Love you still

Love you still

last updateLast Updated : 2024-11-24
By:  MeowpyyyyyOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
75Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Alexena

Itinabi ko na muna ang ibang papeles na inaayos ko sa gilid ng lamesa bago ko nilingon ang bagong dating na padiretso na ngayon sa direksyon ko.

Kakamot-kamot ito sa batok habang naglalakad. "Sorry kanina, aksidente ko palang naisama sa ibang files 'yong business proposal. Naabala ka pa tuloy sa ginagawa mo, alam ko naman na ang dami ko pang iniwan na ipinapaasikaso sa iyo rito," bungad agad na paliwanag nito na parang hiyang-hiya sa nangyari nang tuluyan na itong makalapit sa akin.

May mga ka-meeting kasi ito kanina, pero noong magsisimula na sana ay noon lamang nito napansin at ni Mathos na wala pala sa mga ito ang may bitbit ng bagay na pinaka-importante sa lahat. Nakakaloka. Sa dami ba naman kasi ng puwedeng makalimutan at maiwan ay iyon pa talagang business proposal! Gayong kahapon ko pa iyon ibinigay rito mismo nang personal iyon dahil gusto raw nitong ma-review iyon para sa gaganapin na meeting ngayon. Ang nangyari tuloy ay humahangos na bumalik sa opisina si Mathos at idinamay ako sa kaaligagaan nito, ang tagal naming naghahanap na dalawa dahil sa sandamakmak na papel na nakapatong sa table na kailangan naming isa-isahing i-check.

Nailing-iling ako bago humugot ng hangin. "Ayos lang. Pero next time, huwag burara at makakalimutin, okay? Para hindi nagtatagal ang paghahanap namin. Hindi lang naman ako ang naabala kundi pati si Mathos, hindi mo lang alam kung gaano kaaligaga 'yong isang 'yon pagdating pa lang dito. Nahawa nga ako, e. Pareho tuloy kaming nahilo at nataranta. Though, okay lang naman sa akin dahil trabaho naman talaga namin na hanapin kung ano man ang ipinapahanap mo at sundin ang mga utos galing sa iyo. Boss ka namin, e. At assistant mo nga kami, 'di ba? Pero sana tatandaan mo na sa susunod na i-safe o itabi agad 'yong mga importanteng bagay at siguraduhin din na dala mo ang lahat ng kailangan bago umalis," mahabang pangaral ko.

Uneasy na tinitigan ako nito. "Sorry talaga, hindi na mauulit."

Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa hitsura nito. "Ayos nga lang. 'Di naman ako galit, e. I'm actually worried na baka maapektuhan ng pagka-delay 'yong maging takbo ng usapan ninyo. Ang tagal ninyo na rin kayang nililigawan 'yon, sayang naman 'yong mga effort ninyo if it will all go to waste lang kung sakali dahil lang sa hindi naging maganda ang impresyon sa inyo at dahil sa nainip,” sabi ko rito nang mahinahon.

Nailing-iling ito at napabuga ng hangin na parang nabunutan ng tinik. "Akala ko galit ka, parang gano'n kasi ang intindi ko sa kuwento sa akin ni Mathos kanina since parang natakot mo, e. Tapos hindi ka rin kasi nangiti kaya akala ko badtrip ka talaga, 'yon pala worried ka lang sa kakalabasan ng meeting."

Ang tinutukoy siguro nito na sinabi ni Mathos ay ang pagtalak ko kanina na ang dalang lang na mangyari na marahil ay ikinapanibago nito. Pero sino ba kasi ang hindi mapapatalak dahil sa taranta sa nangyari at nakakahilong paghahanap sa nawawalang business proposal?

Worried na nga ako dahil sa pagka-delay ng meeting pero ang isa ko pa kasing inaalala... paano kung hindi lang pala na-misplace 'yong hinahanap namin, worse ay may nagnakaw pala at may traydor kaming kasamahan sa opisina? Ganon kaya 'yong mga napapanuod ko sa k-drama.

Ang weird at ang paranoid ko sa part na 'yon, pero 'di ko mapigilan na mag-isip ng gano'n dahil importante kaya 'yong kailangan naming makita.

Lumabi ako bago sumandal sa inuupuan ko. "Hindi mo naman ako masisisi. Who wouldn't be? Anyway, kumusta naman ang nangyari sa meeting ninyo?" pag-usisa ko sa huli.

Hindi naman kasi ako tinawagan ng kahit isa man lang sa mga ito para balitaan sa kinalabasan ng naging pag-uusap na sa tuwina ay ginagawa naman dati ng mga ito, marahil ay parehong hindi alam kung paano ako i-a-approach ngayon dahil sa akala ng mga itong galit ako at badtrip.

Bago ito sumagot ay nagbuga na naman ito ng hangin at sinimulang luwagan ang kurbatang suot. "Mabuti naman at naging maayos. Confident na ini-assure ko sila na magugustuhan talaga nila 'yong proposal, nanghingi rin ako ng kaunti pang panahon hanggang sa makabalik si Mathos to discuss everything. So, ayon may susunod pang meeting at baka kailanganin ko na kayong parehong isama ni Mathos."

Napangiti at nasiyahan ako sa narinig, umalis na ako sa pagkakasandal sa upuan para mangalumbaba habang nakatingala ako rito, nakababa naman ang tingin nito sa akin at tapos na ito sa pagkalas ng kurbata.

I shamelessly stared at his almost perfect sculptured profile.

Ang guwapo talaga nito, mapamalapit o malayuan. Pati nga rin sa amoy at tindig, e. Nagsusumigaw ang pisikal na kakisigan nito. But more than that, I knew him better. He's much more than that. Hindi lang ito sa porma at sa nakikita ng mata nakakabusog dahil mabait din ito, kung hindi ko nga lang kilala ang likaw ng bituka nito ay baka na-inlove na ako rito.

After all, he's a good catch. Kumbaga kasi sa putahe, walang tapon, e. Hindi ka malulugi, kapag nabingwit mo ito ay parang nanalo ka na rin sa lotto. Bakit? Full package kasi. Makakuha ka ba naman kasi ng mabait, mayaman tapos guwapo pa. Saan ka pa? Tapos talented nga rin pala ito. Sino ang nasa tamang huwisyo na aayaw sa isang tulad nito? He's every girl's dream. Too bad, hindi kasi ako mahulog-hulog dito. It's not that I don't like him o hindi ko nakikita ang nakikita ng iba rito. Pero sa takbo kasi ng naging samahan namin ay halos kapatid na ang turingan naming dalawa.

Though, madalas talaga ang pagkakataon na napagkakamalan na mag-boyfriend kami, sa totoo nga ay hindi ko na rin mabilang dahil sa rami. Mabuti na nga lang at hindi iyon nakakaapekto sa samahan naming dalawa at walang ilangan na nangyayari.

Kapag may mga nagtatanong at sinagot namin ng totoo pero hindi naniwala, ang gawa naming dalawa ay pareho na lang kaming nagkikibit-balikat at hindi na ulit sinusubukan pang itama ang mga maling akala ng mga nasa paligid namin. Bakit pa? E, buo na ang paniniwala ng mga ito na ang hirap kayang baliin. Nakakainis lang dahil magtatanong tapos hindi naman din pala maniniwala.

Hays. People nowadays, hindi ko maintindihan kung paano bang mag-isip.

Pero ito namang si Hero tungkol sa bagay na 'yon ay parang walang kapaki-pakialam. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang katwiran lang nito sa akin palagi ay pabor daw 'yon dito para hindi na ito habulin pa ng mga babae. Well, totoo naman kasi ang sinasabi nito. Sa hitsura, yaman at talento ba naman na mayroon ito, marami nga talaga ang nagkakandarapa rito. Pero no pansin ang lolo kong sadyang may hinihintay lang na bumalik.

Ang dami kayang mga nagpapapansin dito kapag nasa opisina kami o sa labas man kahit na kasama pa ako nito, lalo na kapag nalaman na hindi naman talaga kami katulad ng kung ano mang iniisip ng mga nasa paligid namin na madalas ay tinatawanan na lang nito at niloloko ako na ako na lang daw talaga ang bulag na hindi naaakit at nakakakita sa alindog nitong nakabalandra, na sa tuwina ay inaartehan ko lang ng nasusuka.

Pero ang totoo, aaminin ko na ilang beses na ginusto ko na mahulog ang loob ko rito. Good catch talaga kasi ito. Ang galing mag-alaga, sweet at sobrang caring pa. Sino ang hindi gugustuhin na hindi mahulog dito? 'Yong kaibigan pa nga lang ako nito ay iba na ang trato at pag-aalala nito sa akin, paano pa kaya kung nobya pa?

Parang ang sarap maranasan ng pagmamahal ng isang tulad nito.

Pero siyempre dahil he's too good to be true, nagigising ako palagi sa magandang panaginip at nauuwi na lang na tinatawanan ko ang sarili ko sa dulo dahil bukod sa hindi bagay ang isang katulad ko rito ay alam ko ang limitasyon ko. Alam ko na hanggang pagkakaibigan lang dapat kami at mas okay ako roon. Actually, pati ito naman. Napag-usapan na namin ang bagay na iyon dati pa.

Isa pa, ayoko nang ulitin pa ang nakaraan. Kung paano ko tinawid ang distansiya na kailanman ay hindi ko dapat naabot sa pagitan namin ng taong wala na ngayon sa buhay ko.

Kumunot ang noo nito. "How do you manage to do that? How do you manage to be like that?" magkasunod na tanong nito sa akin bigla.

"Huh? Ang alin?" naguguluhan kong tanong dahil sa lumilipad na ang isip ko sa kung saan.

Namulsa ito at pinagmasdan ako habang kunot na kunot ang noo. "I mean, you staying calm most of the time. Pagkatapos ko kayong paghanapin at pagudin ni Mathos para lang makita 'yong business proposal. Supposedly, dapat ay badtrip ka sa akin. 'Yon ang normal na reaction na inaasahan ko. Pero hindi, e. Sa halip na galit o badtrip, talagang ang inaalala mo pa ay 'yong kinalabasan ng meeting."

Hindi ko mapigilan ang matawa sa hitsura nito hindi dahil sa sinasabi nito.

Anong nakain nito at bakit seryoso ang mukha pati na ng mga ibinabato nitong tanong?

Hindi na kasi ako sanay na ganito ito, nang matutunan kasi nito ang mga kalokohan ay madalas na puro iyon na ang alam nitong gawin at sabihin lalo na kapag kaming dalawa na lang. Masyadong ginalingan at talagang isinasabuhay!

"Simula noong magkakilala tayo, napakadalang lang kitang makitang magalit, paano mo name-maintain ang pagiging kalmado?" seryoso pa rin na tanong nito.

Natawa na ako ng tuluyan, this time ay dahil na sa sinabi nito. Pero natigil din ako at pilit na pinaseryoso ang mukha kaagad dahil pinagbantaan ako nito ng tingin.

Dmn. Ang hirap pa namang magpigil ng tawa. Nakakainis. Ang sarap pa ng tawa ko, e. Ang killjoy.

Tumikhim muna ako para mawala ang bikig sa lalamunan ko bago sumagot sa tanong nito. "Kaya naman kasing pigilan 'yon, e. Marami kayang gawin ang tao kapag pinairal ang emosyon, beyond sa mga bagay na akala natin ay hindi natin kaya."

Mataman na nakatingin lang ito sa akin.

"Kayang-kayang i-drive ng emosyon ang desisyon o aksyon ng mga tao, once na hinayaan, pinayagan at pinanaig mo. Na alam naman natin madalas ay hindi maganda ang kinakalabasan at wala ring magandang idinudulot sa dulo. Kapag galit ka... ‘di ba ikaw lang din ang nahihirapan? So, mas better kung pigilan na lang hangga't maaari... lalo na kung kaya naman," patuloy na paliwanag ko bago ito nginitian.

Sa lumipas na mga taon, iyon ang pinag-aralan at kalaunan ay natutunan kong kontrolin para sa sarili ko.

"Isa pa 'yan," sa halip na suklian ang ngiti ko ay pagpuna na naman nito.

Nailing-iling ako, nawiwindang kasi ako sa mga napapansin nito.

Ano kaya ang nakain nito sa meeting? Mabuti na lang at hindi ako isinama nito, kundi baka ganyan din ako ka-weird.

"Alin na naman po, hmm?" tanong ko na nakangiti pa rin.

Tinanggal na nito sa bulsa ng suot nitong slacks ang kamay at itinuro ang mukha ko. "Iyan!" sabi nitong bigla at itinuro ang mukha ko.

Dahil sa pagkabigla ay nasundan tuloy ng mata ko ang daliri nito na nakaturo pa rin sa akin.

Umurong ako nang bahagya kalaunan dahil halos maduling na ako sa pagkakatitig bago tinanggal ang mata ko roon.

Ang kulit ng lahi nito, nahiya pa talaga ito nang bahagya at hindi pa idinuldol sa pagmumukha ko ang daliri nito.

"Grabe sa pagturo. Muntik mo nang ipakain sa akin 'yang daliri mo. Ano ba kasing mayroon sa mukha ko?" sa huli ay tanong ko sabay tampal sa kamay nitong nakaturo pa rin sa akin.

Lumabi ito.

Kung sa iba ko siguro nakita iyon ay baka nandiri at nasuka na ako. Pero dahil sa kaguwapuhang taglay nito ay bumagay naman dito ang ginawa nito. Sa halip na pumangit ay ang cute pa nga ng dating sa akin.

Minsan ang sarap na lang kalbuhin ng isip-batang pogi na 'to, e. Ang unfair kasi ng mundo, ba't gano'n?

Ikiniling nito kapagkwan ang ulo bago sumagot. "Nothing. It's just that, I can see that you always smile and laugh a lot. But I can also see that there are times that it never reaches your eyes. Paano mo nagagawa 'yon?"

Pinanatili ko ang mata rito at hindi kumibo.

"You seemed so happy when you smile and when you laugh, but if someone would actually look closely just like what I always do, for sure they can also see sadness in your eyes. Hindi kasi nakikisama ang mata mo. Dalawang emosyon sa iisang pagkakataon. Parang naghahalo na hindi ko maintindihan, hindi ko nga rin alam kung alin ba ang totoo at nangingibabaw," dugtong pa nito na parang siguradong-sigurado sa sinasabi.

Napalis unti-unti ang ngiti ko at napaiwas ng tingin.

Sumanib ba rito ngayon ang pinsan ko kaya ang daming napapansin? Crizelle 2.0 male version.

Kumuha ako ng ilang papeles para lang maiwasan ang mata nito at nagkunwaring binabasa ang mga nakasulat roon.

"Pinagsasasabi mo riyan, Hero? Hmm? Gutom ka ba? Order-an kita ng food, gusto mo?"

Sa halip na pansinin ang sinabi ko ay kinuha nito sa kamay ko ang mga papeles at ibinaba ang mga 'yon sa lamesa ko, pagkatapos ay yumukod ito na halos magpantay na ang mukha namin. Hinuli nito sa bandang huli ang mga mata ko at diretso akong tiningnan.

Kung kaya man nitong basahin ang emosyon ko. Well, ako rin. I can see that he's worried about me.

"I know that you're still hurting. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo paparusahan ang sarili mo sa mga desisyon, bagay at panahon na hindi mo na puwedeng ibalik pa at nakalipas na? Stop torturing and blaming yourself for those things that had happen in the past. I know that it's not easy. But move on, please? Ako na ang nakikiusap sa iyo. You know how much I care for you, right? Kapag nakikita kitang nasasaktan at nahihirapan, gano'n din ang nararamdaman ko dahil wala akong magawa at maitulong sa iyo," nahihirapang pakiusap nito.

Huminga ako nang malalim at hindi sumagot.

He let out a sigh. "Magagalit sa akin ang pinsan mo at baka masakal pa nga ako no'n kapag nalaman na hanggang ngayon ay ganyan ka pa rin. Ipinagkatiwala ka niya sa akin at tanda mo naman siguro kung gaano kaamasona 'yong pinsan mong 'yon, baka hindi lang sakal ang gawin sa akin at katayin na ako ng tuluyan pagbalik niya dahil hindi ko nagawa nang matino ang bilin niya."

Nang manatili akong walang kibo, maya-maya ay umikot ito palapit sa akin, akala ko ay kung ano na ang gagawin nito nang bigla ako nitong hinila patayo at niyakap nang maingat.

Ramdam na ramdam ko 'yong pamilyar na comfort na kaya nitong ibigay, kaya paano nitong nasabi kanina na wala itong nagagawa at naitutulong sa akin?

Mali ito roon, dahil ang presensiya nito ang masasabi ko na isa sa mga bagay na nagbigay sa akin ng lakas at naging sandigan ko upang magpatuloy sa mga lumipas na taon.

Little did he know, he saved me.

Iniligtas ako nito sa sarili kong kalungkutan at pagkalunod sa sakit at pait ng aking nakaraan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
75 Chapters
KABANATA 1
AlexenaItinabi ko na muna ang ibang papeles na inaayos ko sa gilid ng lamesa bago ko nilingon ang bagong dating na padiretso na ngayon sa direksyon ko.Kakamot-kamot ito sa batok habang naglalakad. "Sorry kanina, aksidente ko palang naisama sa ibang files 'yong business proposal. Naabala ka pa tuloy sa ginagawa mo, alam ko naman na ang dami ko pang iniwan na ipinapaasikaso sa iyo rito," bungad agad na paliwanag nito na parang hiyang-hiya sa nangyari nang tuluyan na itong makalapit sa akin. May mga ka-meeting kasi ito kanina, pero noong magsisimula na sana ay noon lamang nito napansin at ni Mathos na wala pala sa mga ito ang may bitbit ng bagay na pinaka-importante sa lahat. Nakakaloka. Sa dami ba naman kasi ng puwedeng makalimutan at maiwan ay iyon pa talagang business proposal! Gayong kahapon ko pa iyon ibinigay rito mismo nang personal iyon dahil gusto raw nitong ma-review iyon para sa gaganapin na meeting ngayon. Ang nangyari tuloy ay humahangos na bumalik sa opisina si Mathos at
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
KABANATA 2
AlexenaHindi na ako nagulat nang bigla itong kumanta. He's always like this, lagi nito akong kinakantahan every time na may napapansin itong kakaiba sa akin. Ilang taon pa lang kaming magkasama at magkakilala but it seems na kilalang-kilala na ako nito. Sabagay, hindi naman na rin nakakapagtaka dahil gano'n din ako rito. Hindi ko na napigilan ang pagpikit habang dinadama at pinapakinggan ang ganda at lamig ng boses nito. He's really a good singer.Nakaka-relax at nakakapawi ng alalahanin. Walang kupas, kahit pa nga hindi na ito nakakakanta sa entablado na alam kong isa sa mga bagay na kailanman ay hindi mawawala rito kahit na lumipas pa ang mga taon at tumanda na kami. Kung first love ko ang volleyball, sobrang obvious naman na ang kay Hero ay ang pagkanta.Nangiti ako dahil sa mga lyrics ng kinakanta nito na kanta ni JK Labajo, ang title niyon ay Para sa 'yo. Sinasalamin kasi sa mga kataga ng kanta na palagi itong nariyan para sa akin. At totoo naman talaga iyon. He's been there
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
KABANATA 3
Alexena"Babe, I need your help para mag-set-up sa conference room. Darating sina Dad, may biglaang meeting. Patulong ka na lang kay Mathos kapag may mga kakailanganin ka pa, lalo na kapag may bubuhatin," pag-imporma ni Hero sa akin.Itinigil ko na ang ginagawa kong pagbabasa ng mga email at sinamsam ang mga papel sa mesa ko bago ito tiningnan. Sa nakikita ko ay mukhang masyado itong aligaga dahil dumiretso agad sa puwesto nito, pagkatapos ay nagtitipa sa laptop na nasa harap.Hindi nakapagtataka kung bakit ganito ito, alam ko kasi kung gaano na ayaw na nitong maulit pa ang nakaraan at ma-disappoint ang ama nito rito. I can see clearly that he's really a changed man now. Ibang-iba na ito sa Hero na nakilala ko noon. Nakakatuwa lang dahil better version na nito ang nasa harapan ko ngayon. And I'm really proud of him... saksi ako kung paano nito ginustong baguhin ang takbo ng sariling buhay, kung gaano ito katapang at pilit na ginusto ang bagay na alam kong una pa lang ay ayaw na nito k
last updateLast Updated : 2022-12-25
Read more
KABANATA 4
AlexenaAlam ko na hindi magkaapelyido ang mga ito at lalong alam ko rin na may stepbrother si Hero, pero hindi kailanman sumagi sa isip ko at hindi ko inakala na si Mikey iyon. Hindi naman kasi nababanggit ni Hero ang pangalan nito at maging ang apelyido man lang para nagka-clue sana ako, tapos noong itinanong ko naman noong nakaraan ay hindi nito ako sinagot!Gusto ko tuloy kalbuhin si Hero ngayon at sakalin! Argh! Paano nga ang tagal na naming magkasama at magkaibigan tapos... tapos may koneksyon pala kami sa isa't isa! At ang koneksyon pa talaga namin ay 'yong iniwan ko dati at naging dahilan noong pag-alis ko!D*mn it!Ngayon tuloy ay pansin ko na parang ako lang yata ang nasosorpresa sa mga nangyayari, pati si Mikey kasi ay hindi. Parang cool na cool lang nga ito at ngayon lang talaga kami nagkita.Pero teka... ibig bang sabihin niyon ay matagal na nitong alam na kasama ko ang kapatid nito kaya wala na akong makita ni anino o bakas man lang ng pagkagulat sa reaksiyon nito? "I
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more
KABANATA 5
AlexenaTumikhim muna ako bago magsalita. "H-Hero?" patanong kong bungad."Nasa pantry ka pa? Bumalik ka na rito, mag-start na tayo in ten minutes." Ngumuso ako kahit na alam kong hindi nito ako nakikita. "Huwag mo na lang kaya akong isama? Marami pa akong gagawin, e," agad na pagdadahilan ko. Natawa ito. "Talaga ba? Kung marami kang gagawin, dapat ay nandito ka at wala ka riyan sa pantry," panonopla nito.Paano akong makakagawa at makakapagtrabaho kung nariyan sa opisina mo 'yong gusto kong iwasan?"Nagkakape pa kasi ako. Break, you know. Uso ang break, Hero," palusot ko."Wala ka namang gagawin do'n. Mauupo ka lang at makikinig, so... sumama ka na," panghihimok pa rin nito.Nailing-iling ako. "Exactly. Wala akong gagawin do'n. So, mas mabuti kung mag-stay na lang ako sa office mo para maging kapaki-pakinabang ako sa kompanya ninyo. Para maging sulit kahit paano ang sinusuweldo ko." "Ah, gano'n. So... sino na kaya ngayon ang boss sa ating dalawa? Hmm? Tingin mo? Sino kaya ang dapa
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more
KABANATA 6 (Flashback)
[Four years ago..."]AlexenaNgawit na ako sa posisyon ko pero tinatamad pa rin akong magdilat ng mata, sobra kasi akong hinihila ng antok dahil sa malamig na hangin na nararamdaman ko na tila ba nakatutok ang pagbuga sa akin, ngunit gano'n pa man ay may kakaibang init naman na pumapawi roon na mas lalong tila ba humahatak at naghehele sa akin para ipagpatuloy pa ang pagtulog. I don't have any clue what it is and in my current state, my energy is still drained. I am physically worn out. I am emotionally exhausted. I do need to rest both to keep myself sane. Besides, I'm really too sleepy to even care what exactly that thing is, which is really making me feel better, comfortable and somewhat safe. Finding it out can wait, but sleeping peacefully cannot. So, I think I'll just find it out later. Bahagya akong gumalaw para maibsan kahit na papaano ang pangangawit ko at sumiksik sa mainit na bagay na nakadikit sa akin bago sumagap ng hangin habang nakapikit pa rin, nag-aagaw ang nararamd
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more
KABANATA 7 (Flashback)
[Four years ago...]AlexenaWalang nagtatangkang magsalita sa amin habang naglalakad, pero binitawan na rin nito ang kamay ko nang makababa na kami sa wakas na gusto kong panghinayang dahil sa init na ibinibigay nito na nakakapagpagaan ng pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan."Kain tayo?"Naikurap ko ang mata ko sa tanong nito.Noon ko lang kasi naalala na hindi pa nga pala ako nakakakain mula nang magbiyahe kanina at alam kong hindi maganda para sa akin ang magpalipas ng gutom dahil ako rin ang aani niyon, sigurado kasing sasakit ang ulo ko kapag hindi pa nalamnan ang sikmura ko. Masuwerte nga ako at hindi pa nagsisimulang sumakit kahit pa nga sinabayan ko pa ang walang laman na sikmura nang marami-raming pag-iyak.Hindi na ako nagpakiyeme pa, tumango ako at sinenyasan naman ako nito na sumunod dito bago nag-umpisang maunang maglakad. Sumunod lang ako rito hanggang sa makarating kami sa isang tindahan ng lugaw.Nilingon ako nito. "Okay lang ba sa iyo rito?"Nauna na akong umu
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more
KABANATA 8
AlexenaAll along akala ko ay okay na ako. But, why all of a sudden... ang lahat ay tila bumabalik dahil sa pagtatagpong muli ng landas namin ni Mikey? Hindi ko man gusto ay nagsusumiksik sa isip ko ang nakaraan at sakit na noon pa man ay pilit ko na ngang ibinabaon sa limot.Okay na ako, e. Though, I still miss him everyday. Hindi ko iyon puwedeng ikaila sa sarili ko. Pero dahil ako naman ang lumayo rito ay sinanay ko na ang sarili ko na wala ito, na maging parte na ng buhay ko ang pangungulila rito. Sanay na ako, e. Pero bakit kasi kailangang magkita pa kami? Bakit kailangan nitong sumulpot bigla at guluhin ang tahimik ko na sanang mundo, isip, nararamdaman at sistema ko? Sa pagsulpot kasi nitong bigla sa eksena, tila ba napakadaling masira at malusaw ng gano'n na lang ng pinaghirapan ko ng ilang taon na pagbuo sa pagkatao kong nadurog dahil sa pagmamahal ko rito.Lintek na pag-ibig ko kasing to, e. Ba't ba ang komplikado na nga noon pero parang mas naging komplikado pa yata ngayon?
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more
KABANATA 9
Alexena"E, bakit gano'n? Parang hindi ka kilala kapag magkakaharap tayo? Ano 'yon arte lang?" lito pa ring tanong nito.Hindi, nagkaka-selective amnesia lang si gago kapag kaharap ka namin.Sa halip na sabihin iyon ay nagkibit-balikat ako. "Galit siguro. Hindi ko naman din masisisi. Matagal din kaming nagkasama, naging magkaibigan at naging higit pa tapos bigla kong iniwan nang walang paalam. Basta, alam ko galit 'yon sa akin. Halata naman... saka inaasahan ko na 'yon. Pero hindi naman 'yon ang pinoproblema ko kasi hindi ko na maibabalik pa ang nagawa ko at ang nakaraan."Tumayo na ito kapagkwan at lumakad-lakad na parang hindi mapakali habang nakakunot ang noo. "E, ano pa kung gano'n?""The problem here is he's asking me to stay away from you. Ang paniniwala at ang alam kasi niya ay higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa ating dalawa." "What? At bakit naman daw?" gulat na tanong nito, halata rin ang pagkalito.Iniiwas ko ang tingin dito bago tumitig sa pinto. "According sa pagkak
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more
KABANATA 10
Alexena"Salamat po," ani ko sa may-ari ng kamay na pumigil sa pinto ng elevator bago iyon magsara para makahabol na makasabay ako. Sumalubong kaagad sa akin ang magandang kanta na nagmumula sa maliit na speaker sa loob mismo ng elevator noong nakapasok na ako roon. Pero hindi ko makuhang i-appreciate iyon sa pagkangarag ko ngayong araw na ito. Pati nga ang nagmagandang loob na kasama ko sa elevator ay ni hindi ko na nilingon pa at hindi na ako nag-abala pang magtaas ng tingin mula sa abalang paghahanap sa bag ko ng telepono kong hindi ko alam kung saan ko ba nailagay dahil sa pagmamadali ko kanina sa paggayak.F*ck. Nasaan ka na... magpakita ka naman na.Nananalangin na pakiusap ko habang naghahalungkat pa rin.Hays. Naiwan ko pa yata.Kainis. Umagang-umaga ay naba-badtrip tuloy ako, doon pa naman nagpapadala ng mensahe ang ibang mga board pati na ang iba na makaka-meeting at nagpapa-schedule ng meeting kay Hero.Patay ako, kung alin pa ang importante ay mukhang iyon pa ang nalimuta
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status