider it.”Pinatay niya ang cellphone niya para hindi na niya kailangang sagutin ulit ang tawag nito at sumakay ng taxi diretso sa TV station.Kahit ang company CR ay hindi nakaligtas na maging lugar ng tsismis.“Kalat na kalat sa balita. Bumisita kahapon si Mr. Beauch, at nanatili sa office niya ng isang oras.”“Isang oras? Grabe. Ang lakas naman ng stamina ni Mr. Beauch.”“Exactly! Nakita ko si Harrod kanina, mukhang hindi naman siya ganun kahaggard. She seems perfectly fine.”Tsismis ng tatlong babae hanggang sa marinig nila ang pagflush ng tubig sa isang cubicle.Inunat ni Cerise ang kamay niya, binanlawan, at pinatuyo ito.Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang napalingon ang isa sa tatlong babae. “Ms. Harrod!”Ngumiti lang siya at tumalikod.Gulat na gulat naman ang babae sa malamig na trato ni Cerise.Pagkarating niya sa kanyang opisina ay naabutan niyang naghihintay sa kanya si Misty. “Ma’am, tung
Binuksan ni Cerise ang pintuan na hindi pinapansin ang tatlong lalaking naghihintay. Ang kanilang tingin ay nakapokus sa kanya, na ikinahiya at tameme naman niya.“Syempre, alam ng jowa ang password,” hagikhik ni Izar habang tinatapik ang braso niya. “Pasok ka na.”Hindi naman alam ni Cerise kung anong mararamdaman niya sa sinabing iyon ni Izar. Pero dahil mas nakakapagod magpaliwanag, hindi nalang siya nagsalita.Kalaunan, nang nagluluto si Cerise, pinansin naman ni Sigmund ang dalawang hindi imbitadong bisita. “Umuwi na nga kayo.”“Magkakaibigan tayo,” protesta ni Izar, “at si Riri ang nagluluto, hindi ikaw.”“I warn you,” biglang tumigas ang boses ni Sigmund, “huwag na huwag mo siyang hahawakan ulit kahit na tawaging baby.”Agad namang tumango si Izar na nagpalambot sa ekspresyon ni Sigmund. Samantalang si Winston ay hindi mapigilan ang sarili na magtanong, “So, nagsasama na kayo?”Nagpaliwanag si Sigmund tungkol sa kasunduan ni la ni Cerise, isang walang kabuluhang excuse para sa
Nang makasakay si Cerise sa kotse ni Sigmund ay labis ang pagpipigil niya sa kanyang inis.Tinawagan lang naman kasi nito ang station manager na huwag siyang pagabihin dahil kailangan niya itong ipagluto ng hapunan ng isang linggo.Hindi pa man humuhupa ang inis niya ay kinuha na ni Sigmund ang isang box mula sa backseat at ibinigay sa kanya.Tiningnan naman ito ni Cerise ng pinaghalong irita at pagkainteresado sa kung ano ang laman.Sa loob nito ay isang pares ng asul na leather na sapatos.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong niya nang lingunin niya ito habang nakataas ang kilay.“Tama ang size ‘di ba? Subukan mo nga kung kasya lang.”Hindi makapagsalita si Cerise. Paano nito nalaman ang sukat ng paa niya? Hiyang-hiya siya.Napansin naman ni Sigmund ang pag-aalangan nito kaya nagsalita siya, “Napansin ko lang na malaki ang paa mo, pero wala lang naman ‘yun sa’kin.”“Please stop talking.” Pigil niya sabay irap.Kinuha niya ang isa nito at inilagay sa lapag at ipinalit sa suot niyang bl
Nagtagpo ang mga labi ni Cerise at Sigmund sa isang banayad, marahan, at tumatagal na halik.Hinaplos nito ang kanyang mukha at hinayaang gumuhit ang kanyang mga daliri sa matatalas na linya ng kanyang panga.Kahit nang bahagya itong lumayo, ipinagpatuloy niya ang pagdampi ng malalambot at magagaan na halik sa kanyang mga labi, sa dulo ng kanyang ilong, at pati sa kanyang mga kilay. Tahimik na dumaloy ang kanyang mga luha, isang pipi ngunit matinding patunay ng bagyong bumabagabag sa kanyang puso.Tiningnan niya ang madilim na mga mata ni Sigmund at habang isang luha ang dahan-dahang bumaba sa kanyang pisngi, naglaho ito sa kurba ng kanyang mapait na ngiti.Bahagyang nanginginig ang kanyang tinig nang bumulong siya, "Noon, mahal na mahal kita…”Mahigpit na hinawakan ni Sigmund ang kanyang kamay, isang tahimik na pagkilala sa lalim ng kanyang nararamdaman. "Hinangad kita," mahina niyang pagpapatuloy, halos isang buntong-hininga lamang ang kanyang tinig. "Hinangad kong mahalin mo rin ak
Ang nakakagambalang pagtatagpo kasama si Mr. Prescott ay nag-iwan kay Cerise ng matinding pagkabalisa.Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa kanyang isipan, isang nakakapangilabot na kontrast sa mabait na tiyuhing naaalala niya noong bata pa siya. Paulit-ulit niyang nirepaso ang pag-uusap nila, bawat nakakagambalang parirala ay nagpatingkad sa imahe ng isang lalaking halos hindi na niya makilala."Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Mr. Peterson na hindi siya makakain o makatulog nang maayos," mahinang bulong ni Mr. Prescott, may bahagyang ngiti sa labi.Nagulat si Cerise at nagtanong, "Mr. Peterson?""Yung boss ng kumpanyang gumagawa ng sasakyan, na nilasing ka noong nakaraan?" sagot ni Mr. Prescott, ang kanyang tono ay kaswal ngunit may nakakapanindig-balahibong dating.Siyempre, naalala niya.Sandaling nakalimutan niya, ngunit hindi maikakaila ang ugnayan ng mga makapangyarihang lalaking ito.Kumikilos sila sa parehong mundo, ang kanilang impluwensya ay isang sapot na
Bigla niyang naalala ang pagtalon niya mula sa bathtub noong unang gabi niya sa China. Ang alaalang iyon ay bumalik sa kanya, sariwa at puno ng damdamin.Si Sigmund, nakasandal sa dingding, ay halatang nahihirapan pigilan ang sarili. Napaungol siya, at napansin ni Cerise ang paggalaw ng kanyang Adam’s apple.“May problema ba? Masakit ba ang lalamunan mo?” tanong ni Cerise, nag-aalala.“Wala. Magluto ka na lang ng almusal.” matigas na sabi ni Sigmund, tumalikod pa. Mukhang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.“Sige.” masiglang sagot ni Cerise, para maiwas sa nagbabadyang gulo.Si Cerise ay abala sa kusina. Matagal maluto ang lugaw, at habang nagluluto ng ibang gusto nito, ramdam niya ang titig ni Sigmund.Nang lumingon siya, nahuli niya itong nakatitig, parang malalim ang iniisip. Napangiti siya, iniisip kung baka nag-aalala ito na baka lason ang ilagay niya dito. Pero nanahimik na lang siya at baka ano pa ang masimulan niya.Sinundan din ni Sigmund ang tingin niya at napansin a