Home / Romance / Love you still / KABANATA 12

Share

KABANATA 12

Author: Meowpyyyyy
last update Huling Na-update: 2023-01-03 20:03:58

Alexena

Dahil hamak na mas malapit ang puwesto ng work station ko sa pinto kung saan nakaupo si Mikey, sa harapan ng mismong mesang gamit ko ay inuna ko nang ibinaba ang tasa ng kape nito roon.

“Thanks,” ani nito, na sa pandinig ko ay labas sa ilong na pasasalamat, halatang napipilitan.

Gustong umikot ng mata ko.

Tutal naman ay mutual ang nararamdaman namin dahil napipilitan lang din ako na ipagtimpla talaga ito, bawiin ko na lang kaya ang kape at lason na lang ang itimpla ko para rito?

Kung hindi nga lang masyadong obvious kapag bumula ang bibig nito ay lason talaga ang balak kong ibigay sana.

Hindi na lang ako kumibo, sa halip ay tinalikuran ko ito at nilapitan naman si Hero, automatic na pinalitan ko ng masayang ekspresyon ang mukha ko.

“Here’s your favorite coffee na.”

Nakangiti na agad na inabot naman iyon ni Hero at hindi na hinayaan pang maibaba ko sa lamesa nito, pagkatapos ay inamoy-amoy pa na parang kay sarap-sarap talaga ng pagkakatimpla ko. “Amoy pa lang ang sarap n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Love you still   KABANATA 13

    AlexenaBigla akong nanigas sa kinauupuan ko at kinabahan dahil sa narinig.D*mn. Hindi naman sa pag-a-assume pero hindi naman siguro ako. Saka ayoko rin! No! Big NO! "Mas prefer ko na babae ang pansamatalang assistant na makakasama ko, bukod sa malikot at makulay ang utak, ang gusto ko ay competitive. Saka walang work experience ang ipinapahanap ko sa HR na iha-hire nila upang maging assistant ko. Gusto ko kasi ay baguhan, walang sungay at madali pang mapasunod. At dahil do'n siyempre ay makakasama sa trabaho ng pansamantalang magiging assistant ko ang pagte-train sa baguhan na makakapasa sa standards ko. So, hindi si Mathos ang gusto kong kuhanin at ang tingin kong kuwalipikado sa posisyong iyon." Lalong kumakabog ang dibdib ko dahil sa mga naririnig ko. Kung hindi si Mathos? Sino pa ang kasama sa pagpipilian? Sh*t. Kahit na pansamantala pa 'yon ay ayoko pa rin na makasama ako sa choices! No talaga! Please, Lord!"So, I think itong girlfriend mo talaga ang perpektong tao para pu

    Huling Na-update : 2023-01-03
  • Love you still   KABANATA 14

    AlexenaMasama ang timplada ng mukha na tinitigan ko ang saradong pinto ng opisina ni Mikey bago napabuga ng hangin.Paano ba naman kasi, lahat na lang yata ng ginagawa ko ay pinupuna nitong unggoy na bagong boss ko.D*mn. Halatang-halata ko, e. 'Di naman kasi ako manhid at tanga.At oo, iba na nga ang boss ko! Pansamantala kuno! Which is sana nga ay totoo talaga dahil ilang araw ko pa lang na kasama ito ay gusto ko nang sumuko dahil sa pakiramdam ko ay hindi ko kayang tagalan ang ugali nito! Tsk. Sino pa nga ba? Kung hindi ang nakakakunsume sa lahat nang nakakakunsume. Shiz! Ewan ko ba. Sinalo na yata kasi nito ang lahat ng negatibong bagay na kapintas-pintas naman talaga sa pag-uugali at gawi nito na nakikita ko! Hindi lang iyon, kundi pati na rin sa mga salitang naririnig ko na lumalabas sa bibig nito!Dahil nagtagumpay ang kampon ng kasamaan at hari ng kadiliman sa binabalak nito ay nakuha ako nito na maging pansamantalang assistant nang walang kahirap-hirap! Hindi ako nagkamali s

    Huling Na-update : 2023-01-05
  • Love you still   KABANATA 15

    AlexenaPasimple akong nagbuga ng hangin. "Okay po. May iuutos pa po kayo, Sir?" magalang at bait-baitan kong tanong kahit na ang gusto ko talagang gawin ay ihampas dito ang hawak kong telepono, kung mabibigyan lang sana ako ng langit ng pagkakataon.Kaso, masama at mali iyon kaya alam kong hindi ako pagbibigyan ng Nasa Itaas sa hiling ko.Matagal bago sumagot ang lalaki, nag-iisip pa yata ng panibagong plano kung paano ako pahihirapan o naghahanap pa ng iuutos sa akin para lang sumuko ako at mapalayas na sa buhay ni Hero at siyempre sa buhay nito. Ganyan 'yan, e. Sobrang evil. Ibang-iba kay Hero. Hays. Bakit kasi hindi man lang yata naambunan ng kahit kaunting kabaitan ng lalaking 'yon ang isang 'to na mukhang takas pa yata sa impiyerno? Sungay na lang ang kulang at buntot. 'Di ko lang sure if mayroon ito, baka sobrang galing lang talagang magtago kaya hindi ko pa nakikita at napapansin. "Wala na. I'll send you her address, pakipadala na rin today before lunch time," sabi nito at b

    Huling Na-update : 2023-01-05
  • Love you still   KABANATA 16

    AlexenaSo, he's really on a date, huh?Kahit na pakiramdam ko ay gustong magdilim ng paningin ko ay hindi ko naman magawang alisin ang mata ko sa pareha na sobrang sweet ang tinginan, kahit sino ang makakakita ay hindi maikakaila na may relasyon ang mga ito at kung ako ang tatanungin kung kaya ko bang maghapon na panuorin ang mga ito ay baka sumuka ako... este, sumuko pala dahil nakakaumay sa sobrang tamis.Napaismid ako kalaunan nang mapansin na abot yata hanggang tenga ang pagkakangiti ni Mikey habang may sinasabi ito sa babae na tuwang-tuwa naman, siguro ay nambobola. Bumaba ang mata ko sa mesa ng mga ito at nahagip ng paningin ko ang pasimpleng paghaplos-haplos ng lalaki sa kamay ng dalaga.Hmp! Tsansing! At mukhang gustong-gusto naman no'ng isa! Automatic na napasimangot ako. Kung kanina ay may kirot akong nadarama, ngayon ay mas kapansin-pansin at nangingibabaw na ang pagkaasar ko. Argh! Hindi ko lang talaga mapigilan! Nakakainis kasi! Ang sarap sampal-sampalin ni Mikey. Na

    Huling Na-update : 2023-01-06
  • Love you still   KABANATA 17

    AlexenaKahit gaano pa kahaba ang pasensiya ng isang tao ay dumarating din talaga sa punto na nauubos ito. Sa kaso ko, kaunti na lang at mapapatid na talaga... kasing nipis na lang yata ng sinulid, kaunting-kaunti na lang talaga at gusto ko nang pumatol... kung pupuwede nga lang na itali ko na sa leeg ni Mikey para maisabit ko na sana ito nang patiwarik. Bwisit talaga, para matapos na ang paghihirap ko! Tatanggapin ko na siguro kahit na maging kriminal pa ako at kahit na hindi ko kailanman pinangarap na magiging gano'n ako. D*mn.Dalawang araw ko nang binabasa at hinahanap sa sandamakmak na mga papeles at folders na itinambak sa akin ng bwisit na lalaking 'yon ang kontrata sa ginagawang hotel na sinasabi nito, na ayon dito ay kailangan kong mahanap as soon as possible para raw ma-review nito... na sa palagay ko ay hindi ko magagawa dahil sa sobrang dami talaga ng mga papel, pansin ko pa na wala naman akong namamataan na kahit isa o ibang kontrata na nahalo sa mga papel na natapos ko n

    Huling Na-update : 2023-01-07
  • Love you still   KABANATA 18

    AlexenaNgunit agad ko ring naipilig ang ulo ko dahil sa isipin na iyon.Seriously, huwag mong sabihing nag-aalala ka para sa lalaking iyan, Xena? Dapat ay matuwa nga ako kung higit pa sa pingot ang maranasan nito, kahit papaano ay makakaganti na ako sa mga ginagawa nitong pagpapahirap sa akin."Tapos ayaw mo pa akong papasukin! Sinabi ko naman na sa iyo noong isang araw pa na pupuntahan kita!"Napakamot si Mikey sa batok. "Nakalimutan ko lang naman... saka hindi naman kasi sinabi kaagad ni Xena na nandito ka. Na ikaw pala ang bisita ko, Mom." Nanlaki agad ang mata ko.Grabe! Ako pa talaga ang sinisi nito!Tinampal ito ng ina. "Huwag mo nga siyang sisihin, hindi niya kasalanan! Clueless nga siya kanina at hindi niya ako kilala."Sinamaan ako ng tingin ni Mikey."Huwag mo nga siyang takutin!" bawal dito ng ginang."I'm not doing anything!" maang-maangan ni Mikey.Tss. Wala daw! E, kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ako nakabulagta rito at nangingisay!"E, bakit ganyan

    Huling Na-update : 2023-01-11
  • Love you still   KABANATA 19

    Alexena"Paano? Hindi ko na kayo masasamahan pang bumalik sa opisina at ako ay uuwi na," nakangiting turan ni Tita Emma habang nakatayo kami sa labas ng restaurant at hinihintay ang dalawang sasakyan na ang isa ay maghahatid dito pauwi at ang isa naman ay sa amin ni Mikey papuntang opisina.Sinserong nginitian ko ito.Nagulat ako noong lumapit ito sa akin habang nakangiti pa rin at hinaplos-haplos ang buhok ko na para bang inaayos. "I'm so glad talaga na nakita na kita sa personal at nakilala. I'm hoping na mahaba-habang oras na ang susunod nating pagkikita at kuwentuhan. Pero mas masaya sana kung nandito rin si Hero, hano?"Ang kaninang sinsero kong ngiti ay naging alanganin.Ang totoo ay nag-e-enjoy ako sa company nito, nakakaaliw itong magkuwento dahil ang kuwela at animated tapos halatang-halata talaga na sabik ito sa anak na babae. Napakagiliw nito sa akin at ang daming kuwento na parang hindi nauubos. Pero nakakakonsensiya rin at the same time, pakiramdam ko ay niloloko ko ito.

    Huling Na-update : 2023-01-12
  • Love you still   KABANATA 20

    AlexenaKinusot ko ang mata ko dahil pagod na ito at naluluha na nang may magandang babaeng tumapat sa table ko. Sa tantiya ko ay mga kaedaran ko lamang ito.Katulad nang nakasanayan ko na ay naghanda ako ng ngiti, inihanda ko na rin ang sarili at isip ko kung kakailanganin ko na namang magsinungaling o mag-isip ng palusot kapag tinanong ako nitong kaharap ko kung nasaan ang bwisit na nasa loob lamang ng opisina nito na ang bilin na naman ay huwag daw itong iistorbohin.Praktisado ko naman na ang mga sasabihin ko dahil iyon at iyon lang naman din ang sinasabi ko sa mga dumarating na hindi nito gustong pakiharapan pero pumalpak ako one time noong dumating si Tita Emma, na-overwhelm ako sa presensya nito kaya hindi ko nakuhang magtahi ng kuwento tungkol sa whereabouts ni Mikey."Good afternoon, Ma'am!" magalang na bati ko.Ngunit sa halip na sagutin ako at ngitian ay hinagod ako nito ng tingin pagkatapos ay tinaasan pa ng kilay.Aba’t! Bakit pakiramdam ko ay girl version ito no'ng boss

    Huling Na-update : 2023-01-15

Pinakabagong kabanata

  • Love you still   KABANATA 75

    Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa

  • Love you still   KABANATA 74

    Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay

  • Love you still   KABANATA 73

    Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati

  • Love you still   KABANATA 72

    AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib

  • Love you still   KABANATA 71

    AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p

  • Love you still   KABANATA 70

    AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n

  • Love you still   KABANATA 69

    AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-

  • Love you still   KABANATA 68

    AlexenaSimula noong nakauwi kami ni Cloud, madalas ay nasa kuwarto lamang ako at paulit-ulit na lang ang ginagawa... matutulog, gigising, nakatulala o 'di kaya ay nakapikit at pinipilit na ipahinga ang isip at umidlip kahit na hirap na hirap akong matulog. Lumalabas lamang ako kapag kinatok na ako ni Zelle para kumain. Hindi ko man masabi rito pero sobra ang pasasalamat ko dahil nandito ito, kahit na ang tagal din naming hindi nagkasama pero hindi pa rin ito nagbabago, kahit na nga nasaang lupalop man ito ay umuwi kaagad ito noong pinatawagan ko ito kay Cloud bago kami bumiyahe, hindi pa rin ako nito kayang tiisin at pabayaan. Hindi ako nito iniiwan at nandito pa rin ito para samahan ako kahit pa nga madalas ay parang wala itong kasama dahil tahimik lang ako at halos puro tango lang ang isinasagot ko kapag may itinatanong ito sa akin. She's worried about me. Kita ko rin at ramdam na gusto ako nitong tulungan. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay ang mapag-isa at mag-isip to sort things

  • Love you still   KABANATA 67

    AlexenaNapaprenong bigla si Cloud pero nang nakahuma ay agad na iginilid nito ang sasakyan. "W-What did you say?"Kinagat ko ang labi kong noong naguguluhan ako nitong hinarap."N-Namatay ang dapat ay may kakayahang bumuo sana sa amin, Cloud," mahinang ulit ko.Hindi nito nakuhang kumibo o gumalaw man lang, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin."Kaya sabihin mo sa akin, may karapatan ba dapat akong sumaya? Paano pa ako sasaya?" may pait sa tinig kong tanong. Ikinurap-kurap nito ang mata, bakas sa mukha nito ang labis na kalituhan. "Who? What? Wait, hindi ako makasunod sa sinasabi mo. N-Namatay? Sino ang namatay na tinutukoy mo?" naguguluhang tanong nito.Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pumipintig ang lahat ng parte ng katawan ko sa nerbiyos sa pagsisiwalat ng sikreto ko.Lumunok ako dahil sa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, nanginginig ang labi na sumagot ako. "M-My... no, our baby."Napatanga ito sa narinig at napakurap ng ilang beses k

DMCA.com Protection Status