NARAMDAMAN siguro ng binata na hindi siya komportable sa naging tanong ng matandang babae kaya sumagot na ito. Saglit din kasi itong natigilan, siguro dahil hindi nito inaasahan na magtatanong nang gano’n ang matanda.“Ah, nanay Minerva, si Michaela, empleyado ko sa restaurant. Isinama ko po siya rito para tumulong na mag-ayos dito sa mansyon. Mabilis kasi siyang kumilos, responsable rin siyang empleyado kaya napagdesisyunan kong isama siya rito. And Ela, siya si nanay Minerva, ang mayordoma rito at nagpalaki sa ‘kin.”Sa tingin niya ay nasa sixty to sixty-five na ang edad nito kung pagbabasehan ang hitsura. Nakuha niya pang pagmasdan ito sa kabila nang tensyong nararamdaman niya. Wala man siyang ideya kung anuman ang magiging reaksyon nito pero mas minabuti niyang magbigay galang.“Mano po, nanay Minerva. Ikinagagalak ko po kayong makilala, kayo pong lahat na nandito,” magalang niyang bati sabay kuha sa kamay nito at dinala sa kanyang noo.Tumingin din siya sa direksyon ng mga maids
SAGLIT siyang napatulala habang ngunguya bago ipinagpatuloy ang pagtatanong sa binata.“May kompanya ka sa maynila? Paano mo pa na ha-handle lahat ng ‘yon?Wala siyang ideya na bukod sa private resorts at fine dining restaurant na nabanggit nito noong interview niya ay may iba pa pala itong negosyong pinagkakaabalahan.“Yes, ang Perkins Autocar. May mga tao naman akong pinagkakatiwalaan kaya Madali lang para sa ‘kin.”“Ngayon alam ko na kung saan nanggaling ang sasakyan mo at sasakyan ng mga bodyguards mo. Grabe! Hindi ko ma-imagine na ang boss ko pala na sinasagot-sagot ko palagi at kasama ko pa ngayon ay isa sa pinaka-mayamang tao rito sa pilipinas. Parang nahiya tuloy akong sumama-sama sa ‘yo. Napakataas mo palang tao. Pero sorry ha, kasi, hindi ko alam na may dahilan naman pala talaga kaya hindi mo ako nadaanan kanina,” sinsero niyang saad.“May mga ganoon talagang pagkakataon na nahihirapan tayong unawain at timbangin ang mga bagay na nakikita natin kahit hindi pa natin lubos na
WALANG kalam-alam si Jacob na habang abala siya sa pagmamasid sa dalaga ay may isang tao ring kanina pa sa kanya nakatingin.“May gusto sa kanya, ano?” tudyo sa kanya ni nanay Minerva.Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito, ibig sabihin lang ay naka focus ang buong atensyon niya sa dalaga.“Paano niyo naman po nasabi, Nay?” kunwari’ y maang-maangan pa siya.“Hijo, sa edad kong ‘to, kabisado ko na ang bawat kilos nang isang taong may nais ipahayag na damdamin sa kanyang natitipuhan. Pilit mo man itong itago, pero hindi makapag sisinungaling ang mga mata mo kung paano mo tingnan si Michaela.”Hindi siya agad nakapagsalita. Tumpak na tumpak kasi ang sinabi nito at natamaan siya roon.“Alam na ba niya?” muling tanong nito.“Hindi pa po, Nay. Siguro hindi muna sa ngayon, baka mabigla siya at iwasan pa ako. Eh, baka mas lalo lang maging kumplikado. Sa tingin ko kasi, nag e-explore pa siya sa buhay niya kasi bata pa siya. At sa n
MALAPIT ng dumilim nang mapagpasyahang lumabas ng kanyang silid si Jacob. Kinailangan niyang pahupain ang hiyang nararamdaman sa dalaga dahil sa kagagawan nang kanyang mga maids at ni nanay Minerva.Ngayon ay kaya na siguro niyang harapin ang dalaga. Sana lang ay huwag umandar ang pagiging madaldal nito, baka kasi hindi na naman siya tantanan ng katatanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.Hindi niya alam kung kailan pa siya nagkaroon ng hiya at katorpehan sa babae. Eh, sanay naman siyang hinahabol ng mga kababaihan. Nagkaroon na rin naman siya ng ibang karelasyon na siya mismo ang kusang nakikipagka-break. Naninibago siya sa sarili. Ano bang mayroon ang babaeng ito at ganito na lang kung guluhin ang buong sistema niya.Naabutan niya ang dalaga na nakaupo at nakapangalumbaba sa sofa, yakap nito ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat nito na tanging dala nito kanina.“Ela! Kanina ka pa ba diyan?”“Hindi naman, mga five minutes pa lang siguro. Naglibot kasi kami nang mga ka
TAMA nga ang sinabi ni nanay Minerva. Nang magkatipon-tipon na ang lahat ng katulong sa loob ay daig pa ang sabungan sa ingay ng mga ito. Para itong mga batang naghahabulan, naghaharutan, nagbabatuhan ng unan at nagkakantahan kahit wala sa tono.Si nanay Minerva naman ay walang ibang nagawa kundi ang pulutin ang mga pinagbabatong unan at kumot ng mga ito.Halos kasi karamihan sa mga ito ay hindi nalalayo sa kanya ang edad, kaya nagkakasundo sa kanilang mga trip. Halos puro lang din ito mga taga probinsiya na lumuwas ng bayan para sumubok na magtrabaho para sa pamilya. Siguro kung may pamilya rin siya, ganoon din ang gagawin niya.Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng inggit. Buong buhay niya ay hindi man lang niya naranasan ang ganito kasayang buhay. Ni hindi rin siya nagkaroon ng mga kaibigan noong elementary at high school dahil sinisiraan siya nang pinsang si Julia sa lahat ng mga kaklase niya kaya nilalayuan siya.Kaya wala siyang matatawag na kaibigan. Kung hindi pa siya uma
NINANAMNAM talaga niya ang hininga ng binata habang nakapikit siya. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa gano’n pa rin itong posisyon. Wala itong reaksyon at matiim lang na nakatitig sa kanya.Maya-maya ‘y bigla na lang itong lumayo sa kanya at humalakhak ng malakas. Hawak pa nito ang tiyan.“Ay, ang OA talaga! Tawang-tawa? Anong akala mo sa ‘kin, clown? Pambihira!” medyo may pagkairitang sambit niya.hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng inis at panghihinayang. Naiinis siya dahil pinagtripan lang pala siya nito at ginawang katatawanan. At panghihinayang dahil buong akala niya ay hahalikan siya nito.“Teka, huh, bakit ba ‘yon pumapasok sa isip ko? Kasalanan mo ‘to, eh!” wala sa sariling sambit niya.Mukhang hindi nito napapansin ang pagkairitang nakapinta sa mukha niya dahil hindi pa ito tapos sa kahahalakhak at halos maluha-luha pa ito.NATIGIL lang sa kanyang paghalakhak si Jacob nang mapansing tumahimik na ang dalaga at hindi na maipinta ang mukha. Nakaramdam tuloy siya ng kon
MUKHANG kumalma na ang dalaga dahil ito na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya rito.“So-sorry, ha? Kasi, alam mo naman, wala akong kamag-anak at kaibigan na mapagsasabihan o mapaglalabasan ko ng hinaing. Magaan ang loob ko sa ‘yo kaya siguro nagawa ‘kong ikwento ang masalimuot kong buhay.”“From now on, I will always drop you off and pick you up. Or, if I can’t, my bodyguards are just there. Basta kung may pupuntanahan ka man, kailangan mong magsabi at magpaalam sa ‘kin, okay? My bodyguard is also your bodyguard. Hindi na kita papayagang lumabas o lumakad ng mag-isa. Asahan mong kahit saan ka magpunta, ay may nakasunod sa ‘yong bodyguard.”“Thank you, Jacob. Alam mo bang dahil sa sinabi mong ‘yan, nawala na ang takot ko na araw-araw kong nararamdaman? Ngayon ay mapapanatag na ang kalooban ko. Makakalakad na ako sa labas ng walang iniisip na nakaambang panganib.”Nabigla siya nang ito na mismo ang kusang yumakap sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit ng malambot na katawa
HALOS limang araw ang inilagi ni Michaela sa mansyon. Sa limang araw na iyon ay hindi rin umalis si Jacob. Nanatiling nakasunod at nakasubaybay lang ito sa ginagawa nilang pag de-decorate.Ayaw kasi ng binata na mag-hire nang mga sikat na designer na pwedeng mag decorate kahit kayang-kaya namang bayaran dahil mas gusto nito na sila ang gagawa dahil lalabas daw ang pagiging natural.Ang gusto kasi ng binata ay iyong pang old fashioned na nature and garden design dahil nga nature lover ang mommy nito at mahilig magtanim ng iba ‘t ibang klase ng mga bulaklak at halaman.Pagkatapos mananghalian ay pumasok siya sa maid’s quarter para ayusin ang tinutulugang kama at iligpit ang iba pang mga gamit dahil ngayong araw ay aalis na sila ng binata. habang nagliligpit siya ay siya namang pagpasok ni nanay Minerva.“Alam mo ba, anak. Sa maikling araw na pamamalagi mo rito ay napalapit na ang loob ko sa ‘yo. Sana, kapag mayroon kang bakanteng oras ay maisipan mong pumarito ulit,” malungkot nitong sa
SAMANTALA pagdating ni Vanessa sa kanilang bahay ay pagalit itong naupo sa couch sa kanilang sala. Tila pagod na pagod ito sa ginawang pagsampal sa kanya nang babae ni Jacob.Hindi siya makakapayag na hindi siya makaganti. Para ano pa ‘t naging spoiled brat siya dati at naging sikat kung hindi niya gagamitin ang kakayahan niya at ang mga ang koneksyon niya.May namumuong plano sa kanyang isip kaya agad niyang tinawagan ang kaibigang si Geneva. Hindi naman nagtagal ay dumating din naman ito.Pagbungad na pagbungad pa lang nito sa pintuan ay agad ng nagtanong.“Oh, anong atin? Gabi na pero nagawa mo pa rin akong storbohin?”“Arte mo! May naisip lang akong ideya kung paano ko mapapabalik si Jacob sa ‘kin!”“Oh? Bakit hindi mo na lang muna ni-text o kaya naman ay sinabi na lang sa ‘kin sa tawag at kailangan mo pa talaga akong papuntahin dito?” Nakapamaywang nitong sambit sa harapan niya.Sa tingin niya ay halos magka-level ang init ng mga ulo nila ngayon.“Nagrereklamo ka na ba sa mga ini
SA NAKIKITA niyang ekspresyon ng binata ay halatang nagtitimpi lang ito sa kaharap. Samantalang si Vanessa ay kahit hindi man niya naririnig ang mga sinasabi nito sa binata ay alam niyang nagmamakaaawa na naman ito para balikan ng binata.Base sa mga kilos at ekspresyon ng mukha nito ay halatang ipinagpipilitan nito ang sarili. Nakakaramdam na rin siya ng inis na unti-unting naging galit lalo na nung nakita niyang hinihila nito sa braso ang binata.Napaka kapal talaga ng mukha nito kaya bumaba siya para ipamukha ang pagiging talunan nito sa puso ng binata.Pak! Pak! Isang malalakas na mag-asawang sampal ang ibinigay niya sa magkabilaang pisngi nito. Sa lakas ng pwersa niya ay nangati at sumakit ang kanyang palad. Samantalang si Vanessa ay hindi agad nakahuma.Kahit ang binata ay bahagyang natulala at walang maapuhap na sasabihin dahil siguro hindi nito inaasahan na magagawa niya iyon.Nilapitan niya si Vanessa na ngayon ay sapo ang magkabilaang nasaktang pisngi at nanunubig din ang mg
PARANG walang nangyaring panununtok sa mukha niya ang naganap sa kasiyahang nakikita ngayon ni Jacob sa mukha ng dalaga habang kasalukuyang nilalantakan ang mga pagkaing nakahain sa harap nila.Tawa rin ito ng tawa sa pinapanood nilang anime cartoon movie na siya namang kabaliktaran niya. Bored na bored na siya sa kanilang pinapanood, ngunit wala siyang magawa dahil ito ang gusto nitong panoorin.Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nito kanina na gutom ito dahil kaunti na lang ang natitira sa pagkarami-rami nang mga pagkaing in-order niya.Tinanong niya ito kung gusto pa ba nitong um-order siya na agad naman nitong tinanggihan.“Huwag na, baka masayang lang. Busog na ‘ko, eh” sabay dighay nito. “Ops, sorry,” nakangiting sambit nito.Ngayon ay may ideya na siya kung ano ang makakapagpaalis ng galit nito sa kanya. Napangiti na lang siya ng lihim.kinahapunan maaga pa lang ay nagdesisyon na siyang ihatid ito dahil may ginagawa raw itong project na kailangan pang bilhin ang mga materyal
NAGISING si Jacob dahil sa malakas na paghikbi ng dalaga sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumangon habang bumukas sarado ang kanyang mga mata dahil hindi pa siya tuluyang nahihimasmasan mula sa pagkakatulog.Nang tuluyan na siyang magmulat ng mga mata, ay nakita niya itong nakaupo sa kanyang tabi habang namimilipit ito hawak ang puson. Nataranta siyang bigla at agad itong dinaluhan.“Sweetheart, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya rito.Ngunit nang tumingin ito sa kanya ay isang masamang tingin ang ipinukol nito sabay suntok sa kanyang mukha.“Ouch!!! Ano ba? Nagtatanong ako rito ng maayos tapos bigla-bigla ka na lang manununtok?” sambit niya rito habang sapo ang pisngi.Napabangon tuloy siya bigla. Paroo ‘t parito siya habang hinuhulaan kung ano na naman ang nagawa niyang kasalanan dito.“Sweetheart, ano na naman ba ang nagawa ko sa ‘yong mali? Pwede ba ‘ng sabihin mo na kasi, ang hirap manghula, eh!” muling tanong niya rito.Pero muli lang siya nito
PAGPASOK nila sa opisina ay ng binata ay agad siya nitong niyaya na umupo sa couch.“Halika, maupo muna tayo,” paanyaya nito sa kanya.Magkatabi silang umupo at inakbayan pa siya nito.“Sweetheart, ngayong nakita at nakilala mo na si Vanessa, ano ba ‘ng magiging reaksyon mo? Ano ba ‘ng mga sasabihin mo sa ‘kin?” tanong nito.“Wala. Bakit, may ine-expect ka bang sasabihin ako?” balik tanong niya rito.“Oo. At marami akong ine-expect. At saka, totoo ba ‘yong sinabi mo kay Vanessa kanina na may alam kang madilim niyang sekreto? Kilala mo na ba siya dati?”Kunwari ‘y tinawanan niya ang itinanong nito sa kanya.“Syempre hindi, ano ka ba? Ngayon ko lang siya nakita at nakilala.” Wala rin siyang balak na sabihin sa binata ang mga nalalaman niya tungkol dito. Gaya nga ng sinasabi niya, hihintayin niya ang tamang pagkakataon.“Eh bakit natakot siya sa ‘yo kanina nang sabihin mong may alam ka sa sekreto niya? Sa kanya oo, maniniwala akong pwedeng may nalalaman siya tungkol sa ‘yo dahil alam ko
SA HALIP ay binalingan nito si Vanessa at pinagsabihan.“Hoy, girl! Kapag ayaw na sa ‘yo, huwag mo nang ipipilit ang sarili mo dahil nagmumukha ka lang desperada. Akala ko ba mas maganda ka at sexy kaysa sa ‘kin, eh bakit parang mas gusto niya ‘ko kaysa sa ‘yo?” mapang-asar na sambit dito ni Michaela.Muntikan na siyang mapaubo sa sinabi nito. Palaban talaga ito at kahit noon pa man ay pansin niya na ito. Kaya nga minsan lang siya rito manalo sa tuwing nag-aaway sila.Naniningkit ang mga matang binalingan ito ni Vanessa.“Hoy ikaw, manahimik ka! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Baka mawala iyang pagtatapang-tapangan mo kapag ibinulgar ko ang mabaho mong sekreto.”“Ako rin, mayroon din akong alam na madilim mong sekreto,” diniinan talaga nito ang pagkakabigkas sa huling salita. “At kapag ibinulgar ko rin ‘yon, baka hindi lang ang tapang mo ang mawala, kundi pati na si…” sinadya nitong putulin ang sinasabi at tumingin ito sa kanya.Nabitiwan tuloy bigla ni Vanessa ang kanyang braso. N
PAGDATING nila sa parking lot ng restaurant ay nagusot ang mukha ni Jacob nang makita roon si Vanessa. Bihis na bihis ito na parang a-attend ng fashion show.Kung siguro katulad pa noon ang nararamdaman niya rito, ay talagang mapapanganga siya sa hitsura nito ngayon. Aminado naman siyang maganda naman talaga ito.Pero iba na ngayon, kahit siguro maghubad pa ito sa harapan niya ‘y hindi niya maiisip na galawin ito dahil puro galit at pagkamuhi na lang ang nararamdaman niya ngayon para rito.Talagang sinadya siguro siyang hinatayin nito dahil nakatayo ito sa mismong pagpa-parking-an niya ng kanyang sasakyan.Tiningnan naman niya ang katabing dalaga mula sa gilid ng kanyang mga mata. Wala siyang nakikitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito pero alam niyang nakita nito si Vanessa.“Sweetheart, dito ka muna. Ako na muna ang bababa dahil kakausapin ko muna ‘tong babae sa harap natin,” pakiusap niya rito.“Ano ka ba, pwede mo naman siyang kausapin na kasama ako, right? I promise, makikin
Nagulat silang tatlo ng bigal itong umatungal na parang batang inagawan ng candy. Napailing-iling na lang silang tatlo.“Pagsisisihan niyo ‘to! Gagantihan ko kayong lahat!” Huling sambit nito bago nagmartsa palayo.Muntik pa nga itong mapasubsob nang lumusot sa butas ng bako-bakong kalsada ang heels ng isang sandals nito.Hindi tuloy nila mapigilang mapangiti ng kaibigan.“Tanga-tanga…” sambit ni Claire habang natatawa.“Pangit na, duling pa!” sambit niya habang natatawa pa rin.“Geeez! What happen to her? Mukhang nakakain ng panis!” wala sa sariling sambit naman ng binata. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanilang dalawa.“Ano ba ‘ng ginawa niyo roon at nagmukhang miserable?” tanong ng binata sa kanilang dalawa.“Eh kasi Sir, lumabas ako para bumili ng sabon. Paglabas ko nadatnan ko si Geneva na gustong sampalin itong si Micah pagkatapos pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita! Kaya kinampihan ko itong si friend!” sagot naman ng kanyang kaibigan sa binata.Napahawak naman sa b
“Hoy!” Muling dinuro-duro ng kaibigan niya si Geneva. “Huwag kang magbaliw-baliwan dito. Hatid mo muna sarili ang mo sa mental dahil wala kaming oras at panahon para maghatid sa ‘yo!” Sambit nito kay Geneva na ngayon ay masamang-masama na ang tingin sa kanilang dalawa.Animo ‘y isa itong tigre na anumang oras ay dadambahin sila para sagpangin sa leeg.“You!” Turo ni Geneva sa kanya. “And you…” Turo rin nito sa kaibigan niya. “Akala niyo ba matatakot ako sa inyo? At talagang pinagkakaisahan niyo pa ‘ko?” nanlalaki ang mga matang sambit nito sa kanilang dalawa.“Bakit, tinatakot ka ba namin? O, natatakot ka talaga sa ‘min? Kasi magkaiba ‘yon! Huwag mo namang ipangalandakan sa ‘min ang kabobohan mo. Balik ka nga ng kinder, mag-aral ka ulit!” pang-uuyam dito ng kanyang kaibigan.“Aba ‘t…” Sinugod nito ang kanyang kaibigan at akmang sasampalin pero naunahan ito.Sampal at sabunot ang ipinatikim dito ni Claire. Sigaw ito ng sigaw at iyak ng iyak na parang sisiw na iniwanan ng inahin.Sa hal