“Gabi na.”“But it feels very uncomfortable, I feel like I’m going to die!”Narinig niya ang pag-iyak sa kabilang linya.Hindi maramdaman ni Cerise ang anumang awa, kundi ang pagiging hipokritikal, pero hindi niya magawang punain ito.“Tatawagan ko yung doktor mo. Humiga ka lang at magpahinga, okay?”Pinatay ni Sigmund ang tawag at agad na nagdial ng isa pang numero, attending physician ni Vivian.Namangha si Cerise sa naging pag-uusap ng dalawa. Napagtanto niyang alam nito lahat ng tungkol kay Vivian, pero hindi man lang maalala ang edad niya.Mapait siyang napangiti. Nang nakaraang oras lang ay halos mawalan na ito ng malay sa sakit pero hindi niya man lang nasabi ito kay Vivian.-Walang ibang maririnig kung hindi ang halos salitan nilang paghinga. Matapos maibigay ang gamot kay Sigmund ay nagpasya na itong umuwi. Hindi nakareklamo si Cerise dahil naisip niyang wala naman siyang karapatan pagdiktahan ito. Naisip niya rin na baka labis ang pag-aalala nito kay Vivian at nais niyang m
Alas sais ng umaga nang magising si Sigmund. Napatingin siya sa cellphone at bumungad sa kanya ang draft ng message niyang “Sa’n ka?” na hindi niya naisend kay Cerise dahil wala naman silang conversation.Nakatulog pala siya sa pag-iisip kung isesend niya ba ‘to o hindi.Halos manginig ang hinlalaki niya palapit sa mala-eroplanong icon ng text message nang bigla siya’ng makatanggap ng tawag.Pagkatapos ng tawag ay halos lumipad ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo nito.-Bago pa man si Cerise makalapit sa pintuan kung saan siya lumabas kagabi pauwi ay nanghihina na ang paa niya. Alam niya kung ano ang meron sa likod ng pintuan, natanggap niya ang text ng doktor ng mama niya.Pinapapapunta lang siya nito doon, pero alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.Hindi siya tinetext ng kanyang doktor dahil alam nitong lagi siyang pumupunta, araw-araw siyang dumadalaw.“Hospital. ASAP.”Iilang letra lamang ito pero katumbas na ng patay niyang pag-asa at hindi na ulit mababalikan pang mga pagkak
Napagpasyahan ni Cerise na umuwi at magpaalam na.“Mamita, Mom, Dad, aalis na po ako. Masyado na akong nakakaabala sa inyo.”“Riri! This is your home too. Mamaya na.” Ani ng matanda dahil naisip nitong dapat ay samahan nila ito sa pagdadalamhati.“Alam ko po. You will always be my family.” Ngumiti si Cerise at tumango.Ngayon ay nadako ang tingin ng buong pamilya kay Sigmund dahil alam nilang siya ang dahilan nang labis na kagustuhang umalis ni Cerise.Si Sigmund na kanina pa tahimik ay hindi makapaniwalang gagamitin ni Cerise ang kanyang Mamita para lang makuha ang household registration ng kanilang pamilya. Kung mapagbibigyan siya ay wala na talagang hadlang sa kanilang divorce.“Nakita nilang lahat kung gaano mo kagusto ang divorce.”Nagulat naman si Cerise sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang lantaran nitong sasabihin ng ganun-ganun lang ang paghihiwalay nila.“Divorce? Ah!”Nabigla naman ang matanda dahilan upang mahimatay ito.“Mamita!”Ilang minuto muna ang nagdaan bago magisi
Nang makaalis si Sigmund ay narinig ni Cerise ang pagring ng cellphone nito. Alam niyang walang iba kung hindi si Vivian ito dahil walang magtatangkang tumawag dito sa ganitong oras ng gabi.Hindi man masabi ni Vivian ng diretsahan pero ayaw niyang kasama ni Sigmund si Cerise mas lalo pa kung silang dalawa lang.Napaisip naman si Cerise na baka pamilya talaga ang turing sa kanya ni Sigmund kaya sinamahan siya nito sa mga nakaraang araw. Pero tapos na siya sa pagmaang-maangan kaya napagpasyahan niyang umalis pagkahating-gabi.Iyon ay kung nagising siya sa pagkakatulog.Nagising siyang pababa na ang araw at mag-isa sa higaan. Halos isang araw siyang natulog?Mabilis siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa bukas na ilaw na parte ng bahay para makita si Sigmund… na nagluluto.“Oh. Kain.” Walang kaemo-emosyon nitong pag-aalok. Napaisip tuloy siya kung napilitan lang ito na ayain siya dahil naabutan niyang nagluluto ito.“Bakit ka pa nandito?” Sagot naman ni Cerise na sumunod sa pag-upo sa h
Alam ni Cerise na walang magagawa ang pagrereklamo niya kung meron man ay siguradong baka masaktan lang siya ni Sigmund. Kinuha niya ang sopas nito at pagalit na tinusok ng tinidor ang spam.Naiinis siya dahil wala siyang maisip na ibang kainisan. Masarap naman kasi yung linuto nito kaya wala na siyang ibang magagawa pa kung hindi kumain. Gusto niya pang ipaalala na vegetarian na siya at hindi siya dapat kumain ng spam pero hindi naman ito bawal.Kinukumbinse nalang niya ang sarili para sa ikabubuti.Sumimangot naman si Sigmund.Alam niya ang ugaling ito ni Cerise. Ganito siya kapag ayaw niya ang ginagawa niya pero kailangan niyang sumunod. Gusto pa man niyang pansinin ang pagsaksak nito sa ulam niya ay hindi na siya nagsalita at baka lumipad pa ang tinidor papunta sa kanya.“Nagamot na ba yang mysophobia mo?” Curious na tanong nito.
Hindi mawala sa isip ni Cerise ang ilang hadlang sa kanilang divorce. Akala niya ay simpleng tatlong araw lang ito ng buhay niya at ngayon halos mag-iisang buwan na mula ng dumating siya sa Pilipinas.Ayaw naman niyang sisihin ang Papito niya na masyadong matagal nang nawala dahil sa business trip nito, ayaw niya lang na baka isipin ni Sigmund na may alam siya dito. Dahil ganito ang pagkakakilala sa kanya ni Sigmund, baliw na baliw parin sa kanya.Pero hindi niya rin maalis sa isipan na tinuring siya ng dalawang matanda bilang kanilang apo, minsan pa nga ay kinakampihan siya nito kaysa kay Sigmund.Ngayon ay ang unang araw niya sa trabaho. Mukhang umaayon sa kanya ang tadhana dahil mayroong bakante para sa balita sa tanghali ng tatlumpung minuto. Hindi man gaano katagal pero tinatanaw ito ni Cerise bilang mabuting pagkakataon upang mahubog ang career.Nakatali ang mahaba niyang bahok pares ng kanyang kulay lila na bestida at simpleng itim na stilettos. Nagtungo siya sa loob ng studio
Kakalabas lamang ni Cerise mula sa pang-gabi niyang programa. Dahil mas marami ang nanood ng balita sa gabi ay inilipat siya sa parehong programa sa gabi. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang isang brand new Rolls-Royce Cullinan at binati siya ng driver.“Miss Harrod, pinapasundo ka ni Boss.”Magalang naman itong tinanggihan ni Cerise. “Pasensya na. May lakad ako ngayong gabi.”“Miss Harrod, sabi ni Boss…”“Ceri!”Halatang nag-iba ang tono ng boses ng driver at mukhang nainis pa ito. Akmang lalapit na sana ito kay Cerise nang biglang may huminto na isang limited edition sports car, Mercedes-AMG GT R Pro, sa likod nito. Napalingon ang driver sa pinagmulan ng maliit at malumanay na tinig na pagmamay-ari pala ng babaeng nasa loob ng kakahinto lang na sasakyan.“Ms. Lin! Kumusta ka?” Pagbati ng driver.Napatingin naman si Vivian sa driver at ngumiti. “Mabuti! This is my sister, she’s mine for tonight.”Nang marinig ito ng driver ay tumingin ito sa nagmamaneho ng Mercedes, tumango, at
“Gusto ko nga ang ginagawa ko.” Sagot ni Cerise. Para sa kanya ang pagiging parte nang pagpapaalam ng katotohanan sa madla ay isang napakadakilang propesyon. Nararapat lang na maipahayag ang katotohanan at malaman ng mga tao ang katotohanan.Kahit man ay nang-iinit na siya sa layo sa kanya ni Sigmund ay sinabi niya ito nang buong determinasyon. Mabuti siyang tinitigan ni Sigmund kung mayroon bang pag-aalinlangan sa pagkakasabi nito pero hindi man lang ito kumurap.“Sigmund,” narinig nilang pareho ang papalapit na tinig ni Vivian. Lumayo naman sa kanya si Sigmund at nagsimulang maglakad pabalik. Sinalubong nito si Vivian.“Asan si Ceri? Naghihintay si Mr. Colton sa kanya.”“Nasa banyo siguro.” Walang pag-aalinlangan nitong sagot. Naglakad ang dalawa palayo at narinig nga ni Cerise ang mga ito. Hindi na siya nagsalita para makaiwas pa sa ibang mga tanong.Nang nakabalik na siya sa loob ay agad naman niyang inaya nang umuwi si Percy. Ngumiti lang siya at sumenyas nang aalis kay Vivian. M
Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab
Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na
Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an
“Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen
“Sig?” Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya sa labi ni Cerise nang sinagot niya ang tawag, malamig ito at matalim.“Kailangan ba ng babae ko ang pamilya Prescott? She already has me.” Hindi na siya naghintay ng sagot ng kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.Nakanguyom ang panga ni Sigmund habang nakatitig sa screen, ang pangalang Vince Prescott ay malinaw pa rin sa display. Subukan niya lang magpantasya kay Cerise at buhay niya ang kukunin ko.Galit ang unti-unting bumalot sa kanya. Tiningnan niya ang numero, malamig ang tingin, at walang pag-aalinlangang binlock ito. “—Cerise.” Naglakad palabas si Cerise mula sa silid at nakita siyang nakatayo sa may kusina, hawak ang kanyang cellphone. “May tumawag ba sa’kin?” tanong niya. “Wala,” matalim ang sagot ni Sigmund. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang mga mata. “Ah, ganon ba...” Tumango lang si Cerise, pero may kutob siyang may tinatago ito. Kung wala ngang tumawag, bakit parang may balak siyang patayin? Gal
“Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong nito, mata’y puno ng sakit. “Yung divorce? Na willing ka pang magsampa ng kaso? Gusto mo bang malaman ng buong mundo na kasal tayo?”“Hindi ko kayo kakasuhan. Pumayag ka na maghiwalay tayo, at wala nang ibang makakaalam,” sagot ni Cerise. “Kahit kailan, walang makakaalam na naging mag-asawa tayo. Puwede ba ‘yon?”Tumawa si Sigmund nang mapait. Pagkatapos ay muling kinagat nito ang kanyang balat.Walang makakaalam?“Hindi ba pwedeng kapalit ng tiwala mo ang lahat ng yaman ko? Ang buong buhay ko?”Isa lang namang bagay ang hinihiling niya.Pero huli na.Hindi na siya kayang pagkatiwalaan ni Cerise.Tumahimik siya. Hindi na nagsalita.Bumagsak si Sigmund sa kanyang leeg, bulong nang bulong ng hindi niya naman marinig.Matagal silang walang imik.Hanggang sa halos makatulog na si Cerise ay muling nagsalita si Sigmund.“Gutom ka pa ba?"Napadilat siya sa marahang boses nito..“May dala akong sopas.”Tumayo ito, nagbihis, at lumabas.Napaupo si Ceri
Bago pa man siya matapos magsalita, yumuko na si Sigmund at kinagat ang kanyang baba nang malakas. Dahan-dahan itong gumapang paitaas hanggang sa dumapo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cerise.Napasinghap si Cerise at awtomatikong umatras. Nagtangkang tumakas ang hininga niya habang ang pag-aalinlangan ay tumagal nang matagal, hanggang sa nalasahan niya ang dugo mula sa sariling labi. Unti-unting dumilat ang kanyang mahigpit na nakapikit na mga mata, at tuluyang nanlambot ang katawan.Kinagat siyang muli nito ngayon, sa kanyang labi.At saka nito sinipsip, tila isang nauuhaw na hayop.Masakit.Malalim.Sobrang sakit.Ang kamay niyang nakakulong sa itaas ng kanyang ulo ay walang malay na nangiwi, at napakapit sa hangin.Masakit.Mula sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang puso.Nang maramdaman ni Sigmund na hindi na siya tumututol, unti-unti nitong binagalan ang kanyang galaw. Ang mga halik niya ay naging banayad, halos may pag-galang, habang dahan-dahan nitong sinisipsip ang dugo
Matagal pinag-isipan ni Kara ang lahat. Pero sa huli, alam niyang hindi na pwede kung ano man ang meron sina Cerise.Pagkatapos ng hapunan, habang umiinom ng gamot si Cerise, tahimik siyang umupo sa tabi nito. May seryosong ekspresyon sa mukha niya, at ilang segundo pa bago siya nagsalita.“Kung ganon... Kailangan ba natin si Dad para tulungan kang idemanda siya? Itutuloy na natin ang divorce?”Hindi man lang nagdalawang-isip si Cerise.“Oo.”Napakurap si Kara, medyo nabigla sa gaan ng tono nito. “Grabe, puwede naman yatang hindi na umabot sa ganito? Mag-usap kaya muna kayo."Hindi sumagot si Cerise. Bagkus, isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa labi niya.-Umuulan na naman pagdating ng gabi. Banayad ang lagaslas ng ulan sa bintana, habang ang liwanag lang ng ilaw sa restaurant ang naglalaban sa dilim. Nasa isang sulok si Cerise, nakabalot sa kumot, nakatitig sa thermometer sa mesa.39 degrees.Napabuntong-hininga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto. Narinig niya ang tunog ng bi
Lalong bumilis ang agos ng mga luha ni Cerise habang unti-unting bumabagsak sa kanyang pisngi, mainit at mabigat, humahalo sa init na kumakalat sa kanyang katawan.How can I not worry about you after all?Magkasama silang lumaki. Magkalaro sa likod ng bahay nila, nagtatago sa dilim habang nagbubulungan ng mga sikreto. Minahal niya ito ng buong puso sa loob ng napakaraming taon. Ang ganoong klaseng pagmamahal, hindi iyon basta nawawala.Dahan-dahang yumuko si Sigmund, hinalikan siya, banayad, alanganin, puno ng mga salitang hindi masambit. Sandali siyang nanatili roon bago bumitaw at inalalayan siya nitong umupo. Hawak niya ang mukha ni Cerise gamit ang dalawang kamay, hinahaplos ang mga luha sa pisngi nito. Pagkatapos ay inilapit ang kanyang noo, mariing ipinatong sa noo ni Cerise, sabay kunot-noo.“May lagnat ka ba?”Hindi nakasagot si Cerise. Para siyang lumulutang, ang utak niya ay parang nasa ulap, mabigat ang kanyang katawan, parang binabalot ng usok.Mainit ang lahat. Ang balat