Marrying Mr. Stepbrother

Marrying Mr. Stepbrother

last updateLast Updated : 2023-09-16
By:  EyahCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
73Chapters
5.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

After her mother's death, Mari spent her life living with her aunt in the United States. Kuntento na siya roon, not until her own Aunt Melissa framed her up so that she can go back to her home country, the Philippines, which she hates the most. Doon ay makikilala niya si SJ. Naging magkaibigan sila, hanggang sa nagkaibigan. Mabilis ang mga pangyayari. In her three months stay, nawala ang pagkadalaga niya. Akala niya ay okay na ang lahat pagkatapos noon. She thought of her wedding as the beginning of her happy ending. Their happy ending. Hanggang sa mapag-alaman niya na may iba nang babae ang daddy niya. Kasabay ng pagkaalam niya na niloloko siya ng asawa niya. And to make her situation more even worst? Nalaman niya na ang babae pala ng daddy niya ay walang iba kundi ang ina ni SJ. Making her jerk husband her probable stepbrother...

View More

Chapter 1

KABANATA 1

MARI

I've been living here in the U.S. for almost a decade now. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang bumalik sa... sa nakakainis na bansang iyon!

Ngayon ang simula ng annual two-week-long vacation ko sa trabaho. And I should be happy now, right? Pero nang dahil sa 'napakagandang' surprise ni Aunt Melissa ay nasira na lahat ng plano ko at nawala na rin ang lahat ng kaligayahan na dapat kong maramdaman.

"Are you ready to leave, honey? Your flight is on two hours."

Hawak ang kahon ng huling sapatos na ilalagay ko sa maleta ay napalingon ako kay Aunt Melissa. Nakatayo siya at nakasandal sa mismong pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon. But her posture is just saying na pinapanood niya ako sa kung anumang ginagawa ko.

"You don't have to remind me 'bout the hell that's waiting for me, Aunt." mapaklang saad ko sa kanya.

Pabagsak pa akong umupo sa malambot kong kama, hanggang sa tuluyan ko nang ibinagsak ang sarili ko roon pahiga.

"I'm gonna miss this bed. Argh, kung bakit kasi kailangan ko pang umalis." usal ko habang nakapikit.

Hindi ba pwedeng nanaginip lang muna ako? Can't this be unreal?

"You've been here for almost a decade now, sweetie. Hindi mo ba nami-miss ang daddy mo? How about your best friend? Si... ano nga ulit ang pangalan no'n? Liya? Miya...?"

"Riya." pagtatama ko sa kanya. "How would I miss Dad, eh lagi niya naman akong binibisita rito? Isa pa, Riya and I are always in touch with each other. Lagi kaming magka-video call at—"

"At iniisip mo na sapat na iyon?" Tumawa si Aunt Melissa na para bang may nakakatawa nga sa pagitan namin ngayon. "You shouldn't be thinking that way, hija. Kahit segu-segundo pa kayong mag-video call ng best friend mo, hindi pa rin noon mahihigitan o matutumbasan man lang ang essence ng pagiging magkasama. 'Yung literal na magkasama, ha? Isa pa 'yang sa daddy mo. Aren't you wondering on why in this entire year, eh hindi ka man lang niya nabisita maski isang beses?"

Napabuntung-hininga ako. She has a point, anyway. Sa loob kasi ng maraming taon, mula nang dito na ako tumira kasama ni Aunt Melissa ay hindi pa pumalya si daddy sa pagbisita sa akin. Tuwing birthday ko, bagong-taon, at kahit sa mga pagkakataon na sadyang gusto niya lang akong bisitahin o dahil may free time siya. But this year is different. Halos mangangalahati na ang taon, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabisita sa akin. Not even once.

"B-Busy daw siya sa trabaho, sabi niya." sabi ko na lang.

Hindi naman siya sumagot agad, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"A-Ahm... Yeah, I-I know." nauutal na saad niya mayamaya, nag-iwas pa ng tingin sa akin. Pero bakit siya nauutal? And... she seems uncomfortable, huh? "Kaya nga nagdesisyon na ako na pagbakasyunin ka sa Pinas, eh. It's high time you make the adjustments. Ikaw naman ang dumalaw sa daddy mo. Hindi 'yung siya ang laging mag-aadjust para mabisita ka. Lalo na ngayon. Mas nagiging busy siya sa pagpapatakbo sa mga businesses niyo."

Ako naman ang hindi agad nakasagot.

I have to admit that she has a point. Again. Tumatanda na rin si Daddy at nasa tamang edad naman na ako para ako naman ang gumawa ng hakbang para magkasama kami. It's been ten years na rin since I went here para takasan ang madilim na nakaraan ko. 

Oo, kahit nasa murang edad pa lang ako noon ay aware na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Alam ko na dinala lang ako ni Aunt Melissa rito dahil naniniwala siyang mas mabilis akong makakalimot dito. Makakalimot sa biglaang pagkamatay ng mommy ko...

"So, this is where you're always going everytime that you should be in school."

Napasinghap ako sabay napalingon sa boses na bigla ko na lang narinig sa bandang likuran ko. It was Aunt Melissa.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Base sa tingin at tono ng pananalita niya ay alam kong naiinis siya. Sa akin, o sa mga ginagawa ko. O baka sa parehas.

"A-Aunt M-Melissa... W-What are you doing here?" utal kong tanong sa kanya.

Bahagya kong itinago sa likuran ko ang hawak kong bungkos ng bulaklak. Ibibigay ko sana iyon kay mommy gaya ng ginagawa ko araw-araw tuwing palihim ko siyang binibisita dito.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, Mari. Ano'ng ginagawa mo rito? Aren't you should be at your school right now? Pero bakit ka nandito?" 

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na kayang salubungin ang nanlilisik niyang mga mata.

"A-Aunt... I-I can explain—"

"Huwag ka sa akin magpaliwanag. Go to your dad, he needs your explanation better than I do. Hindi mo ba naisip na mag-aalala ang daddy mo, na mag-aalala kami sa'yo?" Hindi ako sumagot at napayuko na lang. I could feel my heart getting heavy. Bahagya na ring nanlalabo ang mga mata ko gawa ng mga luha na unti-unti nang namumuo sa mga sulok nito. "Sumama ka sa akin. I'll be taking you home—"

"B-But I want to stay with Mommy—"

"Huwag ka nang makulit, Mari, kung ayaw mong magalit pa ako sa'yo."

Hindi ko na nagawang lumaban pa nang hilahin ako bigla ni Aunt Melissa. Nabitawan ko ang mga bulaklak na hawak ko. I cry as I stare at my mother's grave. Habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa akin ni Aunt Melissa na walang lingun-lingon sa paghila sa akin papunta sa sasakyan niya.

Later that night, I got the lecture of my life. Pinagsabihan ako ni Daddy, maging ni Aunt Melissa. I saw them fighting in range. But that exact moment, wala naman talaga akong pakialam sa pagtatalo nila. What hurt me the most was the fact that they are fighting because of nothing aside from me. Dahil sa akin kung bakit sila nag-aaway.

"What came to your mind, Mari? What have you done?" mahina ngunit mariing saad ni daddy.

Hindi ako umusal maski isang salita. Yumuko lang ako, umiiyak pa rin.

"Mari, kinakausap ka ng daddy mo. Speak up!" malakas na sambit naman ni Aunt Melissa.

Napapitlag ako, tsaka napahagulhol na.

"Oh, gosh... Ito na nga ba ang sinasabi ko." rinig ko pang sabi ulit ni Aunt Melissa. Nakita ko pa sa peripheral vision ko kung paano niya hinawi ng marahas ang buhok niya. She even sighed.

"Mari, please, sumagot ka naman. Hindi ko na alam kung saan ako nagkulang—"

"I-I just want to be with Mommy more..." umiiyak na saad ko.

Inakala kong pagagalitan na naman nila ako, sisigawan. Pero nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ni Aunt Melissa. Umiiyak din siya. Even dad is.

Hindi ko alam kung dahil sa akin pa rin ba kaya sila umiiyak. Basta ang alam ko lang, malinaw na hindi sila natutuwa sa mga ginawa ko. I know it was wrong. I am certain. Pero mali ba na gusto ko pang makasama ang mommy ko kahit hindi ko na nakikita ng pisikal ang katawan niya?

"Umakyat ka na muna sa taas. Go to your room, Mari. I'll go there, too. May pag-uusapan lang kami saglit ng daddy mo." mayamaya ay utos ulit ni Aunt Melissa. Kalmado na siya.

Hindi na lang ako kumibo at nakayukong sinunod na lang ang utos niya. Umakyat nga ako sa taas, pero hindi ko tumuloy sa kwarto ko. Sa halip ay nagtago ako sa isang malaking vase na may halaman kung saan tanaw ko pa rin sina Daddy at siguradong maririnig ko pa rin ang kung anumang pag-uusapan nila. I know, it is wrong. But I can't just let myself be clueless about everything that's hapenning. Lalo na at sigurado akong ako ang magiging topic nila.

"What's there for us to talk about, Ate?" rinig ko agad na tanong ni daddy makalipas lang ang halos isang minuto.

"About you and your daughter. Gusto kong isama si Mari sa California. Doon muna siya sa akin habang—"

"What?! You know, you can't do that to me! To us!" malakas na sambit ni Daddy sabay hawi sa buhok niya. "I already lost my wife, Ate. Hindi ko hahayaan na pati si Mari ay mawala pa sa akin."

"Hindi mawawala sa iyo ang anak mo, Mauricio! Ano ka ba?!" ganting asik din ni Aunt Melissa. "Hindi mo ba nakikita? It's been two weeks since Agatha died. Pero habang tumatagal, imbis na maka-move on ay parang lalo lang nalulugmok si Mari sa sitwasyon kinasasadlakan niya. And I don't know but... I am starting to think na baka kaya siya nagkakaganiyan ay dahil sa environment niya. She's in this place na lalong makakapagpaalala sa kanya sa mommy niya. And I hate to see her struggle.

Remember what happened to me when our mother died? I am certain I was in the same situation as your daughter now. Ang pinagkaiba lang ay masyado pa siyang bata. Are you gonna let this tragedy ruin your own daughter's entire life?!"

Daddy didn't utter any words after that. He just sighed, and cried. Napaupo pa siya sa couch na para bang bigla siyang nakaramdam ng panghihina.

Tinabihan naman siya agad ni Aunt Melissa. Maybe, she's comforting her. Hinimas-himas niya kasi ang likod ni daddy sabay yakap dito.

"Alam kong hindi madali para sa iyo, Ricio. Pero hihintayin pa ba nating lumala ang lagay ni Mari bago tayo umaksiyon?"

Hindi ko na kinaya pang pakinggan ang mga susunod na sasabihin nila. I run directly to my room. Parang pinagsisisihan ko na nakinig pa ako sa usapan nila. Dahil tama nga ako. I am the reason on why they're seemed to be in trouble these past few days. Ako nga ang problema nila. But I can't see any problem with me longing to be with my mother even at lease with her grave.

Isang linggo lang ang lumipas matapos ang tagpong iyon ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasakay na sa isang eroplano. Kasama si Aunt Melissa at paalis na sa bansang kinalakihan ko. Gusto kong umiyak, pero huli na ang lahat. I was forced to leave everything behind. Si Daddy, ang best friend ko, ang buhay na kinamulatan at kinalakihan ko, at higit sa lahat, si mommy...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ehdrian Nivera
nice story
2025-03-27 12:55:49
0
user avatar
Miss Selene
Nice story
2025-03-21 13:34:13
0
73 Chapters
KABANATA 1
MARII've been living here in the U.S. for almost a decade now. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang bumalik sa... sa nakakainis na bansang iyon!Ngayon ang simula ng annual two-week-long vacation ko sa trabaho. And I should be happy now, right? Pero nang dahil sa 'napakagandang' surprise ni Aunt Melissa ay nasira na lahat ng plano ko at nawala na rin ang lahat ng kaligayahan na dapat kong maramdaman."Are you ready to leave, honey? Your flight is on two hours."Hawak ang kahon ng huling sapatos na ilalagay ko sa maleta ay napalingon ako kay Aunt Melissa. Nakatayo siya at nakasandal sa mismong pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon. But her posture is just saying na pinapanood niya ako sa kung anumang ginagawa ko."You don't have to remind me 'bout the hell that's waiting for me, Aunt." mapaklang saad ko sa kanya.Pabagsak pa akong umupo sa malambot kong kama, hanggang sa tuluyan ko nang ibinagsak ang sarili ko roon pahiga."I'm gonna mi
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more
KABANATA 2
MARIAng init! OM... Napakainit!After almost seven long hours, finally ay masasabi kong nasa Pilipinas na ako. Paano ko nasabi? Simple lang. Kasi sobrang init!Paglabas ko pa lang ng airport, parang gusto ko na agad mapasigaw dahil sa pagdampi ng init sa balat ko. I also experienced summer in L.A., pero hindi ganitong kalala! Gosh, ito na ba ang gateway to hell?!Hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang pagkainis habang inililibot ko ang mga mata ko sa paligid. Wala pa ba si Dad?! O kahit sino man lang na susundo sa akin? Jusmio, unang tapak ko pa lang dito, pakiramdam ko ay sinisintensiyahan na ako agad sa impiyerno!"M-Ma'am Mari? Ikaw na po ba iyan?"Walang sabi-sabing agad akong lumingon sa narinig kong nagbanggit sa pangalan ko. I saw there a man looking like almost in his late-fifties. May hawak itong susi ng sasakyan, at isang... banner. Yeah, banner. May hawak siyang isang medyo may-kalakihang banner na kulay puti kung saan nakasulat sa malalaki ring letra ang pangalan ko.
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more
KABANATA 3
MARIAs for the record, tatlong araw na mula nang una kong itapak ulit ang mga paa ko dito sa Pilipinas.At sa tatlong araw na iyon, wala akong naramdaman kundi purong kaligayahan. I must admit, I still misses mom somehow. Kahit sino naman siguro, 'di ba? Pero sa loob ng tatlong araw na pananatili ko rito sa Pilipinas ay hindi ko pa sinusubukan na lumabas kahit isang beses man lang. Though Dad and Mang Dario always tell me to. Ako lang talaga ang makulit na hindi nakikinig. Lagi lang akong nagkukulong sa kwarto, o 'di naman kaya ay nakikipagkwentuhan sa mga kasambahay namin sa ibaba. Kung lalabas man ako ay hanggang sa gate lang. Nagdidilig ako ng mga halaman. But I really did not attempt to step a foot outside.Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahalungkat sa mga gamit ko noong bata pa ako na hanggang ngayon ay buo at nasa maayos pa ring mga kalagayan. I bet Dad is hring someone to clean these all up.Sa ginagawa ko ay aware rin ako na may mabubuksan na namang sugat ng kahapon
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more
KABANATA 4
MARI After realizing that my baby, Pepper, was gone, hindi ko na nagawa pang magpaalam kay Riya. I just turned the call off and rushed to find her. At ngayon, sa tantiya ko ay humigit-kumulang tatlumpung minuto na ang mabilis na lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea kung nasaan siya. And to make the matter even worst, unti-unti na rin akong nakakaramdam ng panghihina. Panic is attacking me real bad. Ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko, ang pagkakapos ko sa hininga. Na kung nasa normal na sitwasyon lang siguro ako ay ako na mismo ang magvo-volunteer na magpadala sa ospital. But no, this is a different situation. A quiet worst one. Kaya imbis na huminto ako ay ipinagpatuloy ko lang ang paglakad habang palinga-linga sa paligid. “Pepper! Come to me, please, baby! Huwag mo naman iwan si Mommy, o!” malakas ko pang sigaw habang naghahanap pa rin. I can’t afford to lose her. Dahil bukod sa si Daddy ang may bigay no’n sa akin, alam ko rin na pinaglaanan niya talaga
last updateLast Updated : 2023-06-07
Read more
KABANATA 5
MARI Mabilis ko nang nilapitan ang higanteng lalaki na iyon matapos ko siyang batuhin. I didn’t waste any time to wait for his sudden reaction after that piece of rock landed on his back. Nang makalapit ako ay sakto namang humarap na siya. Hindi ko naman ide-deny na bahagya akong natulala nang makita ko na sa wakas ang mukha niya. In fairness, gwapo naman pala si Koya. Makakapal ang mga kilay at mga pilikmata nito na mahahaba rin. May pagka singkit ang mga mata nito. At ang pupungay, ha?! Matangos ang ilong, mapupula at halatang kissable ang mga labi, sakto ang tapang ng jawline at— At kailan ka pa natutong ma-aatract sa abductor na masamang taong kriminal at kidnapper, ha?! Baka nakakalimutan mo, Mari. He obviously stole your baby! Sa biglang sampal sa akin na iyon ng isip ko ay bumalik ang inis na nararamdaman ko sa… sa kung sino man ang lalaking nasa harapan ko na may buhat kay Pepper! “You’ll gonna throw a bigger rock at me, don’t you?” walang emosyon at kaswal lang na saad n
last updateLast Updated : 2023-06-11
Read more
KABANATA 6
MARIMatapos ang mahaba-habang pakiusapan, sa wakas ay ibinigay na rin sa akin ng lalaking iyon— na hindi ko man lang nalaman ang pangalan, si Pepper.And when he handled her to me, hindi na ako nagdalawang isip pa at naghintay ng kung ano. Tinakbo ko na agad si Pepper noon ay bumalik na kami sa park proper kung saan maraming tao. Alam niyo na, protective mindset ba. In case na sundan niya kami, ‘di ba? Maraming tao ang pwedeng makakita at mag save sa amin ng baby Pepper ko.Laking pasasalamat ko na nga lang din dahil pagdating namin sa park proper ay marami pa ring tao roon. Mas dumami pa nga yata kaysa sa kanina.Pagkaupo ko sa bench ay inilabas ko na agad ang cell phone ko para humingi ng update kay Riya. Kailangan kong makasiguro kung makakapunta pa ba siya o hindi na. Kasi kung oo, then fine, I’ll wait. Pero kung hindi naman, I just thought that it would be better if I go home already. Lalo na at malamang na nasa paligid pa ang lalaking estranghero na iyon. And I don’t have the i
last updateLast Updated : 2023-06-12
Read more
KABANATA 7
MARI“So, tell us how’s your life way back in California? Masaya ba roon? Baka may naiwan ka nang afam doon, ah?”Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahalakhak dahil sa tinurang iyon ni Riya.Pagkagaling namin sa convenience store ay dumiretso na kami sa isa pang park na may sea side at doon namin magkakasamang kinain ang ice cream at iba pang pagkain na binili namin sa stall na nadaan namin.Halos isang oras na rin kaming nandito at magaan na ang pakiramdam ko kahit papaano. I am now far from that creepy park and from that creep guy. Isa pa, kasama ko naman na sina Zequiel at Riya kaya nasisiguro kong wala nang mangyayari sa akin na hini maganda.“Kung makapagtanong ka, ha? Matagal nga akong nawala at matagal niyo nga akong hindi nakasama personally pero halos araw-araw naman tayong magkausap. And you should know by now na wala akong naiwang kung sinuman doon sa California. Mapa-afam o kapwa natin Pinoy, wala talaga. Well, except for Auntie Melissa—”“Oo na, amaccana. Dinamay m
last updateLast Updated : 2023-06-12
Read more
KABANATA 8
MARIAfter trying my best to call my dad for several times, sa wakas ay sumagot na rin siya.“Hello, sweetheart—”“What took you so long, Dad?! Nag iipon talaga kayo ng kasalanan sa akin, ‘no?!” bulalas ko agad nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.“Mari, anak—”“Why did you go on that business trip without even informing me?!”“Anak, I was about to. Kaso lang, nagmamadali ako kaya—”“You’re lying.” putol ko sa mga sasabihin niya na para sa akin ay puro palusot lang naman. “I’m sure, kanina ka pa nandiyan sa kung saan mang pupuntahan mo. You have several hours to call or even to text me para naman ma-inform ako kung nasaan ka and yet, hindi mo ginawa. That is so very not you, Daddy. Nagtatampo ako.”Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya pero hindi nagawa no’n na ibsan kahit kaunti lang ang inis na nararamdaman ko.“You should have called me. Alam niyo naman na nasanay ako na laging maaga ang uwi niyo sa bahay at halos hindi na nga kayo umaalis mula no’ng dumating a
last updateLast Updated : 2023-06-12
Read more
KABANATA 9
MARI Mula nang aksidenteng masabi ni Riya sa akin ang tungkol sa ‘surprise’ ni Daddy ay walang araw na hindi ako na-excite. Lalo na sa mga pagkakataon na nararamdaman kong medyo ‘extra’ ang treatment sa akin ni Daddy. ‘Yung tipong entrance talaga ng mga surprise. Iyon nga lang, kasabay ng excitement ko ay hindi ko rin maiwasang madismaya sa tuwing wala namang surprise na nangyayari. Hindi ko rin tuloy maiwasan na magtaka at magduda sa mga sinabi ni Riya. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ang mga iyon o trip-trip niya lang. Baliw din akong umasa nang wala namang pinanghahawakan na assurance kung posible nga bang may ‘surprise’ na inihahanda si Daddy para sa akin. Kaya para kumpirmahin iyon ay inaya ko na lang na lumabas si Riya para makausap ko na rin siya ng personal. Besides, pinayagan naman na siya ni Daddy na mag leave na dahil medyo maselan ang pagbubuntis niya at sensitive talaga siya pagdating sa pagod at stress. She is still paid, though. The perks of having a best friend na
last updateLast Updated : 2023-06-13
Read more
KABANATA 10
MARISeeing that disappointed expression on SJ’s face after all that I said made me feel guilty.Because yeah, hindi nga naging maganda nag unang pagkikita namin. But for me, that is still not an enough and justifiable reason to be rude on someone. Kahit pa sabihing siya naman ang unang nang asar sa akin kung tutuusin.“I-I’m sorry. I-I didn’t mean to—”“It’s okay. You don’t have to worry ‘bout me. It’s fine.”Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko, lalo na nang hindi siya tumingin sa akin nang sabihin niya ang mga katagang iyon. He just paid attention to the girl doing his drink.“N-No, I really mean it. I’m sorry. I-I didn’t mean to be harsh on you. Masyado lang talaga akong nadala sa unang encounter natin sa… alam mo na. And I am just not used to it and—”“You don’t have to explain yourself.” putol niya ulit na hindi pa rin tumitingin sa akin. He just took his drinlk from the crew and uttered, “Thank you.”Ngumiti pa siya sa babae, pero nang bumalik ang tingin niya sa akin ay wala
last updateLast Updated : 2023-06-13
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status