Share

KABANATA 4

Author: Meowpyyyyy
last update Last Updated: 2022-12-29 20:27:41

Alexena

Alam ko na hindi magkaapelyido ang mga ito at lalong alam ko rin na may stepbrother si Hero, pero hindi kailanman sumagi sa isip ko at hindi ko inakala na si Mikey iyon. Hindi naman kasi nababanggit ni Hero ang pangalan nito at maging ang apelyido man lang para nagka-clue sana ako, tapos noong itinanong ko naman noong nakaraan ay hindi nito ako sinagot!

Gusto ko tuloy kalbuhin si Hero ngayon at sakalin!

Argh!

Paano nga ang tagal na naming magkasama at magkaibigan tapos... tapos may koneksyon pala kami sa isa't isa! At ang koneksyon pa talaga namin ay 'yong iniwan ko dati at naging dahilan noong pag-alis ko!

D*mn it!

Ngayon tuloy ay pansin ko na parang ako lang yata ang nasosorpresa sa mga nangyayari, pati si Mikey kasi ay hindi. Parang cool na cool lang nga ito at ngayon lang talaga kami nagkita.

Pero teka... ibig bang sabihin niyon ay matagal na nitong alam na kasama ko ang kapatid nito kaya wala na akong makita ni anino o bakas man lang ng pagkagulat sa reaksiyon nito?

"I know her," sagot ni Mikey na parang tamad na tamad.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Sh*t. Uungkatin ba nito ang nakaraan namin?

Nagulat naman ang katabi ko at agad na tumuon ang tingin sa akin. "Really?" tanong pa nito para kumpirmahin sa akin ang sinabi ng kapatid nito.

Ibinuka ko ang bibig ko pero ayaw lumabas ng boses kaya itinikom ko na lang ulit, hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling na lang.

D*mn it.

"I saw her the last time I came here to visit you, Brother," walang emosyon na singit at sagot ni Mikey.

Parehong nabaling ang atensyon namin dito ni Hero.

Wow, ha! Nakaka-wow!

Hindi ba talaga ako nito nakikilala? E, sinabi na nga ni Hero ang pangalan ko, 'di ba? Gano'n ba ako kawalang halaga para makalimutan nito makalipas lang ang ilang taon at sa maikling panahon?

D*mn. Gano'n kasi ang intindi ko sa nais nitong palabasin sa naging sagot nito, e!

Nakaramdam ako ng pinaghalong kirot at inis.

What are you up to, Mikey?

Hindi ako kumibo at hinayaan na lang ito sa gusto nito, pero nasundan ko ito ng tingin nang maglakad ito at prente pang naupo sa mismong puwesto ko!

"She's busy that time. So, I didn't bother to come near her. Besides, wala naman kaming pag-uusapan nang kaming dalawa lang. Saka wala rin naman akong sasabihin sa kanya at wala ka rito kaya there's no sense na tumuloy na pumunta pa ako rito," patuloy pa nito.

Gustong tumikwas ng kilay ko sa mga narinig, ramdam ko rin ang tila pagdagdag ng kirot sa tapat ng dibdib ko.

Para sa akin kasi ay tila ba may laman ang mga sinasabi nito, kanina pa.

"Oh, baka noong ipinapahanap ko sa kanila ni Mathos 'yong naiwaglit kong business proposal," tugon naman ni Hero.

Nagkibit lamang ng balikat si Mikey na parang bagot na bagot na sa pinag-uusapan... pakiramdam ko ay dahil ako kasi ang paksa.

Tss. Ang yabang!

Humiwalay na ako kay Hero kapagkwan. "Lalabas na muna ako," mahinang paalam ko rito.

Kumunot naman ang noo nito. "Why?"

"Baka kasi may pag-uusapan pa kayo. I'll give you time to catch up with each other. Saglit lang naman, sa pantry muna ako," pag-a-alibi ko, pero ang totoo ay gusto ko lang takasan ang presensiya ni Mikey dahil naiinis ako sa mga lumalabas sa bibig nito.

Baka hindi ako makatiis ay masagot ko ito sa harap mismo ni Hero at maisiwalat nang wala sa oras ang mga bagay sa nakaraan.

Ngumiti na rin ito sa wakas. "Okay, pero bumalik ka pamaya-maya, isasama kita sa meeting, kayo ni Mathos."

Gusto ko sanang tumutol at magdahilan, wala naman kasi akong gagawin do'n, bukod pa ro'n ay ayoko rin talagang sumama dahil nando'n si Mikey na gusto kong iwasan, pero tumango na lang din ako para makaalis na ako pansamantala... para kasi akong sinasakal sa presensiya ni Mikey na tahimik na nanunuod lang sa amin. Sa halip ay baka rito ko ibunton ang nararamdamn ko at ito ang masakal ko kapag hindi ako nakapagpigil.

Nag-umpisa akong maglakad at hindi na lumingon sa direksyon nito, hindi na ako nagpaalam pa rito at tuloy-tuloy na lang na lumabas ng kuwarto.

Hindi nga kami close at lalong hindi magkakilala, katulad na lang noong pinapalabas nito sa harap ng kapatid nito, 'di ba?

Then, sige. Pagbibigyan ko ito.

Pagkasarado ko ng pinto ay saka ko lang napakawalan ang hininga na hindi ko napansin na kanina ko pa pala pinipigilan.

Kainis!

Nang makalma ako ay tumungo na lang ako papunta sa pantry para magtimpla ng kape.

I need it to calm what I'm feeling and thinking right now. Na-i-stress talaga ako.

Umupo ako at doon na lang nagpalipas ng oras habang nag-iisip.

F*ck. Hindi ko makuhang mag-isip nang tuwid dahil sa pagkagulantang sa pagtatagpo ng landas namin ni Mikey.

Naikuyom ko ang isang kamao ko.

Paano nga ba akong makakapag-isip nang tuwid kung alam ko sa sarili ko na kahit ilang taon pa ang lumipas na hindi kami nagkita ay iba pa rin ang dating at epekto nito sa akin?

Napabuntung-hininga ako habang hinahalo ang kape ko.

Hindi ko mapigilang balikan ang sinabi nito kanina.

Kaya pala hindi na ito tumuloy pa sa pagpunta sa opisina ni Hero, sa tono nito at ang dating sa akin ay dahil sa nakita ako nito noon.

Pero matagal na kaya nitong alam kung nasaan ako?

Hinanap kaya ako nito?

Galit ba ito sa ginawa ko?

Nagbunga kaya ang naging sakripisyo at pang-iiwan na ginawa ko rito? Naka-move-on na kaya ito sa wakas sa babaeng mahal na mahal nito?

O... masaya na kaya ito ngayon?

Hays. Ang dami kong tanong.

Huminga ako nang malalim at nasapo ang ulo ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ikinikilos nito ngayon na parang hindi ako kilala.

At hindi ko rin alam kung ano ang iniisip nito, hindi ko mabasa... ang inaasahan ko kasi ay susumbatan ako nito pero parang maayos naman na ito, parang ni hindi nga ako minsan na naging bahagi at parte ng buhay nito.

O baka naman sadyang binura na ako nito hindi lang sa isip kung hindi pati na sa mismong buhay nito?

Hindi ko mapigilang malungkot.

Though, inaasahan ko naman na kasi ang ganitong treatment kung sakali mang magtagpo ang landas namin, pero bakit parang hindi ko naman tanggap?

Hays. Ang gulo ko.

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko, akala ko handa na ako anytime na magkrus ang landas namin. Pero nalaman ko ngayon na mali pala ang akala ko nang makaharap ko na ito mismo na hindi pa pala, nagkamali ako, maling-mali ako. At mukhang kailanman ay hindi yata ako magiging handang makaharap ito.

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari... jusko kasi, iba talaga ang epekto nito sa akin... mas lumala pa nga yata.

Kung dati ay patambol-tambol lang ang dibdib ko. Ngayon, aba! Improving! Feeling ko ay magkaka-mini heart attack ako on the spot! Katulad na lang nang naramdaman ko kanina.

Hays. Para na akong mababaliw!

Alam ko namang magkakaharap din kami, pero bakit ngayon na? Bakit ngayon pa? Bakit dito pa? At higit sa lahat... bakit ito pa ang naging stepbrother ni Hero?

Nawiwindang talaga ako sa mga nangyayari pati na sa lakas ng dating nito at sa hitsura nito na sobrang guwapo! Nakakawala tuloy sa focus.

F*ck. Ako na ang loser.

Sinapo kong muli ang ulo ko na parang sasabog.

Ang dami kong tanong at naiisip... pero hindi pa rin ako maka-get over na related si Hero at Mikey sa isa't isa!

Wala man lang akong nalaman sa ilang taon naming pagiging malapit ni Hero!

Nagsisisi tuloy ako ngayon dahil hindi ako naging usyusera at maurirat pagdating sa personal na buhay at sa miyembro ng bagong pamilya nito!

Dapat pala ay naging pakialamera ako at inalam ang mga bagay-bagay! Hindi 'yong ganito!

D*mn.

Kumbaga kasi sa isang giyera, ni hindi ako na-inform na 'yong tatapakan ko pala ay maaaring sumabog kapag sumayad ang paa ko!

Nag-vibrate bigla ang telepono ko na nasa bulsa ko, agad ko iyong kinuha at inilabas.

Napakurap ako dahil sa pangalan ng tumatawag.

Super Hero is calling...

At speaking, 'yong isa pa talaga sa laman ng isip ko ang tumatawag.

Napangiwi ako sa halip na mapangiti na lagi kong reaksyon kapag ito na ang nakita kong caller.

Kakaalis ko lang, e. Nakakainis naman! 'Di pa nga nag-iinit ang puwet ko sa pagkakaupo, huwag mong sabihing kailangan ko na agad na bumalik?

F*ck naman. Nagtatago pa 'yong tao, e!

Though, magkaibigan kami ay alam ko sa sarili ko na hindi ko puwedeng basta na lang na hindi sagutin ang tawag. Kahit na gaano pa kami ka-close ni Hero ay boss ko pa rin ito.

Pero ano ang dapat kong gawin para makaiwas kay Mikey at hindi mapasama sa meeting? Kailangan kong mag-isip ng alibi!

Magdahilan kaya ako na may masakit sa akin? O kaya ay bigla akong magpaalam na mag-half day leave?

Napakamot ako sa ulo ko.

Kainis kasi kapag ginawa ko naman iyon ay alam kong hindi makakapag-concentrate si Hero sa meeting dahil mag-aalala ito sa akin. Ayoko naman no'n.

Hindi pupuwede iyon. Erase. Erase. Iba na lang.

Napabuga ako ng hangin bago atubiling tinanggap ang tawag nito kahit na wala pa talagang naiisip.

Hays. Bahala na nga.

Related chapters

  • Love you still   KABANATA 5

    AlexenaTumikhim muna ako bago magsalita. "H-Hero?" patanong kong bungad."Nasa pantry ka pa? Bumalik ka na rito, mag-start na tayo in ten minutes." Ngumuso ako kahit na alam kong hindi nito ako nakikita. "Huwag mo na lang kaya akong isama? Marami pa akong gagawin, e," agad na pagdadahilan ko. Natawa ito. "Talaga ba? Kung marami kang gagawin, dapat ay nandito ka at wala ka riyan sa pantry," panonopla nito.Paano akong makakagawa at makakapagtrabaho kung nariyan sa opisina mo 'yong gusto kong iwasan?"Nagkakape pa kasi ako. Break, you know. Uso ang break, Hero," palusot ko."Wala ka namang gagawin do'n. Mauupo ka lang at makikinig, so... sumama ka na," panghihimok pa rin nito.Nailing-iling ako. "Exactly. Wala akong gagawin do'n. So, mas mabuti kung mag-stay na lang ako sa office mo para maging kapaki-pakinabang ako sa kompanya ninyo. Para maging sulit kahit paano ang sinusuweldo ko." "Ah, gano'n. So... sino na kaya ngayon ang boss sa ating dalawa? Hmm? Tingin mo? Sino kaya ang dapa

    Last Updated : 2022-12-30
  • Love you still   KABANATA 6 (Flashback)

    [Four years ago..."]AlexenaNgawit na ako sa posisyon ko pero tinatamad pa rin akong magdilat ng mata, sobra kasi akong hinihila ng antok dahil sa malamig na hangin na nararamdaman ko na tila ba nakatutok ang pagbuga sa akin, ngunit gano'n pa man ay may kakaibang init naman na pumapawi roon na mas lalong tila ba humahatak at naghehele sa akin para ipagpatuloy pa ang pagtulog. I don't have any clue what it is and in my current state, my energy is still drained. I am physically worn out. I am emotionally exhausted. I do need to rest both to keep myself sane. Besides, I'm really too sleepy to even care what exactly that thing is, which is really making me feel better, comfortable and somewhat safe. Finding it out can wait, but sleeping peacefully cannot. So, I think I'll just find it out later. Bahagya akong gumalaw para maibsan kahit na papaano ang pangangawit ko at sumiksik sa mainit na bagay na nakadikit sa akin bago sumagap ng hangin habang nakapikit pa rin, nag-aagaw ang nararamd

    Last Updated : 2022-12-30
  • Love you still   KABANATA 7 (Flashback)

    [Four years ago...]AlexenaWalang nagtatangkang magsalita sa amin habang naglalakad, pero binitawan na rin nito ang kamay ko nang makababa na kami sa wakas na gusto kong panghinayang dahil sa init na ibinibigay nito na nakakapagpagaan ng pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan."Kain tayo?"Naikurap ko ang mata ko sa tanong nito.Noon ko lang kasi naalala na hindi pa nga pala ako nakakakain mula nang magbiyahe kanina at alam kong hindi maganda para sa akin ang magpalipas ng gutom dahil ako rin ang aani niyon, sigurado kasing sasakit ang ulo ko kapag hindi pa nalamnan ang sikmura ko. Masuwerte nga ako at hindi pa nagsisimulang sumakit kahit pa nga sinabayan ko pa ang walang laman na sikmura nang marami-raming pag-iyak.Hindi na ako nagpakiyeme pa, tumango ako at sinenyasan naman ako nito na sumunod dito bago nag-umpisang maunang maglakad. Sumunod lang ako rito hanggang sa makarating kami sa isang tindahan ng lugaw.Nilingon ako nito. "Okay lang ba sa iyo rito?"Nauna na akong umu

    Last Updated : 2022-12-31
  • Love you still   KABANATA 8

    AlexenaAll along akala ko ay okay na ako. But, why all of a sudden... ang lahat ay tila bumabalik dahil sa pagtatagpong muli ng landas namin ni Mikey? Hindi ko man gusto ay nagsusumiksik sa isip ko ang nakaraan at sakit na noon pa man ay pilit ko na ngang ibinabaon sa limot.Okay na ako, e. Though, I still miss him everyday. Hindi ko iyon puwedeng ikaila sa sarili ko. Pero dahil ako naman ang lumayo rito ay sinanay ko na ang sarili ko na wala ito, na maging parte na ng buhay ko ang pangungulila rito. Sanay na ako, e. Pero bakit kasi kailangang magkita pa kami? Bakit kailangan nitong sumulpot bigla at guluhin ang tahimik ko na sanang mundo, isip, nararamdaman at sistema ko? Sa pagsulpot kasi nitong bigla sa eksena, tila ba napakadaling masira at malusaw ng gano'n na lang ng pinaghirapan ko ng ilang taon na pagbuo sa pagkatao kong nadurog dahil sa pagmamahal ko rito.Lintek na pag-ibig ko kasing to, e. Ba't ba ang komplikado na nga noon pero parang mas naging komplikado pa yata ngayon?

    Last Updated : 2022-12-31
  • Love you still   KABANATA 9

    Alexena"E, bakit gano'n? Parang hindi ka kilala kapag magkakaharap tayo? Ano 'yon arte lang?" lito pa ring tanong nito.Hindi, nagkaka-selective amnesia lang si gago kapag kaharap ka namin.Sa halip na sabihin iyon ay nagkibit-balikat ako. "Galit siguro. Hindi ko naman din masisisi. Matagal din kaming nagkasama, naging magkaibigan at naging higit pa tapos bigla kong iniwan nang walang paalam. Basta, alam ko galit 'yon sa akin. Halata naman... saka inaasahan ko na 'yon. Pero hindi naman 'yon ang pinoproblema ko kasi hindi ko na maibabalik pa ang nagawa ko at ang nakaraan."Tumayo na ito kapagkwan at lumakad-lakad na parang hindi mapakali habang nakakunot ang noo. "E, ano pa kung gano'n?""The problem here is he's asking me to stay away from you. Ang paniniwala at ang alam kasi niya ay higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa ating dalawa." "What? At bakit naman daw?" gulat na tanong nito, halata rin ang pagkalito.Iniiwas ko ang tingin dito bago tumitig sa pinto. "According sa pagkak

    Last Updated : 2023-01-01
  • Love you still   KABANATA 10

    Alexena"Salamat po," ani ko sa may-ari ng kamay na pumigil sa pinto ng elevator bago iyon magsara para makahabol na makasabay ako. Sumalubong kaagad sa akin ang magandang kanta na nagmumula sa maliit na speaker sa loob mismo ng elevator noong nakapasok na ako roon. Pero hindi ko makuhang i-appreciate iyon sa pagkangarag ko ngayong araw na ito. Pati nga ang nagmagandang loob na kasama ko sa elevator ay ni hindi ko na nilingon pa at hindi na ako nag-abala pang magtaas ng tingin mula sa abalang paghahanap sa bag ko ng telepono kong hindi ko alam kung saan ko ba nailagay dahil sa pagmamadali ko kanina sa paggayak.F*ck. Nasaan ka na... magpakita ka naman na.Nananalangin na pakiusap ko habang naghahalungkat pa rin.Hays. Naiwan ko pa yata.Kainis. Umagang-umaga ay naba-badtrip tuloy ako, doon pa naman nagpapadala ng mensahe ang ibang mga board pati na ang iba na makaka-meeting at nagpapa-schedule ng meeting kay Hero.Patay ako, kung alin pa ang importante ay mukhang iyon pa ang nalimuta

    Last Updated : 2023-01-01
  • Love you still   KABANATA 11

    Alexena"Kanina pa ako tumatawag. Papasok ka ba?" reklamong bungad na tanong ni Hero sa akin mula sa kabilang linya.May dalaw ba ito? Ba't parang ang sungit?Natawa ako sa naisip ko at tuluyan nang hindi na pinansin pa ang presensiya ng kasama kong bwisit sa elevator. "Yes po. Late lang po ako. Sorry na po," malumanay kong sagot."Okay. Akala ko lang kasi hindi. Papakaltasan na sana kita ng isang araw na suweldo sa payroll officer natin, e," biro nito.Lalo akong natawa. "Grabe siya sa akin. Ang lupit mo naman po. Huwag gano'n. Late lang, huwag naman buong araw. Saka may vacation leave pa po akong natitira,” katwiran ko."Considered as leave without pay 'yon since hindi ka nagpaalam at wala ko namang approval.""Grabe talaga siya... sorry na nga, late lang talaga ako.""Malay ko bang late ka lang, madalang ka lang na nale-late kaya nagtaka ako. Walang abiso na wala ka, wala rin akong naaalala na nagpaalam kang magli-leave today. So, nag-aalala ako kung ano na ba ang nangyari sa iyo.

    Last Updated : 2023-01-03
  • Love you still   KABANATA 12

    AlexenaDahil hamak na mas malapit ang puwesto ng work station ko sa pinto kung saan nakaupo si Mikey, sa harapan ng mismong mesang gamit ko ay inuna ko nang ibinaba ang tasa ng kape nito roon. “Thanks,” ani nito, na sa pandinig ko ay labas sa ilong na pasasalamat, halatang napipilitan. Gustong umikot ng mata ko. Tutal naman ay mutual ang nararamdaman namin dahil napipilitan lang din ako na ipagtimpla talaga ito, bawiin ko na lang kaya ang kape at lason na lang ang itimpla ko para rito? Kung hindi nga lang masyadong obvious kapag bumula ang bibig nito ay lason talaga ang balak kong ibigay sana. Hindi na lang ako kumibo, sa halip ay tinalikuran ko ito at nilapitan naman si Hero, automatic na pinalitan ko ng masayang ekspresyon ang mukha ko. “Here’s your favorite coffee na.” Nakangiti na agad na inabot naman iyon ni Hero at hindi na hinayaan pang maibaba ko sa lamesa nito, pagkatapos ay inamoy-amoy pa na parang kay sarap-sarap talaga ng pagkakatimpla ko. “Amoy pa lang ang sarap n

    Last Updated : 2023-01-03

Latest chapter

  • Love you still   KABANATA 75

    Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa

  • Love you still   KABANATA 74

    Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay

  • Love you still   KABANATA 73

    Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati

  • Love you still   KABANATA 72

    AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib

  • Love you still   KABANATA 71

    AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p

  • Love you still   KABANATA 70

    AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n

  • Love you still   KABANATA 69

    AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-

  • Love you still   KABANATA 68

    AlexenaSimula noong nakauwi kami ni Cloud, madalas ay nasa kuwarto lamang ako at paulit-ulit na lang ang ginagawa... matutulog, gigising, nakatulala o 'di kaya ay nakapikit at pinipilit na ipahinga ang isip at umidlip kahit na hirap na hirap akong matulog. Lumalabas lamang ako kapag kinatok na ako ni Zelle para kumain. Hindi ko man masabi rito pero sobra ang pasasalamat ko dahil nandito ito, kahit na ang tagal din naming hindi nagkasama pero hindi pa rin ito nagbabago, kahit na nga nasaang lupalop man ito ay umuwi kaagad ito noong pinatawagan ko ito kay Cloud bago kami bumiyahe, hindi pa rin ako nito kayang tiisin at pabayaan. Hindi ako nito iniiwan at nandito pa rin ito para samahan ako kahit pa nga madalas ay parang wala itong kasama dahil tahimik lang ako at halos puro tango lang ang isinasagot ko kapag may itinatanong ito sa akin. She's worried about me. Kita ko rin at ramdam na gusto ako nitong tulungan. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay ang mapag-isa at mag-isip to sort things

  • Love you still   KABANATA 67

    AlexenaNapaprenong bigla si Cloud pero nang nakahuma ay agad na iginilid nito ang sasakyan. "W-What did you say?"Kinagat ko ang labi kong noong naguguluhan ako nitong hinarap."N-Namatay ang dapat ay may kakayahang bumuo sana sa amin, Cloud," mahinang ulit ko.Hindi nito nakuhang kumibo o gumalaw man lang, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin."Kaya sabihin mo sa akin, may karapatan ba dapat akong sumaya? Paano pa ako sasaya?" may pait sa tinig kong tanong. Ikinurap-kurap nito ang mata, bakas sa mukha nito ang labis na kalituhan. "Who? What? Wait, hindi ako makasunod sa sinasabi mo. N-Namatay? Sino ang namatay na tinutukoy mo?" naguguluhang tanong nito.Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pumipintig ang lahat ng parte ng katawan ko sa nerbiyos sa pagsisiwalat ng sikreto ko.Lumunok ako dahil sa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, nanginginig ang labi na sumagot ako. "M-My... no, our baby."Napatanga ito sa narinig at napakurap ng ilang beses k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status