KINABUKASAN ay balik ulit sila sa dating gawi. Maaga ulit na naghihitay kay Michaela ang binata sa labas nang kanyang tinutuluyan para sabay silang pumasok.Pagdating nila sa restaurant ay sabay din sana silang papasok nang biglang mag-ring ang cellphone nito.“Go in first, I’ll just answer this caller,” tukoy nito sa hawak na cellphone na kasalukuyang tumutunog pa rin.Tinanguhan naman niya ito bago tumalikod at pumasok sa restaurant. Habang naglalakad ay pinagmamasdan niya ang dining area habang may kakaunting customer pa lang ang nakaupo.Napailing na lang siya habang nagmamasid. Iba rin talaga ang style ng mayayaman. Ultimo kumakain na lang ay nagtatrabaho pa rin. May nakikita siyang habang nagkakape ay nakaharap sa laptop at panay ang pindot. Ang iba naman ay may pinipirmahang mataas na patong ng mga papel. Mayroon ding may ka-business call o di kaya ay may mga ka-meeting na kliyente. Halos araw-araw ay ganoon ang sitwasyon na nadadatnan niya tuwing papasok siya sa umaga.Iyong
KUNG hindi lang naalala ni Michaela na nakikinig lang pala siya sa usapan ng mga ito ay baka kanina niya pa ito nilusob at sinabunutan.“Alam mo Glydel, may ginagawang hakbang si Nessa na kami lang ang nakakaalam. At sa tingin ko, may kakaibang namamagitan diyan sa pulubing waitress at kay Jacob. Nakikita mo naman, ‘di ba? Sabay silang pumapasok at sabay ding umuuwi, at ang masaklap pa, Nawala sila ng halos limang araw ng magkasama. Kaya kung ako sa ‘yo, mag-isip ka ng mabuti bago mo kami suwayin. Dahil kung ako lang, kaya naman kitang pagbigyan diyan sa kagustuhan mo. Eh kaso, ibahin mo si Nessa. Iba ang likaw nang bituka no’n. Gagawin no’n ang lahat ng gusto niya at walang makakapigil,” pinal na sambit ni Geneva bago nito talikuran si Ms. Glydel.Agad naman siyang umalis sa pintong pinagkukublian dahil papunta na si Geneva sa direksyon niya.Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Noong mga oras na pinakitaan siya ni Ms. Glydel ng hindi maganda ay nandoon din si Geneva. Ito pala an
PAGPASOK ni Jacob sa kanyang opisina ay nabungaran niya si Geneva na prenteng nakaupo sa harap ng kanyang working table habang nakadekwatro ang mga binti. Napabuntung-hininga na lang siya ng malalim para pigilan ang nararamdaman. Dumagdag pa ito sa init ng kanyang ulo.“Geneva, what brings you here? Napadalaw ka ulit. At saka sino ba ‘ng nagpapasok sa ‘yo rito? Mukhang malakas ka sa manager ko, ah! Hindi porket magkaibigan tayo ay pwede ka nang basta-basta na lang pumasok dito ng walang pahintulot ko,” diretsong sambit niya rito na may pagkairita sa tono.Ipinakita niya rito na hindi siya natutuwa sa ginawa nito at pati na rin sa presensya nito.“Bakit parang mainit yata ang ulo mo ngayon sa ‘kin? Sa pagkakaalala ko, pangalawang beses ko pa lang ngayon na pumunta rito dahil wala ka no ‘ng nakaraan. Halos limang araw kang nawala ayon sa manager mo. Paano ko nalaman? Halos araw-araw akong pumupunta rito pero dahil wala ka, umuuwi na lang ako. Tapos ganyan pa ang magiging treatment mo sa
SA BAWAT araw na dumaraan na lagi silang magkasama ni Jacob sa tuwing papasok at sa pag-uwi ay marami na rin ang nakakapansin ng palagian nilang magkasama. Ang iba ay nagtatanong kung may relasyon ba sila o kung nililigawan ba siya ng binata.Ang iba naman ay may konklusyon na sila ay magkasintahan na mariin namang itinanggi ni Michaela. Aniya, mabait lang sa kanya ang binate kaya isinasabay siya nito sa pagpasok maging sa pag-uwi.At kung may relasyon mang namamagitan sa kanila, pagiging magkaibigan lang at wala ng iba. Marami ang naiinggit sa kanya na katrabaho dahil sa dinami-rami nilang empleyado ng binata ay siya lang daw ang namumukod tanging isinasabay nito sa sasakyan.May mga natutuwa naman para sa kanya at mayroon namang hindi. Karamihang hindi natutuwa sa kanya ay iyong mga babaeng may lihim na gusto sa binata.Isang umaga ay maaga muli siyang dinaanan ng binata kaya maaga rin silang nakarating sa restaurant. Alas siete pa lang ay nandoon na sila, at may isang oras pa siyan
MATYAGANG naghihintay si Jacob sa loob ng sasakyan sa paglabas ng dalaga. Balak niya ulit itong yayain sa tabing dagat dahil may importante siyang ibibigay dito. Maya-maya lang ay nakita na niya itong palabas ng restaurant.Hinintay muna niya itong makalapit sa sasakyan bago siya lumabas para pagbuksan ito ng pinto. Pagkapasok nito ay agad din siyang umikot papuntang sa driver’s seat. Sa tabi niya kasi ito palaging pinapaupo.Pagkaupo niya ‘y masigla niya itong kinausap.“Ano? Tabing dagat ulit tayo? Ganda nang panahon, oh!” pambungad niya rito.“Talaga? Si-sige, gusto ko ‘yan! Pero dapat may street foods, ha?”“Oo naman! Hindi mawawala ‘yang paborito natin!”Sabay pa silang nagkatawanan dahil sa sinabi niya.“Teka, ano bang nakain mo at bigla ka na lang nagyayang tumambay ngayon sa tabing dagat?”“Wala lang, gusto ko lang mag unwind. Medyo marami lang kasi akong iniisip nitong mga nagdaang araw.”“Oo nga naman, gamot daw talaga ang tanawin sa tabing dagat sa mga taong problemado. Hal
BIGLA na lang siyang sinunggaban ng yakap ni Michaela kaya ang nangyari, ay natumba siya sa buhanginan habang nasa ibabaw niya ito. Nawalan kasi siya ng panimbang dahil wala siyang ideya na gagawin iyong ng dalaga.Maging ito ay nagulat din sa nangyari, kaya hindi agad ito nakaalis sa ibabaw niya. Dikit na dikit ang pagkakapatong nito sa kanya kaya nakaramdam siya ng kakaibang init sa katawan. Kapag hindi pa ito umalis sa ibabaw niya ‘y baka makalimot na talaga siya.Ngunit sa halip na umalis, ay yumakap pa ito ng mahigpit sa kanya, hindi alintana kung ano man ang nararamdaman niya sa ilalim nito. Hindi na niya kaya pang pigilan ang lumalalang init na nararamdaman kaya pinagpalit niya ang kanilang posisyon.Ito na ngayon ang nasa ilalim at siya naman ang nasa ibabaw. Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang sinunggaban ng halik ang mga labi nitong medyo nakaawang pa, siguro ‘y dahil nabigla ito nang pagpalitin niya ang posisyon nila.Halatang wala pa itong alam at karanasan sa pak
MUKHANG mapapakwento ng kanyang talambuhay si Jacob dahil sa kagustuhan ng dalagang may malaman man lang na iba tungkol sa buhay niya, maliban sa mga nabaggit nito.Tumikhim muna siya para alisin ang bara sa lalamunan bago nagsimulang magkwento.“Solong anak ako nina mommy at daddy. Hindi na nila ako nagawang sundan pa dahil siguro sa sobrang dami ng negosyong hinahawakan, ayon na rin sa kwento nila no’ng minsang tanungin ko sila kung bakit wala akong kapatid. At isa pa, maselang magbuntis si mommy. Noong ipinagbubuntis niya raw ako, hindi raw talaga siya nagtrabaho hanggang nine months sa sobrang takot niyang baka lumabas daw ako ng maaga.”Tumigil muna siya saglit, at pagkatapos ay muling nagpatuloy.“Pure Filipino ang mom ko, while my dad is pure American.”“Sabi ko na nga ba, eh! May lahi kang foreigner, hindi maitatangi sa hitsura mo.”Napangiti na lang siya sa biglaang pagsabat nito. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkukwento.“Mahal na mahal nila ako pareho to the point na lahat
NAALIMPUNGATAN si Michaela nang maramdaman niyang parang may dumampi sa mga labi niya. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng staff house nang magmulat siya ng mga mata. Nakatulog pala siya ng hindi niya namamalayan.Hindi malinaw sa kanyang diwa kung talaga bang may dumampi sa mga labi niya, o baka nanaginip na siya sa gano’n kaikling oras. Isinawalang bahala na lang niya ang nasa isip at agad na inayos ang sarili bago nagpaalam sa binata.“Jacob, mauna na ‘ko. Salamat nga pala sa paghatid, at mag-iingat ka sa pag-uwi,” sambit niya sa binata.“Wala bang kiss diyan? Baka hindi ako makatulog kapag wala kang pabaon,” pilyong tugon nito sa kanya.Nawala tuloy ang panghihina niyang nararamdaman gawa ng antok dahil sa kung anu-anong kapilyuhan ang pinagsasasasabi nito sa kanya.“Hay naku, Jacob! Puro ka ganyan! Tigil-tigilan mo nga ‘yan! Sapak gusto mo?!” iniamba pa niya rito ang isa niyang kamao.“Ito naman, hindi na mabiro. Sige na, ba-bye na. Daanan na lang ulit kita rito bukas. At salam
PINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad
KINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu
PAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang
NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak
HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l
“CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakais
TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la
TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum
NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan