Chapter: Chapter 134: Still His WifeNatigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 132: The Mask Falls Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
Last Updated: 2025-04-11
Chapter: Chapter 132: The Deal She Never Asked For “Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen
Last Updated: 2025-04-10
Chapter: Chapter 131: Lines We Can’t Cross“Sig?” Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya sa labi ni Cerise nang sinagot niya ang tawag, malamig ito at matalim.“Kailangan ba ng babae ko ang pamilya Prescott? She already has me.” Hindi na siya naghintay ng sagot ng kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.Nakanguyom ang panga ni Sigmund habang nakatitig sa screen, ang pangalang Vince Prescott ay malinaw pa rin sa display. Subukan niya lang magpantasya kay Cerise at buhay niya ang kukunin ko.Galit ang unti-unting bumalot sa kanya. Tiningnan niya ang numero, malamig ang tingin, at walang pag-aalinlangang binlock ito. “—Cerise.” Naglakad palabas si Cerise mula sa silid at nakita siyang nakatayo sa may kusina, hawak ang kanyang cellphone. “May tumawag ba sa’kin?” tanong niya. “Wala,” matalim ang sagot ni Sigmund. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang mga mata. “Ah, ganon ba...” Tumango lang si Cerise, pero may kutob siyang may tinatago ito. Kung wala ngang tumawag, bakit parang may balak siyang patayin? Gal
Last Updated: 2025-04-09
Chapter: Chapter 130: Don’t Say It Out Loud
“Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong nito, mata’y puno ng sakit. “Yung divorce? Na willing ka pang magsampa ng kaso? Gusto mo bang malaman ng buong mundo na kasal tayo?”“Hindi ko kayo kakasuhan. Pumayag ka na maghiwalay tayo, at wala nang ibang makakaalam,” sagot ni Cerise. “Kahit kailan, walang makakaalam na naging mag-asawa tayo. Puwede ba ‘yon?”Tumawa si Sigmund nang mapait. Pagkatapos ay muling kinagat nito ang kanyang balat.Walang makakaalam?“Hindi ba pwedeng kapalit ng tiwala mo ang lahat ng yaman ko? Ang buong buhay ko?”Isa lang namang bagay ang hinihiling niya.Pero huli na.Hindi na siya kayang pagkatiwalaan ni Cerise.Tumahimik siya. Hindi na nagsalita.Bumagsak si Sigmund sa kanyang leeg, bulong nang bulong ng hindi niya naman marinig.Matagal silang walang imik.Hanggang sa halos makatulog na si Cerise ay muling nagsalita si Sigmund.“Gutom ka pa ba?"Napadilat siya sa marahang boses nito..“May dala akong sopas.”Tumayo ito, nagbihis, at lumabas.Napaupo si Ceri
Last Updated: 2025-04-07
Chapter: Chapter 129: If Only We WereBago pa man siya matapos magsalita, yumuko na si Sigmund at kinagat ang kanyang baba nang malakas. Dahan-dahan itong gumapang paitaas hanggang sa dumapo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cerise.Napasinghap si Cerise at awtomatikong umatras. Nagtangkang tumakas ang hininga niya habang ang pag-aalinlangan ay tumagal nang matagal, hanggang sa nalasahan niya ang dugo mula sa sariling labi. Unti-unting dumilat ang kanyang mahigpit na nakapikit na mga mata, at tuluyang nanlambot ang katawan.Kinagat siyang muli nito ngayon, sa kanyang labi.At saka nito sinipsip, tila isang nauuhaw na hayop.Masakit.Malalim.Sobrang sakit.Ang kamay niyang nakakulong sa itaas ng kanyang ulo ay walang malay na nangiwi, at napakapit sa hangin.Masakit.Mula sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang puso.Nang maramdaman ni Sigmund na hindi na siya tumututol, unti-unti nitong binagalan ang kanyang galaw. Ang mga halik niya ay naging banayad, halos may pag-galang, habang dahan-dahan nitong sinisipsip ang dugo
Last Updated: 2025-04-06
Chapter: Chapter 12: Don’t Judge the FlowerAng venue ng kumpetisyon ay nasa ikaanim na palapag, isang maliit na boxing ring sa ilalim ng matitinding ilaw, napapalibutan ng mga camera at audience na halong interesado at nag-aalalang manonood.Nakatayo sa gilid ng ring si Amber, suot ang puting sportswear at dahan-dahang inaayos ang kanyang gloves. Tamad ang kanyang postura, halos walang pakialam, pero may ningas sa kanyang mga mata, parang alam na niya ang kahihinatnan ng laban.Sa gilid ng ring, nakakapit sa lubid si Gideon, puno ng pag-aalala ang boses nito. “Amber, huwag matigas ang ulo. Lumayas ka na d’yan habang hindi pa bugbog-sarado ang mukha mo,” sabi niya nang nakakunot ang noo. “Kung gusto mong magmatigas, siguraduhin mong walang makakabugbog sa’yo. Hindi basta-basta ang halaga mo. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mukha mo?” Tahimik lang si Amber at pinagalaw lang ang kanyang mga daliri sa loob ng gloves.Nagpatuloy si Gideon, tumataas na ang tono niya. “Kung matalo ka, edi matalo. Walang kahihiyan dun. Ibitin
Last Updated: 2025-04-09
Chapter: Chapter 11: A Blessing or A Burden Pagkapasok na pagkapasok ni West sa kanyang apartment, habang hinuhubad pa ang kurbata’t blazer, bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Walang pasakalye, diretsong nagsalita ang nasa kabilang linya, si Harvey.“Atty. Lancaster,” aniya, seryoso ang boses. “May motibo ng pagpatay.”Napahinto si West sa pintuan, hawak pa nito ang kanyang coat. “Anong pagpatay?”“’Yung truck ng sprinkler na pina-trace mo kanina. Ayon sa pulis, hindi aksidente ‘yon. Plinano talaga. Target ng attempted murder ay ang asawa ng boss.”Tumahimik si West. Kumunot ang noo. “Asawa ng boss…?”Doon niya lang na-gets.Si Amber.Lately, tinatawag na siyang asawa ng boss sa opisina niya, kalahating-biro, kalahating-seryoso. Gano’n talaga ang dating ni Amber. Marunong dumiskarte, magpa-cute, at lumaban. Wala kang ibang makikitang katulad niya.“Kawawa naman si Miss Harrington,” dagdag ni Harvey. “Dalawang araw na sunod-sunod siyang pinagtangkaan. Parehong planado. Pinag-uusapan na ng pulis kung dapat ba siyang bantay
Last Updated: 2025-04-04
Chapter: Chapter 10: Temptation in Silk Ang pribadong silid ay puno ng usok. Sa ganitong klase ng pagtitipon, kung saan mga lalaki ang naghahari, may tatlong bagay na tiyak nandodoon: sigarilyo, alak, at mga babae. Ngayong gabi, dalawa sa tatlo ang makikita sa pagtitipon.Isang maingat na katok ang bumalot sa mabigat na pintuan. Pumasok ang manager ng restaurant, bitbit ang pinakamahal na alak sa kanilang tindahan. Dumeretso siya kay West Lancaster, yumuko nang bahagya, at mahinang sinabi, “Mr. Lancaster, ito po ay mula kay Ms. Amber. Ipinadala niya ito nang personal.”Sandali siyang nag-alinlangan bago idinagdag, “Huwag daw po kayong masyadong uminom, sabi ni Ms. Harrington.”Pagkatapos ng kanyang sinabi, unti-unting nagbago ang hangin sa silid. Ang ilang lalaki ay biglang nanigas; ang iba naman ay nagtinginan na parang may alam silang sikreto. Halos nakakatawa ang kanilang reaksyon, para silang mga hayop na natuklasan na ang "pagkaing" kanilang kinain ay matagal nang patay.“So, totoo nga pala?” May isang natawa, ang bose
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: Chapter 9: The Art of Playing Men "Tangina! Mas marami pang anak sa labas ang tatay mo kaysa sa mga nakafling ko."Malalim na bumuntong-hininga si Amber habang walang sawang nag-scroll sa kanyang cellphone, hinahanap ang Instagram ni West. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin siyang makita. Nasaan na ba ‘yon?Kahit bahagyang naiinis, nagpalit siya ng diskarte at hinanap na lang si Chito sa kanyang contacts at tinawagan ito."Mr. Rossi, puwede bang magtanong kung ano ang Instagram ni West?" Ipinatong niya ang mga daliri sa kanyang tuhod habang hinihintay ang sagot.Halos agad namang nag-reply si Chito, ngunit ang sagot nito ay mas nakakainis pa sa hindi pagsagot. "Hindi puwede."Napangisi si Amber, mabilis na nakaisip ng sagot. "Parang nasa iisang spa kami ng nanay mo. Itatanong ko na lang sa kanya sa susunod. At habang nandito na tayo sa usapang ‘to, pag-usapan natin ang mga bago mong kaganapan sa love life mo, gusto mo?"Sa kabilang linya, may narinig siyang sunod-sunod na mura mula kay Chito. Halatang inis
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: Chapter 8: Games of Power and Desire "Atty. Lancaster!" Nang makita ni Lilith si West, tila bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Araw-araw niyang naririnig si Amber na nagrereklamo tungkol kay ‘Señor Ginto’ kaya't nabuo sa isip niya ang imahe ng isang elitista at materyalistang lalaki. Pero ngayong nakikita niyang patakbong papalapit si West, hindi ito mukhang kalaban, parang kamag-anak pa nga. Isang mabait na napadaan din ang lumapit at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan. Ngunit si West, hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso itong umakyat sa bubong ng nawasak na sasakyan, hinahanap ang isang tao. "Nasaan si Amber?" tanong niya, malamig ang boses. Samantala, sa kabilang kalsada, si Amber ay papara na sana ng taxi. Ayaw niyang maantala ang kanyang hapon para lang sa isang aksidente. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, hindi pa man nakakalayo ang sasakyan, isang trak ng pandilig ng halaman ang bumangga rito. Ngayon, mula sa overpass, dinig na dinig niya ang galit na sigaw ni West. Natawa siya nang
Last Updated: 2025-04-02
Chapter: Chapter 7: Checkmate Pagkatapos magsalita ni Lazaro ay isa-isa namang nilabas ni Amber ang alas niya. “Bakit naman kailangang pahirapan ng babae ang kapwa niya babae. Walang nakuha si Mommy sa kakasunod sa matandang iyon buong buhay niya. You can say she was already a widow. Pero nang malaman niyang mamamatay na ang matanda, ayaw na niya halos iwan ‘to. Do you get my point? Women are often kinder than men.”Saad ni Amber, dahan-dahang tumayo at tumingin kay Abilene. “Makakaalis ka na pagkatapos nito.”“Hindi mo ‘ko ipapakulong?” gulat nitong tanong.“Anong magandang maidudulot sa’kin ng pagpapakulong sa’yo? Habang buhay ka, may hati ka sa yaman ng matanda. At kung hindi, hindi ba ako naging kriminal n’yan? Ako makukulong? It’s not worth it.” Madiing sabi ni Amber bago lumabas ng interrogation room.Nang makalabas ito, agad niyang inangkla ang kamay sa braso ni West. “Mukhang hindi na kailangan ng abogado ni Ms. Harrington.”Sinuot niya muna ang sunglasses niya bago nagsalita, “Atty. Lancaster, you may not
Last Updated: 2025-03-23