You Will Marry Me

You Will Marry Me

last updateLast Updated : 2022-05-12
By:  ceathricOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
19Chapters
2.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Pinagtagpo si Rhea at ang "mapapangasawa niya" sa simbahan -- in the worst way possible. She barged into her ex-boyfriend's wedding to hopefully halt it, but she was unsuccessful. Malungkot man siya dahil walang nangyari, fate found its way to open a new chapter of her life through that. Doon niya nakilala si Elton. Isang araw, bigla na lang nagpropose itong estranghero sa kanya, e hindi naman nila kilala ang isa't isa at wala naman siyang feelings para sa kanya. Niyaya si ni Elton na magpakasal. It was a situation that would change Elton's life if she agrees or disagrees. Sa pagkakataong 'yon, fate connected two people who are both desperate. Elton will be forced to marry a woman entirely for the purpose of expanding their business and he doesn't want that at all. Binigyan siya ng magulang niya ng kondisyon na kapag hindi pa rin siya nagpakasal bago niya manahin ang kompanya, ikakasal siya sa babaeng tagapagmana rin ng kompanyang nais makipagkasundo sa kompanya ng magulang niya. Doon pa lamang, tutol na si Elton. Desperation led them to agreeing that they would marry each other for that reason. Lingid sa kaalaman nilang hindi ganoon kadali ang ninanais nila -- mayroon pa ring mga bagay na hahadlang sa kanilang marriage. Isang bagay lang ang lulutas sa problema nilang 'yon, at ang solusyong 'yon ay ang mahalin nila ang isa't isa. Magkaroon kaya ng paraan para matuto nilang mahalin ang isa't isa, o ang papel na nagtakda sa kanilang dalawa bilang mag-asawa ang siyang magpapahirap sa buhay nila?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Itigil ang kasal!”

    Nag-init ang katawan ko matapos kong sumigaw nang pagka-lakas-lakas nang banggitin ng pareng magkakasal sa ex-boyfriend kong si Maverick ang sinasabi nila palaging “speak now or forever hold your peace”. Alam ko sa sarili kong kapag hindi ko pinigilan ang kasal na ito, habang buhay akong hindi mapapayapa. Habang buhay akong hindi matitinag sa ideyang kasal na ang lalaking minahal ko nang pagkatagal-tagal.

    Nagtinginan ang lahat sa akin. Lahat ng mukha na nakatuon sa akin ay kunot ang noo. Sa unahang banda ng simbahan ang mga pamilyar na mukha sa akin, katulad na lang ng Mama ni Maverick, at ang natira naman ay puro hindi ko kilala. Pero wala akong pakialam – hindi importante sa akin ang opinyon nila. 

    Nangangatal ang lalamunan ko at para bang nanlalamig ang dulo ng mga daliri ko. Kung kanina ay punong-puno ako ng determinasyon, binalot naman ako ngayon ng kahihiyan.

    “Ineng, pumunta ka rito. Kailangan nating pag-usapan itong objection mo. Hindi kailangang maging public forum ang ganitong sitwasyon,” pagsasalita ni Father sa mikropono. Taas-noo akong naglakad sa gitna ng red carpet at hindi ko pinansin ang nakakalait na tingin sa akin ng mga tao roon.

    “Pumunta muna tayo sa gilid.” Bumaba si Father sa podium at tinuro ang gilid ng simbahan na hindi makikita ng lahat ng tao sa loob. Sumunod ako kay Father at gano’n na rin si Maverick at ang kanyang wife-to-be.

    “Maaari ko bang malaman ‘neng kung ano ang rason ng pagpapatigil mo sa kasal na ito?” tanong ni Father sa akin. Pansin ko ang naiiritang mukha ni Maverick at ang mukha ng kanyang pakakasalan na punong-puno naman ng pag-aalala. Mukhang takot itong masira ang kasal nila. Tama lang, matakot siya dahil hindi pwedeng magpatuloy ang kasal na ito nang uuwi akong luhaan.

    Napalunok ako ng laway bago magsalita. Anang ko, “Father, hindi pwedeng matuloy ang kasal na ito. Limang buwan pa lang kaming nagbe-break nitong si Maverick at wala pa nga pong tunay na closure eh. Isang araw eh napansin ko na lang na hindi na niya ako friend sa F******k. Sabi niya po kailangan lang niya ng space pero bakit kasal ang dadatnan ko after five months?”

    Namugto ang mga mata ko. “N-napaka-unfair, Father. Hindi siya nagcheat pero isa siyang traydor. Napakasakit!” Galit ang hinayaan kong pumuno sa sistema ko ngunit pinagsamang galit at sakit ang naramdaman ko. Hindi ko na napigilang mapaluha. Tears just streamed down my face. 

    Sandaling tumigil si Father at tiningnan ang dalawa. “Ano ang masasabi niyong dalawa?”

    “Alam mo Father, wala lang talaga akong lakas ng loob na sabihin kay Rhea na gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya. Sinabi ko lang na kailangan ko ng space, but the space I want for me is to be separated from her. Then I met Regina.” Hinawakan ni Maverick ang kamay ng pakakasalan niang Regina pala ang pangalan. Hindi ko na ito naalala dahil kailanman ay hindi ako nagka-interes na alamin kung sino ito. Baka lalo lang akong mainis.

    Dagdag pa nito, “Kahit limang buwan pa lang ang pag-ibig namin, it was love at first sight, Father. Not even a first love can beat it – we’re just inseparable.” 

    Para bang nahulog ang puso ko sa narinig ko. Alam ni Maverick na alam kong ako ang first love niya, pero hindi niya nabanggit ever na love at first sight ang pag-iibigan naming dalawa. Para akong tanga na nakatitig lang sa kanilang sirain nang sirain ang puso ko. Pinunasan ko ang luhang kanina pa binabasa ang mukha ko.

    “Tingnan mo, Father, ang daming loopholes ng love nila diumano. Limang buwan pa lang magjowa pero kasal na agad? Meganon?” mataray na sabat ko. Tinawanan ako ni Father. Not funny.

    “I’m pregnant, Rhea. Tatlong buwan na,” singit ni Regina. Nanlaki ang mga mata ko.

    “H-ha?” gulat na tanong ko. Napatakip pa ako sa bibig. Totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito? Tinuro ko silang dalawa gamit ang mga daliri ko. “‘Yon pala, Father, eh. Buntis? Premarital sex, kasalanan ‘yan sa ating mga Katoliko. Itigil niyo na po itong kasal na ito.”

    Muli na namang tumawa si Father. “Hija, mawalang galang na, pero sa tingin ko’y malakas ang pagmamahalan ng dalawang ito. H’wag kang magagalit, ha?” anang Father. Bumigat ang pakiramdam ng dibdib ko sa narinig ko. Mas lalo pang masakit dahil mula pa sa pari. “Naiintindihan ko ang poot na lumalaki sa puso mo. Maaaring pagmamahal sa tingin mo ang rason kung bakit mo pinatigil ang kasal na ito pero ang nakikita ko sa ‘yo ay kailangan mo nga lang ng closure.”

    “Dito pa lang, kitang-kita ko na ang malalim na pag-iibigan ni Maverick at ni Regina. Hindi natatakda ng oras o panahon ang tunay na pagmamahalan ng dalawang tao, anak. Basta’t alam nila na mahal nila ang isa’t isa, ayos na ‘yon. Walang problema. Basta’t alam nila ang responsibilidad nila, walang problema,” pagpapatuloy ni Father. Kung tutuusin, may point siya. Pero hindi ako papayag na si Father ang gagawa ng rason para kay Maverick na hindi man lang siya humingi ng tawad sa akin. “Lalo pa akong binigyan ng Diyos ng rason para ituloy ang kasal ng dalawang ito.”

    Tumingin si Maverick at Regina sa isa’t isa at ngumiti habang hawak-hawak ang kamay ng isa’t isa. 

    “‘Neng, alam kong mahirap itong pinagdadaanan mo ngunit kapatawaran lamang ang kailangan mo para maka-move on sa problemang dinadala mo araw-araw. Hindi mo man kayang patawarin ang boyfriend mo ngunit it takes time to heal, ‘no?” Ngumiti lang si Father sa akin. Lalo pa akong naiyak kaya napasugod ako kay Father at niyakap ko siya. Emz, nakakahiya. Niyakap din ako ni Father.

    “Kung gusto mo ‘Neng, bisitahin mo ako bukas ng hapon, mga ala una. Mag-usap tayong dalawa.” Tumango ako sa sinabi ni Father. “At sa inyong dalawa naman, tuloy ang kasal.”

    Lalo pang sumaya ang dalawa. “Ngunit kailangan ni Maverick at nitong si Ineng na mag-usap. Kailangan ninyong humingi ng tawad sa isa’t isa.”

    Kinulbit ako ni Father at saka tinanong, “Gusto mo bang magdasal muna at magreflect dito sa church o gusto mong ihatid na lang kita sa labas?” 

    “P-pahatid na lang po Father sa labas,” nangangatal kong sagot. Tinapik-tapik niya ang likuran ko habang naglalakad kami sa gilid ng harapang banda ng simbahan hanggang sa makalabas ako.

    “Pagsubok lang ito ng Diyos, Ineng. Malalampasan mo rin ito.”

    Pagtapak naming dalawa sa labas, nginitian ko si Father. Tumungo ako bilang pasasalamat sa kanya. “Salamat po, Father, at pasensya na rin po.”

    “Walang anuman, anak.”

    Ngumiti na naman si Father bago bumalik sa loob ng simbahan. Sinigurado kong nakabalik na siya sa simbahan bago ako tumakbo nang pagkabilis-bilis patungo sa pinakamalapit na covered court. 

    Nakakahiya. . . At ang sakit.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
19 Chapters
Chapter 1
“Itigil ang kasal!”    Nag-init ang katawan ko matapos kong sumigaw nang pagka-lakas-lakas nang banggitin ng pareng magkakasal sa ex-boyfriend kong si Maverick ang sinasabi nila palaging “speak now or forever hold your peace”. Alam ko sa sarili kong kapag hindi ko pinigilan ang kasal na ito, habang buhay akong hindi mapapayapa. Habang buhay akong hindi matitinag sa ideyang kasal na ang lalaking minahal ko nang pagkatagal-tagal.    Nagtinginan ang lahat sa akin. Lahat ng mukha na nakatuon sa akin ay kunot ang noo. Sa unahang banda ng simbahan ang mga pamilyar na mukha sa akin, katulad na lang ng Mama ni Maverick, at ang natira naman ay puro hind
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more
Chapter 2
    Ang bilis ng tinakbo ko kahapon palabas ng simbahan dahil sa kahihiyan at kahit papaano, nabawasan na ang trauma ko sa simbahan dahil sa kashungahan na ginawa ko kahapon sa kasal nila Maverick. Mayroon pa ring sakit sa puso ko syempre, at kahihiyang matagal pa bago mawala dahil panigurado’y maraming nakakita noong pinigilan ko ang isang importanteng okasyon sa dalawang taong gustong mag-isang dibdib. Sinipot ko si Father kaninang tanghali at nag-iisa naman ako ngayon sa harap ng covered court na tapat ng simbahan, nakain ng kwek kwek.    Nakakagigil. Kung kahapon ay gusto kong sakalin ang dalawang ‘yon sa harap ng mga tao sa simbahan, baka kurot na lang o kaya sampal ang maaabutan nila mula sa akin. Comforting din naman ang mga salitang narinig ko mula kay Father –
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more
Chapter 3
"12 na restaurant  ang pagpipilian natin originally?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Sa pagtagal ng panahon, lalo lang akong napaghahalataang taga-bundok.Tumango lang siya. "Yeah, there's a lot of places here. Mostly are Japanese, though. I wanted to eat something that feels home so I decided to take you here," sagot nito sa akin. Wala akong ginawa kundi tumango nang tumango dahil bagong-bago sa akin ang lugar na ito.Bago dahil hindi naman ako mayaman. Actually, taga-probinsya ako. Lumayo lang ako sa mga magulang ko para abutin ang pangarap ko sa Manila. Scam pala ang sinasabi nilang marangyang buhay sa Manila.Marangya. . . More like walang’ya. Mabuti pa't nag-aral na lang ako noon sa state university. Buko
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more
Chapter 4
“Bwisit ka talagang lalaki ka. Sige na, I’ll hang up. Pag-iisipan ko ‘yang pabor mo.”“Yes!” masaya nitong sigaw.“Sabi ko’y pag-iisipan ko lang, hindi ko nabanggit na pumapayag na ako kaya h’wag ka munag mag-yes. Mamaya’y hindi ako pumayag tapos ikasal ka sa babaeng hindi mo naman bet. Char. Sige na!” Pinindot ko ang pulang button sa ilalim ng phone ko at natapos na ang phone call.Tinitigan ko ang maliit na papel na naglalaman ng contact information nitong si Elton. Mayroong pangalan niya, mayroong e-mail, mayroon ding contact number. ‘Yon lang? Binaliktad ko ang papel. To my surprise, mayroong nakasulat sa likod, ngunit hindi ito printed katula
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more
Chapter 5
    Parang bata kung mag-celebrate ang loko simula nang tanggapin ko ang alok niyang magpakasal. Maybe it was something that bugged him for so long kaya ‘yon ang naging outlet niya to release what he feels.     “I really can’t believe it’s happening. Thank you, Rhea. I can’t believe you’d actually agree. I’m at a loss of words. . .” Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang kasiyahan sa laki ng ngiti nito.     Kumunot ang noo ko. Hirit ko, “Alright, ikakasal na tayong dalawa. I agree to be your wife. But of course, tutal wala naman tayong romantic feelings for each other, sana man lang ay ituring mo ako with all respect. Tandaan mong malaking
last updateLast Updated : 2022-03-12
Read more
Chapter 6
    “Ang ganda yata natin ngayon, ah.”    Tinaasan ko ng kilay si Elton matapos niya akong i-compliment. Echosera. Anang ko, “Kung makapangbola akala mo naman hindi ako sinungitan noong unang araw nating nagkita.”    “Well, technically you’ll be my wife in a few days so I’m convincing myself that I’m in love with you already,” nakangising sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ‘yon. Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya.    “Bolera ka talaga, bwisit ka! Tara na nga.”   
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more
Chapter 7
“NGAYONG GABI?!”Napatakip ako sa bibig matapos kong banggitin ang sinabi ni Elton (in Tagalog). Mistulan bang nagliparan ang mga ibon sa paligid matapos kong sumigaw nang malakas dahil sa big revelation ni Elton.“Yeah.” Napakamot sa batok ang lalaking ito. “You know, like I mentioned earlier, I was supposed to tell you this earlier. Probably yesterday. But it completely slipped out of my mind. I'm sorry. It's really urgent, I have to convince my parents.”Napabuntong hininga ako. Sumuko na, sabi ko, “Sige. Alam mo namang kahit pa madaldal ako, kailangan ko ng enough na mental preparation, 'no. H'wag mo na uling kalilimutan na i-remind sa akin kapag may kailangan akong i-meet sa pamilya mo, alright? Mamamatay ako sa nerbyos, alam mo 'yon?”
last updateLast Updated : 2022-03-14
Read more
Chapter 8
“ARE YOU guys really in love with each other? Or is this one of your convenient ways, kuya?”    Para bang nahulog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Natasha. Lagot. Wala pa man kaming established friendship or whatever, baka turn off na ako kaagad para kay Natasha. Tiningnan ko si Elton at tumitig naman siya sa akin pabalik.    “Yeah,” tipid na sagot ni Elton. Kung kanina’y parang nahulog ang puso ko, ngayon nama’y parang tinulak ako mula sa pinakamataas na palapag ng Burj Khalifa. Talaga bang umaamin ang lokong ito na ikakasal lang kami dahil napilit niya ako?    Tumawa si Elton nang makita niya ang reaksyon ko
last updateLast Updated : 2022-03-15
Read more
Chapter 9
    Sobrang nakakatakot ng titig ng Mama ni Elton. Parang pakiramdam ko’y gagawin niyang miserable ang buhay ko hangga’t nabubuhay siya. . . o ako.    Tumayo siya sa harapan ko. Before she could even speak, I thought I should greet her first as a sign of formality. “Good evening po! Ako nga po pala si Rhea Tordecillo, I’m your son’s fiancee po. Nice meeting you po!” I offered my hand to shake with her at kinuha naman niya ito.    “Nice meeting you. I’m Rosalinda Villaflor, your fiance’s mother.” Lumapit naman siya sa akin para makipag-beso. Lagot, hindi uso ito sa aming mahihirap. Charot. &
last updateLast Updated : 2022-03-16
Read more
Chapter 10
    Isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nang mangyari ang family dinner na in-arrange ni Elton para sa pamilya niya to introduce me to them. To be honest, I was more traumatized than happy or relieved. The whole time, I felt like I wasn’t meeting his family – para lang akong dumaan sa mga research panelists defending my output – ito ngang peke naming pagmamahalan at ang sudden na pagpapakasal namin. I keep picturing Elton’s Mom’s snide remarks about the wedding.     “So why all of a sudden marry? You guys must have prepared prior to your announcement. Hindi ganoon kadaling mag-manage ng kasal sa simbahan in just a week or so,” anang Mama ni Elton.    
last updateLast Updated : 2022-03-17
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status