AGAD na may kumislap na ideya sa isip ni Mickaela nang madaanan nila ang kaliwa’t kanang nagtitinda ng street foods. Mas lalo tuloy siyang nagutom dahil paborito niya ang ganoong klase ng pagkain.
“Sir, huwag na po kaya tayong maghanap ng sosyal na restaurant? Diyan na lang tayo kumain, oh!” sabay turo niya sa mga nagtitinda.
Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakayan bago itinuon ang paningin sa itinuro niya.
Kumunot ang noo nito bago nag-aalinlangang sumagot.
“Ano bang klaseng kainan ‘yan? Masarap ba diyan? Paano tayo kakain diyan, eh, ni wala ngang upuan at lamesa.”
“Hindi lang masarap Sir, kundi sobrang sarap! Paborito ko ang mga ‘yan simula bata pa ‘ko! Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano diyan. Halika na!”
Hindi na niya hinintay na sumagot ito, kusa na siyang bumaba ng sasakyan kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Kumikislap ang mga mata niya sa lahat nang nadadaanang mga iba’t ibang klase ng pagkain. Nandoon lahat ng paborito niya; kikiam, fishball, isaw, inihaw na manok at marami pang iba. Hindi niya alam kung alin sa mga ito ang bibilhin niya.
Bigla tuloy nawala ang sigla sa mukha niya nang maalalang kailangan pala niyang magtipid para makaipon. Balak kasi niyang mag-aral ulit.
“Oh, akala ko ba masarap dito? Paborito mo? Bakit parang hindi ka naman masaya?”
Pukaw sa kanya ng binata na nananatiling nakasunod sa kanya at hindi alintana ang kaliwa’t kanang usok na pumupunta sa direksyon nito mula sa mga iniihaw.
“Ah, wala po Sir, may naalala lang po kasi ako. Ikaw Sir, alin ba ang gusto mo diyan?” kunwari’y tanong niya ito.
Napakagat labi tuloy siya dahil sa hiya. Masyado sigurong halata ang reaksyon niya kaya napansin nito.
“Actually, hindi ako familiar sa mga pagkain na ‘yan, kaya kung ano ‘yong gusto mo, iyon na rin iyong akin.”
Napatapik siya sa noo pagkatapos nitong magsalita. Bakit ba hindi niya naisip na mayaman ito kaya malamang, wala itong alam sa ganitong lugar at klase ng mga pagkain. Pambihira! Hindi na lang siya umimik. Um-order na lang siya para makaalis na agad sila.
“Ate, dalawa nga pong kikiam at fishball na tig be-bente at saka dalawang inihaw na manok.”
Pagkakuha niya ng pagkain ay agad siyang luminga-linga para humanap nang pwedeng mapagpwestuhan. Nakakita siya ng bakanteng upuan sa malapit na parke kaya agad niyang niyaya ang binata para doon kumain.
“Sir, halika, doon tayo sa may park, doon sa may bakanteng upuan. Doon na lang natin ito kainin.”
Sumunod naman ito sa kanya. Pagkaupo nila ay agad niyang iniabot ang pagkaing para rito.
“Sir oh, ito ‘yong sa ‘yo. Kainin mo na habang mainit pa, kasi kapag lumamig na hindi na siya masarap at matigas na rin siyang nguyain.”
Agad naman nitong kinuha ang iniabot niya pero hindi muna ito kumain. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Mahirap basahin ang mga galaw at reaksyon nito, hindi tulad niya.
“Sir, hindi niyo po ba gusto ang pagkain? Pasensya ka na, ha? Hindi ko naisip na hindi niyo pala alam ang ganitong klase ng pagkain. Dinala pa kita rito sa mausok at mabahong lugar. Sarili ko lang ang inisip ko. Halika na,Sir? Hanap na tayo ng restaurant na makakainan para makakain ka na rin.”
“Ano ka ba, okay lang ako. Bakit mo ba iniisip kung ano ang pwede kong sabihin? Naisip ko lang kasi, sa ganito kakunting pagkain, dinner mo na ‘to at mabubusog ka na rito? Ni wala kang kanin at gulay.”
Sa wakas ay kumain na rin ito. Wala naman siyang nakikitang ibang reaksyon. Napatango-tango lang ito habang ngumunguya.
“Not bad, huh. Masarap. No wonder kung bakit ka nahuhumaling sa mga pagkain na ganito.”
“Oh, ‘di ba sabi ko sa ‘yo masarap, eh! Kailangang maubos mo ‘yan Sir, ha? Sayang nang ipinambili ko diyan,” sambit niya rito sa pagitan nang pagnguya.
“Oo naman, kulang pa nga ito, eh. Gusto mo order pa tayo?”
Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na magugustuhan nito ang mga pagkaing gusto niya.
“Oo Sir, sige. Kaso parang kulang na ang pera ko Sir, eh. Pwede utang? Ikaltas niyo na lang po sa sasahurin ko ngayong katapusan.”
“Ano ka ba! Huwag mo ngang isipin ‘yan. Ako na ang bahala. Dito ka na lang, ako na lang ang bibili, hintayin mo na lang ako rito.”
Hindi na niya nakuhang sumagot dahil agad din itong tumalikod. Tanaw naman niya ito dahil nakaharap ang kinauupuan niya sa mga nagtitinda. Napansin niyang parang ang daming nagsilapitang tindera sa binata at halos abot tainga ang ngiti. Pati mga bumibili ay ganoon din.
Halos hindi na niya ito matanaw sa dami ng babaeng lumapit dito. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng kaba kaya dali-dali niya itong pinuntahan at hinawi ang mga babaeng nakapaligid dito.
“Excuse me po! Padaan!”
Nang sa wakas ay makalapit na siya rito ay agad niya itong hinawakan sa kamay at hinila palayo sa mga nagkakagulong kababaihan.
“Sir naman! Pinakaba niyo ako,eh. Akala ko kung ano na ang ginagawa sa ‘yo ng mga babaeng ‘yon. Ano bang nangyari?”
“Ewan ko. Bigla na lang sila sa ‘kin nagsilapitan. Sigurado ako, nagwapuhan sa ‘kin ang mga ‘yon.”
Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro.
“Yuck! Kapal, ah! Eh, bakit ako, hindi naman ako ganyan sa ‘yo? Oo gwapo ka, pero ang o-OA naman nila para palibutan ka. Tsk. Sayang, wala ka tuloy nabili,” nakabusangot siya habang nagsasalita.
“Sige ganito na lang, mamasyal tayo roon sa may tabing dagat. Mukhang kaunti lang ang tao, oh.
” Mabuti pa nga. Magsuot ka ng sombrero para wala nang makakita ng ‘kagwapuhan’ mo. Baka mamaya masundan pa nila tayo at palibutan ka na naman,” masungit niyang sambit dito.
Hinubad niya ang suot na sumbrero at ipinatong sa ulo nito. Nakakaramdam siya ng inis dahil sa nangyari. Parang gustong-gusto kasi nito ang nangyari kanina. Ayaw niyang may ibang lumalapit dito at mas lalong ayaw niyang may nakakaagaw sa atensyon nito.
Hindi tuloy niya maiwasang masungitan ito. Nawawala sa isip niya na boss niya ito at kailangang irespeto.
HABANG binabaybay nila ang daan patungo sa dagat ay palihim na napapangiti si Jacob. Ramdam niya ang inis na nararamdaman ng dalaga dahil halatang-halata niya ang reaksyon sa mukha nito.Parang ayaw nitong may lumalapit na ibang babae sa kanya. Ibig sabihin, may gusto rin ito sa kanya. Dahil sa mga naiisip ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya na hindi naman nakaligtas sa mata ng dalaga. Magkapanabay kasi sila habang naglalakad at manaka-naka siyang sinusulyapan nito.“Ay! Nabaliw ka na talaga, Sir! Sana hindi na lang kita niyayang kumain doon. Nakakasira pala ng utak ang pagkain ng street foods.”“Grabe ka naman sa ‘kin, Ms. Gomez. Hindi na ba ako pwedeng maging masaya paminsan-minsan?”“Ah! Ikinasisiya mo pala ‘yong nangyari kanina. Sige, araw-araw tayong pupunta roon para araw-araw ka na ring masaya.”“Ikaw naman, hindi na mabiro. Halika, upo tayo rito sa buhanginan,” yaya niya sa dalaga nang sa wakas ay nakarating na sila sa tabing dagat.Nauna siyang umupo at tumabi naman i
ALAS SIETE pa lang ng umaga ay naghihintay na si Michaela sa labas ng gate nang tinutuluyang staff house sa pagdating ng among binata. Madalas kasi, kahit wala pang alas siete ay naroon na ito sa labas at naghihintay sa kanya, kaya naman inagahan niya ngayon para makabawi sa nangyari sa no’ng nagdaang gabi.Alam niyang masama ang loob nito o di kaya’y badtrip iyon dahil sa mga pinagsasabi niya rito. Tumingin siya sa suot na relong pambisig, mag a-alas siete y media na ngunit wala pa rin ito. Dinamdam siguro nito masyado ang sinabi niya kaya ayaw na siyang isabay sa pagpasok.Wala siyang nagawa kundi ang sumakay ng tricycle, dahil kung maglalakad pa siya ay tiyak na mahuhuli siya sa pagpasok. Pagdating niya sa restaurant ay nagulat siya dahil nakita niya sa parking area ang sasakyan nito. Ibig sabihin ay nauna na ito at hindi na nga siya naisipang isabay.Pagpasok niya sa restaurant ay masamang tingin ang sumalubong sa kanya galing sa kanilang manager na si Ms. Glydel."Pinapatawag ka
HABANG nasa biyahe ay hindi mapigilang kausapin ni Jacob ang dalaga. Kanina niya pa napapansin na parang may malalim itong iniisip.“Ela, kanina ka pa tahimik diyan, okay ka lang ba?”“Okay lang ako, Jacob. May iniisip lang ako,” sagot nito na nasa labas ng bintana nakatingin.“Huwag ka ng magkaila, hindi makapag sisinungaling ang mga mata at reaksyon mo. Pwede mong i-share sa ‘kin, para ano pa ‘t naging magkaibigan tayo. Malay mo, baka may maitulong ako.”Ibinaling nito ang paningin sa direksyon niya at tiningnan siya nang tuwid sa mga mata.“Problema? Oo, tama ka. At marami ako niyan. Sa sobrang dami nila, hindi ko na alam kung paano sila pagkakasyahin sa isip ko. Nilalaro ko na lang sila sa utak ko para hindi nila magulo ang buhay ko,” sagot nito at mapaklang tumawa.“So, may problema ka nga. Malay mo, magawan natin ng paraan at solusyon.”“Hindi ko alam kung may paraan pa ba na matapos at kung may solusyon pa ba para matahimik na ang buhay at isipan ko. Alam mo, ang gusto ko lang
NARAMDAMAN siguro ng binata na hindi siya komportable sa naging tanong ng matandang babae kaya sumagot na ito. Saglit din kasi itong natigilan, siguro dahil hindi nito inaasahan na magtatanong nang gano’n ang matanda.“Ah, nanay Minerva, si Michaela, empleyado ko sa restaurant. Isinama ko po siya rito para tumulong na mag-ayos dito sa mansyon. Mabilis kasi siyang kumilos, responsable rin siyang empleyado kaya napagdesisyunan kong isama siya rito. And Ela, siya si nanay Minerva, ang mayordoma rito at nagpalaki sa ‘kin.”Sa tingin niya ay nasa sixty to sixty-five na ang edad nito kung pagbabasehan ang hitsura. Nakuha niya pang pagmasdan ito sa kabila nang tensyong nararamdaman niya. Wala man siyang ideya kung anuman ang magiging reaksyon nito pero mas minabuti niyang magbigay galang.“Mano po, nanay Minerva. Ikinagagalak ko po kayong makilala, kayo pong lahat na nandito,” magalang niyang bati sabay kuha sa kamay nito at dinala sa kanyang noo.Tumingin din siya sa direksyon ng mga maids
SAGLIT siyang napatulala habang ngunguya bago ipinagpatuloy ang pagtatanong sa binata.“May kompanya ka sa maynila? Paano mo pa na ha-handle lahat ng ‘yon?Wala siyang ideya na bukod sa private resorts at fine dining restaurant na nabanggit nito noong interview niya ay may iba pa pala itong negosyong pinagkakaabalahan.“Yes, ang Perkins Autocar. May mga tao naman akong pinagkakatiwalaan kaya Madali lang para sa ‘kin.”“Ngayon alam ko na kung saan nanggaling ang sasakyan mo at sasakyan ng mga bodyguards mo. Grabe! Hindi ko ma-imagine na ang boss ko pala na sinasagot-sagot ko palagi at kasama ko pa ngayon ay isa sa pinaka-mayamang tao rito sa pilipinas. Parang nahiya tuloy akong sumama-sama sa ‘yo. Napakataas mo palang tao. Pero sorry ha, kasi, hindi ko alam na may dahilan naman pala talaga kaya hindi mo ako nadaanan kanina,” sinsero niyang saad.“May mga ganoon talagang pagkakataon na nahihirapan tayong unawain at timbangin ang mga bagay na nakikita natin kahit hindi pa natin lubos na
WALANG kalam-alam si Jacob na habang abala siya sa pagmamasid sa dalaga ay may isang tao ring kanina pa sa kanya nakatingin.“May gusto sa kanya, ano?” tudyo sa kanya ni nanay Minerva.Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito, ibig sabihin lang ay naka focus ang buong atensyon niya sa dalaga.“Paano niyo naman po nasabi, Nay?” kunwari’ y maang-maangan pa siya.“Hijo, sa edad kong ‘to, kabisado ko na ang bawat kilos nang isang taong may nais ipahayag na damdamin sa kanyang natitipuhan. Pilit mo man itong itago, pero hindi makapag sisinungaling ang mga mata mo kung paano mo tingnan si Michaela.”Hindi siya agad nakapagsalita. Tumpak na tumpak kasi ang sinabi nito at natamaan siya roon.“Alam na ba niya?” muling tanong nito.“Hindi pa po, Nay. Siguro hindi muna sa ngayon, baka mabigla siya at iwasan pa ako. Eh, baka mas lalo lang maging kumplikado. Sa tingin ko kasi, nag e-explore pa siya sa buhay niya kasi bata pa siya. At sa n
MALAPIT ng dumilim nang mapagpasyahang lumabas ng kanyang silid si Jacob. Kinailangan niyang pahupain ang hiyang nararamdaman sa dalaga dahil sa kagagawan nang kanyang mga maids at ni nanay Minerva.Ngayon ay kaya na siguro niyang harapin ang dalaga. Sana lang ay huwag umandar ang pagiging madaldal nito, baka kasi hindi na naman siya tantanan ng katatanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.Hindi niya alam kung kailan pa siya nagkaroon ng hiya at katorpehan sa babae. Eh, sanay naman siyang hinahabol ng mga kababaihan. Nagkaroon na rin naman siya ng ibang karelasyon na siya mismo ang kusang nakikipagka-break. Naninibago siya sa sarili. Ano bang mayroon ang babaeng ito at ganito na lang kung guluhin ang buong sistema niya.Naabutan niya ang dalaga na nakaupo at nakapangalumbaba sa sofa, yakap nito ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat nito na tanging dala nito kanina.“Ela! Kanina ka pa ba diyan?”“Hindi naman, mga five minutes pa lang siguro. Naglibot kasi kami nang mga ka
TAMA nga ang sinabi ni nanay Minerva. Nang magkatipon-tipon na ang lahat ng katulong sa loob ay daig pa ang sabungan sa ingay ng mga ito. Para itong mga batang naghahabulan, naghaharutan, nagbabatuhan ng unan at nagkakantahan kahit wala sa tono.Si nanay Minerva naman ay walang ibang nagawa kundi ang pulutin ang mga pinagbabatong unan at kumot ng mga ito.Halos kasi karamihan sa mga ito ay hindi nalalayo sa kanya ang edad, kaya nagkakasundo sa kanilang mga trip. Halos puro lang din ito mga taga probinsiya na lumuwas ng bayan para sumubok na magtrabaho para sa pamilya. Siguro kung may pamilya rin siya, ganoon din ang gagawin niya.Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng inggit. Buong buhay niya ay hindi man lang niya naranasan ang ganito kasayang buhay. Ni hindi rin siya nagkaroon ng mga kaibigan noong elementary at high school dahil sinisiraan siya nang pinsang si Julia sa lahat ng mga kaklase niya kaya nilalayuan siya.Kaya wala siyang matatawag na kaibigan. Kung hindi pa siya uma
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh
HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h
KINABUKASAN ay maagang nagising si Michaela. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement sa kaisipang balak na niyang kausapin ng maayos si Jacob. At hihingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi magandang salitang nabitiwan niya rito.Paglabas niya ng silid ay dumiretso agad siya patungo sa silid ng binata. Kumatok siya sa pintuan nito. Ngunit nagulat siya nang si nanay Minerva ang nagbukas ng pintuan.“Nanay Minerva, kailan po kayo dumating?” tanong niya sa matanda.“Kaninang madaling araw lang, hija. May kailangan ka ba kaya ka naparito sa kwarto ni Jacob?”“Ah, gusto ko po sanang kausapin si Jacob,” nahihiyang pag-amin niya rito.“Naku anak, kanina pa siya umalis pagdating ko rito! Bakit, hindi pa ba kayo nagkakausap simula nang umalis ako?”Yumuko lang siya sa halip na sagutin ang tanong nito.“Halika, pumasok ka muna,” paanyaya nito sa kanya.Pumasok naman siya. Iginala niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid, malinis ito at kaunti lamang ang mga naroong gamit. M
SAMANTALANG nagngi- ngitngit naman si Michaela sa galit nang iwanan siyang mag-isa ni Jacob sa terrace. Babawian niya sana ito ngayon sa pamamagitan ng mga salita dahil mukhang may gana siyang kausapin ito nang pasumbat.Pero mukhang siya ang nabawian dahil mukhang hindi ito interesadong kausapin siya. Akala ba niya ay gusto nitong kausapin niya ito? Ano ang nangyari at iniwanan siya?“Bwisit!” sigaw na lang niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sobrang inis sa binata.Sobra talagang nag-iinit ang ulo niya ngayon at parang hindi niya kayang lumipas ang gabi ng hindi niya naaaway ang binata. Kaya ang ginawa niya ‘y tinungo niya ang direksyon patungo sa kwarto nito at malalakas na katok ang pinakawalan niya sa pintuan. Hindi naman nagtagal at binuksan naman nito ang pintuan.“Ano? May kailangan ka ba?” malumanay na tanong nito at nakatingin sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Siguro dahil nakainom ito.“Oo! Marami! Kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa ‘yo! Ang kapal m
NASA TERRACE ng kanyang mini mansion si Jacob, nakatayo at nakatanaw sa maalong dagat habang paunti-unting tumutungga ng alak. Natatanaw niya ang dagat dahil sa sinag ng buwan na nagbibigay nang liwanag. Dito siya nagpapalipas ng oras tuwing gabi. Pero sinigurado niya muna na wala roon ang dalaga, madalas din kasi itong tumambay doon kapag ganitong oras.Makulimlim ang kalangitan dahil sa nagbabadyang ulan. Panaka-naka rin ang pagguhit ng mumunting kidlat na siyang nagbibigay ng sasaglit na liwanag sa kanyang kinaroroonan. Ganito siya gabi-gabi. Kailangan niya munang lasingin ang sarili para makatulog nang mahimbing. Samu ‘t sari na kasi ang laman ng kanyang isipan.Kung siya ang tatanungin, ayaw niya naman talagang dalhin dito ang dalaga para makulong lang sa isla. Pero kailangan niyang gawin iyon para sa kaligtasan nito. Dahil dito sa isla ang alam niyang lugar na pinakaligtas para rito. Nangangalahati na ang alak sa bote na iniinom niya nang marinig niyang may nagbukas ng pinto.K
“SIGE, sabihin mo lang.”“Alam ko naman na, hindi lingid sa ‘yo na pinaghahanap na ‘ko ng mga pulis ngayon, dahil laman ako ngayong araw ng balita at ang kaibigan kong si Geneva. Pero sad to say, itinakwil niya na rin ako. Gu-gusto ko lang humiling sa ‘yo na, handa naman akong sumuko sa mga pulis, ako mismo ang susuko ng sarili ko sa kanila, bigyan mo lang ako ng kaunting panahon na makasama ang anak ko bago man ako makulong. Pangako, dahil ayaw ko rin naman na pati ikaw, ay madamay pa sa mga kasalanan ko,” nagmamakaawang sambit niya.“Actually oo, alam ko na nga. Kaya nga nagulat ako kanina nung makita kita, nasa isip ko, baka babawiin mo na ang anak natin para isama siya sa pagtakas.”“No, wala sa isip ko ‘yan. Ang gusto ko lang ay makita siya. Wala na ‘kong intensyon na kunin pa siya sa ‘yo dahil alam kong mas mapapabuti ang lagay niya rito kaysa sa ‘kin. Ako ang babae pero ako ang naging pabaya. Sinayang ko ang mga panahon na dapat kasama ko ang anak ko. Na dapat kasama ka, kumple