HALOS limang araw ang inilagi ni Michaela sa mansyon. Sa limang araw na iyon ay hindi rin umalis si Jacob. Nanatiling nakasunod at nakasubaybay lang ito sa ginagawa nilang pag de-decorate.Ayaw kasi ng binata na mag-hire nang mga sikat na designer na pwedeng mag decorate kahit kayang-kaya namang bayaran dahil mas gusto nito na sila ang gagawa dahil lalabas daw ang pagiging natural.Ang gusto kasi ng binata ay iyong pang old fashioned na nature and garden design dahil nga nature lover ang mommy nito at mahilig magtanim ng iba ‘t ibang klase ng mga bulaklak at halaman.Pagkatapos mananghalian ay pumasok siya sa maid’s quarter para ayusin ang tinutulugang kama at iligpit ang iba pang mga gamit dahil ngayong araw ay aalis na sila ng binata. habang nagliligpit siya ay siya namang pagpasok ni nanay Minerva.“Alam mo ba, anak. Sa maikling araw na pamamalagi mo rito ay napalapit na ang loob ko sa ‘yo. Sana, kapag mayroon kang bakanteng oras ay maisipan mong pumarito ulit,” malungkot nitong sa
HINDI agad sila makaalis-alis kahit na kanina pa sila nakapasok sa sasakyan at pinaandar na ng binata ang makina dahil sa napakaraming bilin at pagpapaalala ni nanay Minerva sa kanilang dalawa.Ganito pala ang pakiramdam ng may magulang na nag-aalala at nagpapaalala. Napakaswerte ng binata dahil kahit na hindi man nito kasama ang mga magulang ay may nanay Minerva itong nagsisilbing ama at ina rito.“Hijo, Jacob. Magdahan-dahan ka sa pag da-drive, ha? Huwag masyadong magmamadali lalo na at may kasama ka. Huwag palaging magpapalipas ng gutom dahil kapag nagkasakit ka, naalala mo ba kung paano kita paluin sa p*wet no’ng bata ka pa? gagawin ko ulit sa ‘yo ‘yon kahit pa matanda ka na.”“Nanay, palagi mo nang sinasabi sa ‘kin ‘yan kapag umuuwi ako rito. Halos makabisado ko na nga ‘yang linyahan niyo, eh. Nakakahiya naman dito sa kasama ko na naririnig niya lahat ng mga sinasabi niyo sa ‘kin,” tukoy nito sa kanya habang nanunulis ang nguso.“Aba ‘y sumasagot ka pa talaga! Kapag hindi mo talag
KINABUKASAN ay balik ulit sila sa dating gawi. Maaga ulit na naghihitay kay Michaela ang binata sa labas nang kanyang tinutuluyan para sabay silang pumasok.Pagdating nila sa restaurant ay sabay din sana silang papasok nang biglang mag-ring ang cellphone nito.“Go in first, I’ll just answer this caller,” tukoy nito sa hawak na cellphone na kasalukuyang tumutunog pa rin.Tinanguhan naman niya ito bago tumalikod at pumasok sa restaurant. Habang naglalakad ay pinagmamasdan niya ang dining area habang may kakaunting customer pa lang ang nakaupo.Napailing na lang siya habang nagmamasid. Iba rin talaga ang style ng mayayaman. Ultimo kumakain na lang ay nagtatrabaho pa rin. May nakikita siyang habang nagkakape ay nakaharap sa laptop at panay ang pindot. Ang iba naman ay may pinipirmahang mataas na patong ng mga papel. Mayroon ding may ka-business call o di kaya ay may mga ka-meeting na kliyente. Halos araw-araw ay ganoon ang sitwasyon na nadadatnan niya tuwing papasok siya sa umaga.Iyong
KUNG hindi lang naalala ni Michaela na nakikinig lang pala siya sa usapan ng mga ito ay baka kanina niya pa ito nilusob at sinabunutan.“Alam mo Glydel, may ginagawang hakbang si Nessa na kami lang ang nakakaalam. At sa tingin ko, may kakaibang namamagitan diyan sa pulubing waitress at kay Jacob. Nakikita mo naman, ‘di ba? Sabay silang pumapasok at sabay ding umuuwi, at ang masaklap pa, Nawala sila ng halos limang araw ng magkasama. Kaya kung ako sa ‘yo, mag-isip ka ng mabuti bago mo kami suwayin. Dahil kung ako lang, kaya naman kitang pagbigyan diyan sa kagustuhan mo. Eh kaso, ibahin mo si Nessa. Iba ang likaw nang bituka no’n. Gagawin no’n ang lahat ng gusto niya at walang makakapigil,” pinal na sambit ni Geneva bago nito talikuran si Ms. Glydel.Agad naman siyang umalis sa pintong pinagkukublian dahil papunta na si Geneva sa direksyon niya.Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Noong mga oras na pinakitaan siya ni Ms. Glydel ng hindi maganda ay nandoon din si Geneva. Ito pala an
PAGPASOK ni Jacob sa kanyang opisina ay nabungaran niya si Geneva na prenteng nakaupo sa harap ng kanyang working table habang nakadekwatro ang mga binti. Napabuntung-hininga na lang siya ng malalim para pigilan ang nararamdaman. Dumagdag pa ito sa init ng kanyang ulo.“Geneva, what brings you here? Napadalaw ka ulit. At saka sino ba ‘ng nagpapasok sa ‘yo rito? Mukhang malakas ka sa manager ko, ah! Hindi porket magkaibigan tayo ay pwede ka nang basta-basta na lang pumasok dito ng walang pahintulot ko,” diretsong sambit niya rito na may pagkairita sa tono.Ipinakita niya rito na hindi siya natutuwa sa ginawa nito at pati na rin sa presensya nito.“Bakit parang mainit yata ang ulo mo ngayon sa ‘kin? Sa pagkakaalala ko, pangalawang beses ko pa lang ngayon na pumunta rito dahil wala ka no ‘ng nakaraan. Halos limang araw kang nawala ayon sa manager mo. Paano ko nalaman? Halos araw-araw akong pumupunta rito pero dahil wala ka, umuuwi na lang ako. Tapos ganyan pa ang magiging treatment mo sa
SA BAWAT araw na dumaraan na lagi silang magkasama ni Jacob sa tuwing papasok at sa pag-uwi ay marami na rin ang nakakapansin ng palagian nilang magkasama. Ang iba ay nagtatanong kung may relasyon ba sila o kung nililigawan ba siya ng binata.Ang iba naman ay may konklusyon na sila ay magkasintahan na mariin namang itinanggi ni Michaela. Aniya, mabait lang sa kanya ang binate kaya isinasabay siya nito sa pagpasok maging sa pag-uwi.At kung may relasyon mang namamagitan sa kanila, pagiging magkaibigan lang at wala ng iba. Marami ang naiinggit sa kanya na katrabaho dahil sa dinami-rami nilang empleyado ng binata ay siya lang daw ang namumukod tanging isinasabay nito sa sasakyan.May mga natutuwa naman para sa kanya at mayroon namang hindi. Karamihang hindi natutuwa sa kanya ay iyong mga babaeng may lihim na gusto sa binata.Isang umaga ay maaga muli siyang dinaanan ng binata kaya maaga rin silang nakarating sa restaurant. Alas siete pa lang ay nandoon na sila, at may isang oras pa siyan
MATYAGANG naghihintay si Jacob sa loob ng sasakyan sa paglabas ng dalaga. Balak niya ulit itong yayain sa tabing dagat dahil may importante siyang ibibigay dito. Maya-maya lang ay nakita na niya itong palabas ng restaurant.Hinintay muna niya itong makalapit sa sasakyan bago siya lumabas para pagbuksan ito ng pinto. Pagkapasok nito ay agad din siyang umikot papuntang sa driver’s seat. Sa tabi niya kasi ito palaging pinapaupo.Pagkaupo niya ‘y masigla niya itong kinausap.“Ano? Tabing dagat ulit tayo? Ganda nang panahon, oh!” pambungad niya rito.“Talaga? Si-sige, gusto ko ‘yan! Pero dapat may street foods, ha?”“Oo naman! Hindi mawawala ‘yang paborito natin!”Sabay pa silang nagkatawanan dahil sa sinabi niya.“Teka, ano bang nakain mo at bigla ka na lang nagyayang tumambay ngayon sa tabing dagat?”“Wala lang, gusto ko lang mag unwind. Medyo marami lang kasi akong iniisip nitong mga nagdaang araw.”“Oo nga naman, gamot daw talaga ang tanawin sa tabing dagat sa mga taong problemado. Hal
BIGLA na lang siyang sinunggaban ng yakap ni Michaela kaya ang nangyari, ay natumba siya sa buhanginan habang nasa ibabaw niya ito. Nawalan kasi siya ng panimbang dahil wala siyang ideya na gagawin iyong ng dalaga.Maging ito ay nagulat din sa nangyari, kaya hindi agad ito nakaalis sa ibabaw niya. Dikit na dikit ang pagkakapatong nito sa kanya kaya nakaramdam siya ng kakaibang init sa katawan. Kapag hindi pa ito umalis sa ibabaw niya ‘y baka makalimot na talaga siya.Ngunit sa halip na umalis, ay yumakap pa ito ng mahigpit sa kanya, hindi alintana kung ano man ang nararamdaman niya sa ilalim nito. Hindi na niya kaya pang pigilan ang lumalalang init na nararamdaman kaya pinagpalit niya ang kanilang posisyon.Ito na ngayon ang nasa ilalim at siya naman ang nasa ibabaw. Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang sinunggaban ng halik ang mga labi nitong medyo nakaawang pa, siguro ‘y dahil nabigla ito nang pagpalitin niya ang posisyon nila.Halatang wala pa itong alam at karanasan sa pak
KINABUKASAN kahit madilim-dilim pa ay agad na bumiyahe pauwi si Jacob. Hindi na siya makapaghintay na mapuntahan at makita si Vanessa.Hapon na siya nang makarating pero wala sa isip niya ang magpahinga. Ni hindi na nga niya naisipang dumaan sa bahay niya dahil agad na niyang tinahak ang papunta sa bahay nito. Nasa iisang lugar ang sila pero magkaibang bayan.Ipinarada niya ang sasakyan hindi kalayuan sa harapan ng bahay nang mga magulang nito. Gano’n pa rin ang itsura ng bahay, walang ipinagbago buhat nang huling tumuntong siya rito limang taon na ang nakararaan dahil sa pagmamakaawang sabihin sa kanya kung nasaan ang dalaga.May nakita siyang papalabas na sasakyan at kumakaway doon si Vanessa at ang batang nasa tabi nito. Magkahawak pa ng kamay ang dalawa, palatandaan na mag-ina nga ang mga ito.Natanaw niya ang sakay nang lumabas na sasakyan, ang mag-asawa. Tamang-tama pala ang timing niya dahil si Vanessa lang ang naiwan. Makakausap niya ito ng maayos.Nang mawala sa paningin niya
PAGKATAPOS nang naging pag-uusap nila ni Ms. Glydel ay buong hapon na siyang hindi mapalagay at gulong-gulo ang isipan.Dagdagan pa nang biglang hindi pagpasok ng binata. kahit sino naman siguro ay mababaliw sa kaiisip.Nang umuwi siya ay ang bodyguard pa rin ng binata na si Troy ang naghatid sa kanya. Pagpasok niya sa silid ay agad niyang tiningnan ang cellphone, baka sakaling may mensahe man lang ito para sa kanya.Pero nadismaya siya at mapait na napangiti nang wala man lang siyang nakita. Nalulungkot siya sa isiping hindi man lang siya nito naalala ngayong araw.PAGOD at puyat ang nararamdaman ni Jacob dahil sa mahabang byahe na ginugol niya patungong maynila kaninang madaling araw.Nasa isang five star hotel siya ngayon at doon niya na rin balak na magpalipas ng gabi. Pagkatapos kasi niyang tawagan kagabi ang private investigator na naatasan niyang mag-imbestiga kay Vanessa, patulog n asana siya nang muling mag-ring ang kanyang cellphone.Si Jericho ang tumatawag, ang pinsan niya
NANLUMO si Michaela nang makita sa mukha ni Ms. Glydel na parang nagdadalawang isip ito na sagutin ang katanungan niya.Medyo natagalan pa nga ito bago siya nakuhang sagutin.“Kung koneksyon kasi nang tatlo ang gusto mong malaman mula sa ‘kin, you know… hindi ko kasi alam kung tama ba na pagbigyan kitang sagutin. Pakiramdam ko kasi, hindi ako ang tamang tao na dapat na magsabi sa ‘yo, kundi si sir Jacob. Lalo na ‘t magkarelasyon naman kayo at sapat na dahilan na ‘yon para magkaroon ka ng karapatan na magtanong ng kung anumang bagay na gusto mong malaman tungkol sa kanya. Ayoko naman siyang pangunahan dahil nag-iingat ako na magkaroon kami ng magkaibang statement at baka ‘yon pa ang pagmulan ng gulo. Hindi dapat siya naglilihim ng mga nakaraan niya sa ‘yo, maliban na lang kung may malalim na dahilan.”“Iyon din nga ang punto ko, ma’am Glydel. Katulad mo, ayaw ko rin siyang pangunahan dahil baka kasi iba ang maging dating sa kanya. Baka kasi imbes na isipin niyang gusto ko lang naman ma
BANDANG alas singko na ng umaga nang magising si Michaela. Kasalukuyan niyang inaayos ang pinaghigaan nang tumunog ang kanyang cellphone.“I can’t pick you up now because I have something important to do. Just wait there for Troy, one of my bodyguards. Siya na muna ang magsusundo at maghahatid sa ‘yo.” Mensahe galing kay Jacob.“Okay.” Iyon lang ang tanging isinagot niya sa mensahe nito.Kahapon lang ay masayang-masaya sila at nagawa pa siyang ipakilala nito sa lahat ng empleyado sa restaurant dahil iyon rin ang unang araw ng pagiging magkasintahan nila.Kapag naaalala niya ang tagpong iyon ay sumasaya siya kahit paano. Todo protekta at tanggol pa ito sa kanya lalo na roon sa apat na babaeng pinagkaisahan siya.Dahil lang sa ilang minutong pag-uusap nito at ni Geneva ay bigla na lang nagbago ang lahat sa binata.Hindi tuloy niya maisip kung ano ang magiging lagay niya mamaya sa restaurant ngayong hindi niya ito kasama.Isang matangkad, malaki, at matipunong lalaki ang bumungad sa kany
NAKATULUGAN na ni Michaela ang pag-iyak. Nagising siya ng ala-una ng madaling araw dahil sa pagkalam nang kanyang sikmura. Naalala niyang hindi pa pala siya nakapaghapunan bago nakatulog.Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa pantry para maghanap ng pagkain kung may natitira pa ba. Mabuti na lang at may nakita pa siyang pritong isda at ginisang gulay na sitaw na natatakpan sa mesa.Isinalang niya ang mga ito sa microwave para initin, habang iyong rice cooker naman ay isinaksak niya para na rin initin ang kanin.Iyon ang maganda sa katiwala ng staff house dahil namo-monitor nito ng maayos ang mga occupant simula sa kalinisan ng bawat silid, kaligtasan ng bawat isa at pati na rin sa pagkain.Katulad ngayon, kahit na hindi siya nakasabay sa mga kumain kanina ay may natira pa na alam niyang para sa kanya talaga.Habang kumakain siya ay siya namang pagpasok ng kaibigan niyang si Claire. Halatang kadarating lang nito dahil hindi pa ito nakakapagpalit ng damit at sukbit pa nito
AYAW dapuan ni katiting na pagkaantok si Jacob kahit na malalim na ang gabi. Pilit na nagsusumiksik sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Geneva.Tama naman kasi talaga lahat nang mga sinabi nito sa kanya patungkol kay Vanessa. Ang unang-unang babae sa buhay niya at una niya ring pinag-alayan ng kanyang tapat at totoong pagmamahal.Hing school pa lang sila noon nang maging magkarelasyon sila. Matanda lang siya rito ng isang taon. Cheerleader ito ng kinabibilangan niyang basketball team na siya naman ang captain ball, kaya nagkamabutihan sila dahil na rin sa madalas na pagsasama at pagkikita na nauwi sa isang seryosong relasyon.Sila rin ang tinagurian bilang campus king and queen. Sikat na sikat sila sa campus na halos walang studyante ang hindi nakakakilala sa kanila.Maliban sa gwapo siya at maganda ito, ay kilala rin ang mga pamilya nila lalo na pagdating sa usaping negosyo kaya nakadagdag iyon sa kasikatan nila.Pero dahil mga magulang nito ang nagmamay-ari ng school, ay
NAGUGULUHAN na si Michaela sa takbo nang usapan ng dalawa. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pakikinig sa isiping baka makakuha siya ng clue kung sino nga ba talaga ang Nessa na palaging bukambibig ni Geneva.“Bakit, ano nga ba ‘ng naging ambag mo maliban sa naging alalay at sunud-sunuran ka sa lahat ng gusto ni Nessa? At ‘yong tungkol sa kanya, kung nagmakaawa man ako sa ‘yo noon para tulungan ako na mahanap siya kung saang lupalop man siya nagpunta, iba na ngayon. Dahil wala na ‘kong pakialam sa kanya kung saan man siya naroon,” Sabi ng binata.“Bakit? Dahil ba sa Michaela na ‘yon kaya ka nagkakaganyan? Kaya gusto mo na lang itapon at kalimutan ang pinagsamahan ninyo noon ng halos ilang taon? Noong umalis siya at lumayo, marami kang hindi alam sa kanya, Jacob. At kapag nalaman mo ang ibig kong sabihin, baka hindi ka magdalawang-isip na iwanan ‘yang babae mo ngayon para bumalik sa kanya.”Bigla na lang nag-iba ang awra ng binata dahil sa mga binitiwanng salita ni Geneva. Lumapit ito sa b
SABAY silang bumaba ng binata at dahil magpapalit pa siya ng damit, ay nauna na ito sa kanya sa sasakyan at doon na lamang daw siya nito hihintayin, siya naman ay dumiretso na ng locker room.Hindi nga si Michaela nagkamali nang inakala dahil naabutan niya roon ang kaibigan na kasalukuyang nagbibihis ng uniform.“Hoy, babae! Marami kang dapat na sabihin sa ‘kin at ipaliwanag! Dapat detalyado at totoo lahat, ah! Iyong wala kang makakalimutan!” bungad agad nito sa kanya.“Grabe ka naman maka-demand! Hindi naman halatang masyado kang atat sa mga nangyayari sa love life ko. Sobra-sobra talaga ‘yang pagiging tsismosa at matabil mo! Doon ko na lang sa ‘yo ikukwento ang lahat sa staff house para walang ibang makarinig.” Ganti naman niya rito.“Bakit ba naman kasi magka-iba tayo ng shift! Makapag-request nga kay sir Jacob na pagsabayin na lang tayo, sabihin ko na lang na, para may magbabantay sa ‘yo, incase, may ibang manligaw o lalapit na ibang lalaki sa ‘yo,” nakangising sambit nito sabay
NANATILING nasa tabi lang si Michaela ng binata kahit na nakakaramdam na siya ng pagkainip, naubos na lang niyang kalkalin ang napakaraming collection nito ng magazine para maghanap ng magugustuhan niyang basahin.Ngunit wala sa mga iyon ang nakaagaw ng atensyon niya kaya ang nangyari, ay panay ang hikab niya. Pinipilit siya ng binata na matulog pero todo tanggi siya dahil ayaw niya naman itong iwanan ng mag-isa habang nagpipirma ng ga-bundok na papeles.Pagdating ng tanghali ay sabay silang kumain doon mismo sa loob ng opisina. Nagpaakyat na lang ito ng mga pagkain nila na galing din naman mismo sa restaurant.Nang magsimula ulit ito sa pagpipirma nang mga papeles pagsapit ng ala una ay naisipan na lang niyang manood ng TV, hininaan lang niya ang volume, iyong sapat lang na marinig niya dahil baka makaistorbo naman siya rito.Nawili siya sa panonood ng TV kaya hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.Maya-maya ‘y nakarinig sila ng tatlong mahihinang katok na magkakasunod. Tatayo na