AlexenaNgunit agad ko ring naipilig ang ulo ko dahil sa isipin na iyon.Seriously, huwag mong sabihing nag-aalala ka para sa lalaking iyan, Xena? Dapat ay matuwa nga ako kung higit pa sa pingot ang maranasan nito, kahit papaano ay makakaganti na ako sa mga ginagawa nitong pagpapahirap sa akin."Tapos ayaw mo pa akong papasukin! Sinabi ko naman na sa iyo noong isang araw pa na pupuntahan kita!"Napakamot si Mikey sa batok. "Nakalimutan ko lang naman... saka hindi naman kasi sinabi kaagad ni Xena na nandito ka. Na ikaw pala ang bisita ko, Mom." Nanlaki agad ang mata ko.Grabe! Ako pa talaga ang sinisi nito!Tinampal ito ng ina. "Huwag mo nga siyang sisihin, hindi niya kasalanan! Clueless nga siya kanina at hindi niya ako kilala."Sinamaan ako ng tingin ni Mikey."Huwag mo nga siyang takutin!" bawal dito ng ginang."I'm not doing anything!" maang-maangan ni Mikey.Tss. Wala daw! E, kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ako nakabulagta rito at nangingisay!"E, bakit ganyan
Alexena"Paano? Hindi ko na kayo masasamahan pang bumalik sa opisina at ako ay uuwi na," nakangiting turan ni Tita Emma habang nakatayo kami sa labas ng restaurant at hinihintay ang dalawang sasakyan na ang isa ay maghahatid dito pauwi at ang isa naman ay sa amin ni Mikey papuntang opisina.Sinserong nginitian ko ito.Nagulat ako noong lumapit ito sa akin habang nakangiti pa rin at hinaplos-haplos ang buhok ko na para bang inaayos. "I'm so glad talaga na nakita na kita sa personal at nakilala. I'm hoping na mahaba-habang oras na ang susunod nating pagkikita at kuwentuhan. Pero mas masaya sana kung nandito rin si Hero, hano?"Ang kaninang sinsero kong ngiti ay naging alanganin.Ang totoo ay nag-e-enjoy ako sa company nito, nakakaaliw itong magkuwento dahil ang kuwela at animated tapos halatang-halata talaga na sabik ito sa anak na babae. Napakagiliw nito sa akin at ang daming kuwento na parang hindi nauubos. Pero nakakakonsensiya rin at the same time, pakiramdam ko ay niloloko ko ito.
AlexenaKinusot ko ang mata ko dahil pagod na ito at naluluha na nang may magandang babaeng tumapat sa table ko. Sa tantiya ko ay mga kaedaran ko lamang ito.Katulad nang nakasanayan ko na ay naghanda ako ng ngiti, inihanda ko na rin ang sarili at isip ko kung kakailanganin ko na namang magsinungaling o mag-isip ng palusot kapag tinanong ako nitong kaharap ko kung nasaan ang bwisit na nasa loob lamang ng opisina nito na ang bilin na naman ay huwag daw itong iistorbohin.Praktisado ko naman na ang mga sasabihin ko dahil iyon at iyon lang naman din ang sinasabi ko sa mga dumarating na hindi nito gustong pakiharapan pero pumalpak ako one time noong dumating si Tita Emma, na-overwhelm ako sa presensya nito kaya hindi ko nakuhang magtahi ng kuwento tungkol sa whereabouts ni Mikey."Good afternoon, Ma'am!" magalang na bati ko.Ngunit sa halip na sagutin ako at ngitian ay hinagod ako nito ng tingin pagkatapos ay tinaasan pa ng kilay.Aba’t! Bakit pakiramdam ko ay girl version ito no'ng boss
AlexenaPasimpleng iginalaw-galaw ko ang paa kong makirot upang malaman kung nananaginip ba ako, nang maramdaman kong muli ang kirot ay napangiwi ako pero hindi pa rin ako nakuntento at ikinurap-kurap ko naman ang mata ko upang malaman naman kung nagha-hallucinate lang ako, ngunit sa sobrang tuwa ko ay hindi naman nawala ang lalaki sa harapan ko. Totoo ito! Hindi ako nananaginip at hindi ako nagha-hallucinate lang!"D*mn! Cloud?" naninigurado kong tanong bago tumayo upang lumapit dito.Halata ang gulat na nakatitig naman ito sa akin.Nanlalaki pa ang mata na hindi humihiwalay sa mukha ko ang tingin nito at nang tuluyan na akong makalapit dito ay bigla na lang ako nitong niyakap nang mahigpit. "Sh*t! Lexy! My God, ikaw nga! Akala ko ay kahawig mo lang, ikaw pala mismo talaga," natatawang sabi nito.Pinakawalan na rin naman ako nito kapagkwan at halata ang tuwa sa mata namin pareho noong tinitigan naming muli ang isa't isa. Na-miss ko ito. Sobra! Ang tagal ko itong hindi nakita."Munt
AlexenaHindi ko pinansin ang bagong dating kahit nakita kong parating na ito patungo sa sariling opisina, patuloy lang ako sa pagtipa sa harap ng computer ko at nagkunwaring walang nakita.Kung dati ay may pa-good morning at kahit papaano ay ginagawaran ko ito ng ngiti na pabalat bunga kahit pa nga pagsimangot lang ang alam nitong itugon sa akin, ngayon ay wala na at tinigilan ko na ang mga iyon. Totoo pala na nakakasawa rin kapag nasasayang lang 'yong mga effort mo, lalo na kung hindi naman naa-appreciate."Alexena," narinig kong pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ko napansin na nakalabas na pala ulit ito sa opisina nito.Nilingon ko ito at seryosong tiningnan. "Sir?" Himala, dahil nalingunan ko itong hindi nakakunot ang noo saka tinawag ako sa pangalan na madalang nitong gawin dahil pansin ko na parang nandidiri ito kahit na banggitin lang ang pangalan ko. I wonder, maganda ba ang naging tulog nito? Wala ba itong sumpong o baka naman may binabalak na naman ito?Nakakasawa nang
AlexenaNangatog ang tuhod ko at nanginig pati na ang kamay ko.Ano ang ginagawa nito rito? May date pa ito, ah? He's not supposed to be here. Dapat ay kasama na nito ngayon ang espesyal na babae sa buhay nito, kung si Lucy man iyon, masaya na dapat na nagre-reconcile ang mga ito.Nagtataka ko tuloy itong tinapunan ng tingin."Sino ang nagsabi at nagbigay sa iyo ng pahintulot na umalis na? At bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" galit na bungad nito.F*ck, ano ang idadahilan ko? Na inatake ako ng pag-iinarte, inggit at panibugho? No way would I ever say it! I should think fast!Napalunok ako at napahinto sa paglalakad. "Uh, sorry p-po, Sir. Ano po kasi, uh... kasi s-sumakit po ang tiyan ko, kinailangan na magpunta at gumamit ng restroom,” pagsisinungaling ko.Nagtagis ang bagang nito. “Hindi ka ba nag-iisip? Mayroon din namang restroom do’n, Alexena!”Pinigilan ko ang mapalabi.Ang sakit naman kasi nitong magsalita.Bahagya kong iniyuko ang ulo ko. “H-Hindi ko po alam kung saa
AlexenaNang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay umuwi na rin ako upang magpahinga kahit na saglit lang, pagkatapos ma-relax ang katawan at isip ay naghanap na ako ng maaari kong suotin at nag-ayos na rin ng kaunti habang naghihintay kay Cloud.Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ito at nagtungo na kami sa party.Kapansin-pansin at halatang mayayaman ang mga naroon, mga negosyante, pulitiko at iba pang malalaking tao. Hindi ako humihiwalay kay Cloud dahil wala naman akong kakilalang iba, tahimik lang ako at nakikinig sa pakikipag-usap nito sa kung sinu-sino. Nang mahalata naman ng kasama ko na nangangawit na ako ay niyaya na ako nitong maupo, hindi na ako tumanggi dahil nahihilo ako sa rami ng tao na palakad-lakad."So, kumusta naman kayo ni Mikey?" bungad nito noong sa wakas ay makahanap kami ng bakanteng puwesto.Kami? Wala namang kami, ah? Matagal na. Four years na nga ang lumipas."Kami? Hmm... ayon, may kanya-kanya nang buhay," sagot ko naman.Hinaplos nito ang buhok ko. "Ak
AlexenaTiningnan ko ang babaeng kakalabas lamang sa opisina ni Mikey, ngumiti kaagad ito sa akin nang makitang nakatingin ako rito. Hanggang sa makalapit ito sa puwesto ko ay hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti nito."Ma'am, ang bait po ni Sir Mikey, 'no? Mukhang magtatagal po ako rito sa kompanyang ito kung ganyan ang boss," turan nito. Nagbibiro ba ito? Pero bakit sa halip na matawa ako ay parang nakakasuka naman yata sa pandinig ko ang pinagsasasabi nito at parang nakakakilabot? Mabait daw? Saang banda kaya? Hindi ko kasi ramdam, lalong hindi ko rin makita. Ang nakabandera kasi sa paningin ko palagi ay ang pagiging fully developed jerk nito.Sa totoo lang ay dumoble pa ngayon ang pagkaimbyerna ko sa pagmumukha ng impaktong 'yon. Simula kasi nang dumating itong si Miranda na siyang magiging assistant nito ay palagian na itong nakangiti, samantalang noong kami lang dalawa ang magkasama ay todo simangot ito at napakasungit na parang babaeng may dalaw.Nakakainis 'yong singkit na
Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa
Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay
Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati
AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib
AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p
AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n
AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-
AlexenaSimula noong nakauwi kami ni Cloud, madalas ay nasa kuwarto lamang ako at paulit-ulit na lang ang ginagawa... matutulog, gigising, nakatulala o 'di kaya ay nakapikit at pinipilit na ipahinga ang isip at umidlip kahit na hirap na hirap akong matulog. Lumalabas lamang ako kapag kinatok na ako ni Zelle para kumain. Hindi ko man masabi rito pero sobra ang pasasalamat ko dahil nandito ito, kahit na ang tagal din naming hindi nagkasama pero hindi pa rin ito nagbabago, kahit na nga nasaang lupalop man ito ay umuwi kaagad ito noong pinatawagan ko ito kay Cloud bago kami bumiyahe, hindi pa rin ako nito kayang tiisin at pabayaan. Hindi ako nito iniiwan at nandito pa rin ito para samahan ako kahit pa nga madalas ay parang wala itong kasama dahil tahimik lang ako at halos puro tango lang ang isinasagot ko kapag may itinatanong ito sa akin. She's worried about me. Kita ko rin at ramdam na gusto ako nitong tulungan. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay ang mapag-isa at mag-isip to sort things
AlexenaNapaprenong bigla si Cloud pero nang nakahuma ay agad na iginilid nito ang sasakyan. "W-What did you say?"Kinagat ko ang labi kong noong naguguluhan ako nitong hinarap."N-Namatay ang dapat ay may kakayahang bumuo sana sa amin, Cloud," mahinang ulit ko.Hindi nito nakuhang kumibo o gumalaw man lang, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin."Kaya sabihin mo sa akin, may karapatan ba dapat akong sumaya? Paano pa ako sasaya?" may pait sa tinig kong tanong. Ikinurap-kurap nito ang mata, bakas sa mukha nito ang labis na kalituhan. "Who? What? Wait, hindi ako makasunod sa sinasabi mo. N-Namatay? Sino ang namatay na tinutukoy mo?" naguguluhang tanong nito.Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pumipintig ang lahat ng parte ng katawan ko sa nerbiyos sa pagsisiwalat ng sikreto ko.Lumunok ako dahil sa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, nanginginig ang labi na sumagot ako. "M-My... no, our baby."Napatanga ito sa narinig at napakurap ng ilang beses k