SA BAWAT araw na dumaraan na lagi silang magkasama ni Jacob sa tuwing papasok at sa pag-uwi ay marami na rin ang nakakapansin ng palagian nilang magkasama. Ang iba ay nagtatanong kung may relasyon ba sila o kung nililigawan ba siya ng binata.Ang iba naman ay may konklusyon na sila ay magkasintahan na mariin namang itinanggi ni Michaela. Aniya, mabait lang sa kanya ang binate kaya isinasabay siya nito sa pagpasok maging sa pag-uwi.At kung may relasyon mang namamagitan sa kanila, pagiging magkaibigan lang at wala ng iba. Marami ang naiinggit sa kanya na katrabaho dahil sa dinami-rami nilang empleyado ng binata ay siya lang daw ang namumukod tanging isinasabay nito sa sasakyan.May mga natutuwa naman para sa kanya at mayroon namang hindi. Karamihang hindi natutuwa sa kanya ay iyong mga babaeng may lihim na gusto sa binata.Isang umaga ay maaga muli siyang dinaanan ng binata kaya maaga rin silang nakarating sa restaurant. Alas siete pa lang ay nandoon na sila, at may isang oras pa siyan
MATYAGANG naghihintay si Jacob sa loob ng sasakyan sa paglabas ng dalaga. Balak niya ulit itong yayain sa tabing dagat dahil may importante siyang ibibigay dito. Maya-maya lang ay nakita na niya itong palabas ng restaurant.Hinintay muna niya itong makalapit sa sasakyan bago siya lumabas para pagbuksan ito ng pinto. Pagkapasok nito ay agad din siyang umikot papuntang sa driver’s seat. Sa tabi niya kasi ito palaging pinapaupo.Pagkaupo niya ‘y masigla niya itong kinausap.“Ano? Tabing dagat ulit tayo? Ganda nang panahon, oh!” pambungad niya rito.“Talaga? Si-sige, gusto ko ‘yan! Pero dapat may street foods, ha?”“Oo naman! Hindi mawawala ‘yang paborito natin!”Sabay pa silang nagkatawanan dahil sa sinabi niya.“Teka, ano bang nakain mo at bigla ka na lang nagyayang tumambay ngayon sa tabing dagat?”“Wala lang, gusto ko lang mag unwind. Medyo marami lang kasi akong iniisip nitong mga nagdaang araw.”“Oo nga naman, gamot daw talaga ang tanawin sa tabing dagat sa mga taong problemado. Hal
BIGLA na lang siyang sinunggaban ng yakap ni Michaela kaya ang nangyari, ay natumba siya sa buhanginan habang nasa ibabaw niya ito. Nawalan kasi siya ng panimbang dahil wala siyang ideya na gagawin iyong ng dalaga.Maging ito ay nagulat din sa nangyari, kaya hindi agad ito nakaalis sa ibabaw niya. Dikit na dikit ang pagkakapatong nito sa kanya kaya nakaramdam siya ng kakaibang init sa katawan. Kapag hindi pa ito umalis sa ibabaw niya ‘y baka makalimot na talaga siya.Ngunit sa halip na umalis, ay yumakap pa ito ng mahigpit sa kanya, hindi alintana kung ano man ang nararamdaman niya sa ilalim nito. Hindi na niya kaya pang pigilan ang lumalalang init na nararamdaman kaya pinagpalit niya ang kanilang posisyon.Ito na ngayon ang nasa ilalim at siya naman ang nasa ibabaw. Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang sinunggaban ng halik ang mga labi nitong medyo nakaawang pa, siguro ‘y dahil nabigla ito nang pagpalitin niya ang posisyon nila.Halatang wala pa itong alam at karanasan sa pak
MUKHANG mapapakwento ng kanyang talambuhay si Jacob dahil sa kagustuhan ng dalagang may malaman man lang na iba tungkol sa buhay niya, maliban sa mga nabaggit nito.Tumikhim muna siya para alisin ang bara sa lalamunan bago nagsimulang magkwento.“Solong anak ako nina mommy at daddy. Hindi na nila ako nagawang sundan pa dahil siguro sa sobrang dami ng negosyong hinahawakan, ayon na rin sa kwento nila no’ng minsang tanungin ko sila kung bakit wala akong kapatid. At isa pa, maselang magbuntis si mommy. Noong ipinagbubuntis niya raw ako, hindi raw talaga siya nagtrabaho hanggang nine months sa sobrang takot niyang baka lumabas daw ako ng maaga.”Tumigil muna siya saglit, at pagkatapos ay muling nagpatuloy.“Pure Filipino ang mom ko, while my dad is pure American.”“Sabi ko na nga ba, eh! May lahi kang foreigner, hindi maitatangi sa hitsura mo.”Napangiti na lang siya sa biglaang pagsabat nito. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkukwento.“Mahal na mahal nila ako pareho to the point na lahat
NAALIMPUNGATAN si Michaela nang maramdaman niyang parang may dumampi sa mga labi niya. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng staff house nang magmulat siya ng mga mata. Nakatulog pala siya ng hindi niya namamalayan.Hindi malinaw sa kanyang diwa kung talaga bang may dumampi sa mga labi niya, o baka nanaginip na siya sa gano’n kaikling oras. Isinawalang bahala na lang niya ang nasa isip at agad na inayos ang sarili bago nagpaalam sa binata.“Jacob, mauna na ‘ko. Salamat nga pala sa paghatid, at mag-iingat ka sa pag-uwi,” sambit niya sa binata.“Wala bang kiss diyan? Baka hindi ako makatulog kapag wala kang pabaon,” pilyong tugon nito sa kanya.Nawala tuloy ang panghihina niyang nararamdaman gawa ng antok dahil sa kung anu-anong kapilyuhan ang pinagsasasasabi nito sa kanya.“Hay naku, Jacob! Puro ka ganyan! Tigil-tigilan mo nga ‘yan! Sapak gusto mo?!” iniamba pa niya rito ang isa niyang kamao.“Ito naman, hindi na mabiro. Sige na, ba-bye na. Daanan na lang ulit kita rito bukas. At salam
HINDI pa man nagtatagal sa kanyang pagtulog si Michaela, nang bulabugin siya ng malakas na tunog ng isang bagay na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Isasawalang bahala na sana niya ang naririnig dahil baka sa kabilang silid lang ito nanggagaling, pero may kalakasan kasi ito at parang nasa malapit lang niya.Sobrang inaantok pa naman siya kaya itinakip na niya ang dalawang unan sa magkabilang tainga dahil sa nakakarinding tunog na naririnig. Napilitan tuloy siyang kumilos at lulugo-lugong bumangon para hanapin ang pinagmumulan nito kahit na nakapikit pa siya.“Istorbo naman, eh! Inaantok pa nga ‘yong tao!” naiinis na sambit niya kahit wala namang kausap.Ngunit nahimasmasan na lang siya ay naririnig pa rin niya ang tunog. Hihinto lang ito sandali at muling tutunog. Bumuntong-hininga muna siya bago patamad na naglakad papunta sa shoulder bag na palagi niyang dala-dala sa trabaho para tingnan ang oras sa de keypad niyang cellphone.Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita roon an
PALABAS na si Jacob ng kanyang opisina nang maisipan niyang tawagan ang dalaga. Naalala niyang dadaanan nga pala niya ito dahil kailangan niyang iabot dito ang business attire na ipapasuot niya kinabukasan.Problemado na nga siya kanina kakaisip kung ano ba ang ipapasuot niya sa dalaga,mabuti na lang at may kaibigan siyang nangmamay-ari ng boutique,at ito ang naisipan niyang lapitan.Kaso lang, hinihingi nito sa kanya ang sukat nang katawan ng dalaga, pero dahil hindi niya alam, ay picture na lang nito ang ibinigay niya kahit na alam naman niyang hindi naman makukuha ang tamang sukat doon. Mayroon kasi siyang mga stolen shots nito no’ng nasa mansyon sila.Mabuti ‘t kahit sa larawan lang ay sinabi nang kaibigan niya na ito na ang bahala at alam nito ang mga sukat ng gano’ng klase ng katawan. Ito na rin mismo ang pumili ng design at kulay na susuotin ng dalaga.Nang ma-ideliver nga ito sa kanyang opisina ay hindi na siya nag-abala pang buksan ito para sana ma-check man lang niya kung pa
NAGULUHAN si Jacob sa inasal ng dalaga. Bigla na lang kasi itong nawalan ng imik pagkatapos niyang sagutin ang tanong nito kung siya ba ang pumili nang mga gamit na ibinigay niya rito.May sinabi rin ito na hindi malinaw sa kanyang pandinig, nang tanungin niya kung ano, ay bigla na lang sinabing magpahinga nan ga. Siya na nga ang kusang pumatay nang tawag dahil parang iniwanan na lang nitong nakabukas ang cellphone.“Haaays, mga babae nga naman! Ang hirap intindihin,” nawika na lang niya sa sarili.Kasalukuyan siyang nasa second floor ng kanyang bahay at nakatayo sa may terrace, habang nakatanaw sa harapang bahagi. Nasa isang exclusive subdivision ito kaya maganda ang mga nakikita niya sa labas.Mga malalago at naglalakihang punong kahoy na nagbibigay ng preskong hangin sa kapaligiran, mga bulaklak na matitingkad ang kulay, at malinis na kapaligiran. Iyan ang mga dahilan kung bakit dito niya napiling magpatayo ng bahay.Isa rin ito sa mga stress reliever niya lalo na kapag may sunod-s
“Oh, ikaw pala ‘yan, babe,” sambit ni Vanessa sa kanya habang matamis na nakangiti.Kung noon ay kilig na kilig siya kapag tinatawag siya nito sa ganoong paraan, ngayon naman ay iritang-irita siya. Tuluyan na nga talagang nawala ang pagmamahal niya rito.“Magpapaalam lang ako kay Venisse,” malamig na tugon niya rito.“Sa anak ka lang natin magpapaalam? At sa ‘kin, hindi? Kung sa gano’n, ano na lang ako sa buhay mo?”“Ayaw ko ng drama ngayong umaga, Vanessa,” seryosong saad niya rito. “Baby?” Pagtawag niya sa anak.Lumapit naman ito sa pintuan katabi ng ina.“Ye, daddy?” Inosenteng tanong ni Venisse sa kanya.“Aalis na ulit si daddy para magtrabaho. Behave ka lang palagi rito, ha?” Malambing na sambit niya sa anak sabay haplos sa buhok nito sa likod ng ulo.“Palagi naman po akong behave, daddy.”“Then very good!” Yumuko siya para mapantayan ito at saka hinalikan ito sa noo.“Bye for now, baby. See you later!”Kumaway naman ito sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Pagkatapos ay d
BUMALING si Vanessa sa kanya nang marinig nito ang boses niya mula sa likuran nito. Natagalan pa nga ito bago sumagot sa kanya dahil natulala ito nang makita siyang halos hubad na sa harapan nito.“Ah, eh ito kasi, eh!” Sabay turo nito sa guard. “Ayaw akong palabasin! Eh male-late na ‘ko sa usapan naming ni Geneva.”“Utos ko ‘yan sa kanya kaya wala kang magagawa. Ang dapat mong gawin ngayon ay bumalik ka sa kwarto ninyo at tabihan mo ang anak natin sa pagtulog. Wala kang ibang gagawin mamula ngayon kundi ang alagaan ang anak natin. Hindi ka na makakalabas ng mansyon maliban kapag sinbi ko o kung kasama ako.”“Ano?!!! Hindi ko yata kakayanin ‘yan! Huwag mo namang gawin sa ‘kin to, Jacob!”Iniwan niya itong nagngangangawa sa labas at hindi na pinagtuunan pa ng pansin na sagutin pa ito. Masasayang lang ang oras niya rito sa walang kwentang pag-uusap.Nawala na tuloy ang antok niya dahil sa ingay nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa banyo para maligo.Pagkatapos ay bumaba si
UMALIS si Jacob mula sa pagtanaw sa terrace at bumaba sa living area. Napailing siya nang makitang pasuray-suray na naglalakad si Vanessa papasok ng mansyon. Humahawak pa ito sa pader para kumuha ng suporta para hindi ito mitumba.“Gawain ba ‘yan ng isang matinong ina? Iyong anak mo kanina pa naghihintay sa pagdating mo at halos wala ka nang oras sa kanya! Ano ba ‘ng pinagkakaabalahan mo ‘t hindi ka mapigil-pigil sa pag-alis mo araw-araw? Matutuwa pa ‘ko kung naghahanap ka ng trabaho. Eh kaso, hindi eh! Puro ka lang lakwatsa at party-party! Gumising ka na sa katotohanan na hindi na ikaw ang dating Vanessa na sunod sa luho! At isa pa, may anak ka na na dapat pinagtutuunan ng pansin!” Mahabang sermon niya rito.Natigil naman ito sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa kanya habang namumungay ang mga mata gawa ng kalasingan. Tumawa ito ng pagak at saka nagsalita.“Wow! Sa tingin mo, ano ‘ng dahilan kaya araw-araw akong umaalis at nagpapakalasing? Dahil lang naman wala na ‘kong halaga sa
HABANG nakatayo si Jacob sa terrace ng kanilang mansyon at pinagmamasdan ang harapan nito, ay siya namang paglapit ng kanyang anak.“Daddy, daddy, let ‘s play!” Sambit nito sa kanya habang hinihila ang laylayan ng kanyang damit.Binalingan niya ito at kina-usap.“Baby, later na lang kapag dumating na si mommy mo, ha? Wala kasi sa mood si daddy makipaglaro sa ‘yo ngayon dahil marami akong iniisip at problema sa work,” mahinahong sambit niya sa anak.Bigla na lang lumungkot ang kanina ‘y masigla nitong mukha. Pero tumango naman ito sa sinabi niya.“Okay po, daddy. I’ll wait mommy na lang,” tugon nito bago tumalikod at bumalik sa kwarto.Napabuntung-hininga siya at napahaplos sa sariling buhok. Madalas umalis si Vanessa na hindi man lang isinasama ang kanilang anak.Alam naman nitong palagi siyang busy at wala na siyang oras pa para makipaglaro sa anak. Hindi rin naman makuhang makipaglaro rito ng mga kasambahay niya dahil busy rin ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho.Problemado talaga
“Wala po ‘yon, nanay. Ang mahalaga naman sa ‘kin ay natupad ko ang kahilingan ninyo. Masaya ako dahil masaya kayo,” tugon niya kay nanay Myrna.“Hay naku, kumain na muna kaya tayo dahil baka sobrang lamig na nang mga pagkaing inihanda namin ni Micah! Kanina pa ‘yan nakahain diyan! Tama na muna ang drama! Kainan na muna!” Pabirong sambit ng kanyang kaibigan.Magkakasunod naman silang dumulog sa hapagkainan at masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Masaya siya sa nakikitang kasiyahan ng pamilya ng kanyang kaibigan.Kung ganito rin lang naman ang pamilyang titirahan niya ‘y mukhang hindi na siya mangungulila sa tunay niyang mga magulang dahil ang mga ito pa lang ay sapat na sapat na sa kanya.Naramdaman niya sa piling ng mga ito kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Pakiramdam nang may kapatid na nag-aalala sa ‘yo at mga magulang na mapagmahal.Habang kumakain ay kaliwa ‘t kanan ang ibinabatong katanungan ng pamilya ng kanyang kaibigan dito.“Bunso, kumu
BAGO pa man dumating ang tanghali ay nakaayos na sa lamesa ang mga pagkaing kasama sa pasurpresa ng kanyang kaibigan para sa pamilya nito.Sa sobrang excited ng kaibigan niya ay hindi na nagawa nitong magpahinga o kahit ang umidlip man lang kahit ilang minuto.Pagkatapos nitong mag-almusal kanina ay nagmadali silang lumuwas ng bayan para bumili ng mga pagkain katulad ng letson manok, cake, at iba pang pagkaing luto na para hindi na sila mapagod.At saka, kung magluluto pa sila ay kakapusin na sila sa oras dahil mag a-alas siete na dumating ang kaibigan niya kanina at kumain pa ito.Pagpunta pa lang sa bayan ay bawas na ang kanilang oras kaya iyon na lang ang naisipan nilang gawin, ang bumili ng mga luto nang pagkain.Saktong alas onse na nang matapos sila sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Napag-usapan na nila kung ano ang gagawin pagdating ng pamilya nito.Mag a-alas dose na nang magkakasunod na pumasok sa kabahayan ang tatlo. Sina nanay Myrna, tatay Diego at Carlo.Nagulat pa a
MULING may sumaging ideya sa kanyang isip. Muli siyang bumalik sa restaurant at hiningi niya kay Ms. Glydel ang susi nang locker room.Binuksan niya ang locker ni Michaela at nagbabasakaling may makita siyang bakas roon kung nasaan man ito.Pagbukas niya ‘y tumambad sa kanya ang nakatupi nitong uniform sa restaurant at isang hindi kalakihang kahon na naka-packing tape.Alam niyang masama ang mangialam sa gamit ng iba pero nangangati ang kanyang kamay na buksan ang kahon.Pagbukas niya ng kahon ay nakita niya roon ang lahat ng mga ibinigay niya sa dalaga. Ang kwintas at hikaw na pinalagyan niya ng device alarm ay kasama sa mga naroon.Nanghihina niyang ibinalik sa kahon ang mga iyon at wala sa oras na napaupo siya sa pahabang upuan na naroon. Naglayas ba talaga ito o umalis? Ano ba ‘ng pinagkaiba ng dalawa?Kung umalis man ito, ano ang dahilan? Wala naman siyang ibang nakikitang dahilan kundi ang pag-aaway nila tungkol kay Vanessa.Doon niya naalala ang lahat nang mga ipinangako niya p
HINDI pa man niya naipa-park ng maayos ang kanyang sasakyan ay dali-dali na siyang lumabas at tumakbo papasok sa loob ng restaurant. Agad siyang dumiretso sa opisina ni Ms. Glydel at agad itong kinatok.Hindi naman ito nagulat ng mapagbuksan siya nito ng pinto.“Good morning, Sir! And welcome back!” Nakangiting bati nito sa kanya.“Where’s Michaela?” TAnong agad niya rito at hindi pinasin ang ginawang pagbati nito.“Ah Sir, akala ko, baka kasama mo lang siya kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang hindi niya pagpasok ng halos more than a week.”“Galing na ‘ko sa staff house at naikwento na sa ‘kin lahat ni Meeny ang nangyari. Now, may question is bakit hindi mo man lang ako in-inform na hindi na pala siya pumapasok? Alam mo namang ni wala ako kahit isang binigay na mensahe sa ‘yo na may pupuntahan kaming gathering sa Maynila, ‘di ba? So bakit kayo nag-assumed na kasama ko siya? Na magkasama kami?”“Sorry, Sir. Nagkamali ako sa part na iyan and inaamin ko naman po,” hinging paumanhi
KINABUKASAN ay maaga siyang umalis ng mansyon dahil excited na siyang makita ang dalaga. Hindi niya mawari ang kanyang naraaramdanm dahil parang kinakabahan siya at hindi mapakali.Siguro dahil sa excitement na nararamdaman niya dahil sa matagal silang hindi nagkita ng dalaga at iniisip niya kung galit pa bai to sa kanya hanggang ngayon.Alas sais pa lang ay nasa labas na siya ng gate ng staff house. Hindi na muna siya bumaba ng sasakyan at sa loob na niya nito hihintayin ang dalaga.Ngunit lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin lumalabas ang dalaga. Muli siyang naghintay at umabot na siya ng alas siete y media kaya nakaramdam na siya ng pagkainip.Kinuha niya ang kanyang cellphone at sinubukan itong tawagan. Ngunit nakapatay yata ang cellphone nito dahil hindi ito nag ri-ring.Nagpasiya na siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa staff house para kausapin si Meeny. Nagulat pa ito nang makita siya.“Oh, Sir! Good morning po! Ngayon lang po yata kayo napadaan ng ganitong oras!” Bati