Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
View More“HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang
NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik
GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya
MASAKIT sa kalooban ni Michaela na parang ang dami-daming excuses ni Vanessa para lamang makaligtas ito sa pagkakakulong. Talagang pati ang pagbubuntis ay ginamit na rin nitong dahilan, may maidahilan lang.Hindi siya papayag na hindi ito magbayad sa ginawa nitong kasalanan sa kanya, pasalamat na nga ito at pinatawad na ito ni Jacob. Pero para sa kanya, nararapat lang na makulong ito. Hindi magbabago ang isip niya kahit anong gawing pakiusap nito.Tuso ito at mapanlamang, alam niya ‘yan. Gagawa at gagawa ng paraan ang babaeng iyon huwag lang makulong. Pero pasensiyahan na lang, dahil nawalan na siya ng konsensiya at pagkaawa para rito.Isang katok ang narinig niya mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok habang nakaharap sa salamin.“Be, ako ito,” wika ng kaibigan niya sa labas.“Pasok ka, Be,” sagot niya.Pumasok ito at umupo sa paanan ng kanyang kama habang pinagmamasdan siya sa pagsusuklay ng buhok.“Be, alam ko kung ano ang nararamdaman mo
MASAYANG naghahanda si Michaela para sa lulutuin niyang dinner katulong ang kaibigan niyang si Claire. Kahit na wala sa tabi niya si Jacob, ay hindi siya nakakaramdam ng pangungulila at pagkabagot dahil sa presensiya ng kaibigan niya at kay nanay Minerva na rin.Kasalukuyan siyang naghahalo ng niluluto niya nang bigla na lang may mga brasong pumupulot sa baywang niya. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang si Jacob iyon sa amoy pa lang nito at tigas ng katawan.Kaya pala kanina pa siya daldal nang daldal, ay walang Claire na sumasagot. Iyon pala’y naroroon na ang binata.“Ang bango naman niyang niluluto mo, sweetheart,” wika nito sa tapat ng tainga niya, bahagya pa nito iyong kinagat na siyang nagpatayo sa mga balahibo niya sa katawan.“Ja-Jacob, nakakahiya! Baka makita tayo nina nanay Minerva at Claire!” kinakabahang wika niya.“Ngayon ka pa ba mahihiya? Eh alam naman nila na magkarelasyon tayo, kaya walang masama sa ginagawa natin ngayon kahit na makita pa man nila tayo,” sagot
ABALA si Jacob sa pagpipirma ng mga papeles sa loob ng kanyang opisina sa kompanya niya sa Maynila. Pinili niyang personal na pumunta roon para naman kahit paano, ay masilayan man lang niya ang mga nangyayari sa loob nito dahil sa sobrang dalang niyang makapunta roon.Tambak pa ang mga pipirmahan niya. Katatapos niya lang sa isang patong, at kinabig niya palapit sa harapan niya ang isang panibagong patong upang ito naman ang pirmahan. Habang kasalukuyan siyang nagpipirma ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Ethan ang tumatawag.“Yes, Mr. Baltazar?” bungad niya sa kabilang linya.“Busy ka ba, Mr. Perkins?” tanong nito.“Yes! I’m here in Manila, sa Perkins Autocar, in my company. Why?” sagot niya habang abala pa rin sa pagpipirma.“Gusto lang sana ulit kitang makausap ng personal. Pero maghihintay ako kung kailan ka may libreng oras.”“About what?” kunot-noong tanong niya.“Hindi ko masasabi sa ‘yo rito, eh. Personal talaga.”“Okay. Bukas, free ako ng umaga, puntah
NAWALA sa isip ni Vanessa na may kasama siyang pumunta ng ospital kanina kaya dumiretso agad siya sa labas. Nag-aalalang mukha ni Ethan ang sumalubong sa kanya.“Thank God! Nakita rin kita! Akala ko nawawala ka na, kanina pa kita hinahanap sa loob at maging dito sa labas. Kung hindi pa sana kita ngayon nakita ay hihingi na ‘ko ng tulong sa mga gwardya para hanapin ka,” humihingal na sambit nito.“Pa-pasensiya ka na, Ethan. Nag-CR lang kasi ako pagkalabas ko since hindi kita naabutan sa labas,” pagsisinungaling niya.“Sorry ha, natagalan ako sa pagbalik kasi hindi ko namalayan ang oras, napahaba ang usapan namin ng tumawag sa ‘kin.”“Wa-wala iyon,” sagot niya.“Ano nga pala iyong findings nung doctor sa nararamdaman mo?” kapagkuwan ay tanong nito.“Pwede bang sa sasakyan na lang natin pag-usapan? Nahihilo na naman kasi ako, eh,” pagdadahilan niya na may halong katotohanan.“O sige, sige! Tara na,” yakag nito pagkatapos ay inalalayan siya sa baywang.Pagkapasok nila sa sasakyan ay agad s
“VA-VANESSA??? Ikaw ba iyan, ha?” gulat na tanong sa kanya ni Geneva nang lingunin siya nito habang umiiyak at nakasubsob sa balikat nito.Umayos siya ng tayo at pinunasan ng isang palad ang basang pisngi. Sa nakikita niyang reaksyon sa mukha ni Geneva, hindi ito galit katulad nung huli nilang pagkikita na halos patayin na siya nito, bagkus pagkalito at pagkamangha.“O-Oo, ako ito,” sagot niya sa garalgal na tinig.“Bakit ka narito? Aagwain mo na ba talaga sa ‘kin si Jacob? Please, maawa ka! Ipaubaya mo na lang siya sa ‘kin! Lahat naman ng gusto mo, sinusunod ko naman, ‘di ba? Please, hindi ko kayang mawala siya sa ‘kin!” sambit nito sa malakas na tinig. Naglulumikot din ang dalawang mga mata nito. Parang nahuhulaan na niya ang kasalukuyang nangyayari sa kaibigan. Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap dito para makumpirma ang kanyang hinala.“Gen, hindi ko inaagaw sa ‘yo si Jacob, at hinding-hindi ko siya aagawin sa ‘yo,” malumanay na sagot niya.Namilog naman ang mga mata nito, nakala
NAKAILANG kwartong sinilipan si Vanessa kaya nakakaramdam na siya ng pagkapagod. Bigla siyang napahawak sa kanyang puson ng makaramdam siya ng kaunting kirot. Kaya naisipan na lang niya na bumalik kung saan siya naroroon kanina dahil tiyak na roon din siya hahanapin ni Ethan.Tatalikod na sana siya nang biglang may lumabas na dalawang tao sa pintuan ng silid na natatapatan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang mga ito.“Tita? Ti-tito?” tawag niya sa mga magulang ni Geneva.Napakunot-noo naman ang dalawa pagkakita sa kanya.“Anong ginagawa mo ritong babae ka?! Pagkatapos mong sirain ang buhay ng anak namin, may lakas loob ka pang magpakita, ha?!!! Gaano ba kakapal ang pagmumukha mo at nagagawa mo pa iyan?!” sigaw ng mommy ni Geneva. Muntikan pa nitong mahablot ang kanyang buhok kung hindi agad ito napigilan ng asawa.“Ti-Tita, patawarin niyo po ako. Hindi ko po ginusto ang nangyari,” sinserong saad niya.“Hindi ginusto?!!! Matagal naging sunud-sunuran ang anak namin sa ‘yo p
SUMASAKIT na ang ulo ni Jacob sa pagsagot sa kaliwa’t kanang tawag mula sa limang bagong branch na ipinapatayo niyang private resorts at fine dining restaurants. Araw-araw ganoon siya kaabala. Sa edad na dalawampu’t apat, siya ay naging ganap na bilyonaryo bunga ng pagtyatyaga at dedikasyon na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang.Kapag ganitong sunod-sunod na ang natatanggap niyang tawag na puro problema ang ibinabalita ay lumalabas talaga ang pagiging masungit niya. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya sa kausap na engineer sa kabilang linya. Habang kausap niya ito ay paroo’t parito siya sa loob ng opisina at sinasabayan pa ng pagkumpas ng isang kamay.Hindi sinasadyang natuon ang paningin niya sa CCTV footage dahil sa isang babaeng nakatayo sa harap ng restaurant na kinaroroonan niya. Saglit siyang nagpaalam sa kausap para tawagan ang gwardya sa labas.“Roger, papasukin mo nga ‘yang isang aplikante,” utos niya sa gwardya na nakabantay sa labas.“Sige po, Sir.”Pinagmasdan niya ang ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments